EPISODE- 3

1505 Words
KAHIT halos mawalan na ng malay si Reegan ay malinaw niyang naririnig ang boses ng babaeng kahit minsan ay hindi niya nais makaharap. Hindi dahil takot siya sa mga pinsan nitong maraming beses ng na-encounter at may pagbabanta. Anong masamang biro ito at sa dami ng taong tutulong sa kanya ay ang babaeng namumuhi pa sa kanya ang naroon sa harapan niya. Hindi rin lingid ang naging reaksyon nito ng makita siya kanina. May takot ito sa mga mata at hindi niya alam kung kanino ito takot. “Malamang sayo ikaw ang lumapastangan sa kanya nakalimutan mo?” ani ng kanyang isipan. Kaya umiling-iling siya upang mabaling sa iba kanyang atensyon. “Peter, help him dapat madala siya sa pagamutan.” iyon ang huling salita na malinaw pa sa kanyang pandinig at pagkatapos ay unti-unti ng naging malabo ang lahat. Nagising siya sa kakaibang ingay. “Josh, ligtas na siya kaya maari ba na ialis nyo ang lalaking yan dito!” “Kumalma ka pinsan, hayaan mo at kami na ang bahala sa lalaking yan.” “Kung bakit masyadong mabait ang kapatid kong yon. Kahit pinagsamantalahan ng gagong yan ay ginawa pa rin niyang iligtas ang tarantado!” “Huwag mo ng sisihin ang kabutihan ng puso ni Princess Kathleen. Ang gawin nyo ay ilayo silang mag-ina sa paningin ni Vargas. Dahil habang may nakikitang pagkakataon ang lalaking yan ay may posibilidad na malaman ng kapatid nyo.” “Isa pa yon, lately lagi raw siyang binabangungot at sa palagay ko ay related ang tarantadong yan sa mga panaginip ni Princess Kathleen.” “Meron secret island si Marcus Ortega, sabihin mo kay Caithlyn, dalhin doon ang mag-ina.” “Hanggang maaari ayaw namin magkaroon ng utang na loob kay Ortega. Alam mo naman hanggang ngayon ay hindi pa rin kami nag-iimikan.” “Kinasal na ang kapatid mo at si Marcus Ortega, hanggang ngayon ay hindi pa rin kayo nagkaayos?” “Hindi.” “Okay, siguro mas mabuting ipadala na lang ninyo sa London ang mag-ina. Hindi sila basta mapupuntahan ni Vargas, dahil sa higpit ng mga gwardya na nakapalibot sa mansion.” “Kakausapin ko si Daddy.” “Paano mauna na kami, tawagan mo lang ako kapag pwede na siyang ilabas ng ospital. Ngayon na ang pagkakataon upang pagbayaran niya ang mga kasalanan.” Hindi nagtagal ay biglang tumahimik ang paligid. Sa kanyang palagay ay umalis na ang mga tao at mag-isa na lamang siya. Kaya agad na nagmulat ng mata at mabilis na bumangon. Subalit agad din na pabalik sa higaan naka posas pala siya. At kailangan niyang makaalis na ng ospital bago pa siya ipasa ng mga iyon sa mga pulis. Sinubukan kumawala sa bakal ngunit matibay. Gumala ang mata sa paligid at naghanap ng maaaring magamit upang ma-unlock ang posas. Nang biglang bumukas ang pintuan at pumasok ang isang nurse ay agad na umayos siya ng upo. “Ano ang mga yan, nurse?” “Mga gamot mo, Mr. Vargas.” “I see,” aniya bago mabilis na pinasadahan ng tingin ang buhok ng nurse. Nang makalingat ito ay agad na hinila ang dextrose sa sariling kamay. “Ouh! Nurse pwede bang pakiayusin mo itong karayum na nasa kamay ko medyo masakit.” bumaling ito sa kanya at sinimulan ayusin ang karayom ng dextrose na nasa kamay niya. “Pakaingatan po mahila ang tube upang hindi dumugo.” “Yes, nurse pasensya na.” at habang nakayuko ito ay mabilis niyang nakuha ang hairpin sa buhok. Nang makalabas ang nurse ay agad ni binuksan ang posas gamit ang hairpin. Hindi nagtagal ay ua-unlock iyon at kahit masakit ang mga sugat ay kanya iyong tiniis. Hinanap sa closet ang mga damit ay sinuot iyon. Pagkatapos ay sumilip sa labas, nang walang isa mang tao sa pasilyo ay nag lakad na siya patungo ng hagdanan. Kahit napapangiwi habang pababa ng hagdan ay kanya iyong tiniis. Hanggang narating niya ang basement. Pagkalabas ng exit ay luminga sa paligid. Maraming sasakyan ang naka-park doon kaya humanap siya ng maaaring mapag kublihan. Dahil ramdam niya ang likidong dumadaloy sa kanyang tagiliran. “Ate, bakit kailangan mo pang puntahan ang lalaking yon?” “Hindi ko rin alam, Caithlyn. Basta nararamdaman ko na walang ibang makakatulong sa kanyua kundi ako.” “Ibang klase ka rin Ate Kathleen, nagagawa mo pa rin bigyan ng awa ang lalaking sumira sa buhay mo.” “Huwag mo na iyong ulit-ulitin, hanggang maari ay ayaw ko ng balikan sa isipan ang pangyayaring yon. Lumalaki na si Kulit, at hindi magtatagal ay tatanungin na niya ang tungkol sa kanyang ama.” “So, ipagtatapat mo sa kanya kung sino ang tunay niyang ama?” “Yeah, kahit anong klase pang lalaki ang ama niya ay karapatan ng aking anak malaman at makilala. “Fine! Paano pala kung gising na siya, tutuloy ka pa ba sa loob?” “Hindi, ayaw kong makita niya ako. Ang gusto ko lang ay malaman kung ligtas na siya.” “Ganito na lang maiwan ka dito at ako na ang aakyat. Aalamin ko kung stable na ang gagong yon kagaya ng nais mo.” “Sigurado ka ba, Caithlyn?” “Oo naman kaya maiwan ka dito. Mabilis lang ako, bye.” mabilis siyang gumapang sa kabila ng sasakyan. Parang nananadya ang pagkakataon na doon pa siya nakapag kubli sa katabing sasakyan ng magkapatid. Nang marinig ang pagsara ng pinto ay halos pigilan niya pati paghinga. At ilang minuto ang lumipas ay sumilip siya sa kabilang sasakyan. Aninag niya sa tented na window glass ang pigura ng nasa loob. Nakaupo ito sa driver seat habang nakasandal ang ulo. Akmang tayo na siya upang umalis sa pinagtataguan ng matanawan ang police car sa ‘di kalayuan. Kararating ng mga ito at agad siyang kinabahan nang makitang bumaba ang tatlo. Sigurado siya ang pakay ng mga ito upang hulihin at kailangan ng makaalis siya. Ngunit walang ibang lalabasan kundi sa gilid ng police car. Isa lang ang pag-asa niya ang dalagang nasa loob ng kotse. Kaya mabilis na lumapit doon at hinila ang pinto sa front seats. Nakahinga siya ng bumukas iyon. “A-Anong ginagawa mo dito?” kitang kita niya ang takot nito sa mukha. Kaya naman ay mabilis niyang tinaas ang dalawang kamay. “P-Pakiusap, lubusin mo na ang pagtulong sa akin. Hindi pa ito ang oras upang makulong ako.” sabay sulyap sa side mirror. At natanaw niya ang dalawang pulis na lumabas ng exit. “B-Bumaba ka na d-dahil parating na ang kapatid ko.” hindi siya sumagot at nanatiling nakatingin sa side mirror. “Drive!” sigaw niya sa dalaga kahit ayaw niyang gawin ay napipilitan siya. “O-Oo, p-pakiusap huwag mo akong sasaktan.” at gusto niyang pagsisihan kung bakit nasigawan niya ito. Kitang kita ang panginginig nito sa sobrang takot. “Walang mangyayari sayong masama basta sundin mo ang ang utos ko!” may diin sagot niya dito bago nag baling ng mukha sa labas. “S-Saan kita i-ihahatid?” “Magmaneho ka lang at sasabihin ko kung saan ka liliko.” “O-Okay sige.” sagot nito at wala ng isa man nagsalita sa kanilang dalawa. Paminsan minsan ay sinusulyapan ang dalawa. Tama ang narinig niya sa kapatid at mga pinsan nito. Mahina nga ang babaeng ito hindi kagaya ng bunso dito na isa pang babae. Sa totoo ang lang ay wala siyang alam puntahan kundi sa tambayan. At ayaw naman niyang pumunta doon ng ganito ang sitwasyon. Hanggang kayang ilihim sa mga kaibigan ay gagawin niya. Dahil pag nalaman ng mga yon ang nangyaring ito sa kanya ay malamang na susugurin ng mga iyon ang kanyang mga kasamahan sa departamento. “K-Konti na lang ang gas kung malayo pa ang lugar na pag hahatiran ko sayo ay baka maubusan na ng fuel ang sasakyan.” “Mag-load ka kapag may madaanan tayong gasoline station.” Nakarinig siya ng tumutunog na cellphone. Akmang dadampustin nito ang cellphone sa ibabaw ng dashboard ngunit mabilis niyang dinampot iyon. Pagkatapos ay isinara ang power. “Give me my phone, sigurado ang kapatid ko yon.” sa halip ay binuksan niya ang binatan at akmang itatapon ang cellphone nito nang biglang nagpa-easy-easy ang takbo nila. At agad niyang nakabig nag manibela ng may sumalubong sa kanilang truck. “Oh! My God!” malakas na sigaw nito sabay bitaw sa manibela. Kaya naman ay muling napwersa ang kanyang sugat. At sabay silang napasubaspb sa dashboard nang biglang hinto ng sasakyan. “I’m sorry… i’m sorry… sorry…” sabay iyak nito at mabilis na bumaba ng sasakyan. Hindi siya agad nakapag-react dahil sa biglang kirot sa kanyang dibdib. Ang sobrang takot nito at luhaan mukha ay nakapag pasakit sa kanyang puso. Kaya sinundan niya ito sa labas. “Stop! Huwag mo akong lapitan…” ngunit hindi siya nakinig nilapitan ito at hinila sabay yakap dito ng mahigpit. Wala siyang alam na sabihin kundi ipadama dito ang paghingi ng kapatawaran. At kahit itinutulak siya nitong palayo ay hindi niya ito binitawan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD