Kabanata 7
Grateful
Hindi ko pa rin makalimutan ang nangyari kahapon doon sa apartment. Nakatulala ako ngayon habang naghihintay ng darating na professor. Ito na ang pangalawang beses na nagalit sa akin si Bruce. Pero kahit anong explain ko hindi naman niya ako paniniwalaan. Pare-parehas lang naman ang tingin nila sa akin, isa lang kasi akong hamak na promdi sa paningin nila. They don't see me as their schoolmate nor a friend. Dahil ang alam nila, isa lang ako mahirap na magnanakaw. Oo mahirap ako pero never akong magnanakaw. Mahirap na nga ako mas lalo ko pa bang papahirapan ang sarili ko? PACKING TAPE!
Kahit kailan hinding-hindi ko gagawin 'yun sa buhay ko. Oo gago ako noon pero hindi ibig sabihin na gago pa rin ako hanggang ngayon. Nandito nga ako para magbago pero bakit parang pilit pa rin akong hindi maka-alis sa nakaraan ko. Parang anytime babalik at babalik ako sa ugali ko dati. Parang anytime pwedeng magdilim ang paningin ko at bigla ko silang masapak hanggang sa mawalan sila ng malay.
"HARVEY!" isang matinis na boses ang narinig ko at bigla akong napatingin sa pintuan. "Harvey!" nagmamadaling lumapit si Shai sa akin na may dala-dalang damit na pang-basketball player. "Here change your clothes, alam kong excited ka na sa pagsali ng team. Kaya ito, I brought these brand new jersey. It's yours, please accept this gift."
Masaya ang mood ngayon ni Shai at ayoko namang sirain iyon. Ilang segundo ko munang tinitigan ang dala niyang jersey bago ko ito tanggapin.
"Salamat, pero-"
"Aish!" aniya kaya't napatigil ako sa pagsasalita. "Basta, magpalit kana. Ni-excuse na kita sa ibang mga prof, at saka walang kaunti lang ang papasok na prof ngayon dahil may grand event."
Wala na akong nagawa kundi ang tumayo, at dinala ko ang bag ko't nagtungo ako sa restroom. Maayos at maganda ang restroom nila rito. Hindi katulad sa probinsya, mapanghi at hindi mawawala ang cubicle na may natitira pang dumi dahil wala namang flush.
Pumasok ako sa unang cubicle. Pinalitan ko ang unipormeng suot ko ng jersey na ibinigay sakin ni Shai. Ayos at bagong-bago nga ang mga ito. Sobrang ganda ng tela at bagay na bagay sa akin. Feeling ko ang gwapo ko sa suot na ito. Pero feeling ko lang, hindi naman sa nag-a-assume ako pero parang ganoon na nga. Pagbigyan nyo na, hihihi.
Habang nasa loob ako ng cubicle, nakarinig ako ng mga usapan sa labas. Pamilyar sa akin ang mga boses na ikina-inis ko. Nagdalawang-isip tuloy ako kung lalabas ba ako para harapin ang mga kurimaw na iyon o magtatago na lang ako dito sa loob at hihintayin ko silang umalis.
"Alam niyo pre, wala namang gagawin ngayon dahil sa event. Dito muna tayo magtambay sa banyo. Nakakainis yung mga babae eh, panay pa-picture sa atin." Boses ito ni Justin.
"Ano namang gagawin natin dito? Magma-masturbate?" tanong ito ni Leiv at nagsitawanan silang lahat.
"Iihi muna ako mga pre." Paalam ni Lowell at narinig kong nagsi-"Sige, kami rin." ang mga kasama niyang kurimaw. Ngayon ko lang na-realize na hindi nila kasama ang kanilang pinuno na si Bryce.
"Sinong nandito?" tanong ni Lowell. Kumakatok pala siya sa pinto ng cubicle kung saan ako naroon. Kinabahan ako bigla, magsasalita ba ako o hinde?
"Bakit, pre? Nakasarado ba?" tanong ni Leiv.
"Oo, hey open up!" mas lumakas pa ang ginawang pagkatok ni Lowell.
Sinubukan kong lakihan ang boses ko para hindi nila ako makilala. "Meron, bakit?"
"Souns familiar, eh?" ani Lowell. Lumakas pa lalo ang pagkatok niya at narinig kong sinipa pa niya ang pinto. "Lumabas ka diyan, naiihi na ako. Hoy ano! Lalabas ka diyan or I will straightly pee on your face?"
Tinawanan ko lang siya pero nakalimutan kong lakihan ang boses ng pagtawa ko.
"Ah, you're the delinquent guy. C'mon, lumabas ka diyan. I'll shoot my pee straightly on your face pagkalabas mo diyan."
Binitbit ko ang bag ko bago ko buksan ang pinto. Sinipa niya ang pinto ang bumungad sa akin ang nakangisi niyang pagmumukha na noon ko pa gustong-gustong bangasan. Sinipa ko ang gitna ng mga hita niya dahilan para masaktan siya at mapa-atras sa akin. Sigurado akong nabayagan ko ang kurimaw na ungas na iyon.
"A-Araayy. F-f**k, stupid delinquent guy!" ang nasabi ni Lowell. Hindi ko maipinta ang reaksyon ng mukha niya dahil sa ginawa ko. Lumabas naman ang dalawa niyang tropang ungas sa cubicle at matapang akong hinarap. Nilapitan naman ako ni Justin.
"Teka, isa-isa lang mga greedy kayo masyado. One down na, sigurado akong triple kill kayo saking tatlo." Ani ko at aambahan ko sana siya ng isang malakas na sapak nang pigilan ako ng taong nasa likuran ko.
"Stop making mess, Harvey." Boses ni Bryce iyon at napalingon ako. Hawak-hawak niya ang kamay ko at pinipigilan niya akong masapak si Justin. "Enough, okay. Enough! Ano ba nangyayari sa'yo? Hindi na ikaw yung Harvey na nakilala ko noon. Hindi na ikaw yung dati kong Idol."
"Anong hindi na ako yung dati, Bryce? Ako pa rin 'to, naging bago lang ako sa paningin mo dahil sa kung ano-anong pinagsasabi nitong mga tropa mong kurimaw. Kung sa inyo pala yung shop na 'yun, why not asking that man if ninakawan ko nga kayo. Oo par, probinsyano ako, mahirap ako, at wala akong magandang sapatos pero hindi ako magnanakaw. Hinding-hindi ako magnanakaw ng ganoong bagay. Hindi pagnanakaw ang pinunta ko rito, at hindi rin ako nandito para husgahan niyo lang, paking tape! Nandito ako para baguhin ang sarili ko, at para ipagpatuloy ang pangarap ko. Pero dahil sa ginagawa niyo, nate-tease pa rin akong maging basagulero." Pagpapaliwanag ko. Hindi siya nakasagot at umalis na lang bigla ng restroom. Naiwan kaming apat kasama ang mga kurimaw 'to.
"Wow, Harvey the great pretender." Sabi ni Justin habang pumapalakpak ng mabagal.
"Pwede ba, hubarin mo 'yang suot mo, realtalk hindi bagay sa'yo. Saka huwag mong sabihing ninakaw mo lang din 'yan." Natatawang sab ni Leiv pero napayuko na lang ako.
"Kahit ano pang sabihin niyo, hinding-hindi ko na kayo papatulan. Maiinis lang kayo sakin pero wala kayong magagawa." Binigyan ko sila ng isang gitnang daliri at saka ako umalis.
Hinanap ko si Shai pagbalik ko ng classroom pero si Jo ang sumalubong sa akin. "Wow." Naka-O ang bibig ni Jonathan. "Perfect body for that perfect jersey. Hindi na ako magtataka kung bakit ikaw ang napili ni Shai, magaling talaga siyang kumilatis ng tao." Aniya at may inilabas siyang bagay mula sa kanyang bulsa. Cellphone pala ito at kinuhanan niya ako ng litrato. Kahit na inis na inis na ako nagawa ko pa ring ngumiti sa camera. "Great, I'll send it to Shai. Tara, let's go to clinic. Kailangan mo ng medical bago makapasok sa team." Inakbayan niya ako at sinamahan niya ako sa pagpunta sa clinic.
Tinest lang naman nila ang blood pressure ko, after that pinakinggan naman ng doctor ang t***k ng puso ko habang pinapa-inhale at exhale niya ako. "Salamat, Jo." Ang nasabi ko. Ewan ko ba kung bakit ako nagpapasalamat. Basta iyon kase ang natutunan ko sa probinsya, be thankful daw always pero ngayon ko lang nagawa.
"B-Bakit? P-Para saan?" pagtatanong niya.
"Wala. Kasi sinamahan mo ako. Saka..." inakbayan ko siya. "Ang bait-bait mo sakin, sayo ko naramdaman ang ibig sabihin ng friends."
"Ayt, friends pala tayo?" aniya at napatingin ako ng masama.
"Hinde ba? O edi hindi, sensya na. Assuming lang." sabi ko at napa-cross arms na lang ako.
"Eto naman si Harv, syempre magkaibigan tayo." Aniya at bigla niya akong niyakap patalikod. Damang-dama ko naman ang matigas na bagay mula sa kanyang harapan. Belt lang 'yun wag kayong ano. "Goodluck pala sa pagsali ng team, nandito lang ako para sumuporta. Ako na ang no.1 fan mo, idol na kita." Narinig ko na naman sa kanya ang salitang Idol.
"Idol agad? Hindi pa nga ako nakakasali sa laban, baka maging bangko lang ako."
"Basta, naniniwala ako na magaling kang manlalaro. Kung wala man sa team si Bryce, nandito ka naman Harvey. Patunayan mo sa kanya na hindi siya kawalan sa team, ipakita mo sa kanya na hindi lang siya ang malakas sa basketball. Ipakilala mo sa kanya kung sino ang makakatapat niya pagdating sa palakasan, at ikaw iyon Harvey. Ito na ang panahon mo, ito na ang panahon para ipakita mo ang galing mo. Ito na ang panahon para makilala ka ng ibang tao, be proud of who you are Harvey. Dahil wala sa pera ang galing kundi nasa pangarap. Pangarap ang magiging puhunan mo para makamit mo ang isang matamis na tagumpay." Nakinig lang ako sa sinabi ni Jonathan. Niyakap ko siya ng mahigpit dahil nagkaroon ako ng isang kaibigan na naniniwala sa kakayahan ko. Mayron pa rin palang tao na magtitiwala sa akin despite of all negative vibes. Mapalad ako, hindi dahil kasama na ako ngayon sa team. Mapalad ako dahil may sumusuporta at may nagmamahal pa pala sakin.
I'm so grateful that I had met Jo. Looks like, I earned a new friend, a new ally, and a new fan.