CHAPTER 3

1096 Words
AGAD na itinulak ni Yza si Kian nang maghiwalay ang kanilang labi. Hindi niya namalayan na tumutugon pala siya sa halik nito. Akmang sasampalin niya ito ng magpalakpakan ang mga tao sa kanilang paligid, lalo na si Kyla. Tuwang-tuwa ito sa nakita niya. Si Ivy naman ay nakatulala lamang na nakatingin sa kanila. “Vice, ang ganda naman ng girlfriend ninyo.” wika ng isang matandang babae. “Hindi po niya ako gi—” hindi na niya natuloy ang nais sabihin ng hapitin siya sa bayweng nito at idinikit sa kanya. “Nililigawan ko pa lamang po.” nakangiti nitong wika sa matanda. Kaya sinamaan niya ito ng tingin. “Huwag po kayong mani—” Isang mabilis na halik ang nagpatigil sa kanya. Smack lamang ang halik na binigay nito sa kanya. Tiningnan niya ito ng masama at tinaasan ng isang kilay. Hindi niya alam kung anong laro ang ginagawa ng lalaki sa kanya. Siguro ginagantihan siya dahil sa nangyari kanina. Halos maiyak siya sa inis dahil ang lalaking katabi niya ay halos lumabas na ang lahat ng ngipin dahil sobrang lapad nang pagkakangiti nito. Tila nasisiyahan pa sa ginagawa sa kanya. Ramdam niya ang bahagyang pagpisil nito sa beywang niya. Kaya sa inis inapakan niya ang paa nito. Kaya napangiwi ito sa sakit, hindi naman lingid sa matanda at kay Kyla ang ginawa niya kay Vice. Nagtataka ang mga ito na nakatingin sa kanila. “Naapakan ko po kasi ang paa niya. Di ba Kian?” nilakihan niya ito ng kanyang mata. Napakamot naman ito sa kanyang buhok sabay ngiti sa dalawa. “Kian, anong nangyayari dito?” tanong ng isang babae medyo may edad na pero makikita pa rin dito ang angking kagandahan. “Mommy, siya po si Ate Yza girlfriend po ni kuya.” wika ni Kayla sa ginang. Kaya nagtatakang tumingin ito sa kanya. “Ah, ma'am hindi n'ya po ako girlfriend.” nahihiya niyang wika sa ginang. Bakit ba kasi ang daldal ng batang ito. “Mom, nililigawan ko pa lamang siya.” nakangiti nitong wika sa mommy niya. Kaya tinaasan niya ito ng isang kilay, pero nginitian lamang siya nito. Sumilay ang munting ngiti sa labi ng ginang. “Iha, ang ganda mo hindi nagkamali ang aking anak na ikaw ang niligawan.” nakangiti nitong ani sa kanya. “Naku naman napasubo na nga ako, ano ba itong napasukan ko. Ang sarap hambalusin ng tubo itong lalaki na katabi ko. At ang antipatiko mukhang nag e-enjoy sa ginagawa." inis na wika niya sa kanyang sarili. Nasaan na ba kasi si Ivy nandito lang 'yon kanina, ah. Nagpalinga linga siya upang hanapin ang kanyang kaibigan. “Babe, may hinahanap ka ba?” tanong sa kanya ng antipatikong lalaki. Ang lakas talaga nang pag-asar nito. Kaya naman galit na tiningnan niya ito. At ang antipatiko nakangiti pa ang sarap talagang pokpokin. Magsasalita pa sana siya ng bigla siyang hilahin ni Ivy at walang pasabi na tumakbo sila. Parinig pa niya na may tumawag sa kanyang kaibigan kaya lumingon siya. Si Gov Matthew ang tumatawag kay Ivy. Pero tila bingi ang kanyang kasama tuloy-tuloy silang tumakbo. Muntikan pa siyang madapa dahil sa ginawang paghila nito sa kanya. Hingal na hingal na siya kaya bumitaw