MAKALIPAS ang maraming taon, malalaki na ang kanilang anim na anak. Hindi madali ang mga pinagdaanan nilang mag-asawa. Lalo na ang paraan ng pagpapalaki nila sa mga ito. Ngunit hindi sila sumuko sapagkat walang ibang gagabay sa mga anak kundi silang mga magulang. Noon may mga pagkakataon na na sangkot sa gulo ang anak na si Theo Jay, pero laging nariyan si Charlie at MC. Sa halip ay puro pangaral at pag-unawa ang binigay nilang mag-asawa dito. Kaya ngayon na adult na si Theo Jay, at isa ng pulis. Proud silang mag-asawa na nagawa nila ang tamang pagpapalaki para sa anak. “Mom, Dad, baka po matatagalan ako bago makabalik dito. Sa Visaya’s Region po ako na assign.” “Ayos lang yon anak, basta lagi kang mag-ingat. Tumawag ka kapag may libreng oras.” “Opo, Dad, Mom.” si Theo Jay ang nagman

