[5] AGREEMENT
MIZUKA'S POV
"Wow, ang ganda naman ng school mo, Liam-kun!"
Nandito na kami ngayon sa parking space ng East High University. Actually, nasa loob pa rin kami ng kotse. Ako, na sa passenger's seat samantalang siya ay nasa driver's seat. Lalabas na sana ako nang hawakan ni Liam-kun yung braso ko. "Nande?" ((Why))
"We should have an agreement, Mizuka," seryoso niyang sabi.
"Ano yun?" Nagtatakang tanong ko. Nakakakaba naman itong sinasabi niya. Dumudugdug tuloy yung puso ko. Hindi kaya inlove na ako? Tumitibok na ang puso ko eh hihihi. Malamang buhay ako!
Binitawan niya yung braso ako at ibinalik ang mga kamay niya sa steering wheel. Naka-diretso siya ng tingin sa labas. Grabe, ilang minuto ng nakalipas hindi pa nagsasalita.
"Excited na akong pumasok. Mamaya nalang natin yan pag-usapan, Liam-kun," sabi ko sabay labas ng kotse niya. Narinig ko pang tinawag niya ako.
"MIZUKA!!!"
"Oh?" Nilingon ko siya. Nakabusangot na naman ang mukha niya. Nginitian ko siya at inunat ang noo niya. Nakakunot kasi eh.
"Anong ginawa mo?"
"Inunat ko lang yung noo mo. Gusot eh!" I smiled and he frowned again. Wala na, gusot na ulit.
"Tsk. Yung about sa agreement natin, ngayon na dapat nating pag-usapan," seryoso niyang sabi ulit.
"Okay, fine!"
Lumapit siya sa akin ng bahagya. "Wala dapat na makaalam na kasal tayo, maliwanag ba?" Mahina niyang sabi pagkatapos ay lumingon siya sa paligid.
"Bakit naman?"
"Because I said so."
"Eh bakit nga ayaw mong ipaalam na kasal na tayo?!"
Napabuga siya ng hangin at napakamot siya ng malakas sa ulo niya. Makati siguro?
"Kakasabi ko lang na wala dapat makaalam tapos sinigaw mo pa Mizuka!" Mahina niyang sabi. Yung tipong pabulong na pasigaw? Ewan, weird siya eh.
"Bakit nga?" Ginaya ko yung hina ng boses niya.
"Dahil gusto ko. At ang gusto ko rin ay ituring natin ang isa't isa bilang strangers pag nasa E.H.U tayo. Okay?"
"Huh?"
"If ever na magkasalubong tayo, walang pansinan. Hindi kita kilala at hindi mo ako kilala. Is that clear?"
"Ang labo," sagot ko.
"Basta gawin mo nalang."
"Okay.." Sabi ko sabay talikod sa kanya. Naglakad na ako palayo at iniwan siya.
"Ow, wait! San ka pupunta? Sabay na tayo. Hindi mo pa alam kung saan ang building mo. Baka maligaw ka." Hinabol niya ako at hinawakan sa braso.
I faced him and shot my brows upwards.
"Excuse me, do I know you?" Burn ka ngayon!
LIAM'S POV
"Nyahahahahahaha!!!" Ayan na naman ang nakakarinding tawa ni Shichi.
"G@go, manahimik ka!!" Sabay bato ko ng binder sa mukha ni Shichi. Bwisit, nakakabadtrip yung babaeng yun.
"Takte! Masakit yun ah."
"Ichi, yae mo na yun. Ikaw naman ay maysabi na ituring ang isa't isa bilang strangers tapos mamomroblema ka dyan," sabi ni Go.
Nag-nap nalang ako. Ang tagal kasi nung professor namin. Sa hindi nakakalam, BS Accountancy ang course ko, graduating na. Si Mizuka naman ay BS Business Administration. Inenrol ko na siya kahapon, yun kasi ang utos ni okaasan sa akin eh. Tsk.
MIZUKA'S POV
Waaaaaahh! Naliligaw na ata ako. Nasaan ba yung building ng business department? Huhuhu Grabe, napakalaki kasi naman ng campus na ito.
Magtatanong nalang ako. Lumapit ako sa lalaking nakatayo dun sa hagdanan. Kinalabit ko siya at mabilis siyang lumingon.
Nagulat ako nang makita kung sino siya! It's a small world afterall!
"MIZUKA!""DERRICK!"
Si Derrick nandito!"Anong ginagawa mo dito, Derrick?"
"Dito nga ako nag-aaral diba? Sinabi ko sayo kahapon." Ay, kaya pala familiar.
"Ako din. Dito rin mag-aaral!"
"Wow, akala ko ba hindi ka pa nagpapaenroll?"
"Inenroll kasi ako ni Li— I mean, ng parents ko dito. Tumatanggap pa kasi dito ng late enrollees eh. Wow, may friend na agad ako."
"Ehem.. Ehem.."
Napatingin ako sa katabi ni Derrick. Nakangiti siya sa akin kaya ngumiti din ako. "Hello Miss, I'm Arthur and you are?" He extended his hand to me.
"I'm Mizuka. Nice to meet you, Arthur," sabay abot ko ng kamay niya.
"Eherm.. Arthur, may gagawin ka pa diba? Alis na," singit ni Derrick. Kakamot-kamot naman ng batok na umalis si Arthur. In fairness, ang gwapo rin nun!
"So, Mizuka. Anong course mo?" Tanong niya.
"BSBA block 3. Second year na ako. Saan ba ang building nun? Kanina pa ako naliligaw eh." Sabi ko sabay scroll ko sa phone ko. Isi-nave ko kasi yung sched ko dito eh.
"Wow, talaga? Dun din ang building ko. Anong time ng first subject mo?"
"10:30 pa. Bakit?"
Tumingin siya sa wrist watch niya. "Tara, may 45 minutes pa. I'll tour you around the campus."
***
Inilibot na ako ni Derrick sa buong campus. Not actually buong campus, kapos na kasi sa oras eh. Napakalaki naman kasi ng E.H.U.
"Napakalaki naman pala ng E.H.U." Naglalakad na kami papunta sa room ko. May 10 minutes pa naman kaya hindi pa ako masyadong late.
"Actually, may E.H.A pa. Sa ibang araw, dun naman kita i-totour."
"Anong E.H.A?"
"East High Academy. Dun naman yung elementary at highschool department." Nakangiti niyang sabi. Parehas kami, laging naka-smile. Ang bait pa niya. Sana ganyan din si Liam-kun.
"Wow! Matagal ka na siguro dito nag-aaral noh? Alam na alam mo yung pasikot sikot eh." Huminto siya ng lakad sa tapat ng isang kwarto. Kanina ko pa napapansin na ang daming nakatingin sa amin, mostly babae.
Tumigil din ako sa paglalakad. "Oo naman. Buong highschool at college life, dito na ako nag-aral eh." sagot niya.
"Aww, loyal. Gusto mo talaga dito sa E.H.U?"
"Hindi naman. Isa kasi sa mga stockholders yung parents ko dito."
Natameme ako. "Ahhh, kaya naman pala. Ito na ba yung room ko?" Pag-iiba ko ng topic. Tumango naman siya. "So, Derrick. Salamat ulit! See you around," paalam ko sa kanya. Papasok na sana ako sa room nang hawakan niya yung balikat ko. Lumingon tuloy ako na may question marks sa mata.
"Sabay tayong mag-lunch mamaya. Parehas naman yung vacant time natin eh. I'll catch you around, bye!" He winked and left.
BAKIT. PARANG. KINIKILIG. AKO?!?KYAAAH!