HALOS mag-iisang linggo na din siyang nag stay sa bahay ni Dexter. Noong mga unang araw niya pagkatapos niyang malaman ang tungkol sa Ate Mish niya ay hindi siya nakikipag-usap sa binata. Ngunit nag-iba nang ito ang laging lumalapit sa kanya. Alam niyang kapag naglalagay siya ng pader sa paligid niya para dito ay ginagawa nito ang lahat ng paraan para mawala ang pader na iyon.
Aaminin niyang dahil doon ay nagbabago na rin ang nararamdaman niya para sa Ate niya. Ang sabi pa nito ay sapat na panahon lang ang kailangan niya para matanggap niya ang buong katotohanan. And he was right again.
Hindi nga ba kung iisipin niya ay maswerte siya kay Dexter? Dahil kung hindi dahil sa tulong nito ay malamang na matagal ng napahamak si Cleoffe. At kung hindi dahil dito ay hindi niya malalaman ang tungkol sa Ate niya. Maraming beses na rin itong nagtapat ng pag-ibig sa kanya. Ang kailangan lang nilang gawin ay pag-usapan ng maigi ang conflict na nangyari sa kanila nang nakaraan.
At kung hindi dahil sa lalaking iyon ay baka nasa kadiliman pa din siya hanggang ngayon. Si Dexter ang naging tanglaw sa mundo niya na madilim bago pa niya ito nakilala.
Sumilay ang magandang ngiti niya ng makita ang ginawa niyang cake para dito. Tandang-tanda pa niya ang chocolate cake na ginawa nito sa kanila ni Cleoffe. At kung paano naging isang magandang ala-ala para sa kanya ang cake na iyon. Nagluto din siya ng masarap na putahe para sa kanilang dalawa. Nag set up din siya ng mga table para sa dinner date nilang dalawa ni Dexter. Pinili niyang sa garden i-set up para kitang kita nila ang ganda ng paligid nila. Tiyak niyang mabibigla si Dexter sa ginawa niyang supresa.
Tinignan niya ang oras sa wristwatch niya. Five minutes nalang at alam niyang darating na ang binata. Sa totoo lang ay kinakabahan siya ng mga oras na iyon. Feeling niya ay para siyang teenager na first time makipagdate sa crush niya. Pero kahit na kinakabahan siya ay masarap din iyon sa pakiramdam.
“Brixianne?”
Agad siyang napalingon ng marinig niya ang tinig ni Dexter mula sa likuran niya. Kitang kita niya sa mukha ng binata ang pagkabigla sa ekspresyon ng mukha nito. Hindi naman niya masisisi si Dexter dahil iyon ang unang pagkakataon na nag-effort siya para mapakita kung ano talaga ang tunay na nararamdaman niya para dito.
She smiled at him sweetly. Nang mga oras na iyon ay parang naging sila nalang ang tao sa mundo kasama ang magandang atmosphere na nakapaligid sa kanilang dalawa. Sa pagkakataong iyon ay siya na ang lumapit dito. She offered him her hand. This time, siya naman ang lalapit sa lalaking ito. And this time, ipaparamdaman niya dito kung gaano siya kasaya na nakasama niya ito. At kung gaano siya kawerte dahil minahal siya ng isang Dexter Santillan.
Napangiti siya ng maluwang ng tinanggap ng binata ang kamay niya kasabay ng mahigpit nitong pagpisil doon.
“Tara? Let’s eat.”ani niya sabay giya dito sa table nila.
“You surprised me, Brixianne.”ani nito na amusement naman ang nakalarawan sa mga mata nito.
“That’s what I am intend to do.”ani niya sabay napanguso dito. “Wala na ba akong karapatan na maging sweet sayo?”
Lumawak ang pagkakangiti nito sa sinabi niya. “Of course not. It’s sweet, baby.”
Sa pagkakataong iyon ay siya naman ang pinamulahan ng pisngi. Ngayon lang kasi niya nagawa ang bagay na iyon sa tanang buhay niya kaya hindi niya alam kung paano i-e-express ng mabuti ang sarili niya.
“S-salamat..”
Naramdaman niya ang muling pagpisil nito sa kamay niya. “You don’t know kung gaano ako kasaya ngayon, Brixianne. Thank you.”
Tumango siya dito. “Let’s eat?”
Maya-maya lang ay masayang kumain na sila ng dinner nila. Ramdam na ramdam niya kasiyahan na pumupuno sa buong pagkatao niya ng mga oras na iyon. At alam niyang si Dexter lang ang nakakapagparamdama sa kanya ng ganoong klaseng kasayahan.
“Hey, you bake this?”ani nito habang ngumunguya ng cake.
Awtomatikong napairap siya. “Ikaw lang ba may karapatan mag bake?”
Napatawa ito ng malakas sa sinabi niya. “Of course not. Alam ko naman na pinaghirapan mo ‘to.”
Mataman niya itong tinignan. “M-masarap ba?”tanong niya dito. “Alam ko naman na magaling kang magbake-”
“Masarap naman siya.”ani nito sabay titig sa kanya.
Kahit hindi niya sabihin ay nailang siya sa klase ng titig na binibigay nito sa kanya. ngunit mas nailang siya sa sumunod na banat nito. “But I’m sure na mas masarap ang halik mo.”nakakalokong sabi nito sa kanya.
Pinanlakihan niya ito ng mata. “Yang mga banat mo, Dexter. tigil-tigilan mo.”ani naman niya na medyo natatawa na din.
Nang matapos ang dinner nilang dalawa ay hindi pa din nawawala ang ngiti sa mga labi niya. Mukhang nakikinita na niya na lagi siyang masaya kapag kapiling niya ito. Nawawala kung anuman ang agam agam na nararamdaman niya kapag kasama niya si Dexter.
Nag-decide silang mag stay sa isang verandah. Naramdaman niyang masuyong nilagyan siya ni Dexter ng malong sa balikat.
“To keep you warm.”masuyong sabi nito sa kanya saka tumabi sa kanya.
Ninamnam muna niya ang masarap na atmosphere na nakapaligid sa kanilang dalawa ni Dexter bago siya nag pasyang magsalita.
“Dexter..”ani niya.
“Yes, baby?”
“I think we need to go back now. Don’t you think so?”
“Brixianne..”
Nakangiting humarap siya dito. “You’re always right, Dexter. I just needed time to think. To go away. Siguro hindi ko lang matanggap yung mga panahon na sinayang ko dahil sa galit ko sa isang tao. Gusto ko ng mabuhay ng walang galit nararamdaman dito.”ani niya sabay turo sa dibdib niya.
Naramdaman niya ang masuyong pag-akbay nito sa kanya. “That’s right, baby. But you have to forgive yourself first. Alam kong malaki din ang pagsisisi mo dahil wala kang nagawa para iligtas ang Ate mo. And it’s not your fault. You’re still a child bak then. Kaya huwag mong sisihin ang sarili mo kung wala kang nagawa para sa kanya. At kapag napatawad mo na ang sarili mo, then forgive the people who hurt you.”
Sa sinabi nito ay naramdaman niya ang pag-iinit ng mga mata niya. “In that process, you’ll be on my side. Right?”
Masuyo nitong hinaplos ang pisngi niya. “Yes, Brixianne. Kahit na anong mangyari I will be on your side. Always. I promised you that.”
Tumango-tango siya. “I’m sorry kung napagdudahan kita back then. Alam ko naman na hindi mo magagawang ipagtanggol si Benito.”
He sighed first bago sumagot sa sinabi niya. “No, I wasn’t planning to defend him. And definitely I will not defend that jerk. One week na tayong nandito noon ni Cleoffe when he called me regarding his case at gusto niyang ako ang maging Attorney niya. and I said yes to him. ”
Umiling iling si Dexter ng makita nito ang naging ekspresyon ng mukha niya saka nagpatuloy sa pagpapaliwanag. “I only said yes on him dahil gusto kong malaman ang mga gagawin niyang hakbang o kung may idea na ba siya kung nasaan si Cleoffe. I did it for your own sake. At hindi kita masisisi kung pagdudahan mo ako ng ganoon dahil hindi ko sinabi sayo ang bagay na iyon.”
“Dahil noong mga time na nandito tayo nina Cleoffe, you look happy that time. At ayokong masira lang ni Benito ang mood mo na iyon kaya ko pinili na itago sayo ang lahat. And I’m so sorry for not telling you.”
Doon siya napabuntong hininga. “No, Dexter. Ako ang dapat na magsorry for not trusting you. Dapat na alam kong hinding hindi mo kami ipapahamak ni Cleoffe.”
“So, we’re even now?”
Napangiti siya sa sinabi nito. Lalo niyang isiniksik ang katawan niya dito at ito naman ay lalong inigpitan ang pagkakaakbay sa kanya. kumportableng isinandal niya ang ulo sa balikat nito. Ramdam na ramdam niya ang init ng katawan ng binata. at napakasarap niyon sa pakiramdam.
“I hope this moment will not last..”wala sa sariling sabi niya habang dinadama niya ang sarap ng pakiramdam niya ng mga oras na iyon.
Nang hindi ito kumibo ay doon niya ipinagpatuloy ang pagsasalita. “I love the way you make me feel so love and important, Dexter. Wala pang taong nagparamdam sa akin ng ganitong klase ng pagmamahal. We’ve become one, right?”
Kahit hindi niya ito nakikita ay alam niyang tumango tango ito sa sinabi niya. “Yes. Like a unit.”
Nang mga oras na iyon ay ninamnam niya ang sandali na magkasama silang dalawa ni Dexter. At bukas, gagawin na niya ang nararapat na gawin niya. Ayaw na niyang maging malungkot. Gusto na niyang maging masaya kapiling ang lalaking minamahal niya.
PAGDILAT niya ng mga mata ay nakangiting mukha ni Dexter ang una niyang nabungaran.
“Wake up, sleepy head.”masuyong sabi nito. “For my one and only princess.”ani nito habang may hawak na roses.
Doon siya agad na umupo sa pagkakahiga at nakangiti niyang kinuha ang roses na binigay nito. Inamoy amoy muna niya iyon bago niya ulit binalingan ang binata. pakiramdam niya ng mga oras na iyon ay kumikislap sa saya ang mga mata niya.
“This is beautiful, Dexter. thank you.”
“So, wala ba akong thank you kiss?”
Napaingos siya dito. “Bakit kapag may binibigay ka sakin may kapalit?”
Nankunwari itong malungkot sa sinabi niya. “Sige Okay na yung thank you mo lang. mapangiti ka lang masaya na ako.”
Natatawang hinampas niya ito sa braso. “Ang corny mo, Dexter!”
Natawa na din ang binata sa sinabi niya. “I was just joking, baby. Pero ikaw, depende sayo kung tototohanin mo.”
Naiiling na pinagbigyan nalang niya ito sabay halik sa pisngi ng binata. “Oh? Eh bakit ganyan pa din ang ekspresyon ng mukha mo? Hinalikan na kita ah.”
“I was exptecting you will kiss my lips.”
“What?”ani niya. “Balik ko nalang kaya tong bulaklak mo?”banta niya.
Iniipit muna nito sa punong tenga niya ang ilang hibla ng buhok niya. “Everything for you, baby. So, ready ka na ba? Babalik na tayo ng manila.”
Sa sinabi nito ay doon siya binundol ulit ng kaba. Napagdesisyonan na kasi nila kagabi na kailangan na nilang bumalik ng Manila para ayusin ang problemang tinakbuhan niya.
“Don’t’ worry. Everything will be alright. Nasa tabi mo lang ako lagi.”malumanay na sabi nito.
Tumango tango siya dito. Ang unang-una niyang gagawin ay kukunin niya si Cleoffe sa poder ni Xander. Nang maalala niya ulit ang dalagita ay napabuntong hininga siya. mukhang napabayaan na niya ito dahil lang sa nararamdaman niya. Alam naman niyang mapagkakatiwalaan niya si Xander at hinding hindi nito gagawin ang ikapapahamak ni Cleoffe. Ngayon ay dapat na niyang gawin ang tama. At kapag nakuha na niya ang dalagita ay saka niya kakausapin ang Ate Mish niya.
“Get ready. Hihintayin kita sa baba, Okay?”papatalikod na sana ito ng bigla ulit itong humarap. “Wala ba talaga yung kiss ko sa lips?”nakangising sabi nito sa kanya.
Nang umamba siya na papaluin niya ito ng unan niya ay natatawang lumabas agad ito ng kwarto niya. siya naman ay hindi pa din maubos ang ngiti sa mga labi niya. At ipinapangako niya sa sarili niya na kapag natapos na ang problema niya sa Ate niya ay bibigyan niya si Dexter ng isang makapigil na hininga sa labi. Hindi pa man niya nagagawa ay kinikilig na siya sa naiiisipn niya kung paano niya ito hahalikan.
Naiilang na naligo agad siya at naghanda sa pag-alis nilang dalawa. Papalabas na sana siya sa kwarto niya ng biglang tumunog ang cellphone niya. Agad na binundol siya ng kaba ng makita kung sino ang caller niya. Sinagot niya iyon ng walang pag-aalinlangan.
“Brixianne, Brixianne. Kamusta kana, sweetheart?”agad na sabi ni Benito ng sagutin niya ang tawag nito.
“Anong kailangan mo sakin?”seryosong sabi niya dito.
Narinig niya ang mala-demonyo nitong pagtawa sa kabilang linya. “Hindi mo man lang ba ako kakamustahin, Brixianne?”
“Wala akong oras para sa ganyang mga bagay. Kung wala ka nang ibang importanteng sasabihin I’ll hang up now.”
“Oopss! Teka lang muna. Masyado ka naming hot eh. Si Cleoffe gusto mong kamustahin?”
Doon ay bigla siyang binundol ng kaba sa sinabi ni Benito. “Nasaan si Cleoffe? Nasaan siya!”
Hindi nito pinansin ang galit sa boses niya bagkus ay tinawanan lang siya nito. “Alam ko naman na makukuha ko ang atensyon mo kapag sinabi kong nasa akin na ang mahal kong anak. Hindi ba, Cleoffe darling?”
Halos hindi na niya alam ang gagawin nang marinig niya ang tili ng dalagita na alam niyang sinaktan ito ni Benito.
“Huwag mo siyang sasaktan kundi papatayin kita!”sigaw na niya dito.
“Papatayin mo ako? Well, I like your idea, sweetheart. Ano kaya kung pumunta ka dito. We’ll have a date. Ituloy natin ang naudlot nating pagmamahalan. What do you think so?”
“Pakawalan mo si Cleoffee!”
“I will kung if you come here. Alone, Brixianne. Alam ko naman na marami kang kakampi. I want you to come here alone. Kung hindi mo magawa, hindi mo na din makikita pang humihinga itong anak ko.”
Magsasalita pa sana siya ng bigla nalang nitong ibaba ang tawag niya. Wala siyang inaksayang oras at agad siyang lumabas ng kwarto. Kilala niya si Benito at alam niyang gagawin nito ang sinabi kung sasabihin niya kay Dexter na nasa kamay nito si Cleoffe. At iyon ang pinakahuling bagay na gusto niyang mangyari sa dalagita.
Pagdating niya sa tapat ng bahay ay nandoon ang isa sa mga bodyguard ni Dexter na halatang hinihintay silang dalawa. Walang sabi sabing inagaw niya ang baril na nakasukbit sa pantaloon nito at ikinasa niya iyon sabay tutok dito. Awtomatiko naman na itinaas nito ang dalawang kamay tanda na hindi ito lalaban.
“Give me the key!”sabi niya habang tinututukan ito ng baril. Agad naman niyang inagaw ang susi ng sasakyan. “Now, get out in my way.”
Pagkasakay niya ng kotse ay agad niyang pinaharurot iyon. Kailangan niyang magmadali dahil alam niyang maaari siyang maabutan ni Dexter kung babagal bagal siya.
Hindi niya maiwasan na mag-alala ng husto kay Cleoffe ng mga oras na iyon. Alam niyang labis na ang takot na nararamdaman nito sa kamay ng sarili nitong ama at gusto niyang agad-agad na makaalis ito sa ganoong sitwasyon.
Doon ay bigla niyang narecall ang huling pag-uusap nila ng dalagita noong nasa poder na sila ni Xander. Ang mga huling katagang binitawan ng dalagita ay punung-punong iyon ng pagsisisi lalo na at nalaman nito na ang sarili nitong ama ang pumatay sa Papa niya.
Nang makalayo na siya ay agad niyang dinial ang numero ni Benito.
“I’m coming. If you touched her. If you hurt her. Hindi ako mangingiming pumatay ng tao, Benito. ”