GAYA nga ng naging usapan nilang dalawa ni Dexter ay kinabukasan ay mamasyal sila sa bayan. Ngunit for security purposes ay nagdecide siyang i-disguise si Cleoffe. Ginawa niya ang lahat para lang magbago ang hitsura nito na malayo sa image nito dati. Pinasuot din niya ito ng wig. Nang makuntento ay saka lang sila naghanda para sa pag-alis nila.
“It’s a good thing na malapit na ang fiesta sa barrio. Marami silang mga activities na alam kong magugustuhan niyo.”ani ni Dexter habang nasa loob na sila ng kotse papalabas ng mansion nito.
Muli niyang tinignan sa side mirror ang kotse na kasunod nila para siguraduhin na nababantayan sila ng husto ng mga bodyguards nito. Naramdaman niya ang masuyong paghawak ni Dexter sa kamay kasabay ng pagpisil niyon.
“Stop worrying too much.”bulong nito na sinadyang hindi iparinig kay Cleoffe na ngayon ay nakaupo sa likuran ng sasakyan. “If you will worry, mag-aalala din siya.”
Sa sinabi nito ay napatingin din siya kay Cleoffe na tahimik na nakaupo lang. ngunit hindi maikakaila dito ang excitement sa gagawin nilang pamamasyal. Humugot muna siya ng malalim na hininga para payapain ang sarili niya.
“You’re right.”ani nalang niya. mabuti nalang siguro na mag-enjoy din siya sa gagawin nilang pamamasyal na tatlo.
At hindi nga siya nagkamali ng hinala. Dahil hindi lang si Cleoffe ang nag enjoy sa pamamasyal na ginawa nila kundi pati na din siya. tulad nga ng sabi ni Dexter ay maraming mga activities na ginagawa kapag fiesta sa lugar nila sa Pangasinan. Pero ang mas nakapag pa-excite sa kanya ay ang mga sweets and delacacies na sikat doon.
“Hey, Ate. Pinabibigay ng lover boy mo.”
Agad na napatingin siya sa bagay na ibinigay sa kanya ni Cleoffe ng mga oras na iyon na agad din nagpataas ng kilay sa kanya.
“Turon?”
Pilit iyong inilagay ni Cleoffe sa kamay niya. pinanlakihan siya nito ng mata. “Nag-effort dyan si Kuya Dexter. agad ka niya yang hinanap ng sinabi mong fave food mo yan.”
Sa pagkakataong iyon ay ito naman ang tinaasan niya ng kilay. “Kailan ko pa naging paborito ang turon, aber?”
Natatawang umiling lang ito. “Ako talaga ang gusto kumain ng turon. Pero at least diba? Handa niyang gawin ang lahat pasaya ka lang, Ate. Kaya kiligin ka naman.”
Napapailing na natatawa lang siya sa sinabi ni Cleoffe. Habang tinitignan niya ang dalagita ay nababawasan kahit na kaunti ang kaba niya para sa dalagita. Sa loob ng ilang araw lang nilang pagtatago sa poder ni Dexter ay komportable na agad ito sa kanila. At least, she knows how to smile kahit na malaki pa din ang problemang kinahaharap nito.
Muli niyang ibinaling ang tingin sa turon na ngayon ay nasa kamay niya. kahit naman na hindi niya aminin ay kinilig siya sa ginawa ng binata para sa kanya. knowing na nag effort talaga ito para pabigay lang ang gusto niya. Nang naramdaman niyang parang nakatingin sa kanya ay bigla siyang napalingon. And there he is, standing in front of her hindi kalayuan sa kanya. When her eyes meet his, pakiramdam niya ay parang biglang tumigil ang oras. Hindi niya alam ngunit ang lalaking ito ay para bang mayroong superpowes yata na kapag natititigan ay parang napapatulala ka nalang sa harapan nito. O baka siya lang ang nakakaramadam niyon dito?
And for the first time na nagkasama silang dalawa ni Dexter. She genuinely smiled at him. Yung ngiti na alam niyang walang pagkukunwari. Hindi rin niya maiwasang alalahanin ang sinabi nito sa kanya.
Can I like you, Brixianne?parang tangang paulit ulit na inaalala niya ang mga katagang sinabi nito.
Hanggang sa namalayan na lang niyang pumupunta na pala siya papalapit sa binata. ilang saglit lang siyang nakatingin dito na parang hindi niya alam kung ano ba ang dapat niyang sabihin kay Dexter.
“S-salamat sa turon. Although. This is not my favorite. Thanks, anyway.”
He smiled at him. The kind of smiled that everyone will leave breathless. “My pleasure, Brixianne. Just ease your worries and enjoy this. You promise?”
Nakangiting tumango siya. tama nga naman si Dexter. kailan nga ba ang huli niyang pag-e-enjoy? Ah, hindi na niya matandaan. Pero ang mas matatandaan niya ay ang gwapong si Dexter na nakangiti sa kanya.
Bago pa siya nakasagot kay Dexter ay bigla nalang sumingit si Cleoffe sa kanila. “May paligsahan sila doon. Let’s go!”
Natatawang sinundan na lang nila ang dalagita na halatang enjoy na enjoy sa ginagawa. At gaya nga ng sinabi nito ay may palaro ngang ginagawa para sa mga gustong sumali. Ang laro ay pawang mga nakasanaya na ng mga Pilipino kapag may pista. Tulad ng sock race, kalamansi race at kung ano-ano pang mga panaunahan na laro. Maya-maya ay nag-annouce ang emcee na kailangan nila ng participant para sa laro na gagamitan ng mansanas. Kung sinoman daw ang unang makaubos ng mansanas ay mananalo ng isang piling ng hinog na mangga.
“Here! We’re gonna join the contest!”
Nanlaki ang mga mata niya ng bigla nalang nagtaas ng kamay si Cleoffe dahilan para mapunta sa kanila ang atensyon ng mga tao.
“Cleoffe, stop it!”saway niya sa dalagita ngunit hindi siya pinansin nito.
Wala na siyang nagawa ng hilahin na lang siya nito sa gitna ng crowd kung saan nandoon din ang mga kasali sa laro. At dahil nga dalawahan ang larong iyon ay kailangan niya ng partner. Pero mukhang hindi niya agad naisip na may kalokohang palang gagawin si Celoffe. Ang buong akala niya ay ito ang magiging ka-partner niya. nanlaki nalang ang mga mata niya ng nasa harapan niya si Dexter.
“Anong ibig sabihin nito, Cleoffe? Hindi ba’t ikaw ang magiging ka-partner ko dito?”
Ngunit imbes na matakot sa kanya ang dalagita ay hindi nalang nito pinansin ang reklamo niya. “Hindi ako makakapayag na hindi kayo manalo sa game na ito.”ani nito sabay nguso sa isang piling ng mangga. “I really want that mangoes, badly. Kaya gusto ko na manalo kayo. Is that clear?”feeling coach na sabi nito.
“I can buy you-”
“Keep quiet. Just focused on the game, Okay?”sabi nito sabay baling sa emcee. “My team is ready!”
Nang magkaharap na silang dalawa ni Dexter ay pinanlakihan niya ito agad ng mata.
“Ayusin mong Dexter ka! Dapat manalo tayo dito.”ani niya sabay ingos dito. “Saka dapat hindi magdidikit ang mga balat natin!”banta niya.
Ngumusi ito sa kanya. at talaga naman sandyang inaasar pa yata siya ng isang ito dahil dapat ay magkaharap silang dalawa na nasa gitna nila ang nakasabit na mansanas na kailangan nilang ubusin ay lalo pa itong dumikit ng husto sa kanya. kaya ramdam na ramdam niya ang pagkailang.
“Paanong dikit ba gusto mo?Ganito?”ani nito sabay urong pa ulit na halos ilang pulgada nalang ang layo nila sa isa’t isa.
Sisinghalan pa sana niya ito ng biglang mag anunsyo na magsisimula na ang laro. Dahil nga hindi rin nila pwedeng hawakan ang mansanas na nakasabit ay nahihirapan silang dalawa ni Dexter noong una. Halos wala nga silang makain dahil mahirap kagatin ang prutas.
“Ano ka na naman! Abogado kaba? Dapat nag-iisip ka!”singhal niya dito. “ Kagatin mo muna ang mansanas then huwag mong aalisin sa bibig mo!”
Sinunod naman agad ni Dexter ang naisip niyang strategy at nang mga sumunod na sandali ay malapit ng maubos ang side niya ng mansanas. Mukhang malaki ang tyansa na mananalo sila sa larong iyon. Kusa din kasing lumabas ang pagiging competitive niya ng mga oras na iyon. Nang sumensyas siya na turn na nito ay biglang binitawan ni Dexter ang mansanas dahilan para yung impact niyon ay tumawa sa mukha niya. At ang natural na magiging instint niya ay habulan ulit ang mansanas. Ngunit ganoon nalang ang panlalaki ng mata niya na imbes na ang prutas ang makagat niya ay ang labi ni Dexter ang nakagat niya!
Dahil sa pagkabigla ay hindi niya agad nabitawan mula sa pagkakakagat ng labi ni Dexter. ngunit marinig niya ang malakas na hiyawan ng mga tao ay parang pinakawalan na niya iyon.
Susmaryosep! Sigaw ng isip niya habang nakatakip siya ng bibig.
“Ang galing kumagat ni Ate! Galing kumagat ng labi!”
Lalo pang nagtawanan ang mga tao ng may sumigaw na isang lalaki. Para siyang nalubog sa kahihiyan ng mga oras na iyon.
“Teka, kilala ko yan. Siya yung announcer sa TV!”
nang marinig iyon ay awtomatikong tinakpan niya ang mukha niya. ngunit ganoon na lamang ang pagkagulat niya ng may maramdaman siyang yumakap sa kanya ng mahigpit. Pag taas niya ng paningin ay nakita niya si Dexter na masuyong nakatingin sa kanya. mukhang sa nakikita naman niya sa lalaki ay hindi naman ito nasaktan sa ginawa niya.
“Ang galing ng girlfriend ko!”hiyaw ni Dexter. lalo pang nagkagulo ang mga tao sa sinabi nito.
Dahil siguro sa nararamdaman embarrassment ay feeling niya ay pulang pula ang pisngi niya. At nang hindi na niya mapigilan ang sarili niya ay isinubsob na lang niya ang mukha sa dibdib nito. Pero isang ngiti ang sumilay sa kanyang mga labi habang dinadaman niya ang napakasarap na yakap ni Dexter. Noon niya napagtanto na masarap pala talagang mabihag ng mga bisig nito.
“WOW! Ang dami nating nauwing mangga!”
Narinig niyang tuwang tuwang sabi ni Cleoffe habang namamanghang nakatingin sa dalawang naglalakihang piling. Dahil nga talo silang dalawa ni Dexter sa laro ay ibinili na lamang nito ang dalagita ng mga hinog na mangga. At mukhang siyang siya naman ito sa ginawa ng binata.
Samantalang siya ay hindi pa din makatingin sa binata. sino ba naman kasi ang makakatingin at may mukhang maihaharap pa dito pagkatapos ng kapalpakang nagawa niya? malamang niyon ay hindi ang mukha niya!
Santisima! Noon lang niya naranasan ang ganoong klaseng pagkapahiya at sa harap pa iyon ni Dexter!
“Kuya, masakit pa ba ang labi mo? Grabe naman kasi kumagat si Ate Brixianne. Mukhang gigil na gigil eh.” Mapang-asar pang sabi ni Cleoffe.
Pakiramdam niya ay parang masasamid siya ng sarili niyang laway kaya minabuti nalang niyang uminom ng tubig.
“Brixianne actually wants to kiss me. Nanggigil lang siya kaya nakagat niya lips ko.”nakakalokong sabi ni Dexter.
Dahil sa gigil ay nabato niya ito ng mineral bottle na hawak niya ngunit sadyang madaling umilag ang lalaki.
“Will you shut up just for once?”angil niya dito.
Ngunit imbes na manahimik tulad ng sinabi niya ay natuwa lang ito ng nakakaloko. Maya-maya ay may inilabas na papel si Cleoffe at ibinigay sa kanya.
“Gusto kong magpunta dyan.”anunsyo nito sa kanilang dalawa.
Napabuntong hininga nalang siya nag makita niyang isa iyong sayawang bayan na gaganapin bukas ng gabi. Mukhang kahit na anong tutol ang gawin niya ay hindi niya mapipigila ang kagustuhan ng isang ito.
Dahil sa nakatingin pa din siya sa papel ay hindi niya naramdam ang paglapit sa kanya ni Dexter at pag-akbay.
“You know what, Brixianne? Nagugulahan kasi ako kung halik ba o kagat ang gawa mo?”ani nito sabay nakakalokong tinignan pa siya ng eye to eye. “Pwede bang ulitin mo ulit yung ginawa mo kanina?”
“In your freaking dreams, Dexter!”gigil na sabi niya sabay tampal dito ng hawak niya papel at walk out.
Ngunit bago pa siya nakalayo ay narinig pa niya ang malakas na tawanan ng dalawa. pero kahit siya ay napangiti na din habang nire-recall niya ang pangyayaring iyon sa pagitan nilang dalawa ni Dexter. And she knows that she will keep that memories together.
AT dahil nangako na siya kay Cleoffe na pupunta sila sa Sayawang Bayan ay tinupad niya iyon. Mukhang sa nakikita niya dito ay ngayon lang ito nagkaroon ng kalayaan na gawin ang mga nais nito kaya as much as possible ay kung kaya niya ay gagawin niya. kaya tangahali pa lang ay abala na siya sa susuotin nilang dalawa. gusto niyang maging maganda ang gabing iyon para kay Cleoffe.
Nang inaayusan na niya ito ay nakatitig lang ito sa kanya. “Sabi ko naman sayo, Cleoffe. You’re beautiful.”ani niya dito.
“Thank you, Ate Brixianne.”
“Hmm. For what? I didn’t do anything for you.”
Umiling iling lang ito. “No, Ate. You saved my life. At isa iyon ang lubos kong pinagpapasalamat kay God.”
Hinaplos niya ang mukha nito. “I will save you, Cleoffe. I promised you. Kahit na buhay ko pa ang maging kapalit.”
Nang hindi na ito kumibo ay ipinagpatuloy na lamang niya ang pag-aayos dito. Nang ng magbabandang ala-sais na ay nagpunta na sila sa bayan para dumalo sa Sayawan nila. It was actually her first time na makapunta siya sa mga ganoong klaseng pagtitipon. Dahil kasi sa ginagalawan niyang industriya ay sanay siya sa mga high class na party. Ngunit hindi noon matutumbasan ang excitement na nararamdaman niya ng mga oras na iyon.
Hindi niya alam ngunit kanina pa niya iniimagine na magkakasayaw silang dalawa ni Dexter. at isipin pa lang na iyon ay kinikilig na siya what more pa kaya kung magkatotoo nga diba? At dahil nga excited siya ay siniguro niyang maganda siya sa suot na simpleng floral dress niya. Ginawa niyang natural lang ang make up niya. At nang makuntento siya sa sarili niyang repleksyon ay nagpasya na siyang bumaba sa sala kung saan nag hihintay si Cleoffe at si Dexter. habang pababa ng hagdan ay kitang kita niya kung paano magtama ang mga mata nilang dalawa ng binata. at mas lalong kitang kita din niya kung paano kumislap ang mga mata nito.
Ito na ang kusang lumapit sa kanya at inalalayan siya. Ngunit walang ibang sinabi si Dexter. Mukha mali ang naisip niyang excited din si Dexter katulad niya. sa naisip ay parang nanlambot siya. hanggang sa pagpunta nila sa venue ay tahimik lang siya at tanging ang dalawa lang ang nag-uusap. At dahil maraming tao at wala na din silang table para makaupo ay pinili na lamang nilang tumayo at pinapanood ang mga taong nagkakasayahan.
Bakit nga ba siya nakakaramdaman ng disappointment?
She sighed. Iisa lang naman din kasi ang sinasigaw ng puso’t isipan niya kung bakit siya nagkakaganoon. Because she was in love with Dexter. Hindi niya alam kung kailan. Hindi niya mawari kung paano iyon nangyari. Basta nagising nalang siya isang umaga na pangalan nito ang una niyang iniisip at ito pa din bago matulog. That feelings is still new to her. At aaminin niyang hindi niya alam kung paano i-handle ang ganoong klaseng pakiramdam.
Ang akala niya ay lahat mapipigilan niya para lang hindi maapektuhan ang ginagawa niyang paghihiganti kay Benito. Pero ng makilala niya si Dexter ay nagbago ang lahat. Siguro kaya hindi na siya nagdalawang isip na sumama dito ay dahil at the same time din ay gusto niyang kasama ang binata. gusto niya na lagi itong nakikita at nakakausap.
At kahit anong tanggi pa ng sarili niya ay hindi na niya kaya. She was falling in love with him. And worse, she fell deeply in love with Dexter.
Feeling niya ay parang hindi na siya makahinga ay minabuti na lang niyang lumayo. She needed some air. And she needed to think.
Nang maramdaman niya ang pamimintig ng paa niya ay agad siyang umupo sa isang bench. Hinubad niya ang mga sandals niya at parang batang itinaas ang mga paa sa bench sabay yakap sa mga binti niya. Naisip niya ang Papa at Ate Mica niya. Sa mga panahon na nalulungkot siya ay niyayakap lang niya ang mga binti niya at isusubsob ang mukha. Then ini-imagine niya ang dalawang taong importante sa kanya na nakayap din sa kanya. Kahit na hindi niya aminin ay kailangan niya ng comfort.
Ilang minute na siya sa ganoong posisyon ng maramdaman niya ang masuyong paghimas sa isa niyang binti. Agad naman siyang napaangat ng mukha. Then right at that moment their eyes met. Hindi niya alam kung ano-anong emosyon ang nararamdaman niya ng mga oras na iyon sa pagkakatama ng mga mata nila ni Dexter. basta ang alam lang niya ay napakalakas ng t***k ng puso niya.
Napipilan siya ng umupo ito sa harapan niya para magpantay ang mga mukha nilang dalawa. And without uttering a word, he grabbed her feet.
“Remember when we met personally?”ani nito.
Napatango lang siya. Yes, she remember it clearly. It was Travis Laurel’s birthday bash. Yun din ang time na kinidnap nila si Paul Cenon.
Kinuha ni Dexter ang sandals niya at masuyo nitong isinuot sa kanya.
“Alam mo ba ang dahilan kung bakit nakilala ko agad ang may-ari ng sapatos?”sabi nito sabay baling ulit sa kanya. “Dahil ng gabing iyon, doon ko nakita ang isang napakagandang babae. For that very moment, you already caught my eye. The way you talk, the way you walk. Your voice and your eyes. Nakibisado ko agad iyon. Kaya nga wala akong duda na ikaw ang pumukpok sa ulo ko that night.”
Sa sinabi ni Dexter ay hindi niya napigilang mapatawa ng mahina. Sino nga naman ang hindi makakalimot sa taong pumukpok sa ulo mo?
“Kaya ng malaman kong sayo iyon, wala na akong inaksayang panahon para lapitan at puntahan ka. And I grabbed that opportunity. At ngayon nga, wala akong pinagsisisihan kahit na ilang Segundo na kasama ka.”tumayo ito at inilahad ang kamay nito sa kanya.
“May I dance with you, Brixianne?”
Ilang saglit lang siyang nakatitig sa mga kamay nitong nakalahad sa kanya. Bakit nga ba niya kailangan pang pigilan ang sarili niya gayong nasa harapan na niya ang lalaking mahal niya?
Yes, mahal niya si Dexter. And in an instant, nakita na lang niya ang sarili niyang kasayaw nito habang magkahinang ang mga mata nila. Dahil hindi naman sila kalayuan sa Sayawan ay dinig pa din nila ang tugtugin na nagmumula doon. At nagkataon din na sweet music ang pinapatugtog.
Nang mga sandaling iyon ay ninamnam niya ang sarap sa pakiramdam habang parang magkayakap na silang dalawa ni Dexter. Hahayaan niya muna ang sarili niyang mahulog dito.
Maya-maya ay masuyo nilang pinisil ang baba niya.
“Do you have any idea kung anong ginagawa mo sakin ngayon?”ani nito sa namamaos na tinig.
Umiling siya. dahil miski siya ay hindi niya alam ang ginagawa niya.
“Hindi ko din alam, Dexter. basta ang alam ko lang ay masarap na makulong sa mga yakap mo.”she said helplessly.
Ngumiti ito ng matamis sa kanya. “Do you also remember what I’ve said to you? From now, I wouldn’t ask if I can like you. But this time, gagawin ko ang lahat para magustuhan mo ako, Brixianne.”
Nang hindi siya nakakibo ay hinawakan nito ang kamay niya ng mahigpit na mahigpit na para bang ayaw na nitong bitawan ang mga iyon.
“This hand. I will never let it go.”ani nito. “I always wanted to hold your hand. I always wanted to be close next to you. And it feels so good to be with you to the point that is so addicitive. You’re in my mind, alam mo ba iyon? Na parang sasabog ang ulo ko kakaisip ko lang sayo.”
“I’m very much willing to hold your hand forever. And I will never let it go, Brixianne.”
Pagkasabi niyon ay hinila siya nito papalit and in an instant ay nagkalapat na agad ang mga labi nila. Noong una ay nanlalaki ang mga mata niya ngunit ng maramdaman niya ang sensasyon dulot ng halik nito ay kusa niyang ipinikit ang mga mata niya. Hanggang sa matagpuan na lamang niya ang sarili niyang gumaganti na siya sa mga halik ni Dexter.
Dahil ng mga sandaling iyon ay tuluyan na niyang tatanggapin sa sarili niya na mahal na niya ito. Mahal na mahal. Hindi niya ba’t dapat ay matuwa pa siya dahil sa pagtatapat na sinabi nito sa kanya ng mga oras na iyon?
At walang dudang sobrang galak ang nasa puso niya ng mga sandaling iyon. At muli niyang maramdaman na capable pa pala siyang magmahal ng ganito. Dahil mahal niya ang lalaking ito. Mahal na mahal.