Chapter 10

1954 Words
HINDI niya alam kung gaano siya katagal nag drive papunta sa lugar kung saan bihag bihag ni Benito si Cleoffe. Basta ang nasa isip lang niya ay ang makarating siya doon agad. Sa sobrang taas ng adrenaline rush niya ng mga oras na iyon ay hindi siya napagod sa pagmamaneho hanggang sa makarating sa siya isang abandonadong bodega na marahil ay isa sa mga kuta ni Benito. Mukhang inaasahan na ng mga tauhan ni Benito ang pagdating niya kaya agad siya nitong pinatuloy sa loob ng bodega. Kahit na sinasakmal ng takot ang puso niya hindi niya hinayaan na lamunin siya nun. Dahil kapag nangyari iyon ay malabong mailigtas pa niya si Cleoffe. “Well, well. Look who’s here, Cleoffe. Ang guardian angel mo nandito na para sunduin ka.”agad na bungad sa kanya ni Benito. Doon niya binalingan ng tingin si Cleoffe at napatagis ang bagang niya ng makita niya ang kalagayan ng dalagita. Nakaupo ito sa isang bangko habang nakatali ang mga paa at kamay. May busal din ang bibig nito. Nanlaki ang mga mata ni Cleoffe ng magtama ang mga mata nila. Mukhang hindi nito gusto na pinuntahan niya ito. “Tumupad ka sa usapan natin, Benito. Nandito na ako. Pakawalan mo na si Cleoffe.” Tumawa ng malakas ang lalaki na rinig na rinig sa buong lugar. Maya maya lang ay lumapit ito sa kanya. “Tingin mo ba ganoon ako Katanga para pakawalan lang siya, Brixianne?”nakangising sabi nito. “Hayop ka! Wala kang kasing sama!” Nagulat siya ng bigla nitong hinablot ang buhok niya at buong diin siya nitong sinabunutan. Feeling niya ay matatanggal ang anit niya sa ulo niya sa higpit ng pagkakasabunot nito. “Ang akala mo ba hindi ko alam ang mga balak niyo ng Xander na iyon? Ha! Demonyo akong tao kaya amoy na amoy ko ang kapwa ko demonyo.” Dinuraan niya ito sa mukha bilang ganti dito. “Ibahin mo kami, Benito. Dahil walang kasing sama ang dugo mo!” Nagulantang ang mundo niya ng malakas siya nitong sinampal sa pisngi na halos ikasubsob niya sa lupa. Naririnig niya ang malakas na pag-iyak ni Cleoffe na halatang wala itong magawa sa mga nangyayari. Hindi pa ito nakuntento at agad siya nitong sinabunutan patayo. “Alam ko na ang lahat, Brixianne. Alam kong kayo ni Xander ang may pakana ng pagpapabagsak sakin. At alam mo ba ang kapalit niyon ha?”ani nito at kinaladkad siya papunta kay Cleoffe na hilam ang mukha sa luha. “Papatayin ko lang naman kayong dalawa.”ani nito sabay kuha ng kasa ng baril at tininutok sa noo niya. “Wala ka talagang kaluluwa, Benito. Pero anong magagawa pa kung mapatay mo ako? Mababalik pa ba sa dati mong lugar? Bagsak kana. Marami ng nawala sayo dahil kinarma kana. Maduming madumi ka na sa paningin ng mga tao. At alam kong kahit na mamatay man ako ngayon, hindi na mababalik sa dati ang buhay mo. Sa putikan kana pupulutin.”buong tamang na sabi niya. Dahil sa sinabi niya ay lalong bumagsik ang mukha ng lalaki. Dahil alam nitong tama ang sinabi niya ng mg oras na iyon. Bagsak na sa putikan ang lalaking ito. Sa galit ay muli siya nitong itinulak papunt kay Cleoffe. Nang makalapit siya sa dalagita ay wala siyang inaksayang oras at agad niya itong tinanggalan ng busal sa bibig. “A-ate Brixianne..”umiiyak na sabi nito. Hinaplos niya ang pisngi nito at pinahid ang luha. “Nandito na ako, Cleoffe. Ililigtas ka namin.” Tatanggalin na sana niya ang pagkakatali nito ng bigla siyang hilahin ulit ni Benito. “Oooppss. Akala mo ba makakatakas kayo dito ngayon? Mamamatay ka muna. Pero bago iyon bakit hindi ko inahin si Cleoffe?”ani nito sabay tutok ng baril sa dalagita. “Hayop ka! Huwag mong idamay si Cleoffe dito!” “Bakit hindi? Sarili ko siyang dugo at laman. Kaya ako magpapasya kung hanggang saan nalang ang buhay niya. she had been a very bad child to me.” Nanlaki ang mga mata niya ng kalabitin nito ang baril. Tumama ang bala niyon sa braso ni Cleoffe na hindi na mapakali sa pagkakaupo dahil marahil sa sakit na nararamdaman nito. Kasabay ng putok ng baril ay ang umalingawngaw na sigaw ng dalagita. Doon ay para siyang tigre na sinipa niya si Benito ngunit parang baliwala dito ang ginagawa niya. ganoon nalang ang kaba niya ng mapansin niyang papuputukin ulit nito ang baril sa dalagita. Bago pa magawa iyon ni Benito ay buong lakas niya itong sinipa hanggang sa makawala siya sa pagkakahawak nito. Mabilis pa sa alas kwatro na pinuntahan niya ang dalagita at niyakap. Ibubuka pa lang niya ang bibig niya ng makarinig siya ng malakas na putok ng baril kasabay ng hindi niya maipaliwanag na sakit. “Ate!” sigaw ni Cleoffe na hindi malaman kung anong gagawin sa kanya. Hanggang sa maramdaman nalang niya ang panlalabo ng mga mata niya. Ngunit bago pa siya tuluyang mawalan ng malay ay rinig na rinig ang mga pagkakagulo sa paligid niya kasunod ng maraming pautukan. Doon sumilay ang mga isang kiming ngiti niya sa labi. At least, matatahimik siya dahil dumating na ang mga taong alam niyang tutulong sa kanya at kay Cleoffe. Naramdaman niya na may taong bumuhat sa kanya. Ibinuhos niya ang buong lakas niya para hindi agad siya lamunin ng kadiliman habang nakatitig sa mukha ni Dexter. Maya maya lang ay kusa ng pumikit ang mga mata niya. HINDI niya alam kung gaano siya katagal na nawalan ng malay. Basta ang unang naisip niya agad pagmulat niya ng mata ay kung buhay pa ba siya. Nasagot naman niya agad ang katanungan niyang iyon ng makita niya si Dexter na nakasubsob sa kama niya. napansin din niyang hawak hawak din nito ang mga kamay niya. Doon ay sumilay ang ngiti sa mga labi niya. Kung ganoon nga ay tama ang kalkulasyon niya na makakapunta agad si Xander ng sa lugar na kinaroroonan niya. napatingin siya kay Dexter na agad na napabangon mula sa pagkakasubsob ng maramdaman nitong may malay na siya. nakita niya kung gaanong relief ang bumakas sa mga mukha nito. “Thanks God! You’re awake now.”ani nito sa kanya. “Where’s Cleoffe?” “She’s in the other room. Nagpapahinga. But she’s Okay. Daplis lang ang naging tama niya. while you, Brixianne. Hindi mo ba alam kung gaano ako nag-aalala sayo ng husto dahil sa ginawa ko? Ang buong akala ko hindi na kami makakaabot para iligtas ka. Don’t you have any idea kung ano nalang ang naramdaman ko ng makita kitang nakahandusay lang at duguan? Damn it!” Napapitlag siya ng biglang magmura ng malakas si Dexter. “Pakiramdam ko ay para akong namatay ng ilang beses.”ani nito sabay yakap sa kanya at subsob sa balikat niya. Ramdam na ramdam niya ang naging paghihirap nito dahil sa nangyari. Kaya ginantihan niya din ng yakap si Dexter. “I’m Okay, I’m good. Buhay ako hindi ba? You don’t have to be worry anymore. I’m already safe dahil iniligtas ako ng taong mahal na mahal ko.” Sa sinabi niya ay kumalas ito sa pagkakayakap sa kanya. “I don’t know what I would do without you in my life, Dexter. Ikaw ang nagsilbing ilaw para gabayan ako palayo sag alit at lungkot. You’re love saved me. And I’m sorry kung may mga pagkakamali akong nagawa sayo.”she sighed bago muling magsalita. “Nangako ako kay Cleoffe na ililigtas ko siya kahit na anong mangyari. Na gagawin ko ang lahat para lang makawala siya sa anino ng Papa niya. I hope you understand kung bakit hindi ko sinabi sayo ang na ililigtas ko siya. ” Napatitig lang ito sa kanya. Maya-maya lang ay napabuntong hininga nalang ito sa sinabi niya. “You’re forgiven. Pero sana lahat ng bagay sasabihin mo sakin, Okay?” Doon ay napangiti na siya. “So, pinapatawad mo na talaga ako?” “Ano pa bang magagawa ko? At saka isa pa, patay na si Benito. Kaya wala na kayong dapat na ipag-alala ni Cleoffe. Wala na ang taong nagtatangka sa buhay niyo.” Sa narinig muli dito ay muli siyang napabuntong hininga. Ngunit kasabay niyon ay parang nabunutan siya ng malaking tinik sa dibdib sa nalaman. Pinagmasdan niya ulit ang binata na para bang gusto niyang kabisaduhin ang bawat detalye ng mukha nito. Maya-maya lang ay hinaplos niya ang mukha ng binata. “Mahal kita, Dexter.” Ilang saglit lang ay itinawid niya ang pagitan ng mga labi nilang dalawa. binalewala niya kung nahihirapan pa din siyang makakilos dahil sa sugat niya. napahinga siya ng malalim ng muli niyang maramdaman ang mga halik ng binata na halos makapagpahina ng mga tuhod niya. At nang mga oras na iyon ay muli niyang naramdaman ang napakapamilyar na sensasyon na dulot niyon. Napahinga nalang siya ng malalim ng maghiwalay ang mga labi nila. “Ang akala ko hindi ko na matitikman ang mga halik mo.”ngiting ngiting sabi niya dito. “Brixianne!” Natawa siya ng makita kung paano nalukot ang mukha ng binata. “We will live happily diba? Kasama ni Cleoffe.” “Of course, baby.”ani nito sabay halik sa palad niya. “Magiging masaya na tayo.” Pareho silang napatingin ng makarinig sila ng malakas ng tikim. “Tapos na ba ang drama niyo?” Noon lang niya napansin na hindi lang pala sila ang tao sa loob ng room. Kung tama ang hinala niya ay nasa lima ang kasama nila at alam niyang karamihan doon ay mga Hermoso Boys na sina Paul, Yasser at Kenesis. “Astig pa lang humalik ni Ms. Brixianne, pare. Swerte ni Dexter. nagtataka nga ako kung bakit nagustuhanan siya ni Brixianne.”naiiling sa sabi ni Yasser. “Naiinggit ka na naman kasi walang gustong humalik sayo.”patutsadang sabi naman ni Kenesis. Doon siya pinamulahan ng mukha. Agad naman niyang pinanlakihan ng mata si Dexter na ngayon ay pangiti ngiti lang sa kanya. “Bakit hindi mo sinabi na may iba palang tao dito?” Nagkibit lang ito ng balikat. “Malay ko bang manghahalik ka dyan.”nakakalokong sabi nito sa kanya. Bago pa siya makapagreact ay pumagitan na sa kanila si Paul. “Dexter, hindi dapat ginagalit si Brixianne. At lalong bawal pa sa kanya ang kissing lalo pa’t nakikita ng doctor niya.” Sa sinabi nito ay natawa nalang siya. Sa nakikita niya ng mga oras na iyon ay hindi lang si Dexter, Cleoffe at ang Ate Mish niya ang nadagdagan sa buhay niya. Dapat din pala niyang isama ang matatalik na kaibigan ni Dexter. “Ang mabuti pa hayaan na lang muna natin makapagpahinga si Brixianne.”payo ni Paul. “She’s still recovering from her wound.” “Agad agad? Kakadating ko lang ah.”reklamo ni Yasser. “Ikaw nga magtigil ka. Ayaw mo bang magkalove life ang kaibigan natin? Malay mo lagi na tayong malibre sa bar kapag naging masaya na yan. Laging in love eh.” Hindi na niya narinig ang naging sagot ni Yasser sa sinabi ni Kenesis dahil tuluyan ng nakalabas ang mga ito sa kwarto. “Masaya ako na magiging Okay na ang lahat.”ani niya kay Dexter. “Magiging Okay ang lahat hanggat hawak hawak natin ang isa’t isa , right baby?”masuyong sabi ni Dexter sa kanya. At dahil pakiramdam niya ay nabitin siya kanina sa ginawa niyang paghalik sa binata ay muli niyang tinawid ang pagitan ng mga labi niya at nagpakalunod siya sa sarap ng mga halik nito. She will make sure na magiging masaya silang dalawa ni Dexter. At mahahalikan na niya lagi ito kahit na anong oras.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD