EPISODE- 1

1626 Words
PAWISAN si Reegan nang magising at halos manuyo ang kanyang lalamunan sa matinding uhaw. Ang pakiramdam niya ay naglakbay siya mula sa mahabang disyerto. Kaya nagmamadaling bumangon at nagtungo sa kusina. Maraming gabi nang lagi siyang dinadalaw ng masamang panaginip. Magmula ng gabing 'yon ay hindi na siya pinatapatahimik ng iba't-ibang alalahanin. Wala na rin siyang peace of mind. Ito na ba ang tinatawag o umiiral ang matinding konsensya. Dahil nakagawa siya ng malaking kasalanan sa isang inosenteng babae? "Bok, nanaginip ka na naman ba? hindi ka yata marunong magdasal kaya lagi kang binabangungot?" "Huwag mo nga akong asarin, pag ganito na kulang pa ako sa tulog ay baka sapakin kita." "Ito naman hindi na mabiro, ano sasama ka ba?" "Saan naman?" "Nakalimutan mo ba na ngayon ang party ni Big boss?" "Kayo na lamang ang lumakad, dito na lang ako. Mas mabuti pang matulog na lamang kisa pumunta. Inuman lang naman ang naghihintay sa atin doon." "Sabagay tama ka, isa pa sigurado naroon ang anak ni Bigg Boss." "Kaya nga eh, parang wala pa naman kahihiyan ang babaeng 'yon. Kahit sinong lalaki na makursunadahan ay siguradong sa kwarto niya ang bagsak." "Bakit, nadala ka na ba niya sa loob ng kwarto?" "Tsimoso ka, siga maiwan na nga kita at maliligo muna ako." iniwan na niya ang kaniyang kasamahan. Bumalik siya sa kwarto at pumasok na sa loob ng banyo. Ilang taon na nga ba siya sa serbisyo, limang taon o anim na taon na yata. Ngunit hanggang ngayon ay walang direksyon ang kanyang buhay. Magmula nang magkasakit ang kaisa-isang kapatid ay nawalan na siya ng gana upang makihalubilo sa kapwa niya CIA. Ang kawawa niyang kapatid ay naging biktima dahil sa lubos na pagtitiwala. At ang babaeng 'yon na siyang may kasalanan ay malaya at nagagawa ang lahat ng bawat naisin sa buhay. Dahil din sa babaeng siyang resposible sa kapatid ay nakagawa siya ng malaking pagkakamali. Ang babaeng hanggang ngayon ay patuloy na hindi nag papa tahimik sa kanyang konsesnya. Pati ang pisan na si Lindsay ay kanyang iniwasan. Dahil nag-aalala siyang baka madamay ito sa galit ng mga Montemayor. Kung sakaling lumabas na ang katotohanan. Isang gabi sa Karaoke Bar & Restaurant. Nakaupo siya sa counter habang umiinom. Nang isang grupo ang namataan niya sa entrance. Papasok ang mga ito sa loob kaya agad siyang naging alerto. Hindi siya nag pahalata at nagyuko lang ng ulo. Upang kung sakalai ay hindi siya mamukhaan. "Iyang si Reegan, hindi ba kayo nakakahalata. Palagi na siyang umiiwas sa mga lakad natin? Sigurado dahil iyon sa nalalapit na promotion. Baka hinangad na sa kaniya iyon mapunta.""Ambisyoso rin eh, saka hindi naman ako papayag kung sakaling siya ang ma-promote.""Bakit anong gagawin mo kung sakali?""Alam n'yo na 'yon, madali lang naman parang hindi tayo CIA Agent.""Shhh, masyado kayong maingay baka may makarinig. Alam n'yo na hindi dapat may makaalam kung sino talaga tayo.""Fine! Basta, ang suporta ninyo huwag kalimutan kung kanino nararapat.""Syempre naman." Hindi na lang niya pinapansin ang iba pang usapan. At mabuti na lang pala ay nagpunta siya sa lugar na iyon. Pinagpaplanohan na pala siya ng mga kasamahan. Kaya matapos mainom ang dalawang shots ay tumayo na siya. Pagkatapos ay tuloy tuloy niyang nilisan ang lugar. Bumalik siya sa quarters at pagpasok niya ay wala siyang nakita kahit isang kasamahan. Nagpalingalinga pa siya ngunit wala talagang tao. Akmang lalabas na siya ng may maulinigan. May mga ungol na kakaiba kaya dahan dahan siyang sumilip. "Harder Babes, sh*t! ang galing mo talagang bumayo.""Ititigil ko ito pag hindi ka nakiayon sa plano?""Fine! Ako na ang bahala sa lalaking 'yon, alam mo naman na matagal ko na siyang type. Ewan ko ba naman at bakit hindi niya pinapatulan ang panunukso ko.""This time siguraduhin mong mawawala siya sa landas ko!""Yes, babes...Ooh! make it fast, Aah...sh*t!" Gustong matawa ni Reegan nang makilala ang babae. Kaya naman pala ilang beses na siya nitong sini-seduce. Hindi lamang niya ito type. Isa pa ay kasamahan nila sa grupo kaya ayaw niyang patulan. Ngunit sa narinig ay bumuo siya ng plano. Kailangan mapaamin niya ang babaeng ito. Kung sino ang pinaka mastermind upang ipapatay siya. Maingat siyang umalis at nagtuloy na sa higaan. Bago nahiga ay kinapa niya ang dalawang double blade swiss knife sa ilalim ng kaniyang higaan. At nang masiguro na naroon sa dating kinalalagyan ay umayos na siya ng higa. Hindi siya mangingiming pumatay kung kinakailangan. Nang maulinigang parating ang mga kasamahan ay mabilis na pumikit. Sinikap na pakalmahin ang sarili dahil baka makahalata ang mga ito. Malakas pa naman ang pakiramdam ng mga kagaya niya. Pasimple siyang nag dilat ng mata. Dahil biglang tumahimik ang paligid. Sa bilis ng pangyayari ay agad siyang nakatayo. Pagkatapos ay malakas niyang sinipa ang sumalakay sa kaniya. "Gusto mo akong patayin? In your dream, at dahil ikaw ang nanguna ay ito ang sa'yo." sa bilis ng galaw ay nakuha agad niya ang kutsilyo sa ilalim ng kama. Pagkatapos ay walang alinlangan na pinalipad iyon. Sapol sa braso ang nagtangka sa kanya. Sabay talsik ng hawak nitong patalim. "Hindi ang klase mo ang papatay sa akin, go! Baka tuluyan kita, alis!" Binalewala niya ang ibang CIA Agent na nakatingin lamang sa kaniya. At ang iba ay parang gusto pa siyang sugurin. NANG sumunod na mga araw naglalakad siya patungo sa bahay nila ng may humarang sa kanyang tatlong lalaki. Agad siya umatras upang makapag handa kung sakaling may planong pagtulungan siya ng mga ito. Nang biglang mag-alis ng suot na shade ang isa sa tatlo. Namukhaan niya agad ito ang pinsan ng babaeng nagawan niya ng malaking kasalanan. “Anong kailangan nyo sa akin?” seryoso niyang tanong sa tatlo at sumagot din naman agad ang mga ito. “Kung ayaw mong muling mabugbog ay huwag mong tangkain na magpakita pa sa kanya. Magpasalamat ka na lamang dahil last time ay hindi ka namin pinatay.” Nag-init ang kanyang ulo sa kayabangan ng isang ‘to. Ganun pa man ay totoo naman ang sinasabi nito sa kanya. Dahil matapos siyang bugbugin ng mga ito ay pinalaya din naman agad. “Huwag kang mag-alala never akong magpapakita sa pinsan n’yo.” seryoso pa rin niyang sagot dito. “Gawin mo hindi yong umaaligid ka dahil gusto mong makita ang bata!” hindi siya nakasagot sapagkat totoong maraming beses na siyang nagtangkang lapitan ang mag-ina. Ganun pa man wala naman siyang plano na magpakita sa mga ito. Kuntento na siyang natatanaw sa malayo ang anak habang yakap ito ng kanyang ina. At makalipas ang ilang segundo ay nagpasya siyang ipagpatuloy ang paglalakad. Bago tuluyang tinaluran ang tatlong lalaki. At kahit nanggagalaiti siya sa galit ay sinikap na kontrolin ang sarili. Sapagkat kung magpapadaig siya sa kanyang emosyon. Wala rin namang magandang kahihinatnan ang lahat. Hindi dahil takot siya o duwag, ngunit iyon lang ang paraan. Upang hindi na lalo madagdagan ang galit at pagkamuhi sa kanya ni Kathleen Montemayor. Malapit na siya sa bahay nang biglang may tumawag sa kanyang pangalan. “Pareng Reegan!” pag lingon niya dito ay malakas siyang nahila nito. Halos sumadsad sila sa wall at kung hindi nagawang itukod ang isang kamay. Malamang na sumalpok ang kanyang mukha. Dalawang putok ng baril ang narinig nila ng kanyang kasamahan CIA. “Pare, talagang papatayin ka ng mga tarantadong ‘yon.” “Sinong gustong pumatay sa akin?” nagmamaang-maangan niyang tanong dito. Upang hindi nito mahalata na may alam na siya. “Ang grupong nagtangka sayo noong isang gabi.” “Salamat, pala sa pagliligtas mo sa akin.” “Wala yon, basta mag-ingat ka lagi. Ngayon ay matindi na ang kagustuhan nila na mawala ka sa CIA.” “Hayaan mo sila at huwag mo akong alalahanin dahil nag-iingat naman ako. Pero kung oras ko na ay wala na rin akong magagawa pa. Ang dapat mong gawin ay lumayo sa akin dahil baka pati ikaw ay idamay nila.” “Hindi ko magagawang layuan ka magkaibigan tayo kaya ang pakiusap ko ay mag-ingat ka na lang lagi. O kung may pagkakataon ka ay lumipat na lamang ng ibang grupo. ‘Di ba may mga kaibigan ka na mga kasamahan natin CIA? mabuting doon ka lang sa kanila mas gugustuhin kong mawalan ng kaibigan basta’t alam ko namang ligtas.” “Kapag ginawa ko yon ay iisipin nila na duwag ako at natatakot sa kanila.” Hindi siya sinagot ng kaibigan kaya lumingon siya at nakita niyang nakatitig lang ito sa kanya. Magmula nang mangyari ang pagtatangka sa kanya ay nag-double ingat na siya. Ngayon ay patungo siya sa tambayan upang makasama ang mga totoong kaibigan. Pagdating niya sa entrance pa lamang ay tinawag na ang kanyang pansin ng tatlong babae. Nakaupo ang mga ito sa 'Di kalayuan kaya naririnig niya ang usapan ng mga ito. "Huwag mong tingnan ang asawa ko, f*cker!" nalingunan niya ang isang kaibigan at obvious na ang isang babae ang pinatutungkulan nito na asawa. Ibig sabihin pala ay ito ang babaeng kinababaliwan ng kaibigan? "Bakit kailan ka pa kinasal para ariin mong asawa ang babaeng yon?" pang iinis niya sa kaibigan. "Huwag ako ang pag-usapan natin kundi ang tungkol sa babaeng ginahasa mo." "Grabe talaga ang term mo, Pareng Raven." "Bakit hindi ba totoo, samantalang kaya ka nga nagkaanak sa kanya, huh!" "At kaya nga ilang beses ka nang muntikan namatay, mabuti at hindi mga kriminal ang Montemayor. Kundi baka uod na ang nakinabang sayo." "Isa ka pa, Pareng Lash. Akala mo ay hindi ka rin nanggahasa, huh!" "Magkaiba ang ginawa natin, siya ang pumasok sa teritoryo ko at hindi katulad mo na dinahas mo sa mismong bodega ng mansion Montemayor! Magpasalamat ka dahil pinsan mo ang asawa ni Mr. Colt Montemayor. Kundi baka matagal ka ng natunaw sa ilalim ng lupa." Hindi na siya sumagot dahil totoo naman.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD