NABALING ang atensyon ni Kendra sa kanyang Tita Trinity. Bigla ang pagsikdo ng kaba sa kanyang dibdib ng tuluyan niyang marinig ang buong sinasabi nito patungkol kay Timothy. Bigla siyang nakaramdam ng tensyon sa mga oras na iyon. "...Ang nais ko lamang ay layuan mo ang lalaking iyon Kendra. Nakakasiguro akong ikakapahamak mo lamang ang hatid ng lalaking iyon mula sa buhay mo."marahan nitong utos sa kanya pero ramdam niya ang diin sa bawat salitang sinasabi nito sa kanya. Tumango na lang siya upang tuluyan siyang tigilan nito, ngunit lalong ipinagpatuloy nito ang diskusyon tungkol sa lalaki. "Sinasabi ko sa iyo Kendra 'wag mong basta isantabi ang lahat ng mga sinasabi ko, huwag mong ipagwalang-bahala ang lahat. Dahil para sa iyo at sa mga susunod na henerasyon ng lahing bampira ang nak

