NAGISING ang diwa niya sa paglalakbay mula sa nakaraan, naramdaman niyang tila may nakamasid sa kanya ng mga sandaling iyon. Ang pansin niya ay tuluyang nabaling sa binatang si Timothy na kasalukuyang nakatayo sa may hamba ng pintuan mataman siya nitong pinagmamasdan, kalakip ang matang nakalarawan ay simpatya. Naipilig niya ang ulo, agad niyang binura sa isip ang namuong hinala. Napakaimposibleng alam nito ang nasa isip niya sa mga oras na iyon. "H-halika Timothy."tawag niya rito, agad itong lumapit mula sa kaniyang kinaroroonan. "Kumusta ka Haring Hanzul, malalim yata ang iyong iniisip. Kaya maski ang aking pagparito sa iyong bulwagan ay hindi mo naramdaman."mabilis na pagmamanipula ni Timothy sa usapan, ayaw niyang matunugan ng bagong hari ang kakayahan niyang makabasa ng isip na ba

