Chapter 10

2028 Words
Lumipas pa ang mga panahon at masaya pa rin silang magkasama ni Cherry. Kontento na siya sa ganoong set-up nila ng kababata— para na rin naman silang magkasintahan kahit hindi pa rin siya umaamin dito. “Chubs, nasaan ka na?” tinawagan niya ito dahil ngayong araw ang kasal ng ate Timmy niya. Kanina pa sila hinihintay ng mga ito sa venue ng kasal. “Teka lang Tobby, hindi ko maisara ‘yung gown ko! Saan ka ba? Puwede mo ba akong puntahan dito sa bahay please? Umalis kasi si mommy eh. Hintayin kita bye!” nahihirapang sagot nito saka ibinaba ang tawag. ‘Pambihira ka talaga Chubs kung hindi lang kita mahal naku talaga!’ Wala siyang nagawa kundi ang bumalik sa bahay ng mga Vergara. Ang sabi kasi nito kagabi sa venue na sila magkita. Kaya hindi na siya nag-abalang puntahan ito sa bahay nila kanina. Saka nang silipin niya ang bahay ng mga ito, parang wala namang tao. Kaya ang buong akala niya tuloy nauna na ito sa venue. “Chubs, nasaan ka?” agad niyang tawag dito nang makapasok na siya sa loob ng bahay ng mga ito. “Tobby, dito sa kwarto bilis!” Narinig niyang sigaw nito bilang sagot sa kanya. “Teka ang demanding mo ha! Ito na paakyat na!” sagot niya rito. Napapailing na lang siya habang nagmamadaling umakyat sa kwarto nito. “Tobby, pasara ako ng zipper! Kanina ko pa sinusubukan isara, ayaw eh!” Pinagpapawisan na ito kaya naman napakamot na lang siya sa kanyang ulo. “Talikod!” Utos naman niya rito na agad namang sinunod nito. “Okay hold your breath at the count of three. One, two, three!” Sa wakas naisara na rin niya ito. Tila nakahinga naman ito nang maluwag matapos maisara ang kanyang gown. “Hayyy, thank you Tobby!” Niyakap pa siya nito na bahagya pa niyang ikinagulat. Hindi niya kasi inaasahang yayakapin siya ng kababata niya. “Halika na! Tayo na lang ang hinihintay. Grabe ka nauna pa ‘yung ikakasal sa atin.” Sabay dampi ng panyo sa pawisang ilong at noo nito. “Ito na nga oh!” Sabay hila na nito sa kanya  pababa ng hagdan bitbit ang sandals nito. “Chubs hindi ka pa nakasandals! Saka dahan-dahan naman baka sa hospital tayo makarating imbes sa kasal nila ate!” Paalala pa niya rito. Sumunod naman ito sa kanya at nagdahan-dahan nga ito sa pagbaba ng hagdan. “Sa kotse na ako magsusuot ng sandals, halika na bilis!” Natatawa na lang siya habang sumusunod dito. Parang ang lagay eh siya pa ang may kasalanan kung bakit sila male-late. Agad niya itong pinagbuksan ng pintuan sa passenger seat bago siya nagtungo sa driver’s seat. Pagkakabit ng mga seat belts nila, agad na niyang pinaandar ang sasakyan. Malapit lang naman ang simbahan, kaya mabilis lang din silang nakarating doon. “Okay, teka okay pa ba ang make up ko?” tanong agad nito sa kanya. Humarap pa ito sa kanya upang makita niya ang magandang mukha nito. “Opo okay na okay pa. ‘Wag kang mag-alala mamahalin pa rin naman kita kahit na kumalat pa iyang make up mo sa mukha mo eh,” nakangiting tugon niya rito. “Sira ka talaga puro ka kalokohan! Tara na!” sabi nito sabay labas ng sasakyan. Hinila pa siya nito patungo sa simbahan nang pareho na silang nasa labas ng sasakyan. ‘Mahirap ba talagang paniwalaang mahal ko siya?’ napapailing niyang tanong sa kanyang sarili. ‘Loko ka kasi brad eh, palagi mo na lang siyang inaasar. Ayan tuloy ayaw ka na niyang paniwalaan. Puro ka kasi biro, mag-seryoso ka naman minsan!’ sermon pa niya sa kanyang sarili. Napabuntong hininga na lang siya at masuyong pinisil ang kamay ni Cherry saka nginitian ito. Gumanti naman ito ng ngiti saka pinisil din ang kamay niya. “Dito na ako. Ikaw roon ka na sa tabi ng bayaw mo!” turan nito nang nasa entrada na sila ng simbahan. Bahagya pa siya nitong itinulak patungo sa harap ng altar. Bestman kasi siya ng ate niya at Maid of Honor naman si Cherry. Nang naglalakad na si Cherry sa isle ng simbahan, pakiramdam niya siya ang ikakasal. Napakaganda nito sa suot nitong gown. Nakangiti ito habang naglalakad at tila ba sa kanya ito nakatingin. Hulog na hulog na siya sa pangangarap ng sikuhin siya ng kaibigang si RJ. “‘Tol, ang ganda ni Cherry ‘no. May boyfriend na ba siya?” tanong nito sa kanya na nakapagpadilim ng kanyang mukha. Binalingan niya ito at tiningnan ng masama. “Back off RJ. Girlfriend ko na si Cherry. Iba na lang ligawan mo, pili ka na lang sa ibang mga abay, huwag si Cherry,”  seryosong wika niya sa matalik na kaibigan. “‘Tol, alam naman nating pareho na walang kayo ni Cherry,” nakangising sagot naman nito sa kaniya. Bukod kasi sa kanila ni Cherry, alam din ni RJ ang totoong sitwasyon nila noon. Bestfriend niya kasi ito at kapatid ng groom ng ate niya. “RJ ‘wag si Cherry, iba na lang. Alam ko namang isasama mo lang siya sa mga koleksyon mo ng babae.” Hindi niya masabi rito ang tunay niyang nararamdaman para sa kababata. “Tobby, I’m serious, I like Cherry. I like her a lot.” Kitang-kita niya ang pagkislap ng mga mata nito habang matamang nakatitig kay Cherry. ‘Patay ka ngayon Tobby! Ano nang gagawin mo? Mukhang seryoso nga ang BFF mo kay Cherry. Ang bagal mo kasing dumiskarte eh!’ sermon ulit ng utak niya sa kanya. Ipinilig niya ang kaniyang ulo saka ibinalik ang tingin kay Cherry, na ngayon ay nakapuwesto na sa harapang bahagi ng simbahan. Kailangan na niyang kumilos. Dahil kung hindi, mauunahan siya ni RJ. Ayaw niyang magkasira silang magkaibigan ng dahil kay Cherry. Mahal niya si Cherry, pero kaibigan din naman niya si RJ. Parehong mahalaga ang dalawa sa kanya, at ayaw niyang may masaktan isa man sa mga ito. ‘Eh ano na ngang gagawin mo? magpapaka-martir at ipapaubaya si Cherry kay RJ? Duwag ka dude!’ nang-uuyam na sabi niya sa sarili. Buong durasyon ng seremonyas sa simbahan, ay matamang nag-iisip si Tobby ng kanyang gagawin. Lutang ang kanyang utak kaya naman nagulat pa siya nang hawakan siya ni Cherry sa kanyang braso. “Tobby, okay ka lang ba? Parang wala ka kasi sa sarili mo eh,” nag-aalalang tanong nito sa kanya. Tinitigan niya ito saka inakbayan at nginitian. “Okay lang ako Chubs. Puyat lang siguro ako kaya medyo matamlay ako ngayon. Pero don’t worry okay talaga ako.” Kinindatan pa niya ito saka iginiya palapit sa mga bagong kasal upang batiin ang mga ito. Sa totoo lang hindi talaga siya okay. Natre-treaten kasi siya ngayon kay RJ. Dati-rati, kapag may nagkakagusto kay Cherry, madali lang niyang naitataboy ang mga ito. Pero ngayon, mukhang mahihirapan siyang gawin iyon. Lalo pa’t matalik na kaibigan niya si RJ, at mukhang seryoso talaga ito sa pagporma kay Cherry. Pagdating sa reception nakasimangot si Tobby dahil panay na ang buntot ni RJ sa kababata. Hindi naman niya puwedeng pigilan ito dahil wala naman siyang karapatang gawin iyon. Isa pa mukha rin namang nag-eenjoy si Cherry na kausap ang kaniyang matalik na kaibigan. Kaya ngayon, umiinom siyang mag-isa sa isang sulok habang pinagmamasdan ang dalawang taong malapit sa kanya. “Oh, hijo, why not join the crowd?” malambing na tanong ng kanyang ina. Hindi niya namalayan ang paglapit nito sa kanya. “Mamaya na ‘my,” walang ganang sagot niya sa ina. “Hmmm, mukhang ang binata ko ay may pinagdaraanan. Care to tell mommy?” nakangiting tanong nito sa kanya. “Wala mommy. Puyat lang ako kaya wala ako sa mood makisaya.”  Pagsisinungaling niya sa ina. “Hmmm, Tobby Ryan, sa akin ka pa ba maglilihim? Ibalik kaya kita sa sinapupunan ko?” pabirong sambit ng kanyang ina na ikinatawa niya. “Mom, hindi na ako kakasya riyan!” kakamot-kamot sa ulong sabi niya rito. Pabirong kinurot naman siya ng ina. “Well, kahit hindi mo naman sabihin mukhang alam ko na kung sino ang dahilan.” Inginuso pa ng ina ang kinaroroonan nila Cherry at RJ. Mukhang enjoy na enjoy ang dalawa sa pagku-kwentuhan. Bigla tuloy umasim ang kanyang mukha. May pahampas-hampas pa kasing nalalaman si Cherry kay RJ. “Uyyy, nagseselos siya!” Sinundot pa siya ng kanyang ina sa kanyang tagiliran. “Mom, huwag mo na akong asarin please? Hindi ko na nga alam ang gagawin ko eh!” natotorpeng sagot niya sa kaniyang ina. Tumawa naman ito saka Kinurot ang kanyang pisngi. “Naku, binatang-binata na nga talaga ang anak ko. Well son, follow what your heart’s telling you to do. It’s better to take the risk, than not at all. If you love her, tell her. ‘Wag mong hayaang lamunin ka ng takot mo. Dahil baka dumating ang araw na pagsisihan mong hindi mo sinubukang sabihin, at iparamdam sa kanya kung gaano mo siya kamahal. Don’t be a coward, kailan ka pa kikilos ‘pag huli na ang lahat?” mahaba-habang litaniya nito sa kaniya. Sinulyapan niya ang kaniyang ina saka napabuntong hininga. Nginitian naman siya nito saka tinapik ang kanyang balikat. “Think about it, son. There’s no harm in trying.” Iyon lang at tinalikuran na siya ng ina. Muli niyang sinulyapan sina Cherry at RJ na masayang nagkwe-kwentuhan. Hindi niya alam kung kaya na ba niyang harapin si Cherry, at sabihin ang kanyang tunay na nararamdaman para sa kababata ng hindi dinadaan sa biro ang lahat? Susubukan niya pero hindi sa pagkakataong iyon. Sa ngayon hahayaan na muna niya itong mag-enjoy sa company ng iba. Cherry’s POV… Kakaiba ang mga ikinikilos ni Tobby lately. Napaka-possessive nito sa akin. Ayaw na ayaw niyang may lumalapit na ibang lalake sa akin. Minsan nga gusto ko na siyang tanungin kung ano ba talaga kami eh. Ang weird lang kasi, kung umasta siya para ko siyang boyfriend. Hindi naman sa nagre-reklamo ako, pero parang gano’n na rin. Hehehe. Ang hirap kayang mag-assume ‘no! Lalo’t gusto ko siya, gustong-gusto ko siyang jowain. Landi! Pero seriously, lahat nang ipinakita niya sa akin ay sobrang nakaka-fall. Minsan nga gusto ko ng patulan kapag sinasabi niyang gusto niya ako. Lalo ‘yung sinabi niya sa akin kanina na kahit humulas ang makeup ko, mamahalin pa rin niya ako. Awww! Grabe kinilig kaya ako roon. Hindi ko na lang pinahalat kasi alam ko namang nagbibiro lang siya. Pero nag-aalala talaga ako sa kanya. Bigla kasi siyang nanahimik at mukha siyang matamlay. Kanina ko pa rin siya hinahanap habang kausap ko si RJ, pero hindi ko siya makita. Tapos ito namang si RJ panay ang kuwento ng mga nakakatawang bagay, kaya tuloy hindi ako makaalis para hanapin siya. Okay lang kaya siya? Kailangan kong makawala rito sa kadaldalan ni RJ. Well, RJ is funny and bubbly kaso wala naman akong interest sa kanya. Pero nakakatuwa talaga siyang kausap. In fairness naman sa kanya. Saka gentleman din naman ito. Kaya wala naman din akong masabi. Kaso ang isip ko ay na kay Tobby pa rin. Kaya nang kumuha ng pagkain si Rj ay agad akong umiskapo. Tinakasan ko siya para hanapin si Tobby. Pero hindi ko talaga siya makita. Nasaan na kaya iyon? Nakarating na ako sa isang playground kung saan walang katao-tao, wala pa rin Tobby. Hayyy, nasaan ka na ba Tobby? Kaya naman naupo na lang ako sa isang swing na naroon. Dito na lang muna ako para makatakas sa kadaldalan ni RJ. Mukha kasing ayaw na akong lubayan ng isang iyon eh. Grabe naman kasi si Tobby iniwan na lang ako basta sa BFF niya. ‘Di kaya may nakita itong babae sa reception that catches his attention? Oh no! Paano na ako niyan? Hindi puwede! Ako lang ang puwedeng jowain ni Tobby. Char! Pero kung magk-aganoon man, eh ‘di kailangan ko ng dumistansya sa kanya. Hayyy… saklap naman no’n.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD