NAGULAT at natuwa si Johanna nang makatanggap ng e-mail na nagsasabing kasama siya sa unang batch na kukuha ng written exam sa DRMMH. She had decided to stop going out at night. Pinag-aralan niya ang ilang module ng nursing sa Pilipinas imbes na lumabas at uminom. Napagpasyahang ipinapaubaya na rin lang niya sa tadhana ang halos lahat, lulubusin na niya. Kung talagang magkikita silang dalawa ni “Gorg,” magkikita sila kahit na hindi gabi at kahit na hindi sa bar o club. She missed him. Hindi na niya ikakaila ang bagay na iyon. Ngunit sinabi rin niya sa sarili na mas makabubuti ang ganoon. Isa pa, kung magtatrabaho nga siya ay kailangan na talaga niyang tigilan ang paglabas at pag-inom. She needed to clear her mind for the new start she had been planning to do. Walang alam sina Sybilla at

