ANG ginawa ni Charlie ay nag paimbestiga na lamang siya. Kung meron pa siyang anak na hindi nakikita. Ang asawa na mismo ang nag-utos sa kanya na gawin iyon. “Kumusta ang imbestigasyon, may result na ba?” sinadya ni Charlie na puntahan sa bahay nito si Detective Miras dahil naiinip na siya. Isang buwan na ang nakalipas magmula ng pasimulan ang imbestigasyon. “Sir Charlie, meron akong nakalap na balita, meron ka pang isang anak. Pero wala na siya dito sa bansa. Matagal na silang nag-migrate sa France.” “Ano ang family name niya?” “Angeles, dating modelo ang ina ng bata.” kinabahan siya sa narinig. Agad na dinampot ang cellphone na nakapatong sa ibabaw ng table. Pagkatapos ay nag-search siya sa hanay ng mga modelo. At napamura ng makilala ang babaeng naanakan niya. “Kilala mo ba ang

