“Nakakaloka naman iyon Che. Akala ko pa man din hindi talaga titingin sa ibang babae si Tobby. Dati naman kasi walang naging girlfriend iyon ‘di ba?” sabi ni Jenny habang hinahalo nito ang nilulutong afritada.
“Dati iyon loka! People change you know! Saka sa Maynila kaya siya nagta-trabaho, kaya natural lang na makakita ng ibang babae iyon doon,” sabi naman ni Althea habang nagmamasa ito ng dough.
Tulala lang siya habang nakapangalumbabang tinitingnan ang ginagawa ng dalawang kaibigan. Mabuti na lang at wala ring pasok ang mga ito, dahil kung hindi— hindi niya alam kung saan siya pupunta. ‘Yung hindi siya agad mapupuntahan ni Tobby.
“Eh ano namang laban ko roon sa jowa niya? Sexy mga beshy! Samantalang ako, ma-jubis pa rin hanggang ngayon. Kahit yata isang taon akong hindi lumamon, tabachingching pa rin ako!” nakasimangot niyang sumbong sa mga ito.
“Teka nga, akala ko ba kasi nagda-diet ka? Bakit parang wala namang pagbabago?” tanong ni Althea sa kanya.
Nagda-diet naman talaga siya. Kaso kapag nakaamoy na siya ng pagkain, wala na ang diet. Food is lifer than diet eh. Kaya ayun, waley nangyayari. Imbes na pumayat, lalo siyang lumobo.
“Food is lifer than diet kasi eh!” nakangusong sagot niya sa mga ito.
“Ayan tayo e!. Kaya naman pala eh,” sabi pa ni Jenny na tapos na yatang magluto.
“Gusto mo ba talagang matanggal iyang taba mo? ‘Yung mabilisan, pero pricy nga lang— pero may pera ka naman kaya kayang-kaya mo iyon!” Napalingon siya kay Althea, na ngayon ay nilalagay na sa tray ang tinapay na isasalang nito sa oven.
“Paano?” nakataas ang kilay na tanong niya rito.
“Liposuction beshy. May kilala akong gumagawa,” mabilis na sagot pa nito sa kanya saka isinalang ang mga tinapay sa oven.
“Huyyy loka ka! Baka mamaya delikado ‘yan!” singit naman ni Jenny.
“Naku hindi! ‘Yung isang kasama namin sa trabaho, nagpagano’n, ngayon ang sexy na niya! Teka tingnan niyo ito.” Dinukot nito ang cellphone saka ipinakita ang before and after photo ng kasamahan nito sa trabaho.
Namangha siya sa transformation ng katrabaho nito. Naging interisado tuloy siya sa Liposuction na sinasabi ni Althea. Mapansin na kaya siya ni Tobby kapag pumayat na siya, at nawala ang mga taba niya sa katawan?
“Huyyy, Cherry! ‘Wag mong sabihing papatulan mo iyang Liposuction na iyan ha? Naku baka mamaya makasama pa sa iyo iyan!” Pangaral ni Jenny sa kanya.
“Ikaw talaga Jen, nega ka! Malay mo naman ito na ang way para mapansin siya ni Tobby. Support na lang natin ang beshy natin,” sabi nito kay Jenny. “Ano Che, kailan mo gustong magpunta tayo roon sa sinasabi ko sa iyong clinic?” Binalingan pa siya ng kaibigan.
“Bahala nga kayong dalawa riyan, basta ako winarningan na kita Che ha?” sabi pa nito sa kaniya habang naghahain ng pagkain sa mesa.
Sa totoo lang kinakabahan din siya sa gagawin. Pero kung ito lang ang paraan para mapansin siya ni Tobby, sige gagawin niya. Para kapag nagkita sila ulit ng kababata, malaglag ang mga dapat malaglag dito.
“Sige i-set natin for next month,” sagot niya kay Althea.
“Bakit naman next month pa? Next week na beshy, para sa reunion natin, vavavoom ka na!” Nae-excite pang sabi nito na ikinatawa naman niya.
“Sige next week na!” natatawang saad niya rito. Marupok siya kaya napapayag siya agad ni Althea.
“Hayyy, bahala na nga kayong dalawa! Tara na lafanga na tayo. I-enjoy mo na ito habang puwede ka pang lumafang ng madami.” Nginitian niya ang mga ito saka nag-umpisang kumain.
Hindi siya umuwi ng gabing iyon sa kanilang bahay. Tinawagan na lang niya ang mommy niya, at nagbilin na ‘wag na ‘wag sasabihin kay Tobby kung nasaan siya. Naintindihan naman siya ng kaniyang ina kaya nakahinga na siya ng maluwag. Pinatay rin niya ang kaniyang cellphone para hindi siya matawagan nito.
Gayon din naman ang ginawa ng mga kaibigan. Alam kasi niyang tatawagan nito ang mga iyon. Kaya pare-pareho nilang pinatay ang mga cellphone nila. Kapag naman may emergency ay sa land line sila makokontak.
Kinabukasan ay umuwi na rin siya ng kanilang bahay. Nagulat pa siya nang makita si Tobby na nakaupo sa kanilang sofa. Akala kasi niya ay umuwi na ito ng Maynila kasama ng girlfriend nito.
‘Wait, so kung hindi siya umuwi kagabi, ibig sabihin ba nito ay sa bahay rin nila natulog ang jowa nito? As in sa kuwarto niya? Magkatabi sila?’ Kumirot ang puso niya sa isiping iyon.
‘Haller? Eh jowa niya kaya iyon, syempre riyan natulog iyon alangan namang paalisin ni Tobby iyon ‘no?’ sabi naman ng kotrabidang parte ng utak niya. Pinilit na lang niyang ngumiti rito.
“Oh, ang aga mo yata ah.” Kunwa’y bati niya rito.
Buti na lang at nakapag-makeup siya bago umuwi. Hindi masyadong halata ang pamamaga ng kaniyang mga mata. Tumayo naman ito at nakapamulsang humarap sa kaniya.
“Can we talk?” seryosong tanong nito sa kanya.
Bigla naman ang pagkabog ng kanyang dibdib. Bumuntong hininga siya bago umupo sa katapat nitong upuan. Napasunod naman sa kaniya si Tobby.
“Okay, about what?” maya-maya’y tanong niya rito.
“Iniiwasan mo ba ako Chubs?” diretsong tanong nito sa kaniya habang mataman siya nitong pinagmamasdan.
“Huh? Hindi! Bakit ko naman iyon gagawin?” kaila niya rito. Gusto niyang batiin ang sarili, dahil hindi man lang siya nabulol ng sagutin niya ito.
“Eh bakit bigla ka na lang umalis kahapon at hindi na bumalik? Sabi ni tita Lucille, umalis ka raw. Saan ka ba nagpunta? Nakapatay pa ang cellphone mo. Sinubukan ko ring tawagan sila Jenny, patay rin ang mga cellphone nila. Saan ka ba nagpunta kahapon?” Sunod-sunod ang tanong nito sa kanya.
“Teka isa-isa lang, mahina ang kalaban. Una, umalis ako kasi tinawagan nila ako sa trabaho. Nagkulang ng supply ng cakes, so I need to go there to save their ass. Pangalawa, hindi ko napansin na low batt ang cellphone ko, kaya sorry kung nag-worry kayo. Pero nakatawag naman ako kay mommy gamit ang telepono sa Restaurant. Then lastly, hindi ko alam kung bakit patay ang mga cellphone ng dalawang iyon. Hayaan mo’t aalamin ko mamaya,” mahaba-habang paliwanag niya rito.
Iniiwas niya ang tingin dito para hindi makita nito na nagsisinungaling lang siya. Tila hindi naman ito satisfied sa isinagot niya. Hindi naman siya nagpahalata rito at kunwa’y humikab pa.
“Tobby, I hate to say this, pero kailangan ko ng matulog eh. Napagod ako sa pagbe-bake all night sa Restaurant. Saka hindi ka ba hinahanap ng girlfriend mo? Go home, baka gising na iyon.” Tumayo na siya saka diretsong naglakad patungo sa hagdan ng bahay nila paakyat sa kaniyang silid.
“She’s not there. Umuwi na siya kahapon pa.” Hindi niya ito nilingon upang hindi makita nitong tumutulo na ang luha niya. Pigil na pigil niya ang mapahikbi saka siya sumagot muli kay Tobby.
“Ahhh, okay. Sorry Tobby inaantok na talaga ako. I’ll see you later, kung hindi ka pa aalis.” Hindi pa rin niya ito nililingon nang sumagot siya rito. Hindi na niya hinintay na sumagot ito at nagmamadali na siyang umakyat sa kanyang silid.
‘Bye Tobby. For now— ‘Pag payat na ako saka ako magpapakita ulit sa iyo,’ bulong pa niya sa sarili.
Pagsarang-pagsara ng kanyang silid, padausdos siyang sumandal sa likod ng pintuan saka umiyak nang umiyak. Nasasaktan pa rin siya sa nangyari. Hindi naman niya maamin sa kababata ang nararamdaman niya, dahil baka hindi niya rin kayakin ang isasagot nito sa kanya. Nasanay siyang siya lang ang babaeng nakakdikit at nakakahawak kay Tobby. Pero ngayon iba na, iba na kasi may kasintahan na ito. Mahal na nga talaga niya ito kaso paano niya ipaglalaban iyon? Is it too late?
Tobby’s POV…
Alam kong hindi nagsasabi ng totoo si Cherry. Batid kong nasaktan ko siya kaya hindi na siya bumalik kahapon. Nagi-guilty ako dahil alam kong ang pagdadala ko kay Audrey ang dahilan kung bakit ito umalis. Nakausap ko rin si tita Lucille at sinabi nitong pabayaan ko na lang muna si Cherry.
Kaya naman kahit halos mabaliw ako sa kakahanap sa kanya kagabi, sinunod ko ang sinabi ng mommy niya. Hinatid ko rin agad si Audrey pabalik ng Maynila kahapon. Pagbalik ko na lang doon saka ko ipapaliwanag sa kanya ang lahat. Alam kong kasusuklaman niya ako, pero okay nardin iyon kaysa naman patuloy ko siyang saktan.
Mabait si Audrey kaya ko nga siya nagustuhan eh. Pero hindi kasi sapat iyon para mahalin mo ang isang tao. Mahal na mahal ko talaga si Chubs. Kaya naman nagdesisyon na akong i-push ang nararamdaman ko para sa kanya. kung pagkatapos ng gagawin ko ay talagang wala pa ring mangyari, at least wala akong pagsisihan dahil sa wala akong ginawa.