“Ate, natatakot ako..”nanginginig na sabi niya habang pilit na nagsusumiksik sa gilid ng kama.
Tinignan siya ng ate niya sabay yakap sa kanya. Mahigit sampung taon ang agwat ng edad nila nito ngunit hindi sapat na dahilan iyon para hindi sila maging malapit sa isat isa. ang sabi ng Papa at Ate niya ay namatay sa panganganak sa kanya ang Mama nila kaya lumaki siyang walang kinikilalang ina kundi ang Papa at Ate niya. At lumaki silang dalawa ng Ate niya na super close sa Papa nila.
Nang maalala ang ama ay napaiyak nalang siya. Base sa narinig nilang mga putok ng baril ay malamang na binawian na ng buhay ang Papa nila.
“Ssshhh.. Mish, huwag ka nang umiyak. Nandito lang ang ate mo. Ililigtas kita.”pang-aalo nito sa kanya.
Dahil sa sinabi ng Ate niya ay medyo napawi ang nararamdaman niyang takot ng mga oras na iyon kasabay ng pagganti sa mahigpit nitong pagkakayap.
Kani-kanina lang ay ginising siya ng Ate. Kailangan na daw nilang umalis sa bahay nila. Alam niyang may nangyayaring mali ngunit nagpatinuod nalang siya dito. Ngunit maya-maya lang ay may narinig silang mga galabugan mula sa labas ng kwarto nila. Hanggang sa may narinig silang mga putok ng baril kasabay ng pagkawala ng boses ng Papa nila.
Mahirap isipin ngunit malamang na tama ang hinala niyang wala na ang Papa nila.
“Hanapin niyo yung babae!”
Sabay silang nagkatinginan ng Ate niya pagkarinig sa mga katagang iyon. Maya-maya ay hinila siya nito sa may tapat ng malaking aparador nila.
“Wala na tayong oras para makatakas.”ani nito habang binubuksan ang aparador. “Kailangan mong magtago para hindi ka nila makita.”
“P-pero Ate, P-paano ka? Hindi kita iiwan dito. Sabay tayong magtatago.”
Sa sinabi niya ay bumakas ang galit sa mukha nito. “Sundin mo ako, Brixianne Mish. Dahil wala na tayong oras. Pumasok ka na sa loob.”utos nito habang binubuhat na siya papasok sa loob ng aparador.
Wala na siyang nagawa kundi ipagsiksikan ang sarili niya sa loob niyon. May secret door kasi ang aparador na iyon na talagang pinasadya ng papa nila para kapag may magnanakaw ay lahat ng importanteng gamit nila. At dahil may kaliitan siya at maliit pa din sa edad na walo ay napagkasya niya ang saliri niya sa maliit na impasyo na iyon.
“A-ate..”sabi niya habang punong puno ng luha ang mga mata niya.
Lumambot ang ekspresyon ng mukha ng Ate niya. pinahid nito ang luha na dumaloy sa pisngi niya.
“Mish, you have to promise me na hinding hindi ka lalabas dyan kahit na anong mangyari. Maliwanag ba?”
Umiling iling siya. “A-ate..”
“Naiintindihan mo ako, Brixianne?”
Napilitan siyang tumango bilang sagot dito.
“Mahal ka namin ni Papa, Mish.”ani nito sabay sarado ng secret door. “Mahal na mahal..”
Kasabay ng kadiliman ng paligid niya ay ang lihim na pagtangis niya..
“BRIXIANNE!”
Nang hindi pa din gumigising si Brixianne sa pagtampik niya dito ay nagpasya na siyang alug-alugin na ang babae. Sa pagdilat palang ng mga mata nito ay nanlalaki na agad iyon. Na para bang kahit na nakadilat na ito ay nanatili pa din ang conscious mind nito sa masamang panaginip.
Kinabahan siya ng mapansin niyang parang pinipigilan nito ang paghinga kaya mula niya itong inalog.
“Breath!”sabi niya habang mahigpit niyang hinahawakan ang magkabilang braso nito. “I said breath, for goodness sake!”
Doon ay parang naalala ni Brixianne ang huminga. Hinga na parang nalulunod ito. Kitang kita niya base sa ekpresyon ng mukha ng babae ang labis na takot. Kung anuman ang napanagipan nito ay malamang na masama base na din sa nakikita niya sa mga mata nito.
Hindi na niya napigilan ang urge na yakapin ito at aluin ng marinig niya ang mahinang paghikbi ng babae. Nagising na lang kasi siya ng marinig niya ang mga ungol nito kaya napilitan siyang buksan ang kwarto ni Brixianne sa pag-aalala na baka kung ano nang nangyayaring masama dito. At ito nga ang naabutan niya.
Maya-maya ay parang unti-unti nang na-re-relax ang katawan nito at tumigil na sa paghikbi. Nakatulong marahil ang masuyong paghaplos niya sa likod nito.
Nang masigurong Okay na ito ay muli niyang tinignan ang mga mata nito. Kababakasan pa din ng takot ang mga mata nito ngunit alam niyang relax na ang utak ni Brix.
“I had a bad dream..”sabi nito na may nginig sa boses. Kitang kita niya ang nagbabadya na naming luha sa mga mata nito.
Masuyo niyang hinaplos ang mga pisngi nito. “Ssshh, baby.. Its just a bad dream.”ani niya sabay alalay na ihiga itong muli sa kama.
“Masamang panaginip.”ani nito sabay pikit ng mga mata.
“Go back to sleep. I’m just here. I will never leave you, baby.”sabi niya habang mahigpit na hawak ang mga kamay nito.
Napahinga siya ng malalim ng masiguro niyang nakatulog na ulit si Brixianne. He was wondering kung anong klaseng napaginip ang nangyari dito. Pero isa lang ang natitiyak niya. Malaki ang posibilidad na totoong nangyari iyon dito.
And he meant it. He will never leave Brixianne.
NAKABIBINGING katahimikan ang namamayani sa loob ng sasakyan ni Dexter ng mga oras na iyon. Pagkagising na pagkagising kasi niya ay inaya na niya itong lumuwas na ng Maynila. Expected nga niya na pagkagising niya ay hindi na niya maaabutan ang lalaki.
But she was wrong. Nanatili pa din ito sa tabi niya. of course, alam niyang nananiginip na naman siya ng masama kagabi. At alam niyang inalo siya ng binata at ito ang gumising sa kanya sa isang masamang panaginip.
She sighed. Dahil biglaan ang pag-alis niya ay hindi niya nadala ang sleeping pills niya.
“How was your sleep?”
Narinig niyang tanong sa kanya ni Dexter. Ilang saglit muna ang pinalipas niya bago siya nagpasyang sagutin ito.
“I had a beautiful dream.”she said in sarcastic way.
“Brix, I mean-”
“Yung nangyari kagabi? Forget it. You just caught me in a wrong situation.”ani niya.
Isa lang ang sigurado niya ng mga oras na iyon. At hindi siya naiinis kay Dexter. Mas nagagalit siya sa sarili niya dahil nakita siya nito sa isang vulnerable na situation na para bang lahat ng defenses niya ay nakababa.
Sinanay niya ang sarili niyang sa lahat ng oras ng oras ay matapang siya at hindi nagpapakita ng kahinaan. Dahil ang alam niya ay pinalakas siya ng nangyaring trahedya sa pamilya niya. she hated the idea na nakita ni Dexter ang kahinaan niya na iyon.
Buong biyhe siyang walang kibo at kahit na magsalita pa ang binata ay hindi niya iyon sinasagot. Isinumpa niya sa sarili na ito na ang huli nilang pagkikita ng lalaking ito.
Pagkatapat na pagkatapat ng sasakyan nito sa harap ng bahay nila ay agad na bumaba siya ng kotse ni Dexter.
Bubuksan na niya ang gate nang magsalita ito.
“We already have Paul Cenon. Kaninang umaga pa siya nakauwi ng Hermoso.”ani nito.
Doon ay natigilan siya ngunit hindi na niya ito nilingon. Kung nakabalik na si Paul ay malamang na kasama nitong bumalik ang kaibigan niya. she was wondering kung ano ang nangyari sa dalawa.
“And I just want to tell you that we won’t charge sa mga nangyari kay Paul.”ani pa nito.
Doon siya nagpasyang lingunin si Dexter na ngayon ay seryoso ang pagkakatingin sa kanya.
Malamig niya itong tinignan. “I don’t care kung anumang balak niyo sakin. But I hope this is the last time we see each other again, Mr. Santillan.”sabi niya sabay tuloy tuloy na pumasok ng bahay niya at hindi na niya ito hinintay na sumagot pa.
Kung anuman ang naramdaman niyang kakaiba ng mga sandaling nakasama niya si Dexter ay kailangan niyang balewalain iyon. Dahil sa ngayon ay walang ibang mahalaga sa kanya kundi ang paghihiganti niya.
ISANG mapang-akit na ngiti ang inilabas niya habang pinagmamasdan si Congressman Benito. Kasalukuyan silang nag-di-dinner ng mga oras na iyon sa isang exclusive na restaurant. Iyon talaga ang plano niya dati pa. Ang mapalapit ng husto kay Benito.
Noong una sy siya ang nagbibigay ng motibo at interest sa lalaki para mapansin siya nito. At hindi naman siya nabigo sa nais niya. dahil alam niyang isa din siya sa mga tipo nitong babae. Bukod sa alam niyang maaari din siyang gamitin nito dahil na rin sa klase ng industriya na kinaroroonan niya at impluwensya. Ang gusto niya ay mabihag ito ng kagandahan niya hanggang sa ma-in love ito sa kanya. at dahil doon ay maaari na niyang bantayan ang mga Gawain nito at alamin.
Sa totoo lang ay hindi iyon gusto ni Xander. Dahil masyado daw siyang mapapalapit ng husto sa kaaway at hindi magiging maganda iyon sa kaligtasan niya. ngunit gaya nga ng sabi niya ay madali niyang mapapabagsak si Benito kung marami siyang makukuhang impormasyon at ebidensya laban dito lalo pa at malalaman na niya ang iba pang masasamang Gawain nito.
Sinasadya din niyang puntahan ang mga party na alam niyang nadoon ang Congressman. At iyon nga ang nagin bunga ng mga plano niya.
Ang pagpapakita nito ng interest sa kanya kaya nandito sila ngayon at nag-de-date.
Habang nakangiti siya kay Benito ay nagwawala naman sag alit ang buong niyang pagkatao at sistema. Kung alam lang nito ang nararamdaman niya ay baka matagal na itong umalis sa kinaroroonan nila.
Halos lahat na ng self control na mayroon siya ay nagagamit na niya para lang pgilian ang galit na nararamdaman niya para dito.
“How’s the food? Magagaling ang mga chefs nila dito. Kaya I’m definitely sure na magugustuhan mo ang mga food nila.”nakangiting ani nito sa kanya.
“I like it here. ”ani niya habang pinupunsan ng table napkin ang bibig niya. “Mukhang pinaghandaan mo talaga ang date natin.”ani pa niya na sinamahan niya ng mapang-akit na ngiti sa labi.
“Of course. Dapat lang talagang paghandaan ang date na ito. You’re beautiful tonight.”sabi nito sabay tingin ng malagkit sa kanya.
Hindi lang niya sinuguro na magiging maganda siya sa paningin nito. She also make sure na magiging kaakit-akit din siya. at alam niyang hindi siya nabigo.
“You’re such a good man, Congressman. Ewan ko ba kung bakit may mga nagpapakalat ng maling balita sayo.”ani niya sabay simsim ng wine niya. “Such an idiots.”
Narinig niya ang malakas na pagtawa nito sa sinabi niya.
“Bakit hindi mo sabihin yan sa programa mo? Para naman lalong gumanda ang pangalan ko.”nakangising sabi nito.”Sabihin mo ang mga magagandang Gawain ko para sa mga tao. And I will give you a prize.”
Bago siya sumagot ay hinawakan muna niya ang bracelet na suot niya. pasimpleng tumingin siya sa mga bodyguards nito sa kabilang table nila. Isa iyong recorder na ibinigay sa kanya ni Xander para sa mga plano niya. mayroon ding hidden camera ang bag niya na nakapatong sa table nila ng mga oras na iyon. At sigurado siyang lahat ng mga sinasabi ni Benito ay kuhang kuha ng camera niya. hinding hindi siya papasok sa lungga ng kalaban na hindi siya handa.
“Hindi na ako magpapaligoy ligoy pa, Brixianne. I know you’re type.”sabi nito sabay hawak ng kamay niya na nakapatong sa mesa. “Can we do it? You what I’m saying. Check in. and I will make sure na lalago ng husto ang career mo as reporter. I will sponsors programs for you.”
Pakiramdam niya ay masuka-suka siya sa ginawa nitong paghawak ng kamay niya.
“Congressman-”sasagot na sana siya ng maramdaman niyang may biglang humawak ng kamay niya na sakop ng lalaki.
“Nandito ka lang pala, baby. You didn’t answer my phone calls.”
Gulat na napatingin siya kay Dexter na ngayon ay seryosong nakatingin sa kanya ng mga oras na iyon. Dahil sa kabiglaan ay hindi agad siya nakapagreact sa sinabi nito.
Binalingan ni Dexter si Benito na ngayon ay nakakunot ang noo ng mga sandaling iyon.
“I’m sorry kung nakaistorbo kami ng fiancé ko.”sabi pa nito.
Doon lang niya nakuhang makapagreact. “Fiance? What are you talking about?”inis na sabi niya.
Ngunit hindi siya pinansan ni Dexter. Bagkus ay pilit siya nitong itinayo mula sa pagkakaupo at walang sabi sabing kinaladkad siya nito patayo ng table niila at palabas sa restaurant na kinaroroonan nila.
Dahil sa gulat pa din ay hindi pa din siya nakakapagreact ng husto sa ginawa nito hanggang sa nakarating na sila sa nakaparadang kotse nito. Nang mapantanto niya kung ano talaga ang nangyayari ay galit na tinignan niya si Dexter.
“What the hell are you doing, Dexter? You ruined my date!”
Ngunit hindi man lang ito natinag sa galit na ipinakita niya dito. I’ve saved you from that man, Brixianne. Hindi mo alam kung anong klaseng tao ang kaharap mo kanina.“
Inis na napabuntong hininga siya. “Wala akong pakialam sa opinion mo. Kailan kappa nakialam sakin? Kailan ba tayon naging close para sabihin mo ang bagay na iyan?”
Hindi ito nagreact sa sinabi niya. tinignan lang siya nito ng matiim.
Napalunok siya. hindi niya alam ngunit parang ang bilis bilis na naman ng t***k ng bpuso niya ng mga oras na iyon.
Ano ba talaga ang mayroon sa Dexter na ito at bakit sa tuwing nakikita niya at natititigan ang mga mata nito ay parang tangang nagwawala sa pagtibok ang puso niya?
Dahan-dahan siyang napaatras ng mapansin niyang naglalakad ito papalapit sa kanya.
Umiling siya at pilit niyang hinamig ang sarili niya.
“H-hindi mo ba natatandaan ang sinabi ko sayo last time? Na ayoko ng magkikita pa ang landas natin?”habang sinasabi niya ang mga katagan iyon ay alam niyang kulang sa conviction ang pagbitaw niya ng mga salita.
Hanggang sa maramdaman na lang niyang nakasandal na siya sa kotse nito habang ito naman ay itinukod ang kamay.
“Kahit ako hindi ko alam kung bakit ginawa ko ang bagay na iyon.”seryosong sabi ni Dexter habang nakatitig sa kanya.
Gaya ng una nilang pagkikita ay wala siyang nababasang kahit na anong emosyon dito. Pero dahil sa pagkakalapit nila iyon ng husto ay ramdam na ramdam na naman niya ang kakaibang init na nanggagaling dito.
“K-kung ganoon, let me go. Babalik ako kay Benito.”
Doon ay biglang nagbago ang ekspresyon ng mukha ng binata.
“No. hindi ka babalik doon.”ani nito sabay bukas ng pintuan ng sasakyan. “Now, get in the car.”utos nito sa kanya.
“Why should I-”
Naputol ang iba pa niyang sasabihin ng pilit siya nitong ipinasok sa loob ng kotse at ito pa ang nagsuot ng seat belt sa kanya. napapitlag na lang siya ng malakas nitong sinara ang pintuan. Wala na siyang nagawa ng pinaharurot na nito ang kotse.
“Youre such an idiot, dexter.”ani niya pagkalipas ng ilang sandali.
Base sa tinatahak nilang daan ay mukhang ihahatid siya nito sa Hermoso Avenue.
“Yes, I am.”
Napatingin siya sa binata na ngayon ay seryosong nagmamaneho. Bakit bas a simula ng magkita sila sa party ni Travis ay lagi na lang pinagtatagpo ang landas nilang dalawa?
She sighed. Tama si Dexter. Alam niya kung gaano kasama ang budhi ni Benito.
“What are we doing here?” sita niya dito pagkatapat nila sa isang bar sa looob ng Hermoso Avenue.
Kung hindi siya nagkakamali ay isa iyong exclusive bar for the boys of Hermoso, ang flight deck. Imbes na sagutin ni Dexter ang tanong niya ay bumaba lang ito ng sasakyan at pinagbuksan siya.
“Hey. I can manage, Okay? Marunong akong bumaba. Hindi ako imbalido.”reklamo niya ng akmang hihilahin siya nito palabas ng sasakyan.
Hindi niya alam kung anong sumapi sa kanya at pinayagan niya ang sariling sundin ang kung anumang husto ng lalaking ito yulad ng lang ng pagpunta sa Flight Deck.
As expected ay nandoon ang Hermoso Boys ng mga oras na iyon. Pagpasok nila ay agad na natuon sa kanila ang pansin ng mga kaibigan ni Dexter. Lalong lalo na si Yasser na nanlalaki ang mga mata nito habang sinisiko si Kenesis na nakangisi naman ng mga oras na iyon.
Noon lang niya napansin na magkahawak kamay pala sila ng binata. agad naman niyang binawi iyon at umirap kay Dexter.
“Dexter, pare-”
“Don’t talk to me, Yasser.”pigil nito sa kung anuman ang sasabihin ng lalaki sabat alis sa kinaroroonan nila.
Naging hudyat iyon para kina Kenesis at Yasser na puntahan siya.
“Ms. Brixianne, whats up with you? Bakit kasama mo si Dexter? Kayo nab a?”agad na tanong ni Yasser.
Pabirong tinapik ito ni Kenesis. “Ano ka ba naman, Yasser? Hindi dapat itanong yan sa isang magandang babae.”ani ni Kenesis sabay baling sa kanya.”Pagpasensyahan mo na ito, Brixianne. Two digits lang kasi ang IQ level nito.”
“Ano ka ba naman, Kenesis? Pagkakataon na natin para malaman kung ano talaga ang status nilagn dalawa ni Dexter.”
“BInabae kaba? Napaka tsismoso mo.”
Naiiling na pinagmasdan lang niya ang dalawang lalaki habang nagtatalo. Alam niyang kahit ganito ang mga ito ay hindi pa din naaalis na ang mga ito ay malaki ang impluwensya sa business industries. At hindi din naaalis ang taglay nitong kagwapuhan na halos habulin na ng mga kababaihan ang mga ito.
“Don’t mind Yasser. You look gorgeous tonight, Brixianne. Nagtataka ako kung bakit pumayag kang makipagdate sa kaibigan ko. Mas gwapo kaya ako dun.”
Natawa siya sa sinabi ni Kenesis. Hindi talaga nakapagtatakang habulin ito ng mga kababaihin.
“No, hindi ko siya ka-date. He actually ruined my date.”ani niya.
Tatlo ang nakuha niyang reaksyon. Una, malutong na tawa ang pinakawalan ni Kenesis. Pangalawa naman ay panlalaki ang mga mata ni Yasser na akala mo ay hinding hindi iyon magagawa ni Dexter.
At ang pangatlo ay si Dexter na inis na binalingan ang dalawang kaibigan.
“You two, will you just shut up and leave her alone?”
Hindi na nito hinintay ang reaksyon ng dalawa at hinila na siya nito. Ngunit bago siya makawala sa dalawa ay may narinig pa siyang sinabi ni Yasser.
“First time na may dalhing babae dito si Dexter. It means na tunay na lalaki na ang kaibigan natin?”
“Oo. Ikaw na lang ang natitirang binabae dito”nigising sagot ni Kenesis.
Hindi na niya narinig ang iba pang naging usapan ng mga ito. Agad naman siyang pinaupo ni Dexter sa may bar area. Sinimsim muna niya ang ladies drink na ibinigay nito sa kanya. dahil nga exclusive for boys lang ang club ay halos nakatuon ang atensyon sa kanya ng ilang parokyano. Lalo pa’t alam niyang nakikilala siya ng mga ito.
“Why you brought me here? This bar is exclusive for boys only.”
Nagkibit balikat lang ito. “This is mine. I can break my rules whenever I want.”
“Jerk.”
“I beg to disagree, woman. I only do this for your own safety. Hindi mo baa lam na may sumusunod satin pag-alis ng restaurant?”seryosong sabi nito.
Doon naman siya natigilan. Kung tama ang hinala niya ay malaki ang posibilidad na tauhan iyon ni Benito.
“It’s a good thing na ang Hermoso is a safe place. At lalo na itong bar.”
Natahimik lang siya sa sinabi ng lalaki. Maya-maya ay may inilapag itong isang invitation sa tapat niya.
“Party iyan ni Benito. I don’t know your reasons behind of all this, Brixianne.”seryosong sabi nito habang matiim na nakatitig sa kanya.
May nababasa siyang emosyon sa mga mata ni Dexter. But she’s not sure kung concern at pag-aalala ba iyon.
“Whatever it is. I can help you. But in my own ways.”