MAY malaking ngiti sa labi niya ng ibinaba niya ang binabasang news paper ng umagang iyon. Sa lumabas na column laban kay Congressman Benito ay natitiyak niyang pinagkakaguluhan na iyon ng buong media.
Minabuti niyang ipakalat na lang sa social media ang mga larawan nito tungkol sa pagka p********a ng lalaki. Hinayaan niya munang taong bayan ang humusga sa lalaki. Pero sisiguraduhin niyang siya ang magiging dahilan ng tuluyan pagkalugmo nito sa putikan. Malas lang nito at nabuhay pa siya mula sa mga kamay nito.
Mahigpit niyang hinawakan ang mug na may lamang kape. Kasalukuyan siyang nasa hardin ng mga oras na iyon. Dahil weekends ay wala siyang naka schedule na taping o live telecast.
Muli niyang binalingan ang dyaryo. Sa loob ng maraming taon ay hindi pa din nawawala ang galit na nararamdaman niya sa lalaking sumira ng pamilya niya. Ang lalaking pumatay sa Papa niya at sa Ate niya. Ang nagiging dahilan kung bakit hanggang ngayon ay gabi gabi siyang dinadalaw ng kahapon niya at nagiging laman ng panaginip niya.
Ramdam na ramdam niya ang galit na matagal na niyang itinanim sa isip at puso niya. si Benito ang dahilan kung bakit siya humihinga pa hanggang ngayon. Ito ang dahilan kung bakit ginusto pa niyang mabuhay sa mundo. Gusto niyang makita ng dalawang mata niya ang paghihirap nito. Gusto niyang lumuhod ito sa kanya at magmakaawa.
Sa ngayon, kailangan pa niyang maghintay ng konting panahon para maisakatuparan niya ang mga plano niya laban dito. Dahil gusto niyang unti-untiin ang pagbagsak nito nang wala ng bangunan.
Ipinikit niya muna ang mga mata niya para payapain ang nagpupuyos na kalooban niya. Ilang sandali siya sa ganoong posisyon. Nang masiguro niyang payapa na siya ay idinilat niya ang mga mata niya.
Bumungad sa kanya ang mukha. Natigilan siya ng magtama ang mga mata nilang dalawa. Aaminin niyang gwapo ang mukha na nasisilayan niya ng mga oras na iyon. Kumbaga, hindi mahihirapan ang isang pintor na iguhit ang ganoong klaseng mukha dahil perpekto ang bawat hugis ng mukha nito.
At sa nakikita niya, tama ang sapantaha niyang mas magaganda ang mga mata nito sa malapitan. Kulay abo iyon. Ngunit kahit na anong titig niya para mabasa niya ang kislap niyon ay hindi niya mahulaan ang nasa isip nito. Na para bang nakatingin siya sa isang tao na walang emosyon.
“I hope nagustuhan mo ang nakikita mo, Ms. Brixianne.”
Saka lang siya natauhan ng marinig niya ang sinabi nito. “What the hell are you doing here?”kunot noong sabi niya ng marealize niya ang sitwasyon nilang dalawa.
Tumayo siya at hinarap ito. “At paano ka nakapasok sa property ko? You’re trespassing. I can kill you for this.”ani niya habang tinitignan niya ng masama si Dexter.
Ngunit imbes na matakot sa banta niya ay nagkibit balikat lang si Dexter.
“I knocked on your door. Pinagbuksan ako ng katulong mo at pinatuloy. That’s not trespassing.”kalmadong sabi nito.
She hissed. “What do you want?”
Bago ito nagsalita ay malamig muna siya nitong tinitigan sa mata. Na para bang kaya nitong basahin ang lahat ng iniisip niya.
“Where is he?”ani nito.
“What are you talking about?”kunway naiiritang sabi niya dito. Ngunit ng mga oras na iyon ay kinakabahan na siya.
“Alam kong may kinalaman ka sa nangyari kagabi.”sabi nito sabay turo sa noo na may plaster.
Feeling niya ng mga oras na iyon ay nawala ang kulay niya sa mukha. Kung gaano ay si Dexter ang nakahuli sa kanya kagabi!
Ilang sandali siyang natahimik at nakipagtitigan lang sa binata. Hindi siya papayag na makahalata ito sa takbo ng iniisip niya. At alam niyang hindi ito magiging isang magaling na abogado kung hindi ito magaling magbasa ng tao.
“Nangyari kagabi? Are you referring to Travis’ party?”
“Yes.”simpleng sabi nito.
“What about then?”
“Nasaan ka sa pagitan ng 8:30PM onwards?”
Tinaasan niya ito ng kilay. “Are you my avid fan? I hope you’re not. Dahil hindi kita tatanggapin bilang isa sa mga fans ko.”She said sarcastically.
“I will tell you straight the point, Ms. Brixianne. Paul Cenon has been kidn*pped last night.”
Pinili niyang maging seryoso ang ekspresyon ng mukha ng mga oras na iyon. “Kailan pa ako naging hanapan ng missing person, Mr. Santillan?”
“And I know na may kinalaman ka sa pagkawala ng kaibigan ko. And I’m giving you the chance na sabihin kung nasaan siya ngayon din. Para hindi na lumala pa ang gulong ginawa mo.”ani nito na may pagbabanta ng tinig.
Natawa siya ng pagak. “Kanina lang hanapan ako ng missing person. Ngayon naman you’re acussing me as a kidnapper?”
“I’m beginning to feel irritated, Ms. Brixianne. At hindi mo magugustuhan kapag nairita ako. Now, where is Paul Cenon? Saan mo siya dinala? Or should I say saan niyo siya dinala?”
Doon na sumabog ang pagtitimpi niya. “Are you out of your mind? You have no right na pagbintangan. At lalong wala kang ebidensya tungkol sa sinasabi mong pagkidnapped kay Paul. I can sue you for this, Ms. Santillan.” Dinuro niya ito.” At sisiguraduhin kong pagbabayaran mo ang ginagawa mong pagbibintang sakin.”
Pero imbes na matinag sa sinabi niya ay nakipagkatitigan lang ang binata. “Evidence ba ang kailangan mo?”
Pagkasabi niyon may inihagis ito sa harapan niya. agad na nanlaki ang mata niya pagkakita sa bagay na nasa harapan niya ng mga oras na iyon. Ang sapatos niyang pinangpukpok niya dito kagabi!
“Hindi pa ba sapat na ebidensya yang nasa harapan mo ngayon? We can check your foot prints there. And I’m hundred percent sure na sa iyo yan. At alam kong nasa bahay mo pa ang ka-partner ng sapatos. At kapag umabot tayo sa ganyang sitwasyon, sisiguraduhin kong makukulong kana.”
Nawala siya ng imik ng mga oras na iyon. Masasabi niyang wala na siyang kawala sa pinakita nitong ebidensya laban sa kanya. at alam niyang malaki ang posibilidad na magagawa siya nitong ipakulong lalo pa at narinig nito ang pag-uusap nila ni Hasmin kagabi.
Isa lang ang masasabi niya niya sa lalaking kaharapan niya ngayon bukod sa isa itong certified bastard. Cold. Wala yatang emosyon para sa iba ang taong ito.
“Nagiging mabait pa ako sayo, Ms. Brixianne. At habang mabait pa ako pwede mo ng sabihin sakin kung nasaan ngayon ang kaibigan ko. ”seryosong sabi nito.
Itinaas niya ang dalawa niyang kamay bilang pagsuko mula dito. There’s no use para itanggi pa ang katotohanan.
“Im impressed. As I expected you’re good.”
“Right now, I’m getting annoyed. Sabihin mo kung nasaan ngayon ang kaibigan ko.”
“Okay then. I’m going to tell you where he is.” Sabi niya sabay ngiti dito.
LIHIM siyang napangiti ng muli niyang marinig ang malalim na buntong hininga ni Dexter na nagmamaneho pa din ng mga oras na iyon. Oo, pumayag nga siya na sasabihin niya ang kinaroroonan nina Paul.
Pero naisip niyang paglaruan muna ang lalaking ito. Dahil ang ayaw na ayaw niya ay nasisira ang alam niyang perpektong plano sana niya. At isa pa, gusto niyang ipatikim dito na hindi siya basta basta matatakot sa mga sinasabi nito.
“Are you sure na si Paul talaga ang pupuntahan natin?”sabi nito na halatang naiirita na base sa timpla ng boses nito.
Halos dalawang oras na din kasi silang bumabyahe.
“Yeah.”maikling sagot niya habang kampanteng nakasandal sa upuan.
Of course, she was lying. Hindi talaga papunta kina Paul ang tinutunton nila ng mga sandlaing iyon. Papunta sila sa Batangas kung saan nandoon ang vacation house niya.
“If I found out na pinaglalaruan mo lang ako.”binalingan siya nito. “You will not like it, woman.”
Nagkunwari siyang natatakot bilang sagot sa banta ni Dexter. “I’m scared.”ani niya.
Muli na naman itong napabuntong hininga. Gusto sana nitong isama ang ilan sa hermoso boys ngunit hindi siya pumayag. Dahil isa sa mga kundisyon niya para sabihin ang kinaroroonan ni Paul ay sila lamang dalawa ni Dexter ang pupunta.
Pero kilala na niya ito. Alam niyang hindi ito papayag sa kundisyon niya na hindi ito handa.
Pinagmasdan niya ang lugar na dinadaanan nila ng mga oras na iyon. Kung tama ang hinala niya ay malapit na sila sa bahay niya sa Calatagan, Batangas. Matagal-tagal na din kasi ang huli niyang pagbisita doon at tanging ang inupahan niyang care taker lang ang nag-aalaga ng bahay niya. Tanda pa niya na binili niya ang bahay na iyon dahil sa iisang dahilan. Doon niya nais na manirahan ng tahimik kapag nagawa na niya ang misyon niya.
At alam niyang malapit na niyang maisakatupan iyon.
“I’m threatening you, woman. Make sure na makikita ko si Paul sa pupuntahan natin.”ani pa nito.
Ngunit imbes na matakot sa mga banta nito sa kanya ay lalo niyang kinampante ang pagkakaupo at pagkakasandal sa upuan.
“Will you just shut up? Drive.”
Napansin niyang mas lalo pang humuigpit ang pagkakahawak nito sa manibela. Napangiti siya. mukhang nagtatagumpay ang plano niyang asarin si Dexter ng bonggang bongga. Well, kung naasar na ito sa kanya sa lagay na iyon malamang ay uusok talaga ang ilong nito kapag nalaman nitong wala silang Paul Cenon na madadatnan.
Actually, wala pa siyang balita kung nasaan na ngayon sina Hasmin. ang alam lang niya ay balak dalhin ng kaibigan niya ang lalaki sa probinsya ng mga ito. Somewhere around Mindoro pero hindi niya talaga alam ang eksakto kinaroroonan ng dalawa. Kaya kahit na pigain pa siya ng husto ni Dexter ay wala naman talaga itong makukuhang impormasyon sa kinaroroonan ng dalawa.
She sighed. Sana naman na maayos na ng kaibigan niya ang problema nito sa puso.
After thirty minutes ay nakarating na sila sa bahay niya. agad siyang bumaba ng sasakyan at dumiretso papasok. Hindi na niya hinintay pa si Dexter na ngayon ay alam niyang nagkukumahog na sumunod sa kanya.
“Where’s Paul?”anito habang nagmamasid sa loob ng bahay niya. “Nasaan siya?”
This is it,ani ng isip niya.
Bago sumagot ay comportableng naupo muna siya sa sofa habang pinagmamasdan ang kabuuan ng bahay niya. mukhang masipag ang care taker niya dahil malinis na malinis iyon.
“Finally, nakadalaw ulit ako dito.”sabi niya.
Napansin niyang masama na ang timplado ng mukha ni Dexter ng mga sandaling iyon. Na alam niyang kanina pa nito pinipigilan ang sariling magalit. Pero kahit na galit na ang ugok na ito ay hindi pa din maaalis ang katotohanang napaka gwapo pa din nito. Kaya hindi nakapagtataka na kahit na napakasungit at cold ang pagtrato nito sa mga kababaihan ay marami pa din ang nahuhumaling kay Dexter.
Why not? Dahil kahit na hindi ito palangiti ay napakaganda ng mga mata ng ugok na ito. Mga mata na parang hindi ka magsasawang titigan. Tulad nalang ng nangyayari sa kanya ng mga oras na iyon.
Bakit pa parang nahihirapan siyang alisin ang mga tingin niya sa gwapong mukha nito?
“Ang sabi ko nasaan si Paul?”
Napapitlag siya ng magsalita ulit ang binata. Ano bang nangyari sa kanya at para siyang natulos habang tinititigan ito?
“Don’t play with me, woman. Hindi mo pa alam kung paano ako magalit.”
Doon lang siya parang natauhan ng husto. Pinili niyang ngisian si Dexter. “Bakit ba ang sungit sungit mo? Would you like some refreshments? ”
Nilapitan siya nito. At dahil nakaupo siya ay napatingala siya sa binata.
“Are you telling me na wala dito si Paul?”madilim na mukhang sabi nito sa kanya.
“Well, aaminin ko. Wala dito si Paul. Niloko lang kita. ”lalo niyang nginisian ito. “And its fun playing with you, Mr. Santillan.”
Nakita niya kung paano nag-iba ang aura nito ng mga oras na iyon. Nakaramdam siya ng takot ngunit pinilit niyang hindi iyon ipahalata. Mukhang hindi nga talaga niya magugustuhan ang gagawin nito sa panloloko niya kay Dexter.
“Didn’t I tell you?” ani nito sabay hablot ng mahigpit sa braso niya. “Na ayokong pinaglalaruan ako lalo na sa ganitong klaseng bagay?”mapanganib na tonong na sabi nito. Palagay niya ay kung kaya siya nitong lunuking ng buong buong malamang ay ginawa na nito.
Ngunit hindi ang galit nito ng mga oras na iyon ang ramdam niya kundi ang mabangong amoy ng binata na nalalanghap niya. Bakit ba parang ang bango bango ng ugok na ito?
Gaga ka, Brixianne! Makaasta parang ngayon lang nakaamoy ng mabango!sita ng isip niya.
Umiling iling muna siya para hagilapin ang sarili.
“Don’t touch me.”ani niya dito sabay bawi ng braso niya sa binata.
Imbes na magalit ay nginitian niya ito ng matamis. Naisip niya kung sasabayan niya pa ang galit nito ay baka kung anong gyera ang mangyari sa kanilang dalawa.
“Chill ka lang. wala naman mangyayaring masama kay Paul. At sinisiguro ko iyon sayo.”
Ilang minute itong nakipagtitigan lang sa kanya. ngunit maya-maya lang ay inilabas nito ang cellphone at nagsimulang mag dial. Mabilis ang mga kamay niyang naagaw niya agad ang hawak nitong cellphone para pigilan ang ginagawa nitong pagdial. Dali dali niyang inalis ang battery niyo at ibinulsa niya.
Ang misyon niya ngayon ay pigilan si Dexter na macontact ang ibang Hermoso Boys na kaibigan nito. As much as possible ay dapat niyang ikulong muna pansamantala ang binata. Hindi dapat na makita agad agad ng mga ito si Paul dahil kailangan pa ni Hasmin ng marami pang oras para sa lalaki.
“Dexter, huwag kang masyadong ma-high blood. Papangit ka nyan lalo.”she smirked at him.
Bago pa ito nakapagsalita ay may inilabas siyang bagay na importante dito. Ang susi ng kotse nito.
“What the hell-”
“I’m sorry but I needed to do this. Pero ipinapangako kong uuwi ng buong buo ang kaibigan mo.”lumapit siya dito at tinapik tapik ang balikat nito.
“Sa ngayon, we’re having a party. So enjoy it while it last.”sabi niya dito na hindi nawawala ang ngisi niya sa labi. “Would like a cup of coffee?”
HALOS ilang oras din siyang nanonood ng movies habang nakasalampak siya sa sofa at nakataas pa ang dalawang paa niya. ilang oras din silang hindi nag iimikang dalawa ni Dexter na nakikinood lang din at nagbabantay sa kanya.
Alam niyang alam din nito na siya lang ang may susi para makita ng mga ito ang kaibigan kaya wala siguro itong choice kundi bantayan nalang siya at sundin ang gusto niy. At ganoon din siya dito.
Pero sa totoo lang kahit na hindi sila nag-uusap ni Dexter ay nakakaramdam siya ng kapanatagan. Hindi niya alam ngunit sa ilang pagkikita palang nila ay may mga damdamin na itong pinaparamdam sa kanya na kakaiba.
She sighed. Bakit ba iba ang naiisip niya kapag nasa paligid niya ang lalaking ito? Para kasing nakulong ang mabangong amoy nito sa loob ng bahay niya.
Napatingin siya sa wristwatch niya ng maramdaman niyang biglang kumulo ang tyan niya. nakatayo na siya nang magsalitang muli si Dexter.
“Where are you going?”agad na tanong nito.
“Magluluto. Baka mangisay pa ka dyan sa gutom.”ani niya na hindi ito binabalingan at nagutloy tuloy sa kusina.
Binuksan niya ang drawer sa itaas ng kusina para i-check kung ano ang pwede nilang kainin. Mukhang magtitiis sila ngayon sa corn beef dahil iyon lang ang meron sa grocery niya. Dahil alam naman niyang hindi siya gaano katangkaran ay tumingkayad siya para abutin ang de lata. Ngunit napapitlag siya ng may kamay na bigla nalang iyong inabot.
Kahit hindi siya lumingon ay alam niyang si Dexter iyon. Dahil sa amoy nito. At para siyang hindi makahinga ng mga oras na iyon dahil sa pagkakalapit nila ng binata. Ano ba kasing meron sa amoy nito at bakit apektadong apektado siya?
At isa pa sa kinababahala niya ay ang sobrang pagkakadikit nilang dalawa. ramdam niya ang init na nagmumula sa binata ng mga oras na iyon.
Napapitlag siya ng magsalita ito.
“Here.”anito sabay abot sa kanya ng delata.
Humugot muna siya ng hininga para payapain ang nagwawala niyang brain cells.
Anak ng tokwa! Mukhang sobra na yata siya sa kape at ganito ang nararamdaman niya. galit na kinuha niya ang de lata na iniabot nito at lumayo agad kay Dexter.
Mahirap ng nasa malapit lang niya ang ugok na ito. Kung ano ano kasi ang pinaparamdaman sa kanya. at hindi iyon dapat.
Bumuntong hininga muna siya bago ngdadabog na kinuha ang can opener.
“Let me do that.”anito sabay hawak sa kamay niya.
Nanlalaking ang matang tinignan niya si Dexter sabay layo ng kamay niya dito.
“Leave me alone, will you?”inis na sabi niya sa binata. “At saka dumistansya ka ng ilang metro sakin. Nakakairita ka.”
Itinaas nito ang dalawang kamay tanda ng pagsuko. “Okay, Okay.”ani nito sabay atras sa kanya. “Such a tigress.”
Umirap muna siya dito bago pinagpatuloy ang pagbubukas ng de lata. “Ang mabuti pa, magsaing ka nalang.”utos niya dito.
Nang kikilos na si Dexter para tulungan siya ay bigla niyang binawi ang sinabi niya ng maisip niyang para lumapit na naman ito sa kanya at maramdaman na naman niya ang bagay na iyon.
“Ay hindi na pala.”sabi niya habang nakasenyas ang kamay niya. “Baka mamaya hindi ka pala marunong magsaing sayang lang ang kanin sayo.”ani niya. “Umupo ka nalang sa isang tabi.”
Hindi na naman ito nagreact sa sinabi niya at tahimik na umupo lang sa isang tabi si Dexter. Saka lang siyang nakakilos ng mabilisan sa kusina.
Dahil sanay na siya na sarili lang niya ang inaasahan niya ay ilang minuto lang ay naluto na niya ang dinner nilang dalawa ng binata. Sa loob ng labing dalawang taon ay sarili lang niya ang inaasahan niya. at naging independent siya dahil doon.
Pagkahain ay sinenyasan niya si Dexter. “Eat and pray.”ani niya. “At magpasalamat ka sakin dahil hindi ka nagugutom ng mga oras na ito.”
Umiling-iling lang ang binata ngunit hindi na ito nag react sa sinabi niya. ilang minuto na silang kumakain ng tahimik ng magsalita ito.
“How’s being a news anchor?”ani nito.
Mula sa kinakain ay napatingin siya sa mukha ni Dexter. Sasagot na sana siya ng bigla itong magsalita ulit. “Anong pakiramdam ng pagiging sikat?”
Sa narinig dito ay napatawa siya ng pagak. Maya-maya ay seryosong tinignan niya ang binata. “Iniinsulto mo na ako?”
Uminom muna ito ng tubig bago sumagot sa kanya. “Why will I insult a person like you? At isa pa, hindi ko magagawang insultuhin ang hinahangaan ng marami. You know what? Hanga ako sa dedikasyon mo sa trabaho mo as a news anhor at taga paghatid ng totoong balita sa mga tao dito sa bansa. At alam ko din na kaya mong ipaglaban ang tama.”
Inilapad nito ang baso at muli siyang tinitigan. “But this time, I’m very much disappointed in you, Brixianne. Anong rason mo para gawin ang bagay na ito?”
Nang hindi siya sumagot ay ipinagpatuloy nito ang pagsasalita. “Did you do this dahil may ginawa si Paul na mali? At kailangan niyong kunin siya? I assure you, woman. Paul is a nice guy. I know him well. Siya ang taong hindi makakapag-isip ng masama laban sa isang tao.”
Huminto ulit ito sa pagsasalita at lalo siyang tinitigan na para bang binabasa kung anuman ang tumatakbo sa isipan niya. “Or ginawa mo ba ito dahil in love ka kay Paul? You step low just to do this?”
Nakipagsukatan muna siya ng tingin sa lalaki bago siya nagpasyang sagutin ang tanong nito.
“Yes, I am.”seryosong sabi niya na may diin ang bawat salita. “I’m in love with him. Madly in love with him. At magagawa ko ang lahat para sa kanya. satisfied?”
Nang hindi ito umimik at nagpatuloy siya. “But one thing is for sure, Mr. Santillan. Walang kinalaman ang trabaho ko dito. At kung balak mo akong insultuhin ay nagtagumpay ka. Now you win. ”
Pagkasabi niyon ay tumayo na siya. inilabas niya ang battery at susi ng kotse nito at inilapag niya sa lamesa. “You’re free to go and do what you want. I don’t care kung ipa-pulis mo na ako at iapakulong ”malamig na tinitigan niya ito.
“Basta ayoko ng makikita pa ang anino mo.”