Chapter 5

3810 Words
Mula sa pinagtataguan pilit niyang pinagsiksikan ang sarili niya sa aparador nila. Gaya ng utos ng Ate Mica niya ay hindi siya gumawa ng anumang ingay mula doon. Pero hindi naging dahilan iyon para hindi niya marinig ang pagtangis ng Ate niya. Kung tama ang hinala niya ay kasama na nito ang mga lalaking pumasok sa bahay nila. At base na din sa mga sigaw ng Ate Mica niya ay alam niyang sinasaktan ito ng mga lalaking iyon. “Hayop ka, Benito! Isa kang demonyo! Pinatay mo ang Papa ko!”sigaw ng Ate Mica niya. Mula sa kung saan ay narinig niya ang malakas na halakhak ng isang lalaki. Feeling niya ng mga oras na iyon ay isa iyon tawa ng demonyo na kahit kailan ay hindi niya magagawang kalimutan. “Masyado ka kasing maarte!” “Aray ko! Nasasaktan ako! Bitawan mo akong hayop ka!” “Tignan natin kung aarte ka pa sa gagawin ko!” Kahit na anong takip niya ng kamay sa dalawang tenga niya para hindi niya marinig ang mga hiyaw at daing ng Ate Mica niya ay balewala iyon. Rinig na rinig ng buong kaluluwa niya at pagkatao niya ang pagmamakaawa nito sa lalaki. Kahit na hindi niya nakikita ang ginagawa ng lalaki sa Ate niya ay parang naglalaro sa isipin niya ang kalunos lunos na sitwasyon nito ngayon. Ilang beses na niyang tinangkang lumabas sa pinagtataguan pero hindi niya maikilos ang buong katawan niya dahil marahil sa takot na nararamdaman niya ng mga oras na iyon. Wala siyang nagawa kahit na ano para sa Ate Mica niya. Hanggang sa lamunin na siya ng walang hanggang kadiliman. Isang mga putok ng baril na nagpadilim ng mundo niya.. Pinahid niya ang luhang unti unting namamalisbis sa pisngi niya. After almost twenty years simula ng nangyaring trahedya na iyon sa pamilya niya. walang gabing hindi siya pinapatulog ng maayos simula ng mangyari iyon. Halos buong buhay niya ay dinala niya ang bangungot na iyon. Noong una ay hindi niya talaga alam kung ano ba talaga ang nangyayari dahil narin sa masyado pa siyang bata noon. Ngunit hindi iyon naging dahilan para hindi talaga niya maunawaan ang totoong nangyari. Nagising nalang siya noon na nasa isang lugar na hindi niya alam at mukha ng mga taong hindi pamilyar sa kanya. buong akala nga niya ay nakuha din siya ng mga masasamang lalaki. Ngunit nagpakilala ang lalaki na isa itong mabuting kaibigan ng Papa niya. At nakita daw siya nito na nagtatago sa loob ng aparador. She didn’t know kung ilang oras o araw siyang nagtatago doon dahil sa takot. Hanggang sa sabihin ng mga ito na patay na ang Papa niya. Hindi din siya nagkaroon ng pagkakataon na silipin man lang ito sa huling sandal para na din daw sa kaligtasan niya. Inilagaan siya ng pamilya ng kaibigan ng Papa niya hanggang sa magkaisip na siya at nagpasiyang magsarili na nang buhay. Matagal na niyang napagtagni tagni ang mga memorya niya bago at pagkatapos ng pangyayaring iyon. Ang Ate Mica niya ay ni-r**e ni Benito sa sarili nilang bahay, sa loob ng kwarto kung saan siya nagtatago. Kaya alam niyang ganoon nalang ang pagtangis nito at pagmamakaawa. As expected ay hindi na nila nakita ang bangkay ng Ate niya. Pero base na din sa mga putok ng baril na narinig niya ay alam niyang hindi ito bibigyan ang Ate niya ng pagkakataon na mabuhay. Hindi siya nagdalawang isip na imbestigahan ang nangyaring krimen sa pamilya niya. As usual, may ginawang imbestigasyon sa pagkamatay ng Papa niya ngunit hindi man lang iyon umusad hanggang sa ideclare nalang ng mga pulis na isa nalang iyon cold case at unsolved crime. At doon nabuo sa isip niya na sa mga kamay na lamang niya idadaan ang pagpaparusa kay Benito. At gaya nga ng patuloy niyang pag-iimbestiga, nalaman niyang may gusto pala si Benito sa Ate Mica niya at pilit nito iyong binibigyan ng pera pati narin ang Papa niya. Hindi nakapagtataka iyon dahil maganda talaga ang ate niya. At parang hulog din ng langit ang pagkakakilala niya kay Xander dahil napakalaki ng mga naitulong nito para lang marating niya kinalalagyan niya ngayon. Dalawangpung taon. Ganoong katagal ang hinintay niya para makarating siya kung nasaan man siya ngayon. At sinusumpa niya sa buhay ng dalawa niyang mahal sa buhay na hinding hindi siya titigil hanggat hindi niya nakukuha ang hustisya na gusto niya para sa mga ito. Maski buhay pa niya ang maging kapalit. Papa.. Ate Mica.. Kaunti nalang makakamit na natin ang hustisya.. ILANG araw na rin silang nasa bahay ni Dexter at sa loob niyon ay iyon lang ang pagkakataon na tinangkang lumabas ni Cleoffe sa kwarto na tinutuluyan nito. Nang malaman niya iyon ay agad niya itong pinuntahan sa garden kung saan ay tahimik lang itong nakaupo. Hindi na nakapagtataka na aloof ito sa lahat ng tao dahil narin sa ginawa dito ng sarili nitong ama. “Cleoffe..”sambit niya habang umuupo sa tabi nito. Hindi ito tumingin sa kanya at nanatili lang na nakatingin sa malayo. Mahipit niyang hinawakan ang kamay nito at pinisil. “I’m glad na nag decide ka ng lumabas ng kwarto. It’s good na makita mo ang buong paligid. Dexter have a beautiful place here.” Sa sinabi niya ay doon lang siya nito binalingan. Nginitian siya nito. But that’s the kind of smile na hindi man lang umabot sa mga mata. “I don’t know kung bakit mo ako tinutulungan. You barely know me..” Umiling iling siya. “It doesn’t matter kung hindi tayo magkakilala masyado. Ang importante ay wala ka na sa impyernong kinaroroonan mo. At gaya ng pangako ko sayo, I’m willing to help you no matter what. You’re a smart kid, Cleoffe. Alam kong alam mo ang tinitukoy ko.” Sa sinabi niya ay napansin niyang namasang bigla ang mga mata nito tanda na iiyak na naman ang dalagita ano mang oras. “Cry as much as you want. It can help you coped up.” Pero alam niyang hindi makakatulong ang pag-iyak para kalimutan ang nakaraan. Tumikhim muna siya bago nagsalita ulit. “Alam nating parehas na hindi titigil ang daddy mo na hanapin ka. Pero ito lang ang masisiguro ko sayo. Hindi ako makakapayag na makuha ka niya ulit. Gagawin ko ang lahat para protektahan ka. Just stay by my side, Okay?” Tumango tango ito sabay punas ng luhaang pisngi nito. “Sabi ni Kuya Dexter, kaya nandito ako ngayon at safe kasama niyo ay dahil ginusto ni God na mailigtas niya ako. At may dahilan SIya kung bakit nangyari ang lahat ng ito. Huwag lang daw akong mawalan ng tiwala at faith sa Kanya.” NANG mga oras na iyon ay nasa kitchen silang tatlo. Dahil ilang araw na rin silang nakakulong sa loob ng bahay ay inaya niya si Cleoffe na magluto sila. Ngunit imbes na ulam ang iluto niya ay nag request ang isa na mag-bake nalang daw sila. Sa totoo lang, wala siyang alam pagdating sa pagluluto at pagba-bake. At doon nga umeksena si Dexter na akala mo kung sinong hari na alam lahat ng putahe sa buong mundo. Napairap siya ng marinig niya kung paano nito i-explain kay Cleoffe ang tamang procedure sa baking. Mukhang totoo nga na talagang may alam ang ugok na ito. “I’m sure na hindi magiging masarap yan.”patutsada niya sa lalaki. Nginisian lang siya nito ngunit hindi kumibo. Doon ay muli niyang pinagmasdan si Dexter habang hinahalo nito ang mga sangkap para sa chocolate cake na ginagawa nito. Aaminin niyang mas naging hunk ito sa paningin niya ng mga oras na iyon kahit na may suot suot itong apron. Feeling niya ng mga oras na iyon ay ito lamang ang nakikita niya. Napalunok siya ng nang mapadaan ang paningin niya sa mga labi nito. Bigla na naman lumitaw sa imahinasyon niya ang eksena ng kissing scene nila. Ano kaya kung matikman niya ulit ang halik ng lalaking ito? Umiling iling siya. Ano naman ang kabastusan na dumadaloy sa isip niya? anak ng pating talaga! Napapitlag siya ng bigla nalang siyang sikuhin ni Cleoffe na nasa tabi na pala niya. “Ang gwapo ni Kuya Dexter, ano? Mas masarap pa siya sa ginagawa niyang chocolate cake.” “Pareho silang hindi masarap.”sabi niya sabay sita naman sa lalaki. “That’s not right, Mr. Baker. Baka hindi umalsa ang tinapay mo.” “I know what I’m doing, baby. Just stay put. Baka maski pangalan mo makalimutan mo kapag natikman mo ang chocolate cake ko. ”pagmamalaking sabi nito. “Huh. In your dreams. Saka di ko titikman ang gawa mo. Mangisay pa ako.” “I think you like each other.” Parang robot na sabay pa silang napatingin kay Cleoffe na ngayon ay ngiting ngiti habang pinapanood silang dalawa ni Dexter kung paano magsagutan. “Pwes, mali ka ng akala.”ani niya. “I’d rather die kaysa gustuhin ko ang ugok na yan.” Impokrita ka, te! Kanina nga lang iniisip mo yung kissing scene niyo eh. “She likes me, Cleoffe.”ngiting ngiting sabi ni Dexter. “I can feel it.” “Me too, Kuya. I think Ate Brix like you too.” Nanlaki ang mga mata niya sa sinabi ng dalagita. “Cleoffe-” “So, Kuya. Kung gusto ka ni Ate Brix hindi naman pwede na one sided love lang. do you like her too?”putol nito sa kung anoman ang balak na sasabihin niya. Sa sinabi ng dalagita ay awtomatikong nanlaki ang mga mata niya. Mukhang hindi yata naalala ng mga ito na kasama pa din siya sa usapan. Ngunit hindi niya mapigilan ang sarili niyang kabahan sa isasagot ni Dexter sa tanong ni Cleoffe. Muli siyang napalunok ng habang hinihintay ang sagot ni Dexter. kahit hindi naman niya aminin ay talagang kinakabahan siya. ilang saglit lang ay nagtama ang mga mata nila ng binata. “Yes.”ani nito na agad naman siyang napahugot ng hininga. “I like her too.” “So it’s settled na. when will you court her?”tanong ulit nito. “Actually, I already starting courting her. Hindi lang talaga marunong makiramdam si Brixianne.”sabi nito sabay ngiti ng maluwag sa kanya. “Siguro hindi pa sapat ang effort ko para mapansin niya ako. But this time. I will make sure na mapapasagot ko siya.” Narinig niya ang marahang pagtawa ni Cleoffe sa sinabi ng binata. dahil sa sobrang pagkashock pa din sa naging usapan ng dalawa ay hindi pa din siya nakakabawi sa pagkabigla niya. “A-ano ba yang kalokohan mo, Dexter! Baka isipin ni Cleoffe na gusto nga kita.”sabi niya na hindi niya maiwasang magkandabulol bulol. Sa sinabi niya ay lalo siyang nginisian nito. “Bakit? Hindi nga ba?” “S-syempre, no! bakit naman kita magugustuhan?” “Bakit naman hindi? Should I make you a list kung bakit mo ako gusto? Every girl wants me.”pagyayabang ni Dexter. “Then, ibahin mo ako. I’m not an ordinary girl.” Ani niya sabay pukpok pa sa lamesa. “And I don’t like you.” “Ows? You like my kisses.” Narinig niya ang pagsinghap ni Cleoffe ng marinig ang sinabi nito. “You’ve kissed? You mean kisses, ibig sabihin maraming beses na kayong nagkiss?” “Gusto mo ng sample?”ani ni Dexter na hindi nawawala ang playful na pagkakangisi nito sa