HALOS paliparin na niya ang kanyang sasakyan dahil sa pagmamadali. Bakit kasi nakalimutan niya na ngayon pala ang binyag ng anak ni Geo. Napasulyap siya sa kanyang celphone ng tumunog ito. Kinuha niya ito at sinagot.
“Kian, nasaan ka na ba? Ikaw na lang ang hinihintay dito.” tanong ni Geo kay Kian ng sagutin nito ang tawag.
“Malapit na ako.” wika ni Kian kay Geo. Sigurado si Kian na sa mga oras na ito galit na si Geo. Binilisan pa niya ang kanyang pagmamaneho. Malapit na siya sa simbahan ng biglang may tumawid na dalawang babae. Bigla siyang napahinto at agad na bumaba para tingnan ang dalawang babae. Nakatayo na ang mga ito.
“Okay lang ba kayo?” tanong niya sa mga ito. Pero laking gulat niya nang dinuro siya ng isang babae.
"Hoy! lalaking antipatiko at mayabang bulag ka ba? Hindi porke't nakakotse ka, eh. Sa iyo na itong kalsada. Hindi mo ba kami nakita na tumatawid.” galit na wika sa kanya ng babae nakataas pa ang isang kilay nito.
Namangha pa siya dahil napakaganda ng babaeng kaharap niya.“Miss, sorry nagmamadali kasi ako.” paumanhing wika niya sa babae. Pero lalo tuloy siyang sinamaan ng tingin nito. Kaya tinanggal na niya ang salamin sa kanyang mata. Kita niya na nagulat ang isang babae na kasama nito.
“Sorry ang mukha mo,” singhal ng babae sa kanya. “Palibhasa mayaman kala mo kung sino.” wika pa nito sa kanya.
“Oi, Maysisa, tumigil ka na si Vice Mayor Kian iyang kausap mo.” pagpigil ng kasama nito sa babaeng kaharap niya.
“Wala akong pakialam kung vice mayor pa siya. Muntik na tayong mamatay ng dahil sa kaniya, antipatiko.” mataray na wika nito.
“Ah, vice-mayor, mauna na po kami, ha. Pasensiya na po dito sa kaibigan ko. Medyo may pagkamaldita kasi ito.” paumanhing wika ng babae sa kanya.
Tumingin ito sa kasama niyang babae. “Bakit ka ba humihingi ng pasensiya diyan. Oi, lalaki, sa susunod sa kalsada ang tingin para wala kang masagasaan.” galit na baling nito sa kanya.
Umalis na ang dalawa sa harapan niya. Pero siya ay nakatingin pa rin sa dalawang babae papalayo na. Napapangiti siya sa kamalditahan ng isang babae. Sa buong buhay niya ngayon lang siya nakatagpo ng babaeng matapang at ngayon lang may babaeng dumuro sa kanya.
“Maysisa, Maysisa pala ang pangalan mo. Magkikita pa tayo. At sisiguradohin ko na magiging akin ka.” wika niya sa sarili habang may nakakalukong ngiti sa labi.
Nang matapos ang binyag ay dumaretso siya sa mansion nina Geo. Agad siyang pumasok sa loob ng bahay. Maraming mga bisita, lahat ng mga kilalang tao ay imbitado pati lahat ng government employee's . Nilapitan niya si Geo na kausap si Governor Matthew. Habang nagkikipagkwentohan sila, lumapit si Charie sa kanila at binigay kay Geo si Baby Zia.
Nilaro-laro niya ang kamay ni Zia at mukhang naguhustohan nito dahil panay ang tawa nito.
“Kian, mag-asawa ka na para may lalaruin ka na rin.” natatawang wika ni Geo sa kanya.
Nakangising tumingin siya kay Geo. “Wala pa sa isip ko 'yan. Nag-e-enjoy pa ako ngayon.”
“Naku! Tama na ang paglalaro sa mga babae Kian. Pakasalan mo na si Irish Critine at baka mainip iyon sa kahihintay sa iyo.” nakangising wika sa kanya ni Gov. Matthew.
Napailing-iling na lamang si Kian sa sinabi ni Gov. Si Irish Critine ang babaeng malaki ang pagkagusto sa kanya. Kaya kahit anong pagtataboy niya dito ay bumabalik-balik pa rin. Kaya takbohan niya ito kapag kailangan niyang ilabas ang init ng kanyang katawan.
Matagal na nitong sinasabi sa kanya na magpakasal na sila pero lagi niya itong tinatanggihan. Hindi dahil ayaw pa niyang mag asawa kundi hindi siya ang pinangarap niyang maging asawa.
Inakala niya dati ng makita niya si Charie, akala niya ito na ang babaeng ihaharap niya sa altar. Minahal niya ito pero sadyang hindi sila ang para sa isa't isa. Kaya kahit masakit na ipaubaya siya kay Geo. Nagparaya siya. Hindi na niya pinaglaban ang nararamdaman para kay Charie. Sapagkat ramdam niya na mahal nila ang isa't isa.
At ngayon masaya na sila. Kaya masaya na rin siya para sa kanila. Ngayon pinipilit niyang mag move-on at tanggapin ang lahat.
Bumaling siya ng tingin kay gov. “Bakit ikaw Gov. Bakit hanggang ngayon wala ka pa ring asawa?” Tanong niya sa kanilang governador. Matanda ito sa kanya ng dalawang taon. May isa itong anak at inaanak pa niya sa binyag. Isang taon na ang nakakaraan nang mamatay ang asawa nitong si Arrah.
“Hindi ko pa ulit nakikita ang the one ko.” nakangiti nitong wika sa kanya.
Maya maya lumapit na sa kanila si Charie at kinuha si baby Zia kay Geo. Iniwan na sila ni Geo inasikaso na nila ang kanilang mga bisita.
Nagpaalam siya kay Gov. Matthew. Nakakaramdam na kasi siya ng gutom kaya pumunta siya sa table kung saan nakahilira ang mga pagkain. Pagkakuha niya ng pagkain humanap siya ng bakanteng table. Nakita niya ang kanyang magulang at kapatid. Kaya lumapit siya dito at umupo.
“Kuya, may nakita akong magandang babae kanina. And I like her.” wika ng kaniyang kapatid.
Nasamid siya sa sinabi ng kapatid. “Kayla, kung ano-ano 'yang sinasabi mo. Teka kumain ka na ba?” tanong niya dito.
“Kuya, nakakain na ako, kasabay ko nga si Ate Yza na kumuha ng pagkain, eh. Kuya ang ganda niya may malalim na dimple dito sa pisngi. At bagay kayo.” wika nito sa kanya habang palinga-linga ito. Na tila ba may hinahanap.
Kumunot ang kanyang noo. “Ate Yza, Sino 'yon. Teka sino bang hinahanap mo diyan?” tanong niya sa kanyang kapatid.
Pero imbes na sagutin ang tanong niya hinila siya nito patungo sa isang table na may dalawang babaeng nakaupo.
“Hello, Ate Yza ganda.” wika ni kayla sa babaeng nakatalikod sa kanila.
Nakangiting humarap ito sa kanila ganon na lamang ang pagkagulat niya ng humarap ang babae. “Ikaw?” tanong niya sa babae. Bahagya din itong nagulat ng makita siya. Pero nakataas ang isang kilay nitong nakatingin sa kanya.
“Kuya, magkakilala kayo ni ate ganda?” nagtatakang tanong ni Kyla sa kanya.
Nanatiling nakatingin siya sa babaeng nasa harapan niya ngayon ang babaeng mataray at suplada. Ang babaeng nagduro sa kaniya kanina. Ang babaeng maganda sa paningin niya.
“Yes, bunso siya 'yong babaeng nililigawan ko ngayon.” nakangising wika niya.
“Ano?” nanlaki ang mata nito na turan sa kaniya. “Hoy! lalaking antipatiko anong sinasabi mo diyan?” galit na wika nito sa kanya.
Nakatingin na sa kanila ang ibang bisita kaya para makaiwas sa sasabihin ng ibang tao. Walang ano-ano at hinalikan niya sa labi ang babaeng galit na galit sa kanya.