siya sa pagkakahawak ng kamay nito sa kanya. “Teka lang sissy, time out muna hindi na ako makahinga.” nahihirapan niyang wika kay Ivy. Malayo na sila sa mansion ng mga Aclan. “Bakit ba tayo tumatakbo at t'yaka tinatawag ka ni Gov. Matthew bakit hindi tayo huminto?” hingal na tanong niya rito. Pero imbes na siya ay sagutin, nagpatuloy ito sa paglalakad. Kaya nagtataka na lamang siyang sumunod dito. “Bakit ka hinalikan ni Vice Kian kanina?” tanong nito sa kanya nang magsabay na sila sa paglalakad. “Huwag mo nang itanong sissy at hindi ko rin alam. Antipatiko na 'yon, napakawalang hiya talaga. May araw din' yon sa akin.” galit na wika niya. Uminit na naman ang ulo niya nang maalala 'yong tagpo kanina. Humarap sa kanya si Ivy. “Sissy, baka ginantihan ka ni Vice dahil doon sa ginawa mo kanina. Ikaw ba naman kasi ang tarayan at sungitan. Ang malala pa dinuro mo siya.” seryoso nito na wika sa kanya. Kaya na patingin siya rito at bahagya niyang inikot ang mata niya. “Buti nga 'yon sa kanya kung hindi ba naman kasi siya patanga-tanga. Eh, 'di sana hindi niya tayo muntikan na mababangga.” mataray niyang wika kay Ivy. “Oi! sissy, si Vice ang sinasabihan mo ng ganyan.” wika nito sa kanya. “Ano naman? Kilala mo ako sissy, mabait ako pero kapag ako ang tama pinipilit ko talaga at saka lumalabas talaga ang pagkamaldita ko at suplada kahit sino man siya.” maldita niyang sagot. “Ewan ko sa'yo sissy, bawas-bawasan 'yang pagkamaldita mo at suplada. Paano kung idemanda ka ni Vice?” tanong nito sa kanya. Paano nga kaya patay sa kulungan ang bagsak niya? Paano na ang lolo niya? “Ano, natahimik ka na diyan?” Tumigil siya nang paglalakad. “Paano nga sissy?” nagugulohan niyang tanong. “Ay, di'y sa kulongan ang bagsak mo. Huwag kang mag-alala dadalawin kita roon.” natatawang wika nito sa kanya. Kaya hinampas niya ito sa balikat at tinaasan ng isang kilay. “Natatakot na nga ako may gana ka pang tumawa diyan.” inis na wika niya rito. Lalo pa tuloy itong tumawa. “Ikaw! Sa maldita mo na iyan, natatakot ka. Samantalang kanina kung sagutin mo si Vice hindi ka natakot.” naiiling na wika nito sa kanya. “Ang totoo niyan nagulat ako nong sabihin mo sa akin na si Vice 'yon. Kaso huli na para bawaiin ko 'yong mga nasabi. Kaya iyon pinanindigan ko na na ang pagiging mataray ko.” turan niya rito. Ang totoo kinakabahan talaga siya. Paano kung bukas ipatawag siya ni Vice at ipakulong siya? “Bakit mo kasi sinagot ng ganoon si vice? Tinawag mo pang antipatiko at mayabang.” “Kilala mo ako sissy, alam mo ang ugali ko. Mabait ako pero may pagkamaldita, hindi mo ako masisisi kung nasabi ko iyon sa kanya. Muntik na tayong mabangga ng mayabang na 'yon.” may galit na wika niya kay Ivy. “Ewan ko sa iyo, bakit kaya ako nagkaroon ng kaibigan na ubod ng suplada at maldita?” wika nito sabay na lumakad. “Oi, sissy! Huwag ka kahit maldita ako maganda naman. Kaya hindi ka rin lugi.” natatawa niyang wika kay Ivy. Inirapan siya nito at nagpatuloy sila sa paglalakad. Bahala na bukas.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD