“THIS is crazy,” sabi ni Johanna sa sarili. Nakatayo siya sa isa na namang bar. Mas tahimik kaysa sa pinuntahan niya noong Biyernes ng gabi. Inililibot niya ang paningin sa paligid na tila inaasahang nakaupo sa isang sulok o mesa si “Gorg.” Lunes ng gabi kaya naman mangilan-ngilan lang ang tao sa loob ng club. Aaminin niyang si “Gorg” ang dahilan kung bakit lumabas siya nang gabing iyon. Lumabas siya kasama si Sybilla noong isang gabi ngunit mas pinili niya ang mall kaysa sa dance club upang makapanood sila ng sine. Kumain sila sa isang restaurant pagkatapos at umubos ng dalawang bote ng mamahaling red wine. Umaasa nga ba talaga siyang magkikita sila ni “Gorg” ngayong gabi? Hindi niya kilala ang lalaki. Malay ba niya kung may trabaho ito at hindi maaaring magpuyat ngayong weekday. Hindi

