TATLONG buwan ang nakalipas magmula ng makausap ni Charlie ang lolo ng anak niya. At sa mga panahon na yon ay binawian na ng buhay ang ina ng kanyang anak. Ang sabi ng ama na si Kyle, naiuwi na rin daw sa bansa ang abo. Ganun din ang anak niya ay naririto na rin sa bansang Pilipinas. “Dad, siguro naman ito na nag tamang pagkakataon upang kausapin ko si Dra. Angeles?” “Yes son, puntahan mo si Dra. Angeles sa bahay niya.” “Baka po hindi ko siya abutan sa bahay? Kung sakali ayos lang po ba na doon na lang sa ospital ako magpunta?” “Sa bahay mo siya puntahan, ang alam ko kapag weekend hindi na siya napunta sa ospital.” “Sige po, ngayon weekend ay pupunta ako upang makipag-usap. At isa pa nang makita ko na rin ang aking anak.” “Ayusin mo ang pakikipag-usap sa kay Dra. Angeles. May pagkasu

