[7] Paturo
LIAM'S POV
Niyaya ako ni Lyza sa cafeteria. Tatanggi sana ako kasi treat niya daw. Yae na, grasya din yun. Masamang tanggihan.
"Ito na yung food mo oh. Ayos na ba yang inorder ko sayo Mr. Takahashi?" sabi ni Lyza habang inaabot sa akin ang seafood carbonara. Tumango nalang ako sa kanya.
"Ahmm, Lyza. Liam nalang ang itawag mo sa akin." Seryosong sabi ko. Napakapormal kasi ng pag-address niya sa pangalan ko. Nakakabanas pa kasi si otou-san madalas na tawaging Mr. Takahashi. Feeling ko tuloy parang ako si otou-san.
"Ah sige, Liam."
Nagsimula na kaming kumain. Napapatingin pa ako sa paligid ko kasi may naririnig na naman akong camera shuttle sounds. Hindi ako makapagconcentrate sa pagkain.
"Liam, I told you. Sikat ka rin dito sa campus. Look, ang daming kumukuha sayo ng stolen shots." Sambit ni Lyza.
"Tsk. Mga siraulo yang mga yan." Inis na sagot ko. Ano ba kasi ako para kuhanan ng litrato? Artista ba ako? Singer? Politician?
"Sus. Gwapo ka po kasi at idamay na rin natin yung pagiging dancer mo kaya ka naging campus heartthrob and I don't doubt it." She said smiling. Napatigil tuloy ako sa kinakain ko.
"Lyza, can I have a favor?" Tanong ko.
"Sure.."
"Interviewer ka, ako naman interviewee. Hindi tayo close ha?" Seryosong sabi ko sabay tayo at kuha sa bag pack ko mula sa seat. Siya naman napakunot ang noo. "By the way, thanks for the treat. I lost my appetite already." Kinuha ko naman yung cake box.
"Ahh, s-sorry kung FC ako."
Hindi ko nalang pinansin yung sinabi niya. "Kelan tayo mag-sstart ng interview?"
"4 weeks interview ito, Liam." Sagot niya. Nanlaki tuloy yung mga mata ko.
"Ang tagal."
"I have to know kasi yung personal life mo inside and outside of E.H.U."
Sh*t! Napasubo ata ako.
"Diba pwedeng 1 week nalang? Masyadong matagal yung 4 weeks."
"No, sorry."
Hay.
"Fine!"
She asked for my number and I gave it. Then I walked away. Pero may napansin ako.
Si Mizuka yun ah. May kasama siyang lalaki. Hindi ko makita kasi nakatalikod banda sa akin. Tsk. Bahala siya.
MIZUKA'S POV
Ang hirap ng homework ko sa Financial Accounting! Hindi ko naman alam yun kasi 1 week na daw sila nagdidiscuss. Eh ngayong week lang ako pumasok. Kailangan kong makahabol sa mga lessons.
Nakalabas na ako ng E.H.U at hinahanap na yung 7eleven. Dun daw kasi ako susunduin ni Liam-kun kasi baka may makakita daw sa amin na E.H.U students.
Sa wakas nakita ko rin ang 7eleven kaso nasa kabila pa. I need to cross the street pa just to get there. Hays! Wala pa naman traffic enforcer tapos wala pang ibang tumatawid. Hindi ako marunong tumawid.
AHA!
Buti nalang may stop lights. So, hinintay ko munang mag-red yung light. Nasa yellow pa kasi eh. Kaso... Kaso... Nakita kong may tumawid na lalaki. Sisigawan ko sana para tumigil kaso wala na nandun na siya sa kabila.
Hindi ba siya nasindak dun sa babala?
HUWAG TUMAWID, MAY NAMATAY NA DITO
Dati, nung last year, nakita ko hindi pa ganyan yan. Alam ko, ganito pa lang ->HUWAG TUMAWID NAKAMAMATAY. Ngayon, mas intense na. Kyaaah! Baka sa susunod ganito na yung babala diyan: HUWAG TUMAWID BAKA GUSTO MONG MAMATAY? Or HUWAG TUMAWID MAMAMATAY KA DITO. LAGOT KA!
Sa Japan naman hindi ganyan ah.
Doshiyo?? (What shall I do?)
I took out a deep breath and ready myself.
Red lights na! Yan na. Nagsimula na akong tumawid kaso nabibigla ako kasi may biglang dumadaan na motor bikes. Nyaahhhhh! Sa Japan, pag red light naka-stop lahat! Bakit dito, hindi?!?!?
"Yatta!!" I exclaimed when I finally get here. (I did it!)
"Omedetou!"(Congratulations!)
Napatalon at napasapo ako sa chest ko. Nakakagulat naman kase. Napalingon ako sa nagsalita.
"Ang tagal mo, Mizuka! Ilang minutes na ako sa loob ng 7eleven." Kunot noong sabi ni Liam. Sarcastic pala siya.
I bit my lower lip. "Hinanap ko pa kasi itong 7eleven eh. Pwede namang sa susunod ako nalang uuwi mag-isa. Kasya naman sa allowance na binibigay mo sa akin ang pamasahe." Sagot ko. Siya na kasi yung nagbibigay sa akin ng allowance. Bale, yung parents niya nagpapadala sa kanya tapos hati kami dun. Pero sa ATM card niya nakadeposit.
"Tsk." Tumalikod na siya at nagsimula ng maglakad papasok sa 7eleven. Sumunod nalang ako sa kanya. Pagkapasok namin ay tinuro niya yung stools kaya umupo ako. Siya naman pumunta na dun sa may hotdog, siopao, siomai na oven. Ewan ko, di ko alam ang tawag dun. Tapos binayaran niya sa cashier.
"Oh," inabot niya sa akin yung hotdog sandwich. Tinanggap ko naman ito tapos nag-bow sa kanya. Umupo siya sa katabi kong stool. "Bukas, kaya mo ng umuwi mag-isa?"
"Hai."(Yes)
"Mag-taxi ka nalang. Huwag na huwag mong subukang mag-jeep or bus or mrt, hindi mo pa alam ang pasikot-sikot dito." Seryosong sabi niya sabay subo nung siomai niya.
Tumango nalang ako tapos pinagmasdan yung paligid sa loob ng 7eleven. Something caught my attention!
"Liam-kun, I want that drink." Sabi ko. Tumingin naman siya sa tinuturo ko.
"Edi bumili ka. May pera ka naman dyan ah."
I smiled at him and stood up. Gusto ko ng slurpee. Nainggit ako dun sa little girl kanina eh. Kumuha agad ako nung baso tapos itinapat ko dun sa green na color na slurpee. I slowly pulled down the handle and CHADAN! Lumabas siya. Kawaii!
"HOY! Bilisan mo, may mga taga-E.H.U na pumasok. Hintayin nalang kita sa labas. Alam mo na kotse ko diba?" Napatalon tuloy ako sa boses ni Liam. Ang hilig niyang manggulat.
"Sheez! Ang lagkit..." Ahhh! Napuno tuloy yung baso, napunta sa kamay ko.
Binayaran ko na agad yung slurpee sa cashier tapos nagmamadali na akong pumunta sa kotse ni Liam. As usual, sinigawan niya na naman ako.
***
Pagkauwi namin sa pad, dumiretso agad ako sa kwarto ko. Nagshower muna ako bago gawin yung homework ko. Ang hirap ng Accounting 101, wala akong maintindihan.
Ah, baka si Liam, alam ito. Papaturo ako!
Lumabas ako sa kwarto ko tapos nakita ko si Liam sa sala, nanunuod ng TV. Nakataas pa yung dalawa niyang paa sa center table.
"Liam-kun!"
Hindi niya ako pinansin kaya tumabi ako sa kanya. Pinakita ko sa kanya yung textbook ko. "Liam-kun, paturo naman please! About accounting 101. Accounting student ka naman diba?" malambing kong sabi sa kanya. Hihihi.
Hindi niya ako sinagot o tinignan man lang. Hmp! Ang conceited talaga niya.
"Liam-kun! Please! Wala talaga akong maintindihan dito."
Pero wala. Wala siyang imik.
"Hmmp!"
I stood up and stompped my feet. Babalik nalang ako sa kwarto ko. Nakakainis!
Umupo agad ako sa kama ko. Paano na yan? Ano ng gagawin ko? Ahh, tama! Ma-isearch nalang sa internet baka sakaling matuto ako.
Kinuha ko kaagad sa study table yung laptop ko at binuksan agad. Syempre, log in muna sa f*******: ko hehehe. Nag-accept muna ako ng friend requests without viewing their profiles then mamaya ko na ichecheck yung notifs ko.
Then click new tab and type GOOGLE.
Type Accrucial Basis Accounting.
Bigla nalang may nag-POP sa chatbox ko kaya pumunta muna ako sa sss Windows.
DERRICK: Hi, Mizuka!
"Kyaaahhh!"
*giddy mode on*
Kinikilig ako!
May kumatok sa pinto kaya napalingon ako.
"HOY, RETARD! ANONG NANGYAYARI SAYO DIYAN?!" sigaw ni Liam mula sa labas.
"W-Wala!" Sigaw ko pabalik.
"ANONG WALA? SUMIGAW KA EH. BAKA SINASANIBAN KA NA DIYAN AH. BUKSAN MO NGA ITONG PINTO!" Sigaw niya habang kumakatok. Ewan sa kanya.
"WALA, KINIKILIG LANG AKO! DON'T WORRY!"
Buti naman tumigil na siya sa pagkatok. Oh my! Si Derrick nga pala.
DERRICK: Mizuka, u still there?
MIZUKA: Hello. :)
DERRICK: How r u?
Eeehh! Kinikilig ako! Naalala ko tuloy yung sinabi nia sa akin kanina.
"Such an innocent girl. I like you..."
Maji ka?! (Really?!)
MIZUKA: Uhh, okay lang. Ikaw ba?
DERRICK: I'm fine now. Thanks pala sa pag-accept ng FR ko.
Kasali pala siya dun sa mga nag-add sa akin. Harhar.
MIZUKA: No prob. :)
DERRICK: Wait, are you busy?
MIZUKA: Hindi naman pero may ginagawa akong assignment sa acctg 101. Di ko nga magets e :(
DERRICK: Really? I'll help with that. Tapos na kami dyan e.
He's really nice!
MIZUKA: Honto? Sugoi ne, Derrick! Arigatou gozaimasu!
DERRICK: Huh?
MIZUKA: I said, really? Thank you.
DERRICK: Ang cute mo talagang haponesa ka :)
Kyaaah!
LIAM'S POV
"Kyaaahh!"
Napatalon ako nang marinig kong tumili si Mizuka mula sa kwarto niya. I immediately ran towards her room's door and knocked thrice.
"HOY, RETARD! ANONG NANGYAYARI SAYO DIYAN?!" sigaw ko. I tried to open the door kaso nakalock. Shete! Baka kung ano na nangyari sa kanya sa loob.
"W-Wala!" Sigaw niya.
"ANONG WALA? SUMIGAW KA EH. BAKA SINASANIBAN KA NA DIYAN AH. BUKSAN MO NGA ITONG PINTO!"
"WALA, KINIKILIG LANG AKO! DON'T WORRY!"
HUH?! Psh.
Mga babae talaga pag kinilig parang may sayad.
Bumalik na ako sa pagkakaupo dun sa sofa. Uy, tambak na ang Miami. Lintek! Natalo pa. Talo tuloy ako sa pustahan namin ni Go. (Suishou empire member) Inilipat ko nalang ng ibang channel. Kaya naman hindi ko pinansin si Mizuka kanina kasi ayaw ko paistorbo kapag nanunuod ako ng NBA. Mapuntahan na nga at maturuan.
Kumatok ulit ako sa pinto.
"Bakit?!?!?" Sigaw niya.
"Open the door. I'll teach you now."
"No thanks! Alam ko na!"
"Hah?!"
"I said I knew it already. Tinuruan na ako."
Psh. Badtrip! Bumalik na ulit ako sa sofa. Tsk. Buti nga tuturuan na eh. Sino ba kasi yung tumulong sa kanya at kinikilig pa siya?! Tss.
Akala mo walang asawa eh.
LOADING...
LOADING...
LOADING...
Akala mo walang asawa eh.
Inisip ko ba talagang asawa ko siya?! UGH!