Chapter 4

3892 Words
HINDI niya inaksaya ang pagkakataon na ibinigay sa kanya ni dexter. Kaya heto siya’t nasa loob ng mansion ni Benito kasama ang binata. At lalong hindi siya sigurado kung ano ba talaga ang gustong mangyari ni Dexter kung bakit siya nito gustong tulungan. Pero hindi iyo ang pinaka importante ngayon. Ang mahalaga ay maisakatuparan ang isa sa mga plano niya ngayong gabi. Siguro dapat lang talaga siyang tulungan ni Dexter dahil sinira nito ang isa sa plano niya. But now, hinding hindi na niya hahayaan na masira ulit ang mga plano niya na matagal na niyang hinintay na isakatuparan. “You Okay?” Narinig niyang tanong ni Dexter sa kanya na katabi niya ng mga oras na iyon sa table. Kanina ng sunduin siya nito sa bahay niya sa Hermoso ay para siyang nawala sa sarili habang nakatunganga lang sa binata. matagal na naman niyang inamin sa sarili niya na talagang napakasimpatiko at gwapo ng lalaking ito na ngayon ay halos ilang pulgada lang ang layo nila sa isa’t isa. May kakaibang sensasyon kasi siyang nararamdaman sa tuwing magkakalapit silang dalawa. sensasyon nab ago sa kanya at ngayon lang niya naramdaman sa isang tao. “Brix?”untag ulit nito sa kanya nang marahil ay hindi siya sumagot sa unang tanong nito. Lumunok muna siya ng ilang beses bago sagutin ito.”Im freaking Okay, Dexter. Why wouldn’t I be Okay? You must remember na sanay akong makihalubilo sa mga tao.”kunway inis na sabi niya. Tinigsiya nito na para bang binabasa nito ang nasa isip niya. “You’re nervous.” “Because you’re a jecrk, Dexter. Haven’t you noticed that?” Pero imbes na mainis sa sinabi niya ay nginitian siya ni Dexter na kinabigla niya. sa loob ng ilang beses na pagsasama nila ng lalaking ito ay ngayon lang siya nito nginitian mukhang magugunaw na yata talaga ang Earth. “Himala, ngumiti ka. Baka naman milyon ang halaga nyan.”she said in sarcastic way para pagtakpan ang pagkabigla niya. “You look gorgeous tonight, Brix. No, I mean you’re always beautiful.” Sa sinabi nito ay parang nataranta siya. ano bang problema ng lalaking ito at ganoon na lang ang sinasabi sa kanya? “You think I will fall for that? Think about it, pal.”malamig na sabi niya kunwari sabay tayo sa kinatatayuan. “Where are you going?” “Mind you own business. And I will mind mine.” Pagkatayo niya sa lamesa nila ay muli niyang iginala ang pangingin sa paligid ng garden ng mansion. Kailangan niyang makita ang tao na isa sa magiging dahilan ng pagkasira ni Benito. Ang tinutukoy niya ay ang anak nito, si Cleoffe. Ayun sa report sa kanya ni Xander ay isa sang anak nito sa biktima ng pagiging phedopilia ni Benito. Kaya nga ganoon na lamang ang galit niya na naramdaman niya ng malaman na pati ang sarili nitong dugo at laman ay nagagawan nito ng ganoong klaseng kahayupan. Plano niyang kunin ang tiwala ni Cleoffe para pabagsakin ang demonyong nitong ama. At isa din sa pinaka-mai plan niya ay alisin ang kaawa-awang babae sa poder ni Benito. Hindi naman siya nabigo at nakita niya ang hinahanap di kalayuan sa buffet table. Kahit na nag-iis ito sa lamesa ay may mga nagbabantay ditong dalawang bodyguards na nasa likuran lang nito. Halatang hindi ito hinahayaang umalis ng walang kasama. Wala na siyang inaksayang oras at agad siyang pumunta sa kinaroroonan ng babae at kinausap ito. “Hi, Cleoffe. You’re beautiful tonight.”sabi niya sabay ngiti ng matamis sa dalagita. Pinigilan siya ng dalawang bodyguards na nasa likuran ni Cleoffe ng tangkain niyang umupo sa tabi ng dalagita. "Her father and I are good friends. Saka it's her birthday today, bawal na siyang batiin at lapitan?"mataray na sabi niya at hindi siya nagpakita ng pagkailang sa mga ito. Ginamit niya ang ekpresyon na ginagawa niya kapag nagbabalita siya. Seryoso at halatang mangingimi ang kung sino man ang nakikinig sa kanya.Nang hindi pa din natinag ang dalawang bodyguard ay muli siyang nagsalita. "Kung hindi kayo naniniwalang kaibigan ko si Congressman, I'll call him. I will make sure na hindi niya palalagpasin ang ginagawa niyong pangbabastos sa bisita niya." Nang magkatinginan ang dalawang lalaki ay alam niyang epektibo ang ginawa niyang approach sa mga ito. Maya-maya lang ay umatras na ang mga ito tanda na maaari na siyang umupo sa tabi ni Cleoffe. Nagtataka man ang dalagita sa ginawa niya ay wala itong sinabi. Nananatili lang itong nakayuko habang tamilmil na kumakain. Ayun din sa report na natanggap niya galing kay Xander ay lagi itong bantay sarado ng mga tauhan ni Benito. Sa madaling salita ay wala itong kalayaan. Kaya walang din duda na wala itong naging kaibigan base na din sa mga bisita nito sa party. Wala pa man ay agad na sinakop ng awa at galit ang puso niya para sa dalagita. Kaya mas lalong umusbong ang pagnanais niyang iligtas si Cleoffe kay Benito. "Happy Birthday, Cleoffe."nakangiting sabi niya dito sabay titig sa mga mata nito ng iniangat nito ang ulo. "T-thank you.."kiming sabi nito. Inilabas niya ang regalo niya dito. "For you, Cleoffe. Home made yan, ako ang gumawa. Hope you like it."nakangiting sabi niya. Nang hindi pa din kumilos ang dalagita para kunin ang regalo niya ay siya na mismo ang naglagay niyon sa kamay nito. "Please, accept my gift."sabi niya habang tinitigan ng husto ang mga mata ni Cleoffe. Maya-maya lang ay walang sabi-sabing niyakap niya ito at binulungan sa tenga sa paraan na hindi siya mahahalata ng mga bodyguards nito. "I can help you escape in this hell. But it the chocolate first."makahulugang bulong niya dito. Nang magtama ang mga mata nilang dalawa ay marami siyang katanungan na nababasa dito. Nginitian niya ito at pagkatapos ay tumayo na siya sa kinauupuan. "Again, Happy Birthday. Hope you had a blast."pagkasabi niyon ay wlang lingon likod Sa ngayon ay tapos na ang misyon niya ngayong gabi at nagawa naman niya iyon ayon sa inaasahan niya. She was hoping na maiintindihan iyon ni Cleoffe at pagkakatiwalaan siya nito. Iginala niya ang paningin niya. kailangan niyang hanapin si Dexter para ayain na itong umuwi. “You look gorgeous as ever, Brixianne..” Kahit hindi na niya aksayahin ang oras niya para lingunin ang taong nagsalita ay siguradong-sigurado siya kung sino ang nagma-may-ari ng tinig na iyon. Dahil kahit sa mga bangungot niya ay nandoon lagi ang boses nito. Humugot muna siya ng isang malalim na hininga bago magpasyang harapin si Benito na ngayon ay malagkit ang pagkakatitig sa kanya ng mga sandaling iyon. “Every body already said that to me, Congressman.”ani niya na sinamahan niya ng malanding tono. Nakangising lumapit ito ng husto sa kanya. Na halatang gusto lang siya nitong tsansingan. Hinaplos nito ang likod niya na halatang may halong pagnanasa sa kanya. Kung alam lang nito ang pandidiring nararamdaman niya ng mga oras na iyon. Maya-maya ay bumulong ito sa punong tenga niya. “Wanna do it tonight? I’m sure hindi naman iyon mahahalata ng fiancé mo.”makahulugang sabi nito sa kanya. Ngunit tulad ng una pagtatangka nitong ayain siya ay naramdaman niya ang kamay na humila sa kanya papalayo mula kay Benito. Nang magtama ang mga mata nila ni Dexter ay nakaramdam siya ng seguridad. “I’m sorry, Congressman. Pero mukhang naliligaw na naman ang fiancé ko.”ani ni Dexter na may diin sa bawat salita. Na habang sinasabi nito ang mga katagang iyon ay nakatitig lang sa kanya ang binata. “But this time, I will make sure na hindi na siya maliligaw sa iba.”pagsabi niyon ay naramdaman niya na mas humigpit pa ang pagkakahawak nito ng kamay sa kanya. “You’re a lucky jerk, Mr. Santillan. Alam mo bang maraming lalaki ang naghahabol kay Brixianne?”sabi ni Benito habang matamang nakatingin sa kanya. Sa pagkakataong iyon ay ito naman ang binalingan ni Dexter. Halatang may namumuong animosity sa pagitan ng mga ito. “Yeah, you’re right. I’m the luckiest man on earth. Wanna know why?”pagkasabi niyon ay pilit siya nitong pinaharap at niyapos sa beywang. “Because this girl is mine. Only mine.” Noong umpisa ay nagtataka siya sa kinikilos ng binata. Ngunit awtomatikong nanlaki ang mga mata niya ng marealize niya ang balak gawin ni Dexter ng mga sandaling iyon. Dahil sa pagkabigla ay hindi niya alam ang gagawin niya hanggang sa unti unti na nitong inilapit ang mukha sa kanya at maramdaman niya ang paglapat ng mga labi nito sa labi niya. Pagkalapat na pagkalapat ng mga labi nilang dalawa ay samu’t saring sensasyon ang dumadaloy ngayon sa kaibuturan niya. sensasyong ngayon lang niya naramdaman at bago sa kanya. pakiramdam niya ng haplusin ni Dexter ng marahan ang likod niya ay parang nakukuryente siya sa bawat haplos ng kamay nito. Kuryente na masarap sa pakiramdam. Then she decided to closed her eyes para mas lalo niya pang maramdaman ang masarap na halik ni Dexter. Yes. She had been kissed before. Ngunit iba ang nararamdaman niya sa halik ng binata. pakiramdam niya ay parang ayaw na niyang itigil pa nito ang ginagawa nitong paghalik sa kanya ng mga oras na iyon. Kung pwede lang sanang tumigil kahit sandali ang mga oras. Kung pwede lang sana. MAINIT ang ulo niya ng mga oras na iyon. Ilang beses kasi siyang nagkamali kanina habang nagbabalita sa isa niyang programa. Ang maganda lang doon ay hindi iyon live telecast kaya kahit na ilang take ang pwede niyang gawin. Ngunit hindi iyon matanggap ng sarili niya. She will always make sure na hindi naaapektuhan ang trabaho niya kahit na ano pang personal na problema ang pinagdadaanan niya. Hinawakan niya ang sintido na kanina pa kumikirot at pumipintig. Alam niyang epekto iyon ng kakulangan niya sa tulog. She sighed. Ilang araw na rin kasi ang nakakalipas pagkatapos ng nangyari sa knila ni Dexter sa party ni Benito. At ilang araw na rin siyang binabagabag at hindi pinapatulog sa kakaisip sa lalaking iyon. Hindi niya alam kung anong klaseng gayuma o sumpa ang ginawa sa kanya nito ngunit walang oras na hindi niya iniisip ang binata. At ang kinaiinis niya sa lahat ay hindi man lang ito nagpaparamdam sa kanya pagkatapos ng tagpong iyon. Gaga! Eh diba nga sinabi mo sa kanya dati na ayaw mo na siyang makita? Impokrita! Inis na napapadyak siya. Hindi sa gusto niyang makita si Dexter. Kundi gusto niyang magpaliwanag ito sa kanya kung bakit siya nitong nagawang halikan sa harap ng mga bisita. Sino ba naman kasi ang matinong lalaki na magnanakaw ng halik at pagkatapos ay walang pali-paliwanag. Ni hindi nga ito nagtangkang kausapin siya pagkatapos. Kaya kung makikita niya ngayon ang Dexter na iyon ay makakatikim sa kanya yun ng mga salitang hindi nito nanaisin na marinig. Weh? Ang sabihin mo lang, teh. Namimiss mo lang siya!tudyo ng isip niya. No way! Hindi niya mamimiss ang ugok na lalaking iyon. “Ma’am Brix..” “Ano?”iritableng sabi niya sa personal assistant niya. “Ma’am, kayo ho ito diba?”tanong nito sa kanya habang iniharap ang isang tabloid sa harapan niya. Napakunot noo siya habang kinukuha niya ang dyaryo na hawak nito. Napahugot nalang siya ng hininga ng makita niya ang laman ng balita tungkol sa kanya. Sila iyon ni Dexter sa party ni Benito habang naghahalikan sila. Kilalang personalidad din kasi si Dexter dahil isa itong magaling na abogado at siya ay isang TV personality kaya hindi nakakapagdudang may mga mapanuring mata ang laging namamatyag sa kanya. hindi na rin siya bago sa mga ganoong klaseng balita kaya wala na rin iyon masyadong epekto sa kanya. Muli siyang nakaramdaman ng pagkainis habang tinititigan ang larawan nilang dalawa ni Dexter. Isa ito sa mga ebidensya ang kasalanang nagawa sa kanya ng ugok na iyon! Pagalit na ibinigay niya pabalik ang dyaryo sa assistant niya. “Alamin mo kung sino ang photographer at writer ng column na yan. I will make sure na may kapalit na consequences ang ginawa niya.”ani niya habang papasok sa opisina niya. Natigilan siya ng makita niya ang taong hindi nawawala sa isip niya ng ilang araw. Hindi man niya aminin ngunit naramdaman na naman niya ang pamilyar na pagtibok ng puso niya habang nakatitig sa gwapong mukha ni Dexter na kampanteng nakaupo sa visitor chair niya. “Brixianne.”ani nito na agad na tumayo ng makita siya. Nang muling magtama ang mga mata nila ng binata ay mas lalo pa niyang naramdaman ang malakas na pagtibok ng puso niya. ilang saglit lang siyang parang timang na nakatingin lang dito hanggang sa maramdaman niya ang mahinang pagsiko sa kanya ng assistant niya na hanggang ngayon pala ay hindi pa lumalabas ng office niya. Doon ay parang nahimasmasan siya. Napansin niya ang pag ngiti ni Dexter na alam niyang nahalata nito ang pagkatigalgal niya sa harapan nito. Para pagtagpan ang pagkapahiyang nararamdaman niya ay muli niyang kinuha ang dyaryo sa personal assistant niya sabay lapit sa lalaki at galit na pinagduldulan niya sa mukha nito ang dyaryo na may article tungkol sa kanilang dalawa. “Do you know what is this, Dexter?” Saglit lang nitong pinagmasdan ang dyaryo at marahin nito iyon ibinaba. “It’s a newspaper, I suppose.” “Idiot. That’s not what I’m talking about.”inis na sabi niya habang nanggigigil na pinawagayway pa niya ang dyaryo. “Dexter, alam mo ba ang ibig sabihin nito? Tsismis. Tsismis ito. Malamang ngayon pinagpi-pyestahan na naman ito ng mga showbiz reporter.” “I ain’t no showbiz. At alam kong ikaw din. So bakit kailangan pa natin problemahin ang non sense article na yan?” “What? How dare you to say that! So ibig mo bang sabihin na non sense ang kiss na nangyari satin?”bulalas na sabi niya. Maya-maya ay kusa siyang natigilan ng marealize niya kung ano ang pwedeng ipakahulugan ng salitang binitawan niya sa binata. Sa sinabi niya ay ngumiti ng maluwag si Dexter. “Ofcourse not. Alam mo bang ang halik na iyon ang pinaka sensual na kiss for me?”ani nito habang pilyong nakatingin sa kanya. Napalunok siya ng mapansin din niyang napapatingin ito sa labi niya. “Want to do it again, baby?”sabi ni Dexter habang unti unti lumalapit sa kanya. Awtomatikong napaatras siya habang nanlalaki ang mga matang tinigna niya ito. Agad din niyang tinakpan ang bibig niya para mapigilan ang kung anuman ang tangkang gagawin nito. “Don’t you dare!”ani niya sa pagitan ng pagtakip sa bibig niya. Narinig niya ang malakas na halakhak na namayani sa loob ng opisina niya. noon lang niya parang narealize din na halatang kanina pa siya pinag-ti-tripan ni Dexter. “Hindi ka ba natatakot mamatay?”napipikong sabi niya. “I was just playing with you, Brixianne. Masyado ka namang seryoso.” Inis na tinampal niya ito ng dyaryo. “Ano ba kasing kailangan mo? Mukhang naliligaw ka yata. ” Gusto sana niyang banggitin dito kung bakit ilang araw itong hindi nagpakita sa kanya ngunit pinigilan niya ang sarili. Tama na ang pagkapahiyang nangyari sa kanya kani-kanina lang. “I just wanted to check my fiancé. Bawal na ba?” Narinig niya ang pagkasinghap ng personal assistant niya pagkarinig sa sinabi ni Dexter. Saka lang siya nag react ng masiguro niyang nakalabas na ang assistant niya. “Watch your words, Dexter.” “Why not? Hindi ba’t iyon naman ang role natin?” Inis na napahalukipkip siya. “Kung wala ka ng importanteng sasabihin sakin. Pwede bang iba nalang ang istorbohin at pestihin mo?” Ilang saglit lang muna siya nitong tinignan. Ngunit maya-maya ay nagsalita na ito ulit. “Let’s have a dinner, Brixianne.” “Why should I go out with you for the first place?”mataray na sabi niya. She heard him sighed bago sumagot sa sinabi niya. “I want to tell you some important things.” Sa pagkakataong iyon ay siya naman ang nawalan ng kibo at napabuntong hininga. Wala siyang ideya kung anuman ang tinutukoy nitong importanteng bagay na sasabihin sa kanya. pero hindi nga ba’t ilang araw na din niyang iniisip ang ugok na ito? At ngayong nasa harapan na niya si Dexter nag-iinarte pa siya? “Fine. Just make it sure na matutuwa ako sa sasabihin mo.”banta niya dito. Nagkunwari siyang napipilitan na tanggapin ang alok nito. Mahirap ng malaman ng lalaking ito na gusto niya at excited pa siya na makasama ito. Sa isiping iyon ay awtomatiko siyang natigilan. Siya? excited na makasama sa date si Dexter? Pinilig nya ng ilang ulit ang ulo niya. mukhang nahihibang na yata siya! “I think na magiging topic of the century ito.” “What?”she said absently. Ang tinutukoy nito ay ang kissing scene picture nila na nasa dyaryo. Nanlaki ang mga mata niya ng mapansin niyang pinagkatitigan pa nito ang larawan nila. Pahablot na kinuha niya ang dyaryo dito. “Get your own fricking copy, Dexter. This is all your fault. Sabagay, halata naman sa hitsura mo na lahat ng nakapalda hinahalikan mo.” Imbes na mainsulto sa sinabi niya ay natawa lang ito. “Should I make you a list?” “List of what? Nang mga babaeng pinaglaruan mo lang? Pati ba posteng nakapalda kasama sa listahan mo?” Sasagot pa sana ito sa sinabi niya ng biglang mag-ring ang cellphone niya. She saw an unregistered number. Pero bago pa siya nakapag-hello ay ang caller na niya ang nagsalita. “H-help me.”garalgal na sabi nito sa kabilang linya. “Y-you said you can help me..” Doon siya sinakluban ng kaba. She can feel her heartbeat starting to rise in that moment. Hindi siya pwedeng magkamali ng hinala niya kung sino ang kausap niya ng mga sandaling iyon. “Yes, Yes.”agad na sabi niya. “I can help you. You have to tell me where you are.”ani niya. “What’s the problem, Brix? Who’s that?”singit ni Dexter sa kanya. Marahil ay mayroong emosyon itong nababasa sa mukha niya. Sinenyasan lang niya ang lalaki na tumahimik saka pinagpatuloy ang pakikipag-usap. “Cleoffe, just tell me where are you right now. Tell me where you are at pupuntahan kita agad.”sabi niya na mas pinatatag pa niya ang boses niya. Hindi niya pinahalata dito na kinakabahan din siya ng mga oras na iyon. Kailangang maramdaman nito na handa siyang iligtas ito kahit na ano pa ang mangyari. Ang regalo kasi niyang chocolate dito nung birthday party ng dalagita ay nakapaloob doon ang note kung saan may contact number niya. sa totoo lang ay ilang araw din siyang nawalan ng pag-asang tatawag ito sa kanya. “I-I don’t know. I just run.”sabi nito sabay impit na umiyak. Halata ang labis na takot sa boses ni Cleoffe. “Papatayin nila ako kapag nahuli nila ako. My dad. He will kill me. He will kill me if he finds out..” “Cleoffe, listen to me. You listen to me. Clear your head. I can’t help you kung hindi mo sasabihin sakin kung nasaan ka ngayon. Tumingin ka sa paligid mo. Then tell me kung anong nakikita mo. ” Ilang saglit na tumahimik ito sa kabilang linya. Feeling niya ng mga oras na iyon ay parang ang tagal niyang naghintay sa sagot nito bago ito nagsalita. Nang sinabi nito ang lugar na kinaroroonan nito ng mga sandaling iyon ay doon lang siya nakahinga. Kung hindi siya nagkakamali ay malapit lang iyon sa network station nila. “You listen to me, Cleoffe. I know that place. You saw a restaurant in the corner, right? You will go there.” “P-pero-” “You will go there. Then pumunta ka sa restroom nila and like your self in one of their cubicle. Wait me until I got there. You understand me?” “I-I’m scared..” “I can’t help you if you don’t help your self. Now, do what I said. Make it sure na walang makakahalata sayo.” Pagkababa niya ng telepono ay agad niyang binalingan si Dexter na ngayon ay matamang nakatingin sa kanya. “I’m sorry. I have something important to do.” Tatalikuran na niya sana ang binata ng pigilan siya nito sa braso. “I’ll help you. Alam kong may nangyayaring hindi maganda. I’m willing to help.” Saglit lang niyang pinagkatitigan si Dexter. she can see sincerity in his eyes. Aaminin niyang kakailanganin din niya ng tulong nito. Alam niyang masyadong delikado kung susugod siyang mag-isa para iligtas si Cleoffe. At alam niyang hindi mangingiming saktan or worse ay patayin siya ng mga tauhan ni Benito. Walang sinasanto ang mga ito at isa siya sa mga saksi na iyon. Wala nang salita na tumango lang siya kay Dexter. Wala ng ibang bagay na mahalaga kundi an gang kaligtasan ng dalagita. Ayaw niyang maulit ang nakaraan niya na wala man lang siyang nagawang paraan para iligtas ang mga mahal niya sa buhay. Hinding hindi na niya hahayaan pa na may masira na naming buhay dahil kay Benito. At para mangyari iyon ay handa niyang itaya maski ang sarili niyang buhay. FEELING niya ay napakarami niyang nagawa sa ilang oras lang. napagtagumpayan niyang iligtas si Cleoffe mula sa kinaroroonan nito. Sinunod naman ng dalagita ang inutos niya dito na magtago sa loob ng cubicle. At doon niya ito nakita na halos nanginginig na sa takot. Everytime na pinagmamasdan niya ang mukha ng dalagita ay hindi niya maiwasan na maalala ang Ate niya. Hindi din niya maiwasan na bumalik sa nakaraan kung saan wala siyang nagawa para iligtas ito. “Everything is settled now.” Narinig niyang sabi ni Dexter mula sa likuran niya ngunit pinili niyang huwag itong lingunin. Tama ang hinala niyang magiging malaking tulong sa kanila ang binata. dahil dito ay nasa isang ligtas na lugar na si Cleoffe. Kasalukuyan na silang nasa isang property nito sa Pangasinan. Iyon din kasi ang gusto ng binata dahil alam din nito kung ano ang kayang gawin ni Benito oras na malaman na nasa kanila ang anak nito. “You don’t need to worry. My place is safe. Bawat sulok ng bahay at lugar ay monitored ng mga tauhan ko. No comes in and out without my knowledge. ” Napahugot siya ng hininga. Yes, safe sila. Pero alam niyang pansamantala lamang iyon. Kailangan nilang mag-ingat ng husto lalo pa at nasa kanila si Cleoffe. At hinding hindi na siya papayag na makuha ulit nito ang dalagita. Naramdaman niya ang marahang pagpisil ni Dexter sa baba niya. alam niyang there’s something in her eyes na hindi nito nagustuhan. “Nagpapahinga ka na si Cleoffe. And you have to rest also. You’re tired, Brix.” Umiling lang siya. “No, I’m not. Baka magising siya at hanapin ako.” He sighed. “Okay. Pero kapag pagod kana you should rest.” Tumango lang siya. Hinaplos nito ng masuyo ang pisngi niya. “I don’t want you to be sad.” Pagkasabi niyon ay umalis na ito at iniwanan siya. mula sa kinaroroonang verandah ay napatingin siya sa malawak na lupain nina Dexter. hindi man niya gusto ngunit parang unti unti na naman siyang hinahabol ng mga bangungot ng nakaraan niya. hanggang sa hindi na niya napigilan ang pagdaloy ng alaala na buong buhay na yata niyang dadalhin..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD