KUSA siyang napangiti ng marinig ang malakas na pagtawa ni Cleoffe habang enjoy na enjoy ito sa pamimingwit ng isda kasama si Dexter. Nasa isang fishing pond kasi sila ng pagmamay-ari ng binata. Sa loob ng ilang linggong pagtatago niya kay Cleoffe ay sigurado siyang naging Masaya ang dalagita kasama sila. Na para bang wala itong inaalala o iniisip na maaari silang matunton ng ama nito.
Malaki din ang pinagbago nito sa loob ng ilang linggong iyon. Masasabi niyang Masaya ito base na din sa kislap ng mga mata ni Cleoffe. Wala na ang dating lungkot at takot na lagi niyang nababakasan sa mga mata ng dalagita. But it doesn’t mean that she totally healed. Dahil hindi magagamot ang mga sugat nito habang Malaya pa at nabubuhay ang may kagagawan niyon.
Siguro ay napansin siya ni Cleoffe na nakatingin siya dito kaya ng magkasalubong ang mga mata nila ay agad itong ngumiti sa kanya. “Ate, come on joins us.”excited na aya nito sa kanya.
Nang tumango siya dito ay agad din nagkasalubong ang mga mata nila ni Dexter na agad naman kumislap ng makita siya. bilang ganti ay ngumiti ito sa kanya ng matamis. At tulad nga ng inaasahan niya ay kumabog na naman ng husto ang dibdib niya. ang akala niya ay eventually ay mawawala iyon kapag nasanay na siya na kasama ang binata. but she was definitely wrong about that. Dahil everytime na malapit ito sa kanya ay kusang kumakabog ng husto ang puso niya. Maybe her heart knows Dexter. Kaya ganoon na lamang ang pagwawala niyon kapag magkasama silang dalawa.
When she take steps towards Dexter ay hindi niya inaalis ang paningin niya dito. Kahit siya ay masasabi niyang malaki din ang pinagbago niya simula ng makasama niya ito ng matagal. Feeling niya ay naging maliwanag ang mundo niya with Dexter around. na para bang ito ang naging liwanag niya sa mundo niyang matagal ng binalot ng dilim. She learned to smile and laugh again genuinely. At ang pinaka-importante ang naramdaman niya ulit kung paano magmahal. At mahalin.
Tulad ng pangako nito sa kanya noong sinayaw siya nito ay gagawin nito ang lahat para lang magustuhan niya ito. At hindi naman siya binigo ni Dexter. he courted her na para bang siya lang ang nag-iisang babae sa mundo. She felt special kapag kasama niya ito. At alam niyang hindi lamang pagkukunwari ang pinakikita nito sa kanya.
Nang makalapit siya sa kinaroroonan ng mga ito ay agad nitong inilahad ang mga kamay sa kanya. at walang pagdadalawang isip na inabot niya iyon. Ang isa pa sa kinakikiligan niya kay Dexter ay lagi itong nakahawak sa mga kamay niya at ito naman ay hindi nito iyon binibitawan.
“Come on, Baby.”ani nito sabay alalay sa kanya na maupo. “You know, you should catch some fish para naman may ulam tayo pagdating natin sa bahay.”sabi nito saka ibinigay sa kanya ang fishing rod nito.
Umiling siya. “I don’t know how to use that. Baka mamatay kayo sa gutom.”natatawang sabi niya.
“I’ll teach you the basics.”
Tumango siya sabay hawak ng dalawang kamay niya sa fishing rod. Pero kahit na anong hawak ang gawin niya ay feeling niya talaga ay wala siyang mahuhuli kahit na anong isda pa man ang nasa fish pond. Hininitay niya si Dexter na turuan siya ngunit nang hindi pa ito nagsasalita ay saka niya ito hinarap.
“Akala ko ba tuturuan mo ako-”
Hindi na niya napagpatuloy ang pagsasalita niya ng mapansin niyang ang lapit lapit na pala ng mukha nito sa mukha niya na halos magkanduling na siya.
“May nakapagsabi na bang ang ganda ganda mo?”bulong nito habang pinapagala ang mga mata sa buong mukha niya. napalunok siya ng mapunta sa mga labi niya ang paningin nito.
“Sorry, baby. But I need to do this.”
