Tahimik na kumakain sila ng kanyang lolo ng may biglang kumatok sa pinto. Hindi niya ito pinansin at nagpatuloy lamang siya sa pagkain. Ngunit sadyang makulit ang taong nasa labas at hindi ito tumitigil sa pagkatok.
“Apo, buksan mo na at baka si Ivy 'yan.” utos na wika ng lolo niya sa kaniya.
Kaya inis na tumayo siya ang pinakaayaw pa naman niya ay 'yong naiistorbo ang pagkain niya. “Naku! Lagot ka sa akin, kung sino ka man na kumakatok?” inis na wika ni Yza sa kaniyang sarili.
Nakangiting mukha ni Kian ang kanyang napag buksan. Nagulat pa siya dahil hindi niya inaasahan na ito ang taong kumakatok.
“Anong ginagawa mo dito? Paano mo nalaman itong bahay namin?” mataray na tanong niya dito.
Walang imik na lumapit ito sa kanya at walang ano-ano na hinalikan siya sa labi. God na miss niya ang lalaki na 'to at ang halik nito. Kaya tinugon niya ang banayad na halik nito.
“ Yza apo, sino ba 'yang tao?”
Naitulak niya si Kian, nang magsalita ang kanyang lolo sa likod niya. Nahihiya siyang tumingin sa kanyang lolo.
“Magandang gabi po,” magalang na bati ni Kian sa lolo niya.
“Aba, Vice, ikaw pala? Anong ginagawa mo dito sa amin.” nakangiti na tanong ng lolo niya.
“Aakyat po sana ako ng ligaw sa apo ninyo.” seryoso nitong wika sa kanyang lolo sabay hawak sa batok nito.
Nagulat na napatingin si Yza kay Kian, dahil sa sinabi nito. “Ano daw liligawan siya ng antipatiko na 'to? Balak na naman ba nito na gulohin siya?” tanong niya sa kanyang sarili. Sinamaan niya ito ng tingin kaya umiwas ito nang tingin sa kanya.
“Ganon ba, Kian sige pumasok ka,” turan ng kanyang lolo dito.
“Lolo, hindi po siya manliligaw,” nakanguso niyang wika sa kanyang lolo. “Ano ba kasing ginagawa mo dito antipatikong mayabang?” mataray na tanong niya kay Kian.
“Maysisa, umayos ka si Vice 'yang kausap mo. Matuto kang gumalang sa bisita,” sermon na wika ng kanyang lolo. Kaya wala na siyang nagawa kundi sundan ng tingin ang lalaki papasok sa kanilang bahay.
Nakasimangot na bumalik siya sa kusina para ipagpatuloy ang pagkain niya. Lalo siyang nainis nang magsalita ang kaniyang lolo.
“Apo, tawagin mo doon si Vice para kumain. At baka hindi pa 'yon naghahapunan.” utos ng lolo niya sa kanya.
“Lo, naman, eh, nakakain na po 'yon. At saka nakakahiya itong ulam natin.” maktol na wika niya sa kanyang lolo.
“Maysisa,” seryosong nakatingin ang lolo niya sa kanya. “Basta tawagin mo si vice doon. Huwag kang bastos sa bisita.” sermon na naman na wika nito sa kanya. At kapag buong pangalan na ang tinawag nito sa kanya asahan niya na galit na ito.
Kaya wala siyang nagawa kundi sundin ang kanyang lolo.
Padabong na lumakad siya patungo sa sala kung saan nandoon ang lalaki. Nakatalikod ito at may kausap sa cellphone. Kaya hindi nito nararamdaman ang presensiya niya kaya malaya niya itong tiningnan. Kahit nakatalikod ito, makikita pa rin ang angking kaguwapohan nito.
Hinintay niya na matapos ito, bago siya tuloyang lumapit dito.
“Bakit ka ba nandito? Ano bang kailangan mo?” mataray niyang tanong kay Kian na ikinagulat nito.
“Namiss ko 'yang pagkamaldita mo,” nakangiti nitong wika sa kanya.
Magsasalita pa sana siya ng biglang tinawag na sila ng lolo niya.
“Gusto ni lolo na sumabay ka sa pagkain namin. Kaya sumunod ka,” nakasimangot niyang wika kay Kian.
Napapakamot naman sa kanyang ulo si Kian dahil sa inasta sa kanya ni Yza. Kaya napapailing siya na sumunod dito.
“Vice, pagpasensiyahan mo kung 'yan lang ang aming nakayanan na ipakain sa'yo. Hindi tulad sa inyo na masasarap ang pagkain na nakahain sa mesa.” paumanhing wika ng lolo niya kay Geo.
“Kian, na lamang po Lolo at saka po h'wag po kayong mag-alala at okay lang ako. Hindi po ako maarte pagdating sa pagkain. Ang totoo po favorite ko itong tuyo tapos po may sawsawan na suka with sili.” nakangiti nitong wika sa kanyang lolo. Tumingin ito banda sa kanya pero inirapan niya lamang ito.
“Mabuti naman at gusto mo pala 'yang ulam natin. Totoo ba ang sinabi mo kanina na liligawan mo itong apo ko?” tanong ng kanyang lolo kay Kian na kinabigla ni Yza.
“Lolo!”
Bago ito sumagot ay tumingin muna ito sa kanya at saka ngumiti. Umiwas naman siya ng tingin kay Kian kasi pakiramdam niya namumula na ang pisngi niya sa hiya dahil sa tanong ng lolo niya.
“Opo, totoo po ang sinabi ko.”
Nanlaki ang mata niyang bumaling ulit ng tingin kay Kian. Nakangiti pa rin itong nakatingin sa kanya.
“Seryoso ka ba? Kasi kung hindi huwag mo ng ituloy dahil ayaw kong nakikita na nasasaktan ang apo ko. Ilang gabi ko na 'yang naririnig na umiiyak. At alam kung si Dion ang iniiyakan niya.” seryoso na wika ng kanyang lolo.
Napatingin siya sa kanyang lolo seryoso habang kumakain. Paano niya nalaman na umiiyak siya? Hindi nga niya pinapahalata dito ang problema niya para hindi ito mag-alala. Yon pala alam ng kanyang lolo.
“Mahal, ko po ang apo ninyo,” pag-amin nito. “Minahal ko na siya unang pagkikita pa lamang namin.” nakangiti nitong saad sa kanyang lolo.
Tulala na nakatingin lang siya kay Kian. Hindi niya akalain na sasabihin nito na mahal siya.
“Mabuti kung ganoon, Kian ngayon hindi na ako mag-aalala na iwan siya,” malunglot na wika ng kanyang lolo
“Lo, ano bang pinagsasabi ninyo?” tanong niya sa kanyang lolo.
“Kumain na tayo at lalamig ang pagkain.” tanging wika nito.
Tahimik na pinagpatuloy nila ang pagkain. Hindi maiwasan ni Yza na sulyapan si Kian napapangiti siya dahil hindi ito maarte pagdating sa pagkain. Sarap na sarap ito sa kinakain na tuyo.
Nang matapos silang kumain ay agad niyang hinugasan ang kanilang pinagkainan. Ang lolo niya at si Kian ay nanonood ng tv sa sala. Patapos na siya ng paghuhugas ng may magsalita sa likod niya.
“I'm sorry, I know, ako ang dahilan kung bakit wala na kayo ni Dion. And I'm sorry about that.” wika ni Kian kaya humarap siya dito.
“Bakit ka ba nandito? Anong kailangan mo sa akin? Kung paglalaruan mo ako, sinasabi ko sa iyo ngayon pa—” hindi na niya natuloy ang nais sabihin nang maglapat ang labi nito sa labi niya. Mapusok ang halik nito pilit niyang itinutulak si Kian pero tila bakal ito. Hanggang unti-unti niyang tinutugon ang mapusok nitong halik.
Tumagal ng ilang segundo ang halikan nila at kapwa humihingal nang maghiwalay ang labi nila.