8. Tampo

2726 Words
[8] TAMPO    MIZUKA'S POV   "Ohayou Gozaimasu, Liam-kun!" I energetically greeted.   Nasa kitchen siya ngayon. Siya na kasi yung nagluluto, ayaw niya na daw akong hahawak ng kitchen tools baka kung ano na naman daw ang mangyari. He looked back and just frowned at me. He shook his head in anticipation, "Really a retard..." He mumbled.   Napapout ako. Binati lang ng good morning, RETARD na agad?!   Isi-nerve niya na yung French toast, hotdogs and milk sa table. "Oh, kain  na. Baka magsumbong ka pa sa okaasan mo na hindi kita pinapakain." Seryosong sabi niya. Umupo na siya   Napakunot noo tuloy ako. Magsusumbong ako?   "What's with the frown?"   Plinantsa ko naman ng kamay ko yung noo ko. Baka kasi nagusot kagaya ng kanya. Hehehehe. "Sorry, nahawa lang sayo. And FYI, hindi ako sumbungera noh!"   "Hindi daw sumbungera pero sinumbong na hindi ko siya sinamahan sa mall," bulong niya na rinig ko naman. I pouted. "Hindi kita sinumbong noh! Anyway," Tumalikod na ako. "Aalis na ako Liam-kun!"   Naglakad na ako papunta sa pinto. "Hoy, ang aga pa ah! Hindi ka pa nag-aalmusal. Saan ka pupunta?"   I looked back and smiled at him. "Mag-brebreakfast ako sa labas. I lost my appetite already! Ittekimasu!" I said and stepped out of the room. I just borrowed his line lang naman. Diba sinabihan niya rin akong ganun?   Derrick invited me last night to have breakfast with him today. Yay! Just a token of appreciation!   ***   "Hi, Mizuka. Good morning," bungad na bati ni Derrick sa akin habang pinagbubuksan ako ng pinto ng kotse niya sa passenger's seat. Nandito kami ngayon sa baba, sa may parking space ng condo building pa rin ni Liam-kun.   "Good morning din!" I replied and hopped in the car. In just a second, nakasakay na siya sa driver's seat. "Salamat pala sa pagtutor sa akin kagabi."   "Wala yun! Ikaw pa, malakas ka sa akin eh!" Sabay kindat niya. My gosh! Starbucks nalang tayo?" dagdag niya.   "Ahh sige, pero ako manlilibre ah?"   "No no no! Never in my entire life, had I let my girls pay the bills. When you're with me, I'll take charge." He then smiled.   MY GIRLS?   "My girls?"   "I mean, girls. Remove the word 'my'," saka siya tumawa ng mahina.   "Okay."   Then he started the car's engine.   LIAM'S POV   "Hey, anong nangyari sa mukha mo? Bakit busangot Ichi?" Tanong ni Ni sa akin. Magkatabi sila ni Roku ngayon sa bleachers, inaayos ang buhok ni Roku.   "Ni, bading ka ba?! Tigilan mo nga yan!" Sigaw ko sa kanila. Binalik ko nalang ang mata ko sa pagbabasa ng notes ko.   "Leche, sinong bading?! Inaayos ko lang ang buhok ng tao eh. Hindi kasi marunong mag-iba ng hairstyle itong si Roku."   "Psh.."   Naramdaman kong umupo si Roku sa tabi ko. "Oi, omae!" (Hey you!)   Kinunutan ko lang siya ng noo. "Hahaha, Ichi. Napapadalas yang kunot-noo mo ah. Hindi bagay sayo," sabi ni Roku.   I just shook my head in exasperation. "Pakialam mo!"   Kaso ang timang, tumawa lang.   "Anong problema niyong mag-asawa?" Tanong naman ni Ni na siyang ikinabwisit ko. Kaya tumayo na ako at naglakad palayo.   "Oi, Ichi! May LQ kayo?" Rinig kong sigaw ni Ni sa akin.   "Mga t@r@r@nt@do!" Sigaw ko nang hindi sila nililingon. Makalayas na nga!   Naglakad-lakad lang ako sa campus. Dalawang oras pa kasi ang vacant time ko. Nakaka-bored naman. Sa di kalayuan ay nahagip ng paningin ko si Crystal kaya lumapit ako. Katabi niya si Nathan, Chloe, at Dustin.   "Hi, akachan!" bati ko kay Crystal Gail. Tumango lang ako sa tatlo niyang katabi. ((Akachan= baby))   "Hi, Liam. Vacant mo?" tanong niya. Tumango lang ako.   "LIAM!!"   Napalingon ako sa tumawag sa pangalan ko. Ahh, si Lyza pala. Tumakbo siya palapit sa amin. Si Chloe naman siniko ako kaya napatingin ako sa kanya. "Liam, yan ba yung asawa mo?" Nakita ko naman na napatitig din sa akin sina Dustin, Nathan at Crystal kaya umiling lang ako.   Alam nila ang tungkol dun kasi mga kaibigan ko sila. Ang gang ko, ang X10 at sina Crystal lang naman ang nakakaalam na kasal na ako.   "Liam, pwede na ba tayong mag-start ngayon?" Tanong ni Lyza nang makalapit siya. Tumango nalang ako kasi wala naman akong magawa eh. Tumayo ako at lumingon sa kanilang tatlo.   "That's a secret. Please, don't tell it to anyone. Understand?" Sabi ko sa kanila. Tumango naman silang tatlo kaya nginitian ko sila. "We have to go. She's part of the journalism club by the way."   "So, si Liam ang napagdiskitahan mong interviewhin?" Dustin asked Lyza coldly. Siya yung cold guy ng X10.   "A-aaahh... Y-y-yes po. Ayaw niyo p-po kasi magpainterview eh," sagot ni Lyza na halatang kinakabahan.   Tinignan lang ni Dustin ng pagkalamig-lamig si Lyza tapos tumingin sa akin. "You sure about getting interviewed by her? She will just intrude your private life and publish it to the public. I know, you don't want that to happen, do you?"   "Pumayag na p-po siya, Sir Dustin," sabat ni Lyza.   "I'm talking to you, Liam." "Mhine, stop it. Natatakot na sayo si umm, Lyza right?" Sabi ni Chloe, girlfriend ni Dustin. Nahihiyang tumango naman si Lyza.   "Pumayag na ako, don't worry guys. May benefit naman ako eh." Sagot ko.   "Ah, okay. Liam, chat tayo later. May tatanong lang sana ako sayo, okay?" sabi ni Crystal kaya tumango nalang ako at naglakad palayo kasunod si Lyza.   "San tayo Lyza?"   "Hmm, anong oras ba ang next class mo?"   "2 hours pa ang break ko. Saan tayo?"   "Sa soccer field nalang. Maginhawa dun."   ***   "Your real name?"   "Liam Drake Takahashi." Sagot ko. Nakaupo kami ngayon sa gilid ng soccer field.   "Age?"   "20."   "Birthday?"   "January 14th 199*"   Bawat sagot ko, sinusulat niya sa mini notebook niya. Napatingin ako sa seating position niya. Tsk. Parang hindi babae. "Lyza, ayusin mo ang upo mo."   "Ha, bakit?" inosenteng tanong niya. Paano naman kasi nakalapag yung dalawa niyang hita sa grass kaya expose na expose tuloy yung hita niya. Tsk, napapatingin tuloy yung mga soccer players sa kanya.   "Nasisilipan ka na." Naka-above the knee skirt yung uniform ng mga girls dito sa E.H.U kaya visible yung legs.   Ipinatong niya naman yung bag sa hita niya. "Okay, let's proceed. Uhm, father and mother's name?"   "Is that really needed?"   "Hmmm," tumango siya.   "Psh. Hirokuma Takahashi and Claire Takahashi."   "Can I publish your real dad's name here?"   Tinignan ko lang siya ng malamig. Langya! Eh may-ari ng school yung tunay na tatay ko eh. Gusto niya talagang ibalandra na anak ako sa labas?   "Okay, I won't. Sorry," mahinang sabi niya. Mabuti naman at nakuha ko siya sa tingin.   MIZUKA'S POV   Nakapag-breakfast na rin kami sa Starbucks kanina at ngayon ay nasa campus na kami. Naglalakad-lakad or rather namamasyal or rather nag-dedate kami ni Derrick. Harhar. Just kidding!   Kanina ko pa napapansin yung mga babae na pinagmamasdan kami. Yung tipong head-to-foot tumingin?   "Derrick, bakit ganyan sila makatingin sa akin? Parang kinikilatis nila ako samantalang pag nalipat sayo yung tingin, nagssparkle yung mga mata nila."   Tumawa siya ng mahina at inilagay ang isang kamay sa bulsa niya. "Yaan mo sila, inggit lang yang mga yan sayo."   Nagkasalubong naman ang dalawa kong kilay sa sinabi niya. "Bakit naman?"   "Wala..." Nakangiting sagot niya. Bakit ganyan si Derrick, laging 'wala' ang sagot.   "Yung totoo, Derrick. Artista ka ba dito sa Pilipinas?"   "Huh?" Napatingin siya sa akin na nakakunot ang noo yung tipong 'WHAT ARE YOU SAYING?' look. Tumigil kami sa paglalakad.   "Eh kasi nung nasa mall tayo, ganito rin yung mga babae sayo. Ang daming nakatingin tapos kinukuhanan ka pa ng pictures. Artista ka ba dito sa Pilipinas? Tinignan niya ako ng unbelieving na expression saka siya tumawa ng malakas. Mas lalo tuloy kami.. err siya pinagtitinginan ng mga babae.   "HAHAHAHAHAHAHAHA... H-Hindi ah. Pfffft. HAHAHAHAHAHAHAHA." Nakahawak pa siya sa tiyan niya. Tinaasan ko lang siya ng kilay, anong nakakatawa?   "Edi hindi! Tumigil ka na sa pagtawa. Pinagtitinginan tayo lalo oh," mahinang sabi ko. Saka ako tumingin sa paligid, nakalabas na yung mga cellphones nila at parang kinukuhanan ng video si Derrick habang tumatawa.   Sayang, ang sarap sana pumose kaso nahihiya ako hihihi.   "HAHAHAHAHAHA.. Hindi kasi ako artista. Sadyang gwapo lang ako. Hahahahaha."   "Uhh, okay. Gwapo na kung gwapo. Anyway, gusto ko makita yung soccer field, Derrick," Nakangiting sabi ko.   "Uh, sige. Tara, nuod tayo ng mga nag-prapractice."   Naglakad na kami ni Derrick papuntang soccer fields. Super refreshing dito kasi napaka-greeny ng paligid. May mga nakaupo din sa mga grass na akala mo ay nagpipicnic. Hihihi, parang nag-dedate lang sa park.   Umupo kami ni Derrick sa may bleachers.   "Derrick, dapat dun tayo sa may green grass." Sabi ko.   "Ahh, madali akong mangati 'pag umuupo sa damuhan eh." Sagot niya. Napatango nalang ako. "Anyway, kamusta ang klase mo kahapon?" "Kahapon? Ayos naman. Kaso ang hirap kasi hahabol pa ako sa mga lessons. Wala pa nga akong masyadong friends eh. Ikaw pa lang," sagot ko.   "Wala namang nang-aaway sayo?" He asked.   "Wala naman. Bakit? May mga bullies ba dito?"   "None but if ever na may umaway sayo. Sabihin mo lang sa akin," he said and winked at me. Eeehh~ gwapo.   Nagmasid ako sa paligid. Napakalawak ng University na ito. Naiinggit tuloy ako dun sa mga nakaupo sa damuhan, kaso natigilan ako nang makita ang isang pamilyar na lalaki dun.   Si Liam yun ah...   Magkasama na naman sila nung magandang babae na kasama niya sa cafeteria kahapon? Baka girlfriend niya yun.   ***   Kakadismissal lang ng last class ko. Hay, salamat! Makakauwi na ako. Uuwi naman akong mag-isa kasi nag-usap na kami ni Liam-kun na separate ways nalang kami pag-uuwi na.   Palabas na ako ng Business Department Building. May napansin akong pretty girl na nakahawak sa railings ng hagdan dito sa entrance ng building. Lalagpasan ko sana kaso nakita ko yung mukha niya, namumutla.   MIZUKA THE HELPFUL ANGEL ON THE GO! I approached her. "Miss, are you alright?"   She surprisingly looked at me. She was touching her tummy and I guess, she's going to p**e. "Nasusuka ako..." She answered. Sobrang putla niya at pinagpapawisan na siya.   Yabai! What to do?!   "Miss, tara sa clinic?" I asked and she just shook her head.   "No, thanks. I'm Gail and you are?"   "Mizuka. Onee-san, what should I do? Namumutla ka na." Kung bakit kasi ako pinanganak na matulungin, nagmumukha tuloy akong pakialamera.   "Mizuka, do you know how to drive a car?" She asked while sitting on the staircase. "Nanghihina na ako..."   " Onee-san, I know how but—-"   "Take me home please." May kinukuha siya sa bag niya and it's the car keys. She handed it to me. "Mukha ka namang mapagkakatiwalaan. Please, di ko na kasi kaya—— Accckkkkkkk!"   Kyaahh! She puked already. I immediately sit next to her and patted her back.   "Onee-chan, l-lets go to the hospital!" Kinuha niya mula sa bag niya ang isang tumbler tapos nagmumog siya. She then wiped her mouth with her hanky. "N-no, it's normal. Buntis kasi ako..."   Ahhh... Akala ko, may tuberculosis na siya.   She badly needs my help.   "Let's go onee-chan. I'll take you home..."   ***   Oohh~ Buti nalang malapit lang sa condo ni Liam-kun ang condo ni Gail-san. Speaking of, she's okay now. Actually, she's preparing dinner for both of us.   "Mizuka, thanks talaga ha? Tara kain na tayo," she said while placing the food she cooked on the table.   Umupo naman ako sa dining table nila. "No problem. Ganun kasi ako Gail-san eh. Pag nakakakita ako ng needy, di ko matiis na hindi tulungan."   "Wow, so nice of you. By the way, Japanese ka?" She asked. Nilalagyan niya ako ng pork steak sa plato ko.   "Thanks, nee-san. Hai, half-jap, half-Pinoy." I answered while serving rice on my plate by myself.   "Wow, I know how to speak Nihonggo a little. Kain ka lang ha?"  Nakangiti niyang sabi.  She's so pretty.   "Onee-san, ilang months na yung baby mo sa tummy?" I asked suddenly. Curious kasi si Mizukang maganda eh. "5 weeks pa lang."   "Eh nasaan si Daddy ng baby mo?"   Napahinto siya tapos napatakbo siya sa sink, "Acckkk!"   Dali-dali ko naman siyang sinundan. "Waaahh! Onee-chan, okay ka lang?"   Nagmumog muna siya bago bumalik sa dining room. "Yeah, I'm okay. By the way, yung daddy ng baby ko... uhm, how can I say this? Uhmmm..." Napatingin siya sa ibang direksyon. "Biglang nawala..."   "Huh?!"   She smiled sadly. "Hindi ko alam kung nakarating na sa kanya yung balitang buntis ako. Bigla nalang kasi siyang nangibang-bansa eh.." Uminom muna siya ng tubig. "But it's okay, siguro hindi talaga kami ang para sa isa't isa."   Nakakalungkot naman yun. I pouted, "How about the baby? Magiging single parent ka na niyan?"   She shook her head no, "Actually, engaged na ako sa ibang lalaki. Inako niya kasi ang anak ko and he promised that he will treat my baby like his own child..." Napansin ko na yumuko si Gail-san at nagpahid ng pisngi niya, "S-sorry, Mizuka. Nagiging emotional ako, you know, preggy."   "Onee-chan, stay strong lang kayo ni baby ha? Tsaka sana friends na tayo para may karamay ka."   "S-sure. Friends na tayo! And oh, Ate Gail nalang ang itawag mo sa 'kin." We smiled. "Anyway, tell me about yourself. Friends na rin naman tayo eh!" She said trying to change the sad topic.   Sumubo muna ako ng kanin na may pork steak at nginuya. Syempre nilunok ko na rin. "I am Mizuka Arielle Watanabe- Takahashi—-"   "Woah! Ikaw ba yung napangasawa ni Liam?!" Napatakip siya ng bibig samantalang ako napakagat-labi. Waah! I'm dead. Magagalit sigurado si Liam-kun nito!   Pero wait, alam niyang nagpakasal si Liam-kun?!   "Don't worry, Mizuka! Bestfriend ko yun si Liam. Ikaw nga ba yung napangasawa niya?"   "A-ate, w-wag niyo pong sabihin na nasabi ko sayong asawa ko si Liam-kun ha? Lagot ako dun eh!"   "Ah oo, alam ko. Nasabi nga sa amin ni Liam kanina na secret lang yung marriage niyo. By the way, ang swerte mo kay Liam at maswerte siya sayo. Parehas kayong mabait!"   "Weh?!"   "Oo nga! Mabait yun at sweet pa!" Nakangiting sabi niya.   "Ehh?"     ***     Pagkatapos namin kumain ng dinner ni Ate Gail sa unit niya ay umuwi na rin ako. Yey, nakatipid ako sa pamasahe kasi pwede pa lang lakarin lang ang unit ni Liam from Ate Gail's unit. But I'm wondering, she told me that Liam is sweet and nice. Like duh! Hindi kaya. Ang mean kaya nun.   Pagkapindot ko ng passcode ay dali-dali akong pumasok. Nakita ko kaagad si Liam-kun dun sa may dining room, kumakain.   "Kain na," alok niya.   Umiling lang ako, "Tapos na akong kumain..." Sabi ko sabay pasok sa kwarto ko.   Liam, why are you so unfair? Bakit sa ibang babae, ang nice and sweet mo, pero sa akin... NAKA-FROWN!   TAMPO AKO!   Hmm, ang drama ni Mizukang maganda! Makapabihis nga muna. Well, nagbihis muna ako ng pambahay, shirt and short jeans. Then, tinalian ko yung buhok ko ng pa-pigtail. Cute daw kasi ako sabi ni Oka-san kapag nakaganito hihihi.   Pag nandito ako sa unit, na-bobored talaga ako.     LIAM'S POV   Nag-order pa naman ako kanina sa Jollibee ng pagkain namin para sa hapunan kaso kumain na pala si Mizuka. Linsyak naman, lagi nalang kumakain sa labas.   Nakakatampo.NAKAKABWISIT!   Makagawa na nga lang ng assignment. Kailangan ko pa palang i-research sa internet yung formula ng pinag-aralan namin kanina. Wala kasi ako sa mood mag-take down notes kanina.   Habang pumipindot ako sa laptop ko, napansin ko na lumabas si Mizuka mula sa kwarto niya. Naka-shirt and shorts siya. Makinis ang kutis.   Ehem, makinis lang. No malice! Hindi man lang ako pinansin.   Pakielam mo ba, Liam! Attention seeker ka na ngayon?!   Eh bakit ako nagmomonologue?!Tsk, nahawa na ako kay Mizuka the retard.   "Liam-kun!" Tawag niya mula sa kitchen.   Tumingin lang ako sa kanya ng seryoso. Nakita ko siyang may hawak ng baso, uminom pala.  "Ano?"   "Nakita kita kanina sa soccer field na may kasamang babae. Girlfriend mo?"   Hmm, kanina nga nasa soccer field kami ni Lyza. Nakita niya ako? Simula nang pumasok siya sa E.H.U hindi pa naman nangyayari na magkasalubong kami.   "Hindi ah." "Weh?" Naglakad siya palapit sa pwesto ko at umupo dun sa pang-isahan na sofa. "Nakita ko rin kayo kahapon sa cafeteria."   Natigilan ako. Nakita ko rin siya kahapon dun ah. May kasama pa nga siyang lalaki. Badtrip! "Eh ano naman? Pakialam mo?"   She pouted and sighed. "Anyways, ano nga bang pakielam ko? Kung pwede kang mag-girlfriend, siguro naman pwede akong mag-boyfriend? Goodnight!" She stood up and headed back to her room.   What did she just say?Mag-boboyfriend siya?! Psh.   EDI MAGBOYFRIEND SIYA! BWISIT! 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD