Chapter 8

3211 Words
Marahas na napalingon siya ng marinig niya ang isang pamilyar na tinig mula sa likuran niya. Agad na nagsalubong ang mga kilay niya ng magtama ang mga mata nila. Ngunit natigilan siya ng mapagmasdan ang mukha ng binata. naalala niya noong nasa building palang siya at bago mawalan ng malay ay parang lalong lumubog ang mga mata nito na halatang walang tulog. Palihim niyang ipinilig ang ulo niya para pigilan ang sariling agad na lapitan ang binata. “Anong ibig sabihin nito Dexter? This is k********g!”ani niya na may malakas na tinig. Pero kapag naaalala niya ang ginawa nitong pagndurukot sa kanya na wala siyang kalaban laban ay hindi niya mapigilan ang sarili niyang manggigil dito. Kahit kailan ay wala pang tao ang gumawa sa kanya niyon. Imbes na sumagot sa tanong niya ay tinunton nito ang sofa na malapit sa kanya at dire-diretsong umupo na para bang sobrang pagod na ito. Sumenyas ito na para bang pinapaupo siya sa tabi nito ngunit tinaasan lang niya ng kilay ang binata. “Dexter, pakawalan mo na ako kundi ipapapulis kit-”hindi na niya natuloy ang sinasabi niya ng mapalitan iyon ng impit na tili ng bigla nalang siya nitong hilahin paupo. Tatayo sana siya agad ng pigilan na siya nito sa dalawang braso. “Relax, Brixianne. I’m not going to hurt you. Do you think I am capable of hurting you?”anas nito habang nakatingin ng diretso sa mga mata niya. Hindi siya umimik sa sinabi ni Dexter. ang tanging nagawa lang niya ay iwasan ang mga tingin nito. Maya-maya ay narinig niyang bumuntong hininga ang binata bago nagpatuloy sa pagsasalita. “Marami akong gustong sabihin at i-explain sayo. Pero dahil may mas mahalaga pang bagay kaysa doon ay ipagpapaliban muna natin ang issue sating dalawa.” “Wala na tayong dapat na pag-usapan pa, Dexter. Alam ko na ang totoo.” Hinawakan nito ang baba niya at marahan siyang pinaharap nito. “The truth will set us free. Do you in that, Brixianne?” “Yes.”simpleng sagot niya dito. “I want you to listen and understand what I am trying to say, Okay?” Napansin niyang parang nahihirapan ito kung anoman ang dapat nitong sabihin sa kanya. “Kung tungkol yank ay Benito-” “No, baby. No. May kinalaman si Benito dito pero hindi tungkol sa kanya ang sasabihin ko. about your eldest sister.” Sa narinig mula sa binata ay awtomatikong tumigas ang ekspresyon ng mukha niya. “Wala akong kapatid na babae, Dexter. Walang ka kwenta-kwenta yang sinasabi mo.” Tanging kay Xander lang niya nasasabi ang lahat ng tungkol sa Ate Mica niya at hindi sa ibang tao. At wala din siyang matandaan na may binanggit siya kay Dexter. Pilit niyang hinila ang kamay niya ng hawakan iyon ng binata ng mahigpit. “This is all about your sister, right? Naghihiganti ka para sa Ate mo dahil sa ginawa ni Benito.” Sa sinabi nito ay nakaramdam siya ng panginginig ng kalamnan. Hindi niya alam kung dahil ba iyon sa nalaman nito ang sikretong tinatago niya ng matagal na taon. Basta ang gusto lang niya ay umalis at lumayo kay Dexter para hindi na niya pakinggan ang iba pa nitong sasabihin. Malaki ang posibilidad na inimbistigahan na nito ang nakaraan niya. “Wala akong alam sa sinasabi mo. You’re talking non sense.”pilit niyang pinatatag ang boses niya kahit na ang totoo ay deep inside her ay nanginginig na iyon. “If you’re thinking na pinaimbestigahan kita. You got it wrong, Brixianne. Ginagalang ko ang lahat ng iyo. And that’s includes your past. Pero ang tungkol sa Ate Mica mo, it’s just a co-incident. Nalaman ko ang tungkol sa kanya when I met her.” “Y-you met her?”ulit niya sa sinabi ni Dexter. Ibig sabihin ay kilala nito ang Ate Mica niya bago pa ito namatay? “Yes, I met her two years ago.” Saglit lang siyang natigilan ng marinig niya ang sinbi ng binata. Ngunit maya-maya lang ay napatawa siya ng pagak. “How come? Paano mo siya nakilala two years ago? Kung dalawang dekada na siyang patay? Dahil piñata siya ng taong kasalukuyan mong pinagtatanggol.”madiin na sabi niya habang masamang nakatitig kay Dexter. Kung sa tingin nito ay mapaglalaruan siya nito sa ganoong klaseng paraan ay nagkakamali ito. “Hindi mo ako mapaglalaruan pang muli, Dexter. Kung bored ka na sa buhay mo at wala ka ng ibang malaro. Huwag ako ang paglaruan mo.” “Buhay ang Ate Mica mo, Brixianne.” Natawa siya ng malakas. “Anong klaseng kabaliwan yan? Bingi ka ba? Hindi mo ba narinig ang sinabi ko kanina lang? Patay na ang Ate Mica ko! pinatay siya ng walang hiyang si Benito!”halos pasigaw na sabi niya. Hindi niya alam kung ito ba talaga ang kinukumbinsi niya o ang sarili niya. “I’m so sorry. Pero buhay ang Ate mo, Brixianne.”napansin niyang mahigpit nitong ikinuyom ang mga palad habang nagtatagis ang mga bagang nito. “Xander also knows it. Matagal na niyang alam na buhay ang Ate Mica mo. At ginamit ka lang niya para makuha ang gusto niya. Buhay ang Ate mo, Brixianne. She’s alive.” Doon siya natulala ng mapansin niyang seryosong seryoso ang mukha ni Dexter habang sinasabi sa kanya ang bagay na iyon. “H-hindi yang totoo..”nanginginnig na sabi niya dito. Bumakas ang matinding guilt sa mukha nito habang pinagmamasdan ang reaksyon niya ng mga oras na iyon. Buhay ang Ate Mica niya? Pero hindi maaaring mangyari ang bagay na iyon. Kahit na hindi na nila nakaita ang katawan nito ng gabing iyon ay malaki ang posibilidad na pinatay ito ni Benito. At isa pa, kung buhay nga ang kapatid niya malamang ay magkasama na sila nito dati pa. Dahil alam niyang gagawin nito ang lahat ng paraan para magkasama silang dalawa at mailayo siya kay Benito. Umiling iling siya. “You’re lying to me. She was killed twenty years ago. A-at imposibleng buhayin pa siya ni Benito.” “You’re right. Imposibleng buhayin pa siya ni Benito. But miraculously ay nabuhay ang kapatid mo sa mga tama ng bala. Wala akong karapatan para ipaliwanag sayo ang lahat, Brixianne. Ang kapatid mo lang ang makakapagpaliwanag ng lahat.”ani nito sabay haplos ng pisngi niya. “I wish I could take away all your pain..”malungkot na sabi nito sa kanya. Sasagot pa sana siya ng may marinig siya tinig na tumawag sa pangalan niya. Para siyang tinulos sa kinaroroonan niya. Kahit na maraming taon na ang nakalipas ay hindi niya maaaring makalimutan ang may-ari ng tinig na iyon. Dahil halos gabi gabi ay lagi siyang dinadalaw ng mga ala-ala nito. “M-mish..” Nang inulit nito ang pagtawag sa pangalan niya ay doon siya nagsimulang panlamigan. Walang ibang tumatawag sa kanya ng ganoon kundi ang Ate Mica lang niya. paglingon niya sa pinanggalingan ng tinig ay kulang pa siguro ang salitang nayanig ang mundo niya kung sino ang nakatayo malapit sa kinaroroonan niya. Totoo nga ang sinasabi ni Dexter. Buhay ang Ate Mica niya! Ilang saglit lang siyang natulala dito bago niya nakuhang magsalita. “N-no.. hindi ikaw ang Ate ko. She died long time ago.”tanggi niya dito. Sa narinig na sinabi niya ay hindi napigilan ni Mica na mapaluha. Siguro ay hindi nito nakayanan ang nakikitang reaksyon niya ng mga oras na iyon. “Patawarin mo ako, Mish. Hindi ko ginusto na itago sayo ang katotohanan na buhay ako. Patawad.”umiiyak ng sabi ng Ate niya. Doon ay parang sinampal siya ng ilang daang ulit. “Kung ikaw ang Ate ko, hinding-hindi niya ako lolokohin. At lalong hinding-hindi niya ako pababayaan mag-isa. Dahil kung ikaw ang Ate Mica ko, hindi mo ako sasaktan ng ganito!”ani niya na kahit hindi siya sumisigaw ng mga oras na iyon ay nandoon naman sa bawat bitaw ng salita niya ang hapdi at sakin na nararamdaman niya. “H-hindi ko sinasadya, Mish. Hindi ko ginusto na saktan ka.”ani nito sa pagitan ng paghikbi. Napansin niyang parang gustong gusto na siya nitong lapitan ngunit pinanatili niyang matigas ang ekspresyon ng mukha niya. “Bakit?”puno ng pait na tanong niya dito. “Bakit mo ginawa sakin ang bagay na ito? Sana hindi ka nalang nagpakita kung hanggang ngayon ay sasaktan mo pa din ako!” Lalong bumalon ang luha sa mga mata ng Ate niya pagkarinig nito sa sinabi niya. punung-puno ng pagsisi ang nakalarawan sa mukha nito. “N-nang gabing nangyari ang trahedya sa pamilya natin. Basta nalang ako itinapon ni Benito sa isang madilim na lugar. H-hindi ko alam kung gaano ako katagal na nandoon. Ang natatandaan ko lang ay nagising ako sa hindi pamilyar na lugar. Sa totoo lang, ang buong akala ko ay patay na ako. Pero naging saksi ng nakaraan ko ang mga sugat at tama ng bala na ibinigay sakin ng demonyong iyon. Inaruga ako ng taong kumopkop sakin kahit na hindi nila ako kilala ay inalagaan pa din nila ako. ” Humugot muna ito ng isang malalim na buntong hininga bago ipinagpatuloy ang pagsasalita. “Natakot ako, Brixianne. Natakot ako na baka kapag nakita ulit ako ni Benito ay tuluyan na niya akong patayin kaya nagdecide akong tumira kasama ng pamilya na tumulong sakin. Kahit na gustong gusto kitang balikan at alamin kung ano na ang nangyari sayo ay lagi akong nauunahan ng takot. Takot ko para kay Benito. Hanggang sa namalayan ko nalang na maraming taon na pala ang nakakalipas. Naisip ko nalang na dahil sa batang edad mo, siguro ay nakalimutan mo na ang nangyari.” “Nang una kitang makita sa television bilang reporter, doon muli umusbong ang pagnanais na makita kita, Mish. Pero hindi ko pa din mapigilan ang makaramdaman ng takot. Paano kapag nalaman ni Benito na buhay pa ako? That evil will chase you. He will find us para patayin niya tayong magkapatid. Kaya minabuti ko nalang na maging patay na ako sa paningin mo. Pero maniwala ka, kahit kailan hindi ka nawala sa isipan ko. lagi kitang naiisip minute-minuto, Mish. Hanggang sa nakontento na lang akong pagmasdan ang kapatid ko sa television..”malungkot na sabi nito sa kanya. Sa narinig ay mahigpit niyang ikinuyom ng husto ang palad niya. halos buong pagkataon niya ay gusto ng magwala ng oras na iyon. Tumayo siya at matatag na hinarap ang Ate Mica niya. “Duwag ka pala eh. Mas pinili mong lamunin ka ng takot kaysa makasama mo ang kapatid mo na halos mamatay na sa pangungulila sayo, sa inyo ni Papa. Hindi mo ba alam kung gaano kasakit at kahirap na walang pamilya?” “Mahirap, Ate. Napakahirap. Lalo na kung alam mong buhay pa din ang taong sumira sa buhay mo.” “H-hindi ko sinasadya, Mish. Sana mapatawad mo ako. ” Nang tangkain nitong hawakan siya sa kamay ay agad niyang tinabig ang kamay nito. “Hinding hindi ko mapapatawad ang kaduwagan mo. Mabubuhay ako sa isipan ko na patay kana.”punong puno ng hinanakit na sabi niya dito. “M-mish..” “Si Xander.”she waited a bit bago muling magsalita. “Kilala mo ba siya?” Umiiyak na tumango tango ang Ate niya. “H-he was my ex-boyfriend. I met him nang mga panahon na nalulungkot ako. Ang alam ko ay may ginawa din na kasamaan sa pamilya niya si Benito. Recently ko lang nalaman na ginagamit ka niya para makapaghiganti kay Benito. Please, Mish. Hindi tama ang ginagawa mong paghihiganti kay Benito. Walang kaluluwa ang taong iyon. Pareho nating alam na pwede ka niyang patayin.” Doon ay parang lalo niyang gustong magmawala. Biruin mo na ang taong pinagkakatiwalaan mo ng maraming taon ay ginagamit lang din pala siya. “I don’t want to see you again.” Pinili na niyang umalis nang nararamdaman na niyang gusto ng kumawala ang luhang kanina pa niya pinipigil. Bago siya malayo ay rinig na rinig niya ang malakas na pag-iyak ng Ate niya at ang pagtawag sa kanya ni Dexter. halos hindi matanggap ng buong pagkatao niya ang katotohanan na buhay ang Ate niya. Nang makalabas siya ng bahay ay parang gusto niyang sumigaw ng pagkalakas lakas para kahit papaano ay payapain ang sarili niya. Ang taong akala niya na hinding hindi siya magagawang saktan ay gagawin ang ganoong klaseng kasinungalingan sa kanya. hindi man lang sumagi sa isipan niya na pwede iyong gawin ng Ate niya sa kanya. Hindi niya alam kung gaanong katagal na siyang naglalakad ng mabilis. Nang makaramdam ng pagod ay nanghihinang napaupo na lang siya sa isang tabi. She was lost. Pakiramdam niya ay muli niya ulit naramdaman ang matinding sakit na iyon twenty years ago. “Brixianne..” Nang marinig ang pamilyar na tinig na iyon ay agad niyang iniangat ang tingin niya. Nang magtama ang paningin nila ni Dexter ay hindi na niya napigilan ang sarili niyang pakawalan ang luha niya. Agad naman siya nitong niyakap ng mahigpit. Mahigpit na mahigpit na para bang sa pamamagitan ng yakap na iyon ay mawala kahit na kaunti ang nararamdaman niya. Kay Dexter niya binuhos ang sakit at sama ng loob niya habang binubulungan siya nito at inaalo. At aaminin niyang sa mga yakap ng binata siya nakakakuha ng lakas. Ilang sandali pa ay iniangat niya ang ulo at tinignan ito. “Ilayo mo ako dito. Please, parang awa mo na. Take me away from here..”ani niya habang gumagaralgal na tinig. Tinuyo nito ang mga luha niya sa pamamagitan ng mga masuyong halik nito. “I’m so sorry, baby..”ani nito habang mahigpit pa din ang pagkakayakap sa kanya. “I’m so sorry..” Hindi niya alam kung para saan ang sorry nito ngunit hindi na lang niya iyon pinansan. Basta ang alam lang niya ay gusto lang niyang umalis at magpakalayo-layo. Kasama si Dexter. NANG idilat niya ang mga mata niya ay muli niyang naramdaman ang kahungkagan sa puso niya. Hindi niya alam kung gaano na siya katagal na natutulog. Ang alam lang niya ay muli siyang dinala ni Dexter sa property nito sa Pangasinan. Hindi niya alam kung gaano siya katagal na natutulog lang. Sa totoo lang ay wala na siyang pakialam kung saan man siya gustong dalhin nito. Ang gusto lang niya ay malayo siya sa buong katotohanan. Hanggang ngayon ay hindi pa din matanggap ng buong pagkatao niya na buhay pala ang Ate Mica niya. katotohanan na mas ginusto nitong lumayo at pabayaan siyang mag-isa sa buhay dahil lang sa takot nito. Iyon ang hindi niya matanggap. Nang muli na naman niyang maramdaman ang pag-iinit ng mga mata niya ay minabuti na lang niyang takpan iyon ng kanang kamay niya. Isa talaga sa pinakamasakit na pwedeng mangyari sa isang tao ay lokohin ka ng taong inaakala mong mahal ka at hindi ka magagawang saktan. Kung alam lang ng Ate Mica niya kung ano ang naranasan niyang paghihirap nang akala niya ay patay ito. Halos buong pagkatao niya ay binalak niyang kamuhian si Benito dahil sa ginawa nito. Ngunit hindi niya akalain na ang Ate pala niya ang mas may kakayahan na makapanakit sa kanya. “Brixianne..” Kahit narinig na niya ang pagtawag na iyon ni Dexter ay hindi pa din siya kumilos. Naalala niyang ilang beses narin pala itong pabalik balik sa kwarto na kinaroroonan niya. ngunit mas pinili niyang huwag itong pansinin. Naramdaman niya ang paglundo ng kama tanda na malapit na malapit lang ito sa kanya. “Come on, bumangon ka na dyan.”nang hindi pa din siya kumibo ay marahan nitong inalis ang pagkakapatong ng kamay niya. She heard him sigh bago ito nagpatuloy sa pagsasalita. “It’s been two days, Brixianne. Hinayaan na kitang mag-isip-isip. Pero hindi tamang ikukulong mo lang ang sarili mo dito. Hindi iyan ang kilala kong Brixianne Mish Rodriguez.” “You don’t have any idea kung ano ang nararamdaman ko ngayon.”ani niya dito. Na sa totoo lang ay iyon ang unang words na binanggit niya ng makarating siya sa lugar nito. “Of course, baby. I know that I know how you feel. Alam ko kung gaano ka nasasaktan ngayon. And it’s breaking my heart, baby. But don’t you think na hindi lang ikaw ang nasasaktan ngayon? Na hindi naman talaga kasalanan ng Ate mo ang ginawa niya? She did that for your safety. Para sa kaligtasan ninyong dalawa. hindi niya gugustuhin na saktan ka niya.” Sa sinabi nito ay awtomatiko siyang napabangon mula sa pagkakahiga saka tinignan niya ito ng masama. “Kaduwagan ang tawag doon, Dexter. Hindi niya iyon ginawa para sakin. She did that for her own sake.” Kahit na mataas na ang timbre ng boses niya ay nanatili pa din itong malumanay habang nagsasalita. “No, Baby. Ginawa niya iyon para sayo. Think of it, kung lumantad siya na buhay pala siya, ano nalang ang magyayari sa inyong dalawa? Alam kong kilalang kilala mo si Benito. Hindi siya mangingiming patayin kayong dalawa. Saka, hindi ka ba masaya sa katotohanang buhay pa pala ang Ate mo? Hindi ba’t iyan ang lagi mong pinagdadasal? Na sana hindi na lang nangyari ang trahedyang iyon at nabuhay nalang ang Ate mo?” “Masakit, oo. Na niloko ka lang niya. Pero sana isipin mo din na nasasaktan din siya sa panahong hindi ka niya nakakasama. Brixianne. Iba’t iba tayo ng uri ng paraan para maprotektahan ang mga taong mahahalaga satin. Pinili lang ng Ate mo na lumayo sayo para hindi ka mapahamak. You had enough, baby. At lalo na din siya. Hindi ba’t dapat lang na mapatawad mo siya at magsimula kayo ng bagong buhay na magkasama?” Natahimik siya ng lubos sa mga katagang binitiwan nito sa kanya ng mga oras na iyon. Ayaw man niyang tanggapin ngunit pawang katotohanan ang mga sinabi ni Dexter. Muling sumilay sa balintawtaw niya ang hitsura ng Ate niya. kahit na sandali lang niyang natitigan ito ay halatang marami nang ipinagbago ito. Dati ay puno ng buhay ang mga mata ng Ate niya. Ngunit ang nakita niya ay puno ng pagsisisi at lungkot. Hindi man niya gustuhin ay nakaramdam siya ng guilt para dito. “Y-you think na m-magkakaayos pa kami ulit?”hindi niya napigilan na sabi niya. Unti-unting napangiti si Dexter. masuyo nitong hinaplos ang pisngi niya bago nagsalita. “Of course, baby. I’m very sure of that.” Hindi na siya nakahuma ng dampian nito ng halik ng dalawang beses ang labi niya. At kahit na dampi lang iyon ay hindi mapagkakailang samu’t saring sensasyon ang dumagsa sa buong pagkatao niya. Muli siya nitong tinitigan ng diretso sa mga mata. “You have no idea kung gaano kita kamahal, Brixianne. You mean so much to me. Na ikaw lang ang makakapagbigay ng halaga sa buhay ko. I don’t want to see you sad. Hindi ko kayang makitang nahihirapan at nalulungkot ka. It hurts to see you in pain. I will do everything para lang maging masaya ka.” Sa sinabi nito ay unti unting bumalong ang luha sa mga mata niya na awtomatiko naman na agad nitong pinunasan iyon. “I love you, Brixianne. You mean a world to me. Ikaw ang nagbibigay kahulugan ng buhay ko.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD