[4] NEW FOUND FRIEND
MIZUKA'S POV
Nandito ako ngayon sa tapat ng condo building, dito sa may kalsada. Tinitignan ko yung mga tao, yung mga bus, yung mga jeep at yung mga taxi cabs. Tutuloy pa rin ba ako? Hindi ko alam kung saan ako pupunta eh. Oo, sa mall ako pupunta pero hindi ko alam kung nasaan yun.
Huhuhu! Tatlong beses pa lang ako dito nakakapunta sa Phlippines eh. Eversince, sa Japan na talaga ako lumaki. Kung nagtataka kayo kung bakit ako marunong mag-tagalog, it's because okaasan used to speak to us in tagalog language.
Nagtingin-tingin ako ng mga nakasulat sa harap ng salamin ng mga jeeps. Hindi talaga ako pamilyar sa mga nakasulat na lugar. Napakaengot ko pa kasi hindi ko alam ang cellphone number ng asawa ko. Tatanong ko sana.
"CUBAO! CUBAO! CUBAO!"
Dun nalang kaya ako sumakay? Tsk. De joke lang. Wala akong idea. Baka maligaw ako.
Nilabas ko ang phone ko mula sa bulsa ko. Tatawagan ko si okaasan para matanong kung nasaan ang mall dito.
CALLING OKAASAN...
"Moshi moshi... Okaasan?"
[Mizuka! How are you?]
"Hmm, I'll be fine oka-san kung sasabihin niyo po sa akin kung anong gagawin ko."
[Bakit? Anong problema?]
"Okaasan, anong sasakyan ko po papuntang mall mula dito sa condo ni Liam-kun?"
[Naku, Mizuka! Better ask your husband to accompany you. Baka kasi maligaw ka. Hindi ka pa naman sanay na--]
"Eehh, he went to the gym oka-san. Don't worry, kaya ko po ito. So, what shall I do?"
[hay. San bang city naka-locate yang condo ng asawa mo?]
I bit my lower lip. Ganito ako kapag hindi ko alam ang isasagot ko. Saan nga bang city ito?
"Ahh, I don't know okaasan. Gomen! I really don't have any idea. But.. as I can see on the jeeps passing by, may Cubao na nakasulat. Ow, wait! May naka-sulat pala dito PED XING.]
[Hay! Ped xing means pedestrian lane, Mizuka. Ganito nalang, may pera ka ba dyan?]
"Hai.."
[Get a cab then tell the driver to take you to the nearest SM. Okay?]
"Hai, arigatou gosaimasu oka-san!"
[You're welcome, take care.]
"Hai! Baibai, okaasan."
Then, I hung up.
As to what okaasan told me, I got a cab and told the driver to take me to the nearest SM. After 15 minutes, we reached the mall already. Sabi niya magbayad daw ako ng P80.00 lang daw kaso apat na five hundred bills yung nasa wallet ko. Sabi niya wala daw siyang panukli kaya sabi ko keep the change nalang. Hehe
Agad akong pumasok sa mall at hinanap yung grocery shop.
Yung grocery dito parang ganun lang din katulad sa Japan kaso mas mahal yung mga tinda dun kesa dito. Nandito ako ngayon sa beauty products section. Bibili lang ako ng lotion, shampoo at soap... Uhmm, samahan na rin ng sanitary napkins.
"Gago, ayoko nga. Ikaw nalang dude.."
"Taragis. Ayoko, nakakahiya! Ang gwapo ko Arthur, tapos bibili ako ng ganun. Ano nalang sasabihin sa akin nung cashier girl?"
"Eh para naman sa pinsan mo eh. Tsaka sino bang inutusan? Diba ikaw Derrick?"
"Langya. Kaya nga nagpasama ako sayo dito para matulungan mo ko eh."
Napatingin ako dun sa dalawang lalaking nag-uusap or should I say nag-aargumento. Nakatalikod sila sa akin kaya hindi ko kita ang mukha. Grabe, artista ba sila? Bakit sila kinukuhanan ng litrato ng mga babae? Ahh, baka artista sila dito sa Pinas.
Hindi ko nalang sila pinansin. Kinuha ko na ang dapat na bibilhin ko at hahanapin ko kung nasaan yung pwesto nung mga tampons.
Paliko na sana ako nang...
"Sumimasen! I didn't mean to bump you." May nabangga akong lalaki na naka-hoodie. Take note, naka-cart pa ako. Apat na piraso lang naman ang bibilhin ko pero gusto ko kasing mag-cart. Ang saya kasi.
"It's okay..." He said smiling and winked at me. Napakunot tuloy ako ng noo. Siya yung isa sa lalaking pinipicture-an kanina ah?
Nagpatuloy na ako sa pagtulak ng cart at nilagpasan siya. Ay wait, nag-bow muna ako sa kanya bago ko siya iwan dun.
Dumiretso na ako sa may sanitary napkins section. Ohhh~ dalawang pack nalang ang bibilhin kooo--AY!
Yabai! Nalaglag lahat ang mga napkins. Not totally lahat, pero ang dami pa rin. Bakit ang clumsy mo Mizuka?!
Pupulutin ko na sana isa-isa nang may lumapit sa akin na isa sa mga worker ng grocery shop. "Miss, ako nalang po.."
"I'm sorry. Hindi ko sinasadya, swear!"
"Okay lang po. Madulas kasi yung plastic ng mga ito eh."
Didiretso na sana ako nang makita ko na naman yung lalaking nabangga ko. Nasa harap siya ng isang stand ng sanitary napkins. Pulang-pula yung pisngi niya tapos atras-abante yung kamay niya kung kukunin niya ba o hindi.
Hindi niya ako napansin nang nilagpasan ko siya kasi concentrate na concentrate siya dun.
"Fck.." He mumbled.
Napatigil tuloy ako sa pagtutulak nung cart. Kinalabit ko yung lalaki. Lumingon naman siya sa akin tapos nanlaki yung mga mata niya. Lalo pang namula yung mga pisngi niya. It's really more fun in the Philippines. Ang gwapo!
"Why?" He asked then he looked away.
I pointed at the sanitary napkins. "Is there anything wrong? May I help you?"
"Ahhh... Uhmm..." Napakamot siya sa batok niya at yumuko. Napakagat labi pa siya.
"Bakit po? Ano po bang kailangan niyo? May wings or non-wings?"
Baka kasi yun yung problema niya sa pagpili diba?Lalaki pa naman siya. Siguradong hindi niya alam ang mga ganung bagay.
"Ahh, w-wala..." Sabay smile niya na halatang pilit. "Thanks anyway.."
"Uhh, okay..." I smiled at him. Tumalikod na ako at tinulak na ulit yung push cart ko. Wee~ ang sarap talagang mag-push cart. Pangarap ko talaga na someday, pag may asawa na ako sabay kaming mag-grogrocery nung asawa ko. Siya yung tumutulak sa push cart tapos ako naman yung pumipili ng--
"MISS WAIT!"
Napalingon ako sa tumawag. Ako ata yung tinatawag eh. At tama nga, ako nga yung tinawag nung lalaking pogi!
"Bakit po?" I asked.
"Can I ask a favor?" Tanong niya. Nagdadalawang isip ako kung tatango ako pero tumango na rin ako. Gwapo eh. Lumapit siya sa akin at ini-level ang mukha niya sa mukha ko. Napaatras tuloy ako. Waah! Kikiss niya ako?!
"B-b-bakit po??"
Inilapit niya yung bibig niya sa tenga ko kaya napapikit ako. "Miss, favor naman. Pwede bang ikaw na ang magbayad sa cashier nung tampon na bibilhin ko? Nahihiya kasi ako eh. Don't worry ako magbabayad."
Tinulak ko nga siya.
"Pfftt. Hahaha. Akala ko naman kung ano na. Sige, lagay mo na sa push cart ko."
DERRICK'S POV
I am Derrick Monteverde, 21 years old, currently studying at East High University, gwapo ako at macho. Nasa akin na ang lahat. Just kidding. (Kilala niyo siya if nabasa niyo na yung AIWG. He's the cassanova of X10)
They proclaimed me as a casanova.
Isang casanova na inutusan na bumili ng tampon sa grocery shop. Tsk.
"Arthur, ikaw na kumuha at magbayad," sabi ko kay Arthur, kasamahan ko sa X10.
"Gago, ayoko nga. Ikaw nalang dude," inis na sagot niya.
"Taragis. Ayoko, nakakahiya! Ang gwapo ko Arthur, tapos bibili ako ng ganun. Ano nalang sasabihin sa akin nung cashier girl?" Kasi naman si Ate CJ eh, nakikitira na nga lang sa bahay, inutusan pa akong bumili ng ano.. PAKSHET!
"Eh para naman sa pinsan mo eh. Tsaka sino bang inutusan? Diba ikaw Derrick?"
"Langya. Kaya nga nagpasama ako sayo dito para matulungan mo ko eh."
"Akala ko pa naman kung ano. Alis na ako, bahala ka na dyan.." Paalam niya saka mabilis na naglakad palayo. Hinimas ko ang noo ko baka kasi nagkaka-frown lines na ako dahil sa pamumuroblema dito.
Tumingin ako sa paligid. Shete! Puro babae pa naman ang nandito. Yung isa pa, nahuli kong kumukuha ng pictures sa akin. Ayos lang, gwapo pa rin naman ako kahit stolen shots pa man yan.
I turned my back and smiled at them.
Nagsimula na akong maglakad. For Pete's sake, this is so embarrassing!
Paliko na sana ako sa aisle nang may matigas na bagay na bumunggo sa akin. Before I could react, may narinig na akong matining na boses na nagsalita.
"Sumimasen! I didn't mean to bump you."
Pagtingin ko, Oh chick! Witwew... Mukhang haponesa. Ang kinis at ang ganda niya. Madaan nga sa charm ko.
"It's okay..." I smiled then winked at her. Bigla namang kumunot ang noo niya. Usually, pag kinikindatan ko ang mga babae, nag-blublush sila. Eh bakit ito kumunot lang ang noo? At eto pa ah, nag-bow muna siya tapos nilagpasan ako.
First time nangyari yun sa akin ah. Usually, pag nagpapablush ako ng chick, we always ended up at my pad or her place. Wow! Hindi ba ako gwapo ngayon? Makapagpa-facial mamaya baka bumukas na naman yung mga pores ko. LOL joke.
Pero bago yun, kailangan ko ng mabili yung dahilan kung bakit ako nandito. TAMPON! TAMPON! WHERE ART THOU?!
Ayun. Nakita ko na rin. Lumapit agad ako sa pwesto na yun. Ayos, walang babae. Kaso, babae naman yung pagbabayaran ko nito. Wala rin.
Wag nalang kaya?Kaso magagalit sa akin si Ate CJ. Ang gwapo ko para bumili niyan.
Eh kaso paano na si Ate CJ? Nakakahiya talaga eh. Ano ng gagawin ko?
"Fck."
May kumalbit sa akin kaya napalingon ako. Ahh, shete! Ito yung haponesang chick! Bigla namang nag-sink in sa utak ko na kumukuha pala ako ng tampon. Oh fcking sh*t, turn off na si babe.
This is so fcking embarrassing!
"Why?" Tanong ko sabay iwas ng tingin. Hindi ako makatingin ng diretso. Nakakahiya!
She pointed at the sanitary napkins. "Is there anything wrong? May I help you?"
"Ahhh... Uhmm..." Napakamot ako sa batok ko at yumuko. Napakagat labi pa ako. Pano ko ba sasabihin ito?
"Bakit po? Ano po bang kailangan niyo? May wings or non-wings?"
Napakunot noo ako. May wings or non-wings? Ano yun? May pakpak na pala ang napkin?
"Ahh, w-wala..." I forced a smile. "Thanks anyway.."
"Uhh, okay..." She answered and smiled at me. Tumalikod na siya at nagsimula nang itulak yung cart niya na iilang piraso lang ang laman. Kailangan na talaga ng tulong ng isang gwapong nilalang na tulad ko.
"MISS WAIT!"
Napalingon naman siya. Damn, parang slow motion yung paglingon niya. Ewan ko ba, pero parang ang sarap niyang kuhanan ng picture. Parang ang blooming ng mukha niya.
"Bakit po?" She asked.
"Can I ask a favor?" Seryosong tanong ko. Siya naman nag-offer ng tulong diba? Naglakad ako palapit sa kanya at yumuko ako ng bahagya. Ni-level ko yung muka ko sa mukha niya. Ang kinis rin niya at ang ganda sa malapitan.
Sh*t, I make her blush. Nagwapuhan rin siya sa akin finally.
"B-b-bakit po??" She asked stuttering.
Inilapit ko yung bibig ko sa tenga niya. Mahirap na baka may makarinig na ibang chicks kaya ibubulong ko nalang. Isipin pa nila na ano ako. Woah, allergic pa naman ako sa word na yun. "Miss, favor naman. Pwede bang ikaw na ang magbayad sa cashier nung tampon na bibilhin ko? Nahihiya kasi ako eh. Don't worry, ako ang magbabayad."
Nabigla ako nang itinulak niya ako.
"Pfftt. Hahaha. Akala ko naman kung ano na. Sige, lagay mo na sa push cart ko."
Haa? Hindi big deal sa kanya yun?
"Uy, ano na? hindi mo ba alam kung anong klaseng tampon? Osya, ako nalang pipili." Kumuha siya ng isang pack at inilagay sa cart niya. "Ilan ba?"
"U-uhh.. Ahmm.." Takte! Ngayon lang ako nabulol sa harap ng babae ah.
"Isa lang ba?" Tanong niya habang nakangiti. Napakaaliwalas ng mukha niya pag nag-ssmile. Tumango nalang ako kasi pakiramdam ko may kung ano na bumara sa lalamunan ko.
I gulped. "M-Miss, ako nalang ang magtutulak ng cart. May bibilhin ka pa ba?"
Napakagat labi siya. Then eventually, ngumiti na naman siya. "W-wala na. Tara na po!"
After some minutes, nabayaran na rin namin sa cashier yung napamili namin. Pinipilit ko ngang ako nalang ang magbayad sa mga pinamili niya para dagdag pogi points kaso tumanggi siya. Sayang!
"So, Kuya, uwi na po ako ah?" Paalam niya habang wine-wave goodbye niya yung left hand niya.
"Ah, Miss. Derrick is the name!" Sabi ko sabay extend ng kamay ko for shake hands. Tinanggap niya naman ito at medyo tumawa pa.
"Yow, Mizuka is the name! Break it down!" then she giggled. Napatawa rin tuloy ako. Nakakadala yung tawa niya eh. "So, paano Derrick, uwi-"
"No, wait! Busy ka ba? Libre kita ng lunch. Para makabawi naman ako sa pagtulong mo sakin dun," sabi ko sabay kamot ng batok ko. Ngayon lang ako kinabahan ng ganito sa babae.
Nakita kong kinuha niya yung phone niya mula sa bulsa niya. "Hmm, sige. Maaga pa naman eh. Tara!"
***
Kumakain kami ngayon sa Goldilocks. Wow, ang sarap ng dinuguan with puto at lalong lalo na yung lechon paksiw. The best!
"Saan ka nag-aaral Mizuka?" Tanong ko.
"Ah, as of now, wala pa akong napag-eenrolan dito sa Pinas kasi kakarating ko lang nung isang araw dito eh. I don't know kung mag-aaral pa ako o hindi. Ikaw?"
"East High University," sagot ko.
Katahimikan.
"Mizuka..."
Napatigil tuloy siya sa pagkain ng black forest cake. "Hmmm?"
"Hindi ka na-turn off sa akin kanina about dun--"
Hindi niya na ako pinatapos. "No, why would I? Ina-admire ko nga yung mga lalaking ganun eh. Yung hindi nahihiya na bumili ng tam-" Tumingin siya sa paligid tapos ngumiti na naman. "Hehehe ng ganun. It's not a big deal anyway."
Napangiti tuloy ako. Naks! Pumopogi points ako.
"Kaya dapat wag mong ikahiya kapag bumibili ng ganun kasi hindi naman kabawasan sa pagkakalaki yun eh. Sa susunod, ikaw na dapat mismo ang bumili para sa girlfriend para mapatunayan-"
I cut her off. "No, you got it wrong. Hindi yun para sa girlfriend ko, para yun sa pinsan ko. Napagtripan ata ako."
Sumubo muna siya ng cake at uminom ng s**o't gulaman. "Ahh, pero dapat ganun ka rin sa girlfriend mo."
"Ahh, wala akong girlfriend." Nakangiting sabi ko sa kanya. Kumunot lang yung noo niya.
"Sa gwapong mong yan wala kang girlfriend? Oh, c'mon!" Then she giggled.
"You mean, nagwagwapuhan ka sa akin?" I grinned bigla naman siyang nasamid kaya inabutan ko siya ng tubig.
"Hehehe. Sorry! Oo, gwapo ka. Wala namang mawawala pag nagsinungaling ako diba?" I chuckled.
Pagkatapos naming kumain ay niyaya ko muna siya na maglaro sa Timezone. Nakakatawa mang sabihin pero ayaw ko pa kasi siyang pauwiin. Ang sarap niyang kasama at komportable ako sa kanya. Hindi siya katulad ng ibang babae na pa-cute. Kahit kakakilala ko lang sa kanya ang gaan na agad ng pakiramdam ko sa kanya.
"Naku, 5pm na pala. Kailangan ko ng umuwi, Derrick-kun!"
"Derrick nalang ang itawag mo sakin. Hindi naman ako Japanese eh. Hmm, do you want me to give you a ride home? Taga-saan ka ba?"
Bigla siyang napakaga-labi tapos napatingin sa iba't ibang direksyon. Parang naghahanap ng sagot. "Actually, hindi ko alam kung saan ako umuuwi eh. Paktay!"
"Ha?" Ang labo niya.
"Kakarating ko lang dito sa Philippines at hindi ko alam yung pasikot sikot dito. Pero as I can remember, Whitelife Condo yung tinitirhan ko."
Napahawak ako sa baba ko. Pamilyar yun ah. Malapit kina Master Kurt yun. "Ah, alam ko yun. Tara hatid na kita?"
"Do you mind?" Nag-aalalang tanong niya.
"No, I don't. Kaya nga kita inalok eh."
MIZUKA'S POV
"Thank you sa paghatid, Derrick!" Sabi ko habang pinagbubuksan niya ako ng pinto ng kotse. Lumabas naman ako at ngumiti sa kanya. "I had so much fun with you!"
"Ako rin. So, may next time pa ba?" Nakangiti niyang sabi. Waaaaah! Ang pogi talaga!
"S-sure! Hehehe.."
"Can I have your number if you don't mind?" Tanong niya. Tumango naman ako tapos binigay niya yung phone niya sa akin. I key in my number to his contacts tapos sinoli ko na sa kanya.
Tumunog bigla yung phone ko kaya kinuha ko sa bulsa ko.
-------
FROM: +639++++++++
THANKS MIZUKA!
-------
"Number ko yan. Save mo nalang din."
"Hai!!"
Nagpaalam na siya sa akin. Hinintay ko muna siyang makaalis bago ako umakyat sa pad ni Liam-kun. Naku! Sigurado akong busangot na naman yung mukha nun. Sana katulad siya ni Derrick na laging nakangiti. Kaya ang gwapo eh.
Pagkadating ko sa harap ng pad ni Liam-kun...
Nanlaki nalang ang mga mata ko at napatakip nalang ako sa bibig ko.
Paano ako makakapasok? Hindi ko alam ang pass code at wala akong susi!
Baka nandito na si Liam-kun. Kaya naisipan kong kumatok nalang at nasa pangatlong katok pa lang ako ay bumukas na ang pinto.
"Bakit ngayon ka lang?" bungad niya sa akin. Iniwan niyang nakabukas yung pinto kaya pumasok na ako.
"Dumating sa buhay ko! Pilit binubuksan, ang sarado ko na puso. Ikaw ba ay nararapat sa akin?!? At siya ba'y dapat ko nang limutin. Nais kong malaman bakit ngayon ka lang dumating?!? Tama ba yung lyrics ko?! Hihihihi.." Sabi ko sabay upo sa sofa katabi niya. Nanunuod siya ng TV.
"WHAT THE HELL?!"
I pouted. "Liam-kun, hindi ka ba marunong ngumiti o tumawa?"
Tinignan niya lang ako ng masama. "May dahilan bang ngumiti o tumawa?" Hindi ako sumagot. "WALA!"
I bit my lower lip. Ang bilis niyang magtaas ng boses. "Anyways, Liam-kun! May new friend na ako. I met him sa mall and he actually gave me a ride home. He's so nice and he always smiles."
Tumayo siya bigla at tumungo na sa kwarto niya. "Hindi ka dapat nakikipag-usap sa mga taong hindi mo kilala. By the way, inayos ko na ang papers mo. Bukas mag-aaral ka sa University na pinapasukan ko."
"Liam-kun, wait!" Pigil ko sa kanya. Isasarado na kasi niya yung pinto ng kwarto niya eh.
"What?!" Lumingon siya.
"Anong school? Ilalagay ko sa sss ko."
"EAST HIGH UNIVERSITY..." Then he slammed the door. Pinalobo ko yung pisngi ko, parang narinig ko na yun ah. Pamilyar! Oh well, excited na ako.