Pagkasabi niyo ay walang babalang sinakop nito ang labi niya na naging sanhi ng panlalaki ng mga mata niya. Ang buong akala niya ay tatagal ang paghalik nito sa kanya ngunit agad naman nitong pinakawalan ang labi niya. Nang mahalata marahil ni Dexter ang reaksyon niya ay kinindatan lang siya nito.
“Mahirap kapag may bata tayong audience. Let’s continue later.”nakangising sabi nito sa kanya.
Pakiramdam niya ng mga oras na iyon ay pulang pula ang mukha niya dahil sa ginawa ni Dexter. Hindi niya naisip na nasa malapit lamang ang dalagita.
“Don’t worry about me.”ani ni Cleoffe habang abala sa pangingisda. “I’m blind. I’m deaf. Just mind my own business here.”
Pagkasabi niyon ay parang naging go signal iyon ay Dexter na agad naman nitong inilapit ang mukha sa kanya. ngunit sa pagkakataong iyon ay handa na siya kaya agad niyang iniharang ang palad niya sa labi nito sabay usog sa mukha nito palayo sa kanya.
“Huwag kang abusado lalaki. Nakakarami kana.”nanlalaking matang sabi niya sa binata.
Totoo naman na nakakarami na ito sa kanya ng halik dahil sa tuwing nagkakaroon ito ng pagkakataon ay sinasamantala nito. But honestly, she wouldn’t mind afterall. Every day na kasama niya si Dexter ay mas nagiging Masaya siya.
“Alam ko naman na in love ka na sakin eh.”
Lalong nanlaki ang mga mata niya sa sinabi nito. “Excuse me no, masyado ka yatang mahangin ngayon.”
Ngimisi ito sa kanya. “I love you too, Baby.”
Nang hindi makatiis ay mahinang hinampas niya ang dibdib nito. “I didn’t say I love you!”
“But your response to my kisses told me so.”
“Imposible!”
“Gusto mo ng sample?”
“Dexter ah!”
Ngunit kahit na anong pagsaway niya sa binata ay hindi pa din niya ito napigilan ng hawakan nito ang magkabilang braso niya. at nang akmang hahalikan n naman siya nito ay biglang sumigaw si Cleoffe.
“Got you!”excited na sigaw nito. “Ha! I’m gonna eat you later. Hindi mo pagsisishan na nahuli ko kayo.”
Doon siya nagkaroon ng pagkakataon na tampalin si Dexter at makawala sa hawak nito. Halos buong umaga din silang nag stay sa fish pond na iyon. At nang makuntento na si Cleoffe sa mga nahuli nitong isda ay saka lang nila napagpasyahan na bumalik na ng mansion. Isa ay pare-pareho na silang gutom ng mga sandaling iyon. Ngunit hindi niya alam na nang mga oras na iyon ay may isang malaking bagay na isasalubong sa kanya.
"Xander.." gulat na sabi niya ng makita niya si Xander na kampanteng nakasandal sa gilid ng kotse nito.
Nawala ang ngit niya sa mga labi ng makita niya ang ekpresyon ng mukha ng lalaki. Matagal na niyang kilala ito, at alam niyang may masamang nangyayari. Binundol siya ng kaba ng mapansin din niyang nakaparada din ang mga tauhan nito sa harapan ng mansion ni Dexter. Agad na nilapitan niya ito at kinausap.
"What are you doing here, Xander?"ani niya habang nakatitig dito.
Ngunit na imbes na sagutin siya ay tinitigan lang siya nito at maya-maya pa ay binalingan nito si Dexter na ngayon ay seryoso na din ang eskpresyon ng mga oras na iyon.
"You have a good secutiry here, Ms. Santillan. "he waited a bit bago ulit magsalita na at para bang nakipagsukatan muna ito ng tingin sa binata. "But not enough para hindi kami makapasok sa premises ng lugar mo."
Sa sinabi ni Xander ay biglang sumama ang tingin ni Dexter. "Anong ginawa mo sa mga tauhan ko? "
Nagkibit balikat nalang ang una sa tanong ni Dexter. "Tinuruan ko lang sila ng tamang pagbabantay sa kalaban."
Ramdam niya ang panganib sa boses ng dalawa kaya siya na ang pumagitna sa mga ito. At nang akmay susugurin ito ni Dexter ay pinigilan niya ang binata sa gagawin nito.
"Please. " ani niya habang hawak ang braso ni Dexter.
Alam niyang once na binitiwan niya si Dexter ay malaki ang posibilidad na magpang-abot ang dalawa. Napansin din niya kasi na naka-alerto na din ang mga bodyguards ni Dexter na ngayon ay nakapalibot na sa kanilang lahat.
"Malaman ko lang na sinaktan mo ang mga tauhan ko, I will make you pay for that."banta nito.
Sasagot pa sana si Xander ng pigilan niya ito "Please, Xander. Stop it. Natatakot na si Cleoffe sa ginagawa niyo."
Sa sinabi niya ay nabaling ang tingin ni Xander kay Cleoffe na ngayon ay nakatago sa likuran ni Dexter. Bakas sa mukha ng dalagita ang labis na takot. Sino nga ba ang hindi matatakot sa eksena nila ng mga oras na iyon? Na halos isang kumpas lang ng dalawang lalaking ito na napapagitnaan niya sa mga tauhan nito ay handa ng makipaglaban.
Narinig niya ang buntong hininga ni Xander. Maya-maya pa ay sumenyas ito sa mga tauhan nito na ibaba ang mga baril. Hinawakan nito ang braso niya.
"We need to talk, Brixianne."agad na sabi ni Xander. At alam niyang kung anuman ang sasabihin nito sa kanya ay importante iyon. Isa pa, hindi naman ito susugod ng basta-basta sa teritoryo ng iba kung wala itong importanteng sasabihin.
Tumango siya dito. Mabuti na din na medyo lumayo-layo ang distansya ng dalawang lalaki para naman bumaba kahit paano ang mga bugso ng damdamin ng mga ito. Ngunit bago pa siya nakaisang hakbang ay pinigilan na siya ni Dexter. "No, Brixianne. Hindi ka sasama sa kanya. You will not talk to him."
Sensing Xander fury, she gave him a warning glance. Then she turned to Dexter.
"It's Okay, Dexter. He's my good friend. I trust him. Isang malaking misunderstanding lang ito."
Nang masiguro marahil ng binata na desidido siyang kausapin si Xander ay nagpaubaya na lamang ito.
"Mag-usap kayo kung saan nakikita ko kayo, Okay?"
Para mapanatag lang ito ay mabuti na lang na sundin ang nais ng binata. Ilang sandali pa ay nasa isang sulok sila ni Xander hindi kalayuan sa kinaroroonan nina Cleoffe.
"What the hell is happening, Xander? Bakit bigla bigla ka nalang sumusulpot dito? This is Dexter's territory. Malamang na magkasakitan ang mga tauhan niyo."she said furiously."At saka hindi ba't inaasikaso mo ang mga kaso laban kay Benito?"
Sa narinig mula sa kanya ay siya naman ang tinitigan ng masama ni Xander. Sa loob ng matagal na nilang pagsasama na magkaibigan ay minsan lang niyang nakitang galit ito at minsan lang silang magkaroon ng hindi pagkakaunawaan.
"Hell, Brixianne. Samantalang nandito ka at enjoy na enjoy sa lalaking mahal mo?"he said sarcastically to her na hindi niya nagustuhan.
"Damn you, Xander. Alam natin pareho ang kalagayan ko ngayon dito."
"Alam mo ba talaga, Brixianne? O sadyang nabubulagan ka lang sa pagmamahal mo sa lalaking yan?"ani nito sabay duro kay Dexter.
Sa sinabi nito ay siya naman ang tuluyan ng nappikon sa lalaki.
"Will you please stop acting like a s**t?"pikon na sabi niya sabay baba ng kamay nito.
"Niloloko ka lang ng lalaking iyan. Malamang na isa yan sa mga tauhan ni Benito."
Nagulat man sa sinabi ni Xander ay hindi na niya iyong ipinahalata sa lalaki. "Anong kalokohan ang pinagsasabi mo?
"Abogado siya ni Benito. At kung hindi pa din maintindihan ng utak mo ipapaliwanag ko sayo ng husto."galit na sabi nito sabay hawak sa magkabilang braso niya at isinigaw nito sa mukha niya ang mga katagang hindi niya aakalain na maririnig niya sa tanang buhay niya.
"That man used you, Brixianne. Ginamit ka lang niya para sa kapakanan ni Benito. Kakampi siya ng lalaking pumatay sa mga mahal mo sa buhay. Hindi ka ba nagtataka kung bakit ka niya tinutulungan ng walang kapalit? Hindi ka ba nagtataka kung bakit bigla nalang yang sumulpot sa buhay mo?"
"Wake up. Gumising ka na sa panaginip mo na nagmamahalan talaga kayo. Ginamit ka lang niya para mailigtas lang si Benito. Abogado si Dexter. Isang tusong abogado na gagawin ang lahat manalo lang sa kaso ang kliyente niya."
Nang mga oras na iyon ay pakiramdam niya ay namanhid ang buong mukha katawan niya pagkarinig sa mga katagang binitawan ni Xander. Niloko lang siya ni Dexter? Ginamit para sa kaligtasan ni Benito? Ibig sabihin ay pinaibig lang siya nito para manatili lang siya sa panig nito? Ayaw man niyang paniwalaan ang mga katagang binigkas ni Xander ngunit unti-unti niyang naalala ang biglaang pagtulong sa kanya ni Dexter.
"Brixianne, you must wake up now. Hindi ito ang tamang panahon para kalimutan ang mga plano natin."
Sa pagkakataong iyon ay labis na nanghina ang katawan niya. Pero hindi pa din nawawala ang pagkamanhid ng puso niya. Kasabay na parang may makaling kamao na parang pumipiga dito. Bumalik lang siya sa sarili niya ng maramdaman niya ang marahang pagppisil ni Xander sa mga braso niya kasunod ang mahinang boses nito.
"We need to go, Brixianne. Kailangan natin umalis na dito. Think of Cleoffe. Alam natin pareho na ikaw lang ang inaasahan niya. Let's give her a new life na wala ang demonyong Benito na iyon."
Sa sinabi nito ay parang bigong ibinababa niya ang mga balikat niya. Kung totoo nga ang sinasabi ni Xander ng mga oras na iyon ay isa lang ang kailangan niyang gawin. Ang komprontahin ito.
“Are you Okay, Brixianne?”agad na tanong sa kanya ni Dexter pagkalapit na pagkalapit niya dito. “What’s wrong?”kunot noong tanong nito sa kanya marahil ay napansin na ng binata ang ekspresyon ng mukha niya ng mga oras na iyon.
Pakiramdam niya ng mga oras na iyon ay wala siyang lakas para bigkasin ang mga katunungan na gumugulo na sa kanya. Ang gusto lang niyang mangyari ay itanggi lahat ni Dexter ang mga paratang dito ni Xander. Alam niyang hindi magagawa ni Dexter na maging abogado ito ni Benito. Dahil sa ilang lingo din nilang pagsasama ay alam niyang may dignidad itong tao. Hinding hindi nit magagawang ipagtanggol ang taong kinamumuhian niya.
Nang mapansin marahil ni Xander na natitigalgal lang siya ay muli nitong tinawag ang pangalan niya na para bang naiinip na ito sa ginagawa niya. humugot muna siya ng ilang hininga bago niya tinanong si Dexter.
“T-totoo bang abogado ka ni Benito?”ani niya na parang nahihirapang tinig.
Halos buong pagkatao niya ay nangangamba sa maaaring sagot ng binata.
Please, Dexter.. don’t do this to me.. pakiusap.. piping dasal niya sa isip niya.
Napansin niyang nabigla si Dexter sa tanong niya. Ngunit maya-maya lang ay may nabasa siyang matinding guilt sa mga mata nito.
“Sumagot ka sa tanong ko, Dexter.”
Ilang saglit lang itong nakatitig sa kanya bago ito nagpasyang sumagot. Hinawakan nito ang magkabilang braso niya.
“Listen to me, Brixianne. I can explain to you what really happened-”
“Damn it, Dexter! Just answer my question!”biglang bulalas na galit niya dito.
She heard him heaved a deep breathe before answering her question. “Yes. Abogado ako ni Benito. Hawak ko ang kaso niya. Pero ginawa ko lang iyon-”
Hindi na nito natuloy ang nais na sabihin nito ng umigkas ng malakas ang palad niya sa pisngi nito.
“B-brixianne..”
“Hindi mo ba alam kung anong klaseng tao ang gusto mong ipagtanggol, Dexter? Wala ka bang idea kung gaano ka-demonyo si Benito? Puwes, bibigyan kita ng konting idea kung anong klaseng hayop siya. Siya lang naman ang pumatay sa Papa ko. at alam mo ba na siya din ang pumatay at nang r**e sa Ate ko?”
Nang hindi ito kumibo sa sinabi niya ay saka niya ipinagpatuloy ang pagsasalita niya.
“Pinatay at ni-r**e niya ang ate ko sa mismong harapan ko, Dexter. Walang puso at walang awa ang taong yun. Tapos gusto mo lang siyang ipagtanggol? Anong klaseng prinsipyo ang mayroon ka?”nang hindi pa siya nakuntento sa pagsasalita ay sunod-sunod niyang hinampas ang dibdib nito na para bang doon niya binubuhos ang lahat ng galit at sama ng loob niya.
“Kakampi ka ba niya? Magkano ang binayad niya makuha lang ang serbisyo mo? Kasama ba sa bayad niya sayo na paibigin ako? Sumagot ka!”hysterical na sabi na niya dito habang patuloy na hinahampas niya ito sa dibdib.
Samantalang si Dexter ay hinayaan lang sa ginagawa niya. naramdaman niya na may yumakap mula sa likuran niya at tuluyan siyang inilayo sa binata. Kasabay ng pagkalayo niya dito ay doon bumuhos ang masaganang luha na kanina pa niya pinipigilang pumatak. Nang magtama ang mga mata nila ni Xander ay parang nakakuha siya ng kakampi. Maya-maya ay binulungan na siya ng lalaki.
“Calm down, Brix. you must calm down. Kailangan pa natin makuha si Cleoffe. Tandaan mo isa siya sa paraan para mapabagsak ng tuluyan si Benito.”
Sa sinabi nito ay parang doon siya tuluyang nagising. Nagising sa isang napakagandang panaginip. Humugot muna siya ng ilang hininga bago niya ibinuhos ang lahat ng lakas niya. Bago niya talikuran si Xander ay nakita niya ang satisfaction sa mukha ng lalaki. Ngunit hindi na lang niya iyon binigyan ng pansin. Agad na pumunta siya sa kinaroroonan ni Cleoffe na hindi maitatago dito ang labis na pagka-shock sa narinig mula sa kanya.
Hinawakan niya ng mahigpit ang mga kamay nito. Ni hindi niya tinignan si Dexter. Sinusumpa niya ng mga oras na iyon na hinding hindi na niya hahayaang masaktan pa siya ng lalaking ito.
“Let’s go, Cleoffe.”aya niya sa dalagita ngunit nang mapansin niya bantulot ito ay tinignan lang niya ito ng malamig. “Hindi tayo pwedeng tumira pa sa kaaway. Safety mo lang ang iniisip ko. ”
Nang hindi pa din ito sumagot ay hinila na niya ang dalagita. “Kung kailangang kaladkarin kita makaalis lang tayo dito gagawin ko.”
“Brixianne, hindi tamang idamay mo pa si Cleoffe sa lahat ng ito. She had enough!”
Tumigil siya sa paglalakad ng marinig niya ang boses ni Dexter. Hindi na niya ito inaksayahan ng panahon na lingunin ang binata ngunit sinagot pa din niya ang sinabi nito.
“That’s bullshit, Dexter. Sa umpisa pa lang ay kasali na si Cleoffe dito. And mind your own business. Wala na akong pakialam kung ipagtanggol mo si Benito. But I’m going to make sure na mapapabagsak ko siya.”pagkasabi niyon ay dali dali siyang sumakay sa naghihintay na kotse ni Xander.
Wala na siyang pakialam kung nasasaktan na niya sa pagkakaladkad niya si Cleoffe. Basta nang mga oras na iyon ay halos sumabog ang dibdib niya sa samo’t saring nararamdaman niya. galit, poot at sama ng loob. Pero hanggang ngayon ay hindi pa din niya kayang paniwalaan na nagawa sa kanya ni Dexter ang ganoong bagay. Niloko siya nito. Pinaglaruan. At ang pinakamasaklap pa, pinagtatanggol nito bilang abogado ang taong kinasusuklaman niya.
HABANG nakikinig siya sa sinasabi ni Xander ay mataman niyang pinagpapamasdan ang larawan ni Benito na kasalukuyang inaaresto ng mga awtoridad. That picture was taken a week ago sa araw ng pagka-aresto nito. Alam niyang malaking bagay ang ginawa ni Xander para magkakaso ito dahil narin sa mga matitibay na ebedensya tungkol sa drug trafficking na may kinalaman sa lalaki.
“Benito is a dead meat now, Brixianne. He’s down now. But we will going to make sure na hinding hindi na siya makakabangon.”
Hindi siya kumibo sa sinabi ng nito at inisang lagok lang niya ang red wine niya. Pagkatapos ng komprontasyon na nangyari sa pagitan nila ni Dexter ay agad silang lumuwas ng Manila at tumuloy sa isa sa mga safe house na pagmamay-ari ni Xander. Hindi safe para kay Cleoffe na manatili sila sa bahay niya sa Hermoso Avenue dahil malamang ay malaki ang posibilidad na matutunton sila ng mga tauhan ng lalaki.
Pero kahit hindi niya sabihin kay Xander ang nararamdaman niya ng mga oras na iyon ay kitang kita siguro sa mukha niya. aaminin niya at hindi na siya magpapa-impokrita. Dahil alam niyang durong na durog ngayon ang kalagayan ng puso niya. Dahil mahal na mahal niya si Dexter. Hindi rin niya maiwasan magtanong sa sarili niya na kung sa simula pa lang ay iniwasan na niya ito ay hindi siguro ganito ang kalagaya niya at emotional state niya.
“There’s no use of blaming yourself, Brixianne. Hindi mo ginustong magamit lang ng lalaking yun. Mas mahal niya ang pangarap niya kasi sayo.”
“Am I blaming myself, Xander?”
For the first time na nag-usap sila nito ay ngayon lang niya nakuhang mag-salita. Because she was scared to talk. Dahil baka magsalita siya ay bigla na lang bumuhos ang luha niya. At ang pag-iyak ang pinakahuling gusto niyang mangyari.
“I know you.”ani nito sabay pigil sa kanya ng mapansin nitong magsasalin ulit siya ng alak sa kopita niya. “And stop drinking for Pete’sake. Kanina ka pa umiinom. Have you looked at yourself? You look pathetic.”
Hindi na naman siya nagpilit at nagpaubaya nalang siya kay Xander habang kinukuha nito ang alak sa kanya. “You’ve been hurt before, right?”she said out of no where.
Siguro dahil marami narin siyang nainom na alak kaya kung ano-ano nalang ang nasasabi niya. nakita niya kung paano rumehistro sa mukha nito ang galit.
“Yes, I’ve been hurt before. Pero hindi iyon kasalanan ng taong mahal ko. Kasalanan iyon ng taong kinamumuhian ko ng husto.”
Pagkasabi niyon ay inalalayan siyang makatayo na nito. “You need to rest, Brixianne. And please lang, make sure it na babalik ka na sa dati bukas. You need to finish our plan for Benito. Rest and go back to work tomorrow. Bloody him in your news. That’s your power, right?”
Napatango lang siya sa sinabi nito. Maybe Xander was right. Kailangan na niyang ibalik sa dati ang sarili niya. Dapat bukas ay wala na siyang makitang Brixianne na umiibig kay Dexter. napatigil siya sa paglalakad papunta sa kwarto niya ng mapadaan siya room na tinutuluyan ni Cleoffe. As far as she remember ay hindi pa din ito lumalabas ng kwarto nito pagkadating nila.
“She will be fine lalo na kapag wala na sa landas niya ang ama niya.”
That’s right. Magiging Okay din ang lahat kapag pare-parehong nawala sa landas nila si Benito. She will make it sure na mapapabagsak nila ito. Nang wala ng bangunan pa.
KAGAYA ng gusto niya ay agad siyang nag-trabaho kinabukasan kahit na hindi pa tapos ang bakasyon niya. At agad na pinaulanan niya ng mga batikos sa programa niya ang mga pinaggagagawa ni Benito na kasamaan na hindi pa alam ng mga tao. Ang mga bagong impormasyon na nakalap niya ay galing din kay Xander. At sigurodong siguro siya na mataas ang rating ng programa niya dahil narin sa ibinunyag niyang mga baho nito katulad na lang ng pagiging p********a nito. Hindi na niya binanggit ang pangalan ni Cleoffe para na rin sa kaligtasaan ng dalagita. Dahil bukod sa sarili nitong anak ay marami itong nabiktima at ngayon ay nagkaroon ng lakas ng loob na magsuplong sa mga pulis dahil narin sa proteksyon na ibinigay ni Xander.
Gusto niya na kahit sa kamatayan nito ay hindi ito matatahimik.
Nang marinig niya sa ear piece niya ang signal ng floor director niya na tapos na ang live telecast niya ay agad niya iyon tinanggal at tumayo sa kinauupuan. hindi na niya pinansin ang mga bati sa kanya ng iba pa niyang staff sa programa kahit na din ang bati sa kanya ng director niya. Balak niyang umuwi ng maaga para mabantayan ng husto si Cleoffe.
Pagkadating niya sa parking lot ng building nila ay agad na bumungad sa kanya si Dexter na mataman na palang nakatingin sa kanya ng mga oras na iyon. Nabigla man ay hindi na niya iyon ipinahalata. Agad niyang inalis ang pagkakatingin niya dito at ipinagpatuloy ang paglalakad niya papunta sa nakaparadang sasakyan niya.
“We need to talk.”
Narinig niyang sabi ni Dexter ngunit hindi niya ito pinansin at nagpatuloy lang sa paglalakad. As expected ay hinablot nito ang braso niya para pigilan siya.
“I said we need to talk, Brixianne.”madiing sabi nito sa kanya.
Nang mga oras na iyon ay doon lang niya tinignan ng diretso sa mata nito ang lalaki. Doon lang niya napansin na haggard ang hitsura nito hindi katulad dati. Halata din ang pagod na bakas sa mga mata nito at alam niyang wala itong maayos na tulog. Muli ay para siyang napipilan habang nakatitig sa binata. Ilang araw pa lang ang nakakaraan ngunit aaminin niyang miss na miss na niya si Dexter. Ngunit maya-maya ay muli niyang pinaalala sa sarili niya ang ginawa nitong panloloko sa kanya ay agad na tumigas ang ekspresyon ng mukha niya.
“Kung tuloy lang ito sa pagiging abogado mo kay Benito, then forget about it. Hindi ako interesado.”ani niya habang tinanggal niya ang pagkakahawak nito sa braso niya.
“Wala na tayong dapat na pag-usapan pa, Dexter. Hindi ba’t sinabi ko na sayo na ayaw na kitang makita? Now, get lost!”galit na sabi niya sabay talikod dito.
She needed to get away from him. Dahil kapag matagal pa niyang nakikita ang binata ay baka hindi na niya mapigilan ang sarili niya. ngunit hindi pa siya nakakalayo ay naramdaman niya na ang malakas na pwersang pumipigil sa kanya. nanlaki ang mga mata niya ng bigla nalang nitong tinakpan ang bibig niya ng isang panyo.
Nasiguro niyang may kakaibang amoy ang panyo ng lumapat iyon sa ilong niya. At alam niyang once na malanghap niya iyon ay mawawalan siya ng malay. Ngunit nang hindi na niya iyon makayanan ay unti unti niya iyon nasisinghot hanggang sa mawalan na siya ng malay.
PAGMULAT niya ng mata ay isang hindi pamilyar na kwarto ang bumungad sa kanya. Ilang saglit lang siyang napatulala habang nakatitig sa putting kisame. Ngunit agad din siyang napabangon ng maalala niya ang nangyari bago siya namawalan ng malay. Kahit ramdam niya ang pagkirot ng sentido ay pinilit niyang makalabas ng kwarto.
Kung away ang gusto ni Dexter ay away talaga na ninanais nito ang ibibigay niya dito. Hindi niya alam kung ano ba talaga ang gustong mangyari nito. Ngunit malaki ang posibilidad na kinidnap siya nito. O mas tamang sabihin niya na ginawa nito ang bagay na iyon para kay Benito. Sa naisip ay biglang tumalas ang senses niya. Kung nasa lungga siya ngayon ni Benito ay malamang na imposible siyang makawala pa dito.
Damn you, Dexter. I’ll wring your neck this time..
Paglabas niya sa kwarto ay agad siyang nagpunta sa sala. Expected niya ay mga goons at bodyguards ni Benito ang mabubungaran niya. Kusang nangunot ang noo niya ng mapansin niyang sobrang tahimik ng lugar na kinaroroonan niya.
“Gising ka na pala.”