EPISODE- 2

2064 Words
MALAKAS na katok mula sa pintuan ang gumising kay Kathleen. Pagmulat ng mata ay nakita niya ang anak malapit na itong mahulog sa gilid ng kama. Napatalon siya at mabilis na inabot ang anak. Mabuti at nahawakan niya agad ang damit nito. At naging sanhi kung bakit pumalahaw ito ng malakas na iyak. “Kathleen! Buksan mo ang pintuan, ayos lang ba kayong mag-ina?” karga ang anak ay tinungo niya ang pintuan at binuksan iyon. Nakatayo sa labas ang kapatid na si Jayden at Jordan. Akmang bubuka ang kanyang bibig upang mag tanong kung bakit narito ang mga ito. Ngunit inunahan siya nito habang malikot ang mga mata sa paligid. “Bakit ka nag sisigaw may nakapasok bang tao dito sa silid mo?” at mabilis na pumasok si Kuya Jordan. Pagtataka ang lumalarawan sa kanyang mukha. Bakit kaya naisip ng mga ito na may ibang tao sa silid nilang mag-ina? “Kung ano-anong iniisip n’yo, sinong makakapasok na tao sa taas ng kinaroroonan natin?” “Walang imposible sa isang taong nais pasukin kayo dito.” pagkatapos ay nagtungo pa si Kuya Jayden sa veranda at sumilip. Hindi rin naman nagtagal ay muling pumasok at sinara ang sliding glass door. “Tatanungin kitang muli bakit ka sumisigaw kanina sa anong dahilan?” “Nananaginip lang ako ng masama. At mabuti ay kumatok kayo kaya ako nagising. Muntik nang nahulong si Kulit, sa ibaba ng kama.” “Akina si Kulit at ipagtimpla mo muna ng gatas parang gutom na kaya umiiyak.” “Nagulat lang siya nang bigla kong nahila. Ang buong akala ko babagsak na siya sa sahig.” “Kawawa naman si Kulit, ipagtimpla mo ng gatas at doon na muna siya sa silid ko. Tabi kaming dalawa ng makatulog ka ng maayos dahil maaga pa ang meeting mo bukas.” “Kuya Jayden, okay lang ba sayo?” “Oo naman, sa akin na halos lumaki si Kulit bakit ka pa nag-aalala sa kanya?” “Malikot na siya baka mahirapan ka sa pag-aalaga?” “No worries, kayang kaya ko ang kakulitan niya, ‘di ba baby?” saglit niyang iniwan ang mga ito bago nagtungo sa mini-kitchen. Upang magtimpla ng gatas ni Kulit. Malaki ang pasasalamat niya sa mga kapatid dahil hindi siya pinapabayaan ng mga ito. Laging nakaalalay sa kanya lalo na noong pinagbubuntis pa lamang niya ang anak. “Tulala ka na naman diyan, kailan mo ba makakalimutan ang lalaking yon na siyang sumira sa buhay mo?” “Sorry’ Kuya Jordan, naisip ko lang kung wala kayo sa tabi ko baka hindi ko kinaya ang nangyaring yon sa akin.” “Huwag mo na iyong isipin ang mahalaga ay nasa maayos ka na ngayon. Kaya sikapin mong alisin na sa isipan ang lalaking yon.” “Sinisikap ko naman kalimutan ang mga nangyari kaya lang hindi ko magawa. Lalo at laging laman siya ng mga panaginip ko.” wala siyang narinig mula sa kapatid pero naramdaman niya ang yakap nito. Kapag ganito ay dama niya ang pagmamahal ng kanyang Kuya Jordan. “Bakit hindi mo gayahin si Caithlyn, palaban. Kaya tingnan mo si Marcus Ortega, walang magawa kundi magmakaawa sa kanya.” “Hindi ko rin alam kung bakit ganito ako ka-weak. Lumalakas lang ang loob ko kapag kasama ko si Caithlyn. Pero kapag nag-iisa ako ay balik na naman ang kahinaan ko.” “Haist! Huwag na nga natin yon pag-usapan. Halika na ibigay mo kay Jayden ang milk ni Kulit. Tapos magpahinga ka na dahil baka wala kang lakas bukas sa meeting. Marami ka pa naman haharapin na big client.” “Salamat, Kuya Jordan.” “You’re welcome, good night.” “Good night at sayo din’ Kuya Jayden. Bahala ka na muna kay Kulit.” “Good night, Princess.” Nang sumara ang pintuan ay bumalik na siya sa higaan. Ngunit ayaw siyang dalawin ng antok. Bakit lagi na lamang niyang napapanaginipan ang lalaking yon. Nagsimula ang mga panaginip niya magmula ng mabuntis siya sa kanyang anak. At lately ay nagiging worst, binabangungot na rin siya sa tuwing gabi. Kinabukasan ay para siyang lutang. At kahit ang pagpunta niya sa conference ay hindi niya namamalayan. Kundi pa siya tinapik nang kapatid na si Caithlyn, hindi pa siya bababa ng sasakyan. Mabuti at sinamahan siya nito siguro tinawagan ng kapatid na panganay. Kagabi naman ay wala pa ito sa mansion kaya nagulat din ng maabutan niya sa kitchen at naghihintay sa kanya sa hapag kainan. “Ate, gusto mo ba ako ang humarap sa kanila?” “Huwag na at baka makahalata sila na hindi ako ang kanilang kaharap. Ang ikli pa naman ng pasensya mo at baka sigawan mo lang ang mga client na may pagka pasaway.” “Hindi, akong bahala meron naman akong dalang contact lens dito na pareho sa kulay ng mata mo. Kasi nakikita ko sayo hindi mo kayang magpunta sa meeting. Baka mamaya ay makasapak ako ng mukha ng client mo kapag sinigawan ka nila.” na iiling na lamang siya sa kapatid. Ganito ito katapang wala siya sa kalingkingan. “Please, kotrolin mo ang iyong temper. Kapag hindi mo na sila makayang pakinggan ay mag-excuse ka na lang muna. Basta huwag kang magbitaw ng mga salitang hindi maganda, okay?” “I promise, kaya magpahinga ka na lang at pagkatapos ko sa meeting ay uuwi agad ako.” “Salamat, KitKat.” “You’re welcome, KatKit.” Natawa na siya kapag ganito ang tawag nito sa kanya ay gumagaan agad ang kanyang pakiramdam. Ganito ang tawagan nila mula pa ng mga bata pa sila.” “Thanks, at napangiti na rin kita, go! Ako na ang bahala sa opisina mo.” nang pumasok sa building ang kapatid na bunso ay bumalik siya sa loob ng sasakyan. Subalit nang dumating sila sa highway ay tila may naganap na aksidente. At sa dami ng sasakyan ay hindi sila agad makakaalis sa lugar na yon. Panay ang linga niya sa paligid ngunit walang chance na makaliko sila dahil mas dumami pa ang mga sasakyang parating. “Peter, tingnan mo nga kung anong nangyayari?” mahinahong niyang utos sa kanyang bodyguard. “Sige po, pero huwag kang bababa ng sasakyan, Senorita Kathleen.” “Oo, dito lang kami ni Manong Johnny.” Pagbaba ng kanyang bodyguard ay sumandal siya at pumikit. Ngunit bigla din napadilat ng may ingay na naulinigan. Maya maya din ay bumukas ang sasakyan at sumakay ang kanyang bodyguard. “Anong nangyayari, Peter?” “Isang lalaki ang pinag tangkaan patayin ng limang lalaki. At ayon sa ilang motorista ay lumaban daw yong lalaki. Kaya lang ay binaril ng isang lalaki at ayon mukhang masama ang tama.” Bigla ang kaba ng kanyang dibdib hindi niya alam kung bakit ngunit parang hinihila siya ng mga paa upang puntahan ang lalaki. “Wala pa bang tumawag ng ambulance?” “Meron pero malabong makarating dito ang ambulance sa dami ng nakaharang na sasakyan.” Sa narinig ay mabilis siyang bumaba. At tumakbo sa kumpulan ng mga tao. Hindi siya makasingit ngunit sinikap na makalapit sa lalaking sugatan. Halos mapaatras siya ng makita kung sino ang lalaking nakahandusay sa semento. Walang iba kundi ang ama ng kanyang anak. Ang lalaking kinamumuhian dahil sa laki ng kaalanan. Akmang tatalikod siya ng marinig ang boses nito. “P-Please d-dalhin nyo ako sa o-ospital…” hindi niya magawang humakbang sa boses nitong tila nahihirapan at parang patalim na tumusok sa kaibuturan ng kanyang puso. “Senorita Kathleen, halika na hindi ka dapat naririto.” “Peter, t-tulungan mo siyang madala sa ospital bilisan mo kundi ay mamamatay siya.” “Pero…" “Go! Take him now!” “Okay’ Senorita Kathleen, pero pakiusap bumalik ka na sa sasakyan.” “Bilisan mo na at dalhin mo sya sa sasakyan dahil meron doon medical kit. Tapos tatawagan ko si Kuya Jayden.” Nakita niya ang pagtutol sa mukha ni Peter. Ngunit pinandilatan lang niya ito ng mata at maya maya lang ay pinasan na ang lalaking sugatan. Siya naman ay nakasunod sa mga ito habang pabalik sa sasakyan habang tinatawagan ang kapatid. “Kuya Jayden, puntahan mo kami dito sa highway at mag-motor ka lang dahil sobrang daming sasakyan sa daan. Magdala ka ng mga gamit sapagkat may lalaking binaril at kailangan maalis ang bala at mapatigil ang pagdurugo ng sugat niya.” “Anong ginagawa mo riyan at bakit wala ka sa conference?” “Mamaya na tayo mag-usap ng tungkol doon. Pumunta ka na dito bago pa mamatay ang lalaking ito.” agad niyang binaba ang tawag ng hindi na mag-usisa pa ang kapatid. Pagpasok niya sa loob ng sasakyan ay nakatitig sa kanya ang malamlam na mata ng lalaking sumira sa buhay niya. At anong masamang biro ang pangyayaring ito sa kanya. Kagabi lang laman ng panaginip niya ito. At ngayon ay heto at duguan. Kagaya ng bangungot na sa tuwina ay gumigising sa kanyang pagtulog. “Peter, malalim ba ang mga tinamo niyang sugat?” “Dalawa lang ang nakita kong malalim gawa ng saksak sa kanang tagiliran at tiyan. At iyong bala ay mabuti hindi gumitna sa kanyang katawan.” “Anong lagay niya huminto na ba ang pagdurugo ng mga sugat niya?” “Itong dalawang sugat ay tinalian ko na at hindi na masyadong dumudugo. Pero ang tama ng bala ay dapat na maalis agad.” “Papunta na dito si Kuya Jayden.” Nakita niya ang takot sa mukha ng kanyang bodyguard. “Huwag kang mag-alala ako ang mananagot kay Kuya Jayden. Kaya maging panatag ka sana.” “Nag-alala lang ako dahil alam naman natin lahat ang sitwasyon. Paano kung hindi mapigilan ni Master Jayden ang sarili niya kapag nakita siya?” “Hindi naman ganun si Kuya Jayden, kahit galit sila sa taong yan ay hindi sila kriminal upang gawan ng masama ang taong walang kalaban laban.” “Tama ka, Senorita Kathleen. Ang tanong paano kung malaman ng mga pinsan mo?” “Kung sila Kuya Josh, ang sinasabi mo ay hindi na nila uulitin ang nangyari noon.” “Sana nga’ Senorita Kathleen, dahil nakakatakot sila.” Nahinto sila sa pag-uusap ng napansin niya na nahihirapan huminga ang lalaki. Agad na dinama niya ang dibdib nito ngunit parang naghahabol ito ng paghinga. At nagsimula ng mag-panic ang kanyang pakiramdam. “Senorita Kathleen, mabuti pa ay bumaba ka muna ng sasakyan. Manong paki tingnan ang lalaking ito at lalabas lang kami.” “Sige, Peter… ahm, mas mabuting tawagan mo ulit si Master Jayden. Sabihin mo pakibilisan dahil kakaiba na ang kalagayan ng lalaking ito.” mabilis siyang tumalikod dahil ayaw niyang marinig ang sasabihin ni Manong Johnny. A few minutes later. “Bakit kayo nagpunta sa lugar na ito. At sino ang lalaking sugatan na sinasabi mo, Princess?” sita agad ng kapatid pagkababa ng motorcycle na sinayan. “Naroon sa loob ng sasakyan, Kuya Jayden.” Ngunit ng akmang papasok na ito sa loob ng sasakyan ay mabilis niyang nahila sa braso. “Bakit, Princess?” “Kuya Jayden, pakiusap kahit galit ka sa taong nasa loob ng sasakyan. Manaig sana ang pagiging doktor mo at isipin na nakasalalay sa mga kamay mo ang buhay niya.” “Bakit sino ba ang lalaking yon, kilala ko ba siya?” “Ahm… s-si Reegan Vargas….." “F*ck!” at malakas na hinila ng kapatid ang braso nitong kanila lang ay hawak niya. Pagkatapos ay agad na pumasok sa loob ng sasakyan. Akmang susunod siya papasok sa loob nang biglang sumara ang pinto. Sinubukan niyang buksan ngunit naka-lock na iyon. Kinabahan siya at hindi mapalagay kaya lumapit sa bintana at sinisikap aninawin ang mga ito sa loob. Subalit dark ang pagka-tented ng mga salamin kaya hindi niya makita ang loob. Kinatok niya ang sasakyan ngunit nananatiling naka-lock “Peter, subukan mong silipin kung makikita mo ang loob. Baka kung ano na ang ginagawa ni Kuya Jayden sa lalaking yon eh.” “Hindi naman siguro at kagaya ng sinabi mo ay hindi kriminal si Master Jayden. Kaya magtiwala ka sa kanya at maging panatag ang isipan.” Hindi na siya sumagot at nag palakad lakad na lamang sa gilid ng sasakyan. At kahit hindi nakikita ang loob ay panay pa rin ang sulyap niya sa salamin. Paglingon niya ay lalo na siyang kinabahan ng makitang parating ang kanyang Kuya Jordan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD