2. Rocky Road

1008 Words
[2] ROCKY ROAD   MIZUKA'S POV   Nakapout lang ako for the entire time. Akala ko mag-lilips-to-lips kami kanina. Hindi pala.   Ngayon ko lang pinagsisihan kung bakit ako tumakas sa mga whereabouts naming dalawa nun. Ang gwapo pala ng asawa ko.   Natapos na kaming mag-picture taking. Syempre nag-smile ako pero ang asawa ko, nakasimangot lang at panay tingin sa relo niya. Lumabas na kami ng simbahan at nabigla ako nang...   Sumabog ang confetti sa ere.   "Waaahh! Ang galing!"   "Psh. Ignorante," sabi ng asawa ko. Nginitian ko lang siya tapos sinimangutan lang niya ako. Hmp,ang sungit yata ng napangasawa ko.   Ayieee! Feel na feel ko ang salitang 'asawa'.   "Ichi, tali ka na!" patawa-tawang sigaw nung isang poging lalaki.   "G@go," sagot ng asawa ko. Ayieee. Asawa ko naman talaga siya diba?   Maya-maya pa ay niyakap ako ni okaasan. She told me to take care of my husband according to the Japanese traditions. "Hai, okaasan!"   "Osya, pasok na kayo sa bridal car. See you at the reception nalang," my oka-san said.   I was surprised when my husband intertwined our arms and guided me towards the car. Pinagbuksan pa ako ng pinto. Ayieeeee! Ang gentleman ng asawa ko.   "Uy, pasok! Gusto mong maiwan?"   Kaso akala ko papaunahin niya akong pumasok sa kotse. Mas nauna pa siyang pumasok eh. But it's okay. I just smiled at him and got inside the bridal car.   Nagsimula nang umandar ang kotse. Tumingin ako sa asawa ko tapos napatingin din siya sa akin. Bigla niya akong sinimangutan ulit kaya nginitian ko pa rin siya.   "Hi, asawa ko! I believe we haven't introduced ourselves formally. So," I extended my right hand to him. "I'm Mizuka Arielle Watanabe-Takahashi. Hihihi."   Anobayan. Kinilig pa ako! Ang gwapo ng asawa ko kahit nakasimangot.   Tinignan niya lang ang kamay ko at tumingin sa bintana sa side niya, "Mukha kang tanga."     Ehhh? Mukha na bang tanga ang magpakilala?   I still managed myself to smile. Iintindihin ko ang asawa ko. Baka pinaglihi lang siya ng parents niya sa sama ng loob kaya siya nakasimangot parati.   Natawa tuloy ako ng mahina sa naisip ko.   "Anong tinatawa-tawa mo dyan? Mukha ka ng siraulo."   "Kakaiba ka naman, asawa ko. Nung nagpakilala ako, sabi mo mukha akong tanga. Tapos nung tumawa ako, ang sabi mo naman, mukha akong siraulo," sabi ko nang nakangiti pa rin.   Umiling lang siya. Nakita ko pang hinawakan niya ang tiyan niya.   "Asawa ko, gutom ka na? Parehas tayo! Hindi kasi ako nag-almusal. Wedding jitters, you know!" saka ako tumawa.   Bigla niya akong tinignan na naman ng masama. Ang weird ng asawa ko ah.   "Tinatanong ko ba? Why are you so talkative?!"   "'Cause I talked a lot?" clueless kong sagot.   "Tss! Kapag ganitong nagugutom ako, wag mo kong bwisitin!"   Natawa nalang ulit ako. "Ang cute mo!"   "Psh. Baliw."   "Hindi ako baliw ah!" Pinalobo ko ang pisngi ko. Hmm, mag-iisip ako ng topic. I want to know more about him. "Anyways, how old are you?"   "I'm 20."   "I'm 18."   Tinignan niya na naman ako with matching kunot noo pa. "Bakit ang hilig mong ngumiti?"   "'Coz my mom told me that I'm beautiful whenever I smile."   "Tss. Naniwala ka naman," narinig kong bulong niya. Hmm, never mind nalang sa side comment niya. Lumapit nalang ako ng upo sa kanya. Kaso nagulat ako ng itulak niya ako.   "Don't sit near me. Hindi tayo close."   "Eh asawa mo naman ako eh."   "Asawa mong mukha mo."   I just rolled my eyes and folded my arms across my chest. Ang stubborn ng asawa ko. "Hey, asawa ko, san tayo titira?"   "Will you stop calling me asawa? That sounds sh1t."   Tumahimik nalang ako. In fairness, masarap siyang kausap. Joke lang. Ang harsh niya. Hmp!   "Nakailang boyfriend ka na?" Narinig kong tanong niya matapos ang katahimikan. Napangiti tuloy ako ng kay lapad-lapad. Tinanong niya ako!   "I had 4 boyfriends. Oppss.. di pa pala naka-counted si ano.. 5 pala.. Hihihi.. Ikaw?"   "2 but I didn't take them seriously."   Nanlaki tuloy ang mga mata ko. "Woah!!!!   "Nande?" ((why))   "Nagka-2 boyfriends ka na? You mean, ba---"   "STUPID! ANG IBIG KONG SABIHIN, 2 GIRLFRIENDS!!!"   Napangiti tuloy ako.   "Pag tinanong ang lalaki ng ganun, understood na you're referring to a girl not a guy. Sh*t, you're annoying the hell out of me."   "Hehehe, akala ko kasi bading--"   My eyes rounded when he reached me to cover his hand on my mouth. Our faces are just a few inches away while his body is so close to me.   Kakkoii! Ang gwapo niya sa malapitan. Ang bango pa niya.   "Sabihin mo pa yang salita na yan. Hahalikan na talaga kita."   Paano ko sasabihin kung nakatakip ang kamay niya sa bibig ko?!? Gusto kong sabihin!!   He smirked suddenly. He then removed his hand on my mouth.   "Gusto mo sigurong mahalikan talaga noh?"   Hindi ako sumagot. Wala akong ma-say! Naiilang tuloy ako.   "Kinikilig ka naman?" dagdag niya pa. "Love the view?"   Napatingin ako pababa sa labi niya. No, he's tempting me!!!   Nagulat ako nang palapit ng palapit ang mukha niya sa mukha ko. Yabai! Dumikit na nga yung nosetips namin eh.   Halos matigil ang hininga ko nang tumigil siya. Malapit na malapit na't maglalapat na ang mga labi namin. He chuckled, "Akala mo naman, hahalikan tala-"   Ngunit sa hindi inaasahang pangyayari...   Kyaaaaaaaaaahhhhhhhhhhhhhhh!   "MANONG!!! DAHAN-DAHAN NAMAN PO SA PAGDRADRIVE!!!!"   "Pasensya na po Sir. Lubak po eh," sagot ni manong driver.   Nakahawak lang ako sa labi ko. Ang lambot ng lips niya.   ROCKY ROADS CAN ONLY BE FOUND USUALLY IN THE PHILIPPINES AND I LOVE IT! YAY!   LIAM'S POV   Dammit! Dammit! Dammit!   Nawala na ang first kiss ko. Pagbabayaran niya yun. Langya! Ang mahal pa naman nun.   *TING! TING! TING!*   Isa pa yang mga ting ting ting na yan. Basagin ko yang mga baso nila eh. Lagi nalang nagrerequest ng kiss.   *TING! TING! TING!*   Hinarap ko ang nasa kaliwa ko. Tsk! Makangiti naman ito. Gustong gusto makahalik. Hustler na.   I gently cupped her face and placed both of my thumbs on her lips. Just like what I did at the wedding saka ko siya hinalikan kunwari.   Nagpalakpakan naman sila.   Asus! Arranged marriage lang ito mga sira-ulo!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD