SA loob ng isang buwan na hindi niya nakikita si Yza ay parang isang taon na para sa kanya. Aaminin niya sa loob ng isang buwan miss na niya ito. Kung hindi dahil kay Kayla lagi niya sanang nakikita ang dalaga. Pero kailangan niyang samahan ang kapatid sa Manila. Inoperahan ito sa puso kaya kailangan na nandoon din siya.
Kararating lang nila dito sa Calatrava kaya agad siyang pumasok sa opisina dahil tambak na ang mga dapat niyang gawin. Pero ang isip niya ay akupado ni Yza gustong-gusto na niya itong puntahan. Ngunit may meeting pa sila ni Geo kasama ang mga Sangguniang Bayan.
Nang matapos ang meeting agad siyang lumabas ng building at sumakay ng sasakyan. Wala pang kalahating oras at nakarating na siya sa lugar kung saan nakatira ang dalaga. Dumaan muna siya sa center kung saan isa itong BHW. Sumulyap siya sa kanyang pambisig na relo, maaga pa para umuwe ito. Nasa tapat na siya ng center at kita niya na bukas pa ito. Ipinarada niya ang sasakyan sa tapat mismo ng center.
Pagpasok niya sa loob nakita niya si Yza na may ginagawa at nakatalikod ito. Fvck gusto niyang yakapin ito at hagkan sa labi. Ngunit kailangan niyang kontrolin ang sarili at baka lalo itong magalit sa kanya.
“Puwede ba akong magpakuha ng blood pressure?” malumanay niyang wika. Tila nagulat pa ito.
“Ay kabayong palaka.” gulat na wika nito kaya humarap ito sa kanya. Bahagya pa itong natulala pagkakita sa kanya.
“Napakaguwapo ko ba para matulala ka ng ganyan?” nakangiti na wika niya kay Yza.
Hinampas siya nito sa braso at kinunotan ng noo. “Anong kailangan mo at bakit nandito ka. Mag-aasar ka na naman ba?” mataray na tanong niya sa kanya sabay talikod para ipagpatuloy ang ginagawa.
Pero imbes na sumagot siya, umupo na lamang siya sa upoan. Nagbuntong-hininga siya dahil gusto niyang yakapin ang babaeng kaharap.
“Masakit ang ulo ko puwede mo ba akong kuhanan ng blood pressure?” nakiki-usap na wika niya rito.
Nakataas ang kilay na humarap ito sa kanya saka pinagkrus ang dalawang kamay sa dibdib.
“Vice, pumunta ka lang dito para lamang magpakuha ng BP? Samantalang malapit lang sa munisipyo ang center pati na rin ang hospital. Tapos dito ka pa nagpunta?” mataray na saad nito sa kanya.
“Namiss ko 'yang kamalditahan mo,” nakangising turan niya, kaya lalo tuloy siyang sinamaan ng tingin. “Please,” pakiusap na naman na wika niya rito.
Kinuha nito ang pangbp at saka inilagay sa braso niya. Nanatili lamang siyang nakatingin kay Yza. Nang matapos siyang kuhanan ng blood pressure sinamaan siya nang tingin nito.
“Ako ba ay pinagluluko mo. Sadya ba talagang masakit ang ulo mo. O, sadyang nandito ka para asarin na naman ako? Normal naman ang dugo mo, ah. 120 over 80.” tila naiinis na wika nito sa kanya.
Tumayo siya at humakbang papalapit sa babaeng laman lagi ng isipan niya pero bahagya itong umatras.
“Ang totoo niyan, puso ko ang hindi normal. Dahil simula nang makita kita hindi na siya normal tumibok. Sapagkat ginulo mo ang puso at isipan ko.” seryoso niyang wika kay Yza sabay hawak sa pisngi niya.
Nagulat ito sa ginawa niya kaya tinabig nito ang kamay niya. Akmang aalis ito sa harapan niya nang hapitin at yakapin niya ito.
D*mn bakit ganito ang nararamdaman niya sa babaeng ito. Gusto niyang hagkan ito pero baka magalit na naman ito sa kanya. Kaya pinigilan niya ang kanyang sarili. Pilit siya nitong tinutulak pero hinigpitan pa niya lalo ang pagkakayakap rito.
“Hayaan mo muna akong yakapin ka.” bulong niya rito. Naramdaman naman niya na hindi na siya tinutulak nito. Kaya hinaplos-haplos niya ang buhok ni Yza.
Hindi maintindihan ni Maysisa kung bakit niyakap siya ni Kian. Gusto niyang kumawala sa pagkakayakap nito. Kaya pilit niya itong tinutulak pero mahigpit ang pagkakayakap nito sa kanya.
Pero bakit may bahagi ng isip niya na, parang gusto niyang yakapin ito pa balik. Ramdam niya ang bawat t***k ng puso nito at ang paghaplos nito sa buhok niya. Hindi rin niya maintindihan ang sarili dahil parang na miss niya ang lalaki. Kaya walang alinlangan na niyakap niya ito nang pabalik. Ipinikit niya ang kanyang mata at dinama ang bawat t***k ng kanilang mga puso.
Nasa ganoon silang senaryo ng may biglang magsalita. Si Dion ang boyfriend ni Yza.
“Mahal,”
Biglang napamulat ng mata si Yza at saka itinulak si Kian. Nagulat sa biglang pagsulpot ni Dion. Tumingin siya kay Dion nababanaag niya rito ang galit
“Dion, mahal,” wika niya rito kahit na kinakabahan siya. Hindi siya nito sinulyapan nang tingin dahil nakatingin ito kay Kian. Lumapit siya kay Dion pero bigla itong tumalikod saka lumakad.
“Mahal! Sandali lang magpapaliwanag ako.” tawag niya kay Dion habang hinahabol niya ito. Tumigil ito sa paglalakad saka galit na humarap sa kanya.
“Anong ipapaliwanag mo. Yong nakita ko habang magkayakap kayo ni Vice. O, 'yong ilang beses na kayong naghalikan?” galit na tanong nito.
Napayuko siya sabay umiling-iling.“Mahal, mali ang nakita mo,” naluluha na niyang wika.
“Alin ang mali Yza? kitang-kita ko ang lahat. Itatanggi mo pa. Sabihin mo nga may relasyon ba kayo ni Vice?”
“Mahal, wala, magkakilala lang kami may problema 'yong tao kaya nakayakap sa akin.” pagsisinungaling niyang wika. Ayaw na niyang palakihin ang issue. Kilala niya si Dion sobrang seloso nito.
“Ay iyong ilang beses na kayong naghalikan. May problema ba din siya?” seryoso na tanong nito sa kanya. Hindi siya nakasagot hindi niya alam kung paano ipapaliwanag ang lahat. Hindi rin niya alam kung paano niya ito nalaman.
Magsasalita pa sana siya ng bigla itong tumalikod at sumakay sa motor nito.
“Mahal!” tawag niya kay Dion pero pinaandar na nito ang motor at umalis.
Tuluyan nang lumaglag ang luha niya sa mga mata.
“I'm sorry, hindi ko intensyon na mag-away kayo ng boyfriend mo.” wika ni Kian sa likod niya.
Galit na humarap siya rito. “Ano masaya ka na, dahil sa'yo nag-away kami ni Dion. Ano ba ang gusto mo at ginugulo mo ako. Dahil ba sa ginawa kong pagsagot-sagot sa iyo at pagduro kaya mo ginagawa ito?” umiiyak niyang tanong kay Kian.
"“No, Yza, ginagawa ko ito dahil ito ang gusto ko. Hindi ko alam pero gustong-gusto kitang makita. Mahal na nga siguro kita.” seryosong wika nito sa kaniya.
Gulat na patingin siya kay Kian dahil sa sinabi nito. Hindi siya makapaniwala na sasabihin ni Kian iyon sa kanya.
“Umalis ka na, Vice at huwag mo na akong gulohin pa.” wika niya kay Kian sabay alis sa harapan nito.