kanya. “Anong kisses? Isang beses lang ang halik na yun! At titiyakin kong hindi na mauulit iyon.”gigil na sabi niya sabay tayo. “Makikita mong lalaki ka. You will pay for this.” Ngunit bago pa siya nag walk out sa dalawa ay narinig pa niya si Cleoffe. “She likes you, Kuya.” “I know.” At dahil kailangan niyang pangatawanan ang eksena niya na magwa-walk out siya ay umalis na siya agad sa kitchen. Dumiretso siya sa room niya kung saan ay nanggigigil na napapadyak siya sa inis. Hindi niya alam kung anong masamang kaluluwa ang sumapi sa lalaking iyon kung bakit ganoong nalang ang inaasta nito ngayon sa kanya. Ano bang nasa utak ng Dexter na iyon at ganoon nalang ang inaakto nito sa harapan ni Cleoffe? She sighed. Alam nilang pareho na hindi maganda ang una nilang pagkikita. Nagkakilala sila sa isagn sitwasyon na ikinapahawak ng isa sa kaibigan nito para lang matulungan ang kapritso ni Hasmin. at hindi nga ba after na magkita sila ay parang pinaglalaruan silang dalawan ng tadhana na lagi nalang silang pinagtatagpo na dalawa? At ito nga siya ngayon. Nasa bahay ni Dexter kasama ang anak ng kaaway niya. pero hindi ibig sabihin niyon na kailangan niyang ipahamak si Cleoffe para lang mapabagsak ang ama nito. Kinuha niya ang cellphone niya at tinawagan ang taong alam niyang matutulungan siya ng husto. “Xander..” SA muling pagkakataon ay hinimas niya ang tyan niya na kanina pa nagre-reklamo at kumakalam. Dahil nga nag walk out drama quenne nga siya sa dalawa ay kailangan din niyang panindigan ang hindi pagkain ng chocolate cake at kasama na ang dinner. Kahit na anong ikot niya sa kama at pag-mi-mind over matter niya ay nababaliwala iyon kapag naririnig niya ang sikmura niya sa pagkalam. Tinitigan niya ang orasan sa cellphone niya. Quarter to ten na. Siguro naman kung bababa siya sa kusina para kumuha ng makakain ay hindi na siya makikita ni Dexter. Okay lang na makita siya ng ibang katulong nito huwag lang ang ugok na yun. Napalabi siya ng maalala ang naging usapan nilang tatlo kanina sa kitchen. Mukhang pinagkaisahan siya nina Cleoffe na asarin. Kailangan niyang umisip ng paraan para makaganti kay Dexter. ngunit ang mahalaga sa ngayon ay ang tyan niya na kung nagsasalita lang ay marahil kanina pa siya namura dahil sa ginagawa niya. Bumilang muna siya bago siya nagpasyang lumabas ng kwarto at dumeretso sa kusina. Tama nga ang hinala niyang tulog na din ang lahat ng katulong katunayan niyon ay patay na rin kasi ang ilaw sa ibang parte ng bahay pati na rin sa kusina. Dahan dahan siyang lumapit sa ref para halughugin kung ano man ang pwede niyang makain. Hindi na rin siya nag-abala pang bukas ang ilaw para walang sinoman ang makapansin sa kanya. Pagbukas niya ng ref ay agad na bumungad sa kanya ang chocolate cake na ginawa lang ni Dexter kanina. Mukha ngang magaling din ito pagdating sa baking dahil sa hitsura palang ng cake na iyon ay masarap nga. Ngunit kailangan niyang panindigan ang sarili niya. hindi niya kakainin ang cake na gawa nito tulad ng sabi niya kanina. Hindi niya kakainin. Tapos. Ngunit mukha kakainin niya ang pangako niya sa sarili ng wala siyang kahit na anong makitang pwedeng kainin. Masyado na din siyang gutom para magluto pa. muli siyang napatingin sa cake at napabuntong hininga. “Isang slice lang. isa lang.”kausap niya sa sarili niya habang hinihiwa ang cake. Agad niya iyong nilantakan. At dahil nga sa gutom niya ay agad niya iyon naubos. At dahil nga nasarapan siya ay muli siyang kumuha ng isang slice pa tutal wala naman nakakaalam na siya ang kumain nun. Nakakailang subo na siya sa cake ng may biglang bumukas ang ilaw at may nilalang na nagsalita. “Enjoying yourself?” Habang sinasabi nito iyon ay papalapit ito sa kinaroronan niya. feeling niya ng mga oras na iyon ay para siyang batang nahuli ng magulang niya na kumikupit. Nang mapalit na malapit na si Dexter sa kanya ay ramdam na ramdam niya ang mainit na hininga nito sa mukha niya. tanda din na sobrang lapit nila sa isat isa. “If you enjoy my cake, I’m sure you will also enjoy my kiss right?” Nanlaki ang mga mata niya ng mapansin na papalapit na ng husto ang mukha nito sa mukha niya as if he was going to kiss her. At dahil nga nasa pagitan siya ng paglunok ay hindi niya maiwasang mabulunan. Kahit na nabubulunan siya ay narinig niya ang malutong na pagtawa ni Dexter na halatang enjoy na enjoy na naman sa nangyayari sa kanya. “Here. Drink this.” Agad niyang kinuha ang basong may lamang tubig na ibinigay ni Dexter at ininum. Para siyang nabunutan ng isang malaking tinik sa lalamunan pagkainom niya ng tubig. Or should she say na isang malaking cake. “I guess na nagustuhan mo nga ang ginawa kong cake. The best ba?”nakangsing sabi ni Dexter na ngayon ay amuse na nakatingin sa kanya. Dahil mapride siyang tao ay kailangan muna niyang mamatay bago aminin na masarap nga ang gawa nito.“Ang pangit ng lasa.”sabi niya sabay urong ng platito na may lamang cake. Bakit kasi wrong timing ang ugok na ito? Hindi pa niya ubos ang cake. Nanghinayang siya sa naisip niya. “I thought so.” Napapitlag siya ng biglang nalang nitong tinawid ang pagitan nilang dalawa at gamit ang daliri nito ay marahan nitong pinahid ang chocolate icing na kumalat na pala sa gilid ng labi niya. pakiramdam niya na parang may kuryente na dumaloy sa buong pagkatao niya pagkalapat lang ng mga balat nilang dalawa. at alam niyang naramdaman din iyon ni Dexter dahil pati ito ay natigilan. “Sit down.” Magrereklamo pa sana ngunit agad siya nitong napigilan. “I said sit down, Brixianne. Hindi ka lumabas kaninang dinner. Kaya im sure na gutom kana. And finished your cake.”ani nito sabay lapit ulit sa kanya ng platito. “ Cleoffe is worried about you.” Dahil sa narinig mula dito ay nakaramdam siya ng guilt. Mukhang nahalata iyon ng binata kaya nginitian siya nito. “But she’s Okay. Sinabi ko nalang na may trabaho kang kailangan tapusin.” She sighed. Mukhang dahil sa kaartehan niya ay nadadagdagan pa niya ang iniisip ng dalagita. Tahimik na pinagpatuloy nalang niya ang pagkain. Ilang minuto silang nasa ganoong sitwasyon ng basagin ni Dexter ang katahimikan sa pagitan nila. “Cleoffe. She had been used, right?” Sa sinabi ni Dexter ay agad niya itong binalingan. Wala naman saysay pa kung ililihim niya ang bagay na iyon sa lalaki. Tutal ay malaki na ang naitutulong nito sa dalagita. “Used is not the right word, Dexter. She had been r**e by her own father. I don’t know kung kailan pa. o kung matagal ng nangyayari iyon.”ani niya na hindi niya maitago ang galit sa boses niya. “Benito is an evil man. Demonyo ang taong iyon. Kaya nga ginawa ko ang lahat ng alam kong paraan to save her from that man. From that evil. At alam kong hindi pa ako huli sa pagliligtas ko sa kanya.”she heaved a deep breath para payapain ang damdamin niyang nagpupuyos ng maalala ang kasamaang ginawa nito sa dalagita. “At gagawin ko ang alam kong paraan para masira ko ang buhay niya. ” “I know what you feel, Brix. Pero hindi pwedeng habang buhay ay itatago natin si Cleoffe. Malakas ang katibayan natin na inaabuso siya ng kanyang ama lalo na at may medical records na niya tayo. But we need to file a case against him. Hayaan natin ang batas na ang humusga sa kanya.” Nang marinig niya iyon ay awtomatikong tumalim ang mga mata niya. “Hindi lang r**e case ang dapat ikaso sa kanya. Marami siyang kasalanan na hindi kayang bayaran ng batas.” “Brixianne..”narinig niyang awat sa kanya ni Dexter. Masama niya itong tinitigan. “Don’t you ever teach me about the law. And don’t you ever teach me how to be a good citizen.” “Pero kailagan nating idaan sa tamang proseso ang lahat, Brix.” “Walang tamang proseso para sa kanya.”ani niya. Dahil gusto niyang sariling buhay nito ang maging kapalit ng pagkamatay ng mga mahal niya sa buhay. “Okay, Okay. Relax. Hindi ako si Benito. Just take it easy.” Sa sinabi nito ay parang doon siya natauhan. Hindi naman siya madaling magpakita ng galit sa ibang tao. Siguro dahil narin na nasa poder niya ngayon ang isa sa mga inabuso nito. Para marelax ay ilang beses siyang bumuntong hininga. “I’m sorry. It’s just got into me.” Tumingin lang sa kanya ang binata na para bang pinipilit na naman nitong basahin ang kung anuman ang tumatakbo sa isip niya. “Is there something else, right?”ani nito. Pinili niyang hindi kumibo sa tanong nito. Maya-maya ay biglang bumagsik ang mata nito sa sunod na tanong. “Did he r**e you?” Ilang saglit lang niyang pinalipas ang sandal bago sagutin ang tanong nito. “No. he did not r**e me.” But he killed my family.. Doon ay parang nakahinga ng maayos ang binata sa sinagot niya. at siya naman ang nakahinga din ng maayos ng makita ibahin na nito ang usapan. “I think kailangan nating ipasyal si Cleoffe para naman lalo niyang maenjoy ang pagstay niya dito. Maraming magagandang tourist spots dito sa lugar namin.” Sa sinabi nito ay hindi niya maiwasang mag-alala. “Are you sure na safe siyang gumala gala dito? Hindi ba delikado kung lalabas siya?” Umiling lang ito. “Im sure na walang ideya ngayon si Benito kung nasan ngayon ang anak niya. Saka may mga bodyguards tayong kasama sa paggagala. I do have civilian guards din sa tulong ng Hermoso Boys to keep her safe.” Kung ganoon ay buong team palang ng Hermoso Boys ang tumutulong sa kanilang dalawa ngayon ni Cleoffe. No wonder na hindi kinakabahan si Dexter sa pag stay nila dito. “Okay. I think kailangan din niya na maglibang. Im sure na hindi niya iyon nagagawa noong nasa poder siya ni Benito.” Pagkatapos niyang ubusin ang cake niya ay inihatid siya ni Dexter sa kwarto na tinutiluyan niya. papasok n asana siya sa llob ng pigilan siya nito. Paglingon niya ay marami siyang nababasang emosyon sa mga mata ng binata. na lalong nagpapakaba sa kanya ng mga oras na iyon. “Brix, kung anuman ang dinadala mo ngayon. You can tell me. You can trust me.”ani nito sabay haplos sa pisngi niya. “D-dexter..” “I know it’s too early to say this. But, Brix.”ani nito. “Can I like you?” Natigalgal siya sa sinabi ng binata. unang dapat niyang isipin ay pinaglalaruan lang siya nito. Ngunit hindi iyon ang sinasabi ng mga mata at ekspresyon ng mukha nito. Nang hindi siya sumagot ay marahan nitong hinalikan siya sa noo. “I don’t want to see you sad. Have a good night sleep, Brixianne.” Wala pa din siyang imik habang pinagmamasdan si Dexter na papalayo sa kanya ng mga oras na iyon. Mukhang tama nga ang sinabi nito. She had a good sleep. She had a beautiful dream. Kasama si Dexter.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD