
BLURB
Kian Molina, 29 years old, gwapo matangos ang ilong, mabait, mayaman. Isang vice mayor sa isang Isla ng Romblon. Nasaktan at nagmahal sa isang babaeng may mahal ng iba.
Dahil sa trabaho niya bilang isang vice mayor kailangan niyang tulongan ang mga kababayan niyang walang-wala.
Sa pagmamadali niya muntik na niyang masagasaan ang isang babae na magpapabago sa kanya. Isang babae na unang pagkikita nila ay sinungitan siya at ubod ng maldita.
Namangha siya sa taglay nitong ganda may matangos na ilong mahahabang pilik mata. At higit sa lahat ang nag-iisa nitong dimple sa kaliwang pisngi na nakakaakit kapag tumatawa ito.
Minahal niya ito ng lihim araw-araw niya itong pinupuntahan sa center kung saan nagtratrabaho ito bilang isang bhw worker. Kahit na lagi siya nitong tinatarayan at sinusungitan hindi siya tumitigil na dalawin ito.
Sa hindi inaasahan na pangyayari, kinausap siya ng lolo nito na nag-aagaw buhay na. Hiniling sa kanya nito na pakasalan niya ang apo nito.
Hindi siya nagdalawang isip at tinupad niya ang kahilingan ng lolo nito. Dahil mahal niya ang apo nito.
Maysisa Delos Santos, 25 years old, maganda, mabait, masunurin at gagawin ang lahat para sa kanyang lolo na may sakit. Ngunit may ugali siyang ubod ng maldita at suplada. Lumaki siya sa kahirapan. Dahil sa kahirapan hindi siya nakapagtapos ng pag-aaral. Nag trabaho sa Manila bilang isang factory worker. At dahil sa may sakit ang lolo niya. Kinakailangan niyang umuwe ng Romblon.
Lumaking hindi man lamang nakikilala ang mga tunay na magulang. Lumaki siya sa mabubuting pangaral ng kanyang mahal na lolo. Isang bhw worker sa kanilang lugar.
Isang araw sa hindi inaasahan na pagkakataon magtatagpo ang landas nila ni vice mayor. Muntik na siya nitong mabangga. Tinarayan at sinungitan niya ito.
Ngunit isang araw magbabago ang lahat dahil sa kahilingan ng kanyang lolo.
Pumayag kaya siyang magpakasal kay Kian kung hindi n'ya naman mahal ito? Kung masama ang tingin niya rito?
Matutonan kaya niyang mahalin si Kian kung may mahal siyang iba?
Handa ba si Kian na pakawalan si Maysisa kung ito na ang mundo niya?
Kaya bang ipaglaban ni Kian ang pag- ibig niya kay Maysisa kung siya lamang itong nagmamahal?
O, ipaglalaban pa niya ito kahit nasasaktan na siya?
Masasabi kaya nila sa isa't isa ang salitang. . . BECAUSE OF YOU.
Abangan. . .

