[3] BREAKFAST
MIZUKA'S POV
"My daughter, take care of yourself and I hope you'll always be happy."Okaasan said sweetly and pulled me for another embrace.
"I hope so" I answered and gave a peck on her cheek. I love okaasan so much. She’s always there to defend me whenever I get he scolded by otousan.
"That's enough!" Awat sa amin ni otousan habang hinihila ng mahina si okaasan palapit sa kanya. Ngumiti nalang ako para matago ang lungkot ko.
"I will miss you okaasan, otousan." Tumingin ako sa tabi ko. Naka-cross arms lang yung dalawa kong kapatid. "Kayo din nee-chan at nii-chan."(Onee-chan is older sister while onii-chan is older brother)
They just nodded and tapped my shoulders. They looked so sad also. Kahit na lagi nila akong inaasar at binubully, mahal ko pa rin ang mga kapatid ko.
"We will miss you too, little sister" My nii-chan said.
Pagkatapos ng pamamaalam namin ng pamilya ko ay tinawag na ako nung butler ni Liam at hinatid ako sa kotse na sasakyan namin papunta daw sa titirahan namin. Paglabas ng hotel ay naghihintay na ang isang puting kotse. The butler opened the car's door for me.
"Arigatou.."
Pagpasok ko ay nakita ko ang asawa ko na nakaupo na sa backseat. He just looked at me so I smiled. Siguro ang pangit ng smile ko kasi malungkot ako deep inside.
"Asawa ko, san tayo titira?" I asked to break the silence between us. Nagsimula ng umandar yung kotse.
"Sa pad ko.. Nandun na rin daw ang mga gamit mo," he answered coldly. Pumikit nalang ako kasi nawala na ako sa mood.
***
"Mizuka..."
"Hmmm?"
"Andito na tayo! Gumising ka na dyan. Hindi kita bubuhatin!"
Nag-pout nalang ako nang imulat ko ang mga mata ko. Pagtingin ko sa tabi ko, wala na si Liam. Bakit kaya siya ganun? Ang sungit-sungit.
Sinundan ko lang siya hanggang sa makarating kami sa pad niya. Pagpasok na pagpasok namin ay nakita ko kaagad ang mga maleta ko. Si Liam naman ay umupo dun sa sofa at isinandal ang ulo niya sa head rest nito.
"Liam-kun, saan ang kwarto natin?" Tanong ko.
Tinignan niya lang ako ng seryoso at tumayo na. Papunta siya sa isang kwarto na tingin ko ay yung kwarto niya.
"Dito ka sa guestroom." Sabay turo niya dun sa isang pinto sa kaliwa ng room niya. "Ako dito sa kwarto ko," sabi niya at tuluyan ng pumasok sa kwarto niya. Napa-pout nalang ako.
"My husband is so mean," bulong ko sa sarili ko habang hila-hila yung maleta ko papasok ng guestroom. Hindi man lang ako tinulungan dito? Well, baka napagod lang siya.
Inilapag ko muna yung maleta sa tabi ng side table. By the way, naka-formal dress na pala ako. Kumuha ako ng pantulog at pumasok na sa bathroom dito sa loob pa rin ng kwarto. Buti nalang may bath tub, makakapagrelax ako. After half an hour ay natapos na rin ako sa rituals ko. Hmm, bukas nga, I'll ask Liam-kun to accompany me to the mall. Hindi kasi ako sanay sa soap and shampoo na nandito.
Hinalungkat ko rin ulit yung maleta ko para hanapin yung lotion ko. Kaso.. W-wala! Kailangan ko talagang bumili bukas.
Buti nalang dala ko yung hair blower ko, kundi I'm gonna be dead. Hindi ako nabubuhay ng walang ganito. Buti nalang talaga. Pagkatapos patuyuin ang buhok ko ay umupo muna ako sa gilid ng kama.
"In the name of the father, of the son and the holy spirit." Nag-sign of the cross ako, pumikit at pinagdaop ang dalawang palad. "Lord, thank you for this day. Alam kong may dahilan kung bakit ako ikinasal kay Liam-kun. And I believe that Liam is a nice guy too. Syempre baka nahihiya lang po siya sa akin. Sana po maging happy ang buhay may-asawa ko. Please, guide us everyday. And take care of my family and also my husband. Amen."
Pagkatapos kong magdasal ay humiga na ako sa kama ko. Medyo nakakapanibago kasi white yung kulay ng kwarto and not my favorite color, lavender. Lavender kasi yung color ng kwarto ko sa Japan.
Siguro halos isang oras na akong hindi mapakali sa higa ko. Na-hohome sick na ako. Ang tahimik masyado dito, hindi ako sanay. Namimiss ko na yung sigaw ni Otousan kapag papagalitan niya ako, yung mga tawa ng kapatid ko at pang-aasar nila sa akin at iba pa.
Kahit na nagtatampo ako sa mga magulang ko, namimiss ko na agad sila. Sana naayos na yung utang nila sa pamilya ni Liam-kun. First night ko pa lang pero na-hohome sick na ako.
Goodnight.
***
Kinabukasan, nagising na ako ng 7:20 am. Hindi kasi ako masyadong makatulog kagabi dahil hindi ako sanay sa kwarto ko. Feeling ko pa may nagmamasid sa akin na mumu. But I know, God is taking care and guarding me off from evil spirits. Yeah boy!
I did some stretching before going to the bathroom. After doing my stuffs, I headed to the kitchen to cook for our breakfast. Napatingin ako sa kwarto ni Liam-kun. Hmm, siguro tulog pa siya. According to the Japanese customs and traditions, dapat ay pagsilbihan ng babae ang kanyang asawa. Ayun ang gagawin ko. Goodluck to me!
Ang unang dapat na gawin ay maghanap ng pwedeng lulutuin. Agad akong naghanap ng pwedeng maluto sa fridge and CHADAN!!! May bacon, egg at hotdogs naman.
And after 20 minutes ay natapos na ako.
LIAM'S POV
Pagkagising ko ay naligo muna ako bago lumabas ng kwarto at agad akong nakapansin ng kakaiba.
Bakit amoy sunog?!?
Bakit mausok?!?
Nagmamadali kong tinungo ang kitchen at nakita ko si Mizuka na nagtitimpla ng kape.
"Good morning, Liam-kun! Nagluto ako ng breakfast. Tara," sabi niya ng nakangiti na walang pakialam sa usok. Kinunutan ko lang siya ng noo. "Is there a problem?”
Bakit ba ang usok dito? Dumiretso ako sa kalan. LINSYAK! Pinatay ko kaagad yung stove. Sa lahat ng makakalimutang i-turn off, ito pa.
"ALAM MO BA 'TONG GINAGAWA MO?!HINDI MO PINATAY YUNG KALAN! SUSUNUGIN MO BA ANG CONDO NA ITO?!" bulyaw ko sa kanya.
Umupo siya ng tahimik at yumuko. Nakapout pa.
"...Eh n-n-nakali..mutan k-ko! Sorry!"
I sighed in exasperation. Umagang umaga naman Liam. Don't let her ruin your day. Umupo nalang ako sa upuan na harap niya sa table. Unti-unti niyang inangat ang ulo niya. "Liam-kun, sorry na!"
"Whatever."
Kumuha nalang ako ng hotdog. Isusubo ko na sana nang makita kong sunog yung kabilang side nito. "Hotdog lang, sinunog mo pa?"
"Hihihi, sorry!"
"Tsk."
No choice, yung sunny side up egg nalang. Yung bacon kasi tinusta rin niya. Pinagmasdan lang ako ni Mizuka habang sumusubo kaya kinunutan ko siya ng noo. She just bit her lip and continued to eat anyway.
Napatigil ako nang malasahan ko na ang fried egg. "Aish! Mizuka, bakit may balat pa ng itlog ito? Pfft!!" Langya. Ano ba itong breakfast na ito. Disaster!
"Ay, sorry Gomenasai!"
"Tsk. Para kang hindi babae!" sagot ko. Siguro naman itong kape na tinimpla niya para sa akin ay hindi palpak ah.
At ayun na nga. Nabuga ko yung kape. Buti nalang hindi sa mukha ni Mizuka. Buti nalang dumiretso ako sa sink para ibuga yung kapeng sobrang tamis at sobrang pait!!
"Liam-kun, b-b-b-bakit???"
Naramdaman kong nasa likod ko na si Mizuka. At mukhang maiiyak na. Ayoko pa naman sa lahat yung nakakakita ng umiiyak na babae.
"Nawalan na ako ng ganang kumain. Mag-gi-gym nalang ako. Tsk!" sabi ko habang naglalakad na papuntang pintuan. Sa labas nalang ako magbrebreakfast ang mabuti pa.
"Liam-kun! U-uhmm.. ano.."
"Ano?!"
"Pwedeng pahingi akong pera?"
"WHAT?!"
"May bibilhin lang ako. Pero kung ayaw mo, sige wag nalang." Malungkot niyang sabi habang papunta na sa sink. Siguro huhugasan na yung mga plato. Bigla naman akong nakaramdam ng konsensya kaya lumapit ako sa table at nilabas ang wallet ko mula sa bulsa.
"Oh, ito. Ayos na yan?" Nilapag ko ang isang 2,000 pesos sa mesa kaya napalingon naman siya.
"Uhmm, bibili lang ako ng lotion, soap at shampoo. Sobra pa yan!" At bumalik na siya sa paghuhugas sa sink.
"Ahh okay, sige. Sinabi mo eh."
Nagulat nalang ako nang kinuha niya mula sa mesa yung pera. Naunahan ako dun ah. Ang bilis ng kamay. "De joke lang! Hindi ka naman mabiro niyan, Liam-kun."
"Psh." Tumalikod na ako para lumabas na kaso narinig ko pa siyang sumigaw bago ko pa isarado ng tuluyan ang pinto.
"ASAWA KO! ITTERASSHAI! WALANG GOODBYE KISS?!"
Baliw ata ang napangasawa ko.