Kabanata 8

1116 Words
Kabanata 8 Play With Me Napagod ako sa buong maghapon na pag-eensayo namin. Todo suporta naman sa akin si Jo pati na rin si Shai. Ini-sponsoran din nila ako ng bottled water pagkatapos ng laro. Magagaling din ang mga varsity player ng campus na ito. Pero hindi kasing-galing ni Bryce. Mukhang si Bryce nga talaga ang kulang sa team na ito. Napansin ko kasing medyo mahina sa depensa ang team at iyon ang nakikita kong negatibo. Magagaling naman sila at mabibilis mag-shoot pero paano na ang depensa? "Ang galing mo, Bryce!" bati ni Jo. "I knew it. Magaling talaga itong si Bryce, at hindi talaga ako nagkamali sa pagpili." Sabi naman ni Shai. Tinapik-tapik niya ang dibdib ko. "Goodluck sa training, I'm here to support always." Aniya at saka umalis. "Ang galing ng team, noh? Pero may flaws, mahina masyado ang depensa niyo." Ani Jo habang naglalakad kami pauwi. "Oo napansin ko rin kanina, Jo. Mukhang iyon ang magiging problema namin pagdating sa totoong laban." Sabi ko. Napatingin sa akin si Jo at mukhang napansin niyang pagod na pagod ako at pawis na pawis galing sa training. "Punasan na kita?" "Ay hindi, h'wag na pre." Mabilis kong pagtanggi. Kaya ko namang punasan ang sarili ko. Biglang sumagi sa isipan ko yung nangyari kahapon sa bahay. s**t! Bakit ba ako nagpauto sa pinuno ng mga kurimaw na iyon? Bakit ko ba hinayaan ang sarili ko na punasan siya? Hays. "Okay ka lang? Gusto mo kumain muna sa labas?" "Ay hindi na. Kailangan ko na ring magpahinga." Pagtanggi ko. "Sige. Mag-ingat ka ah." "Ikaw? Hindi ka pa ba uuwi?" tanong ko. Umiling lang siya at inabot niya sa akin ang bag ko. "Hindi pa. Hindi naman ako athlete, pre. Sige umuwi ka na. Pagod ka na, oh." "Sige bye." Paalam ko at dire-diretso na akong naglakad patungo sa gate at hindi naman ako hinarang ng mga guwardiya dahil sa alam nilang player ako at kailangan ko nang umuwi. Pagkalabas ko ng gate ng school, namataan ko ang dalawang kurimaw na di umano nag-aabang pala sa paglabas ko. Nagtaka naman ako kung bakit panay ang pag-ngisi nila sa akin habang unti-unti nila akong nilalapitan. "Tignan mo, pre. Isang basketball player kuno ang nasa harapan natin ngayon." Ang sabi ni Lowell nakapang-football jersey. "Oo nga eh, naka-suot lang ng basketball jersey akala mo na kung sino." Sabi naman ni Leiv na nakapang-volleyball jersey. "Ano bang problema niyong dalawa? Bakit ba galit na galit kayo sakin? Ganyan ba talaga kayong mga inggit, galit na galit sa mga taong malulupit?" mayabang kong asta sa kanila. "Aba, aba. Ano ka sa tingin mo? Kaya mong tapatan si Bryce? Kaya mong palitan ang King ng Driftveil University?" sabi ni Leiv at pinagtutulak niya ako. Gusto ko na siyang sapakin pero nagpigil ako. Kapag ginawa ko ang malaking pagkakamali na iyon baka matanggal pa ako sa team. "Ano? Magsalita ka! Ba't ayaw mo pumalag, huh? Naduduwag ka na ba samin?" sabi naman ni Lowell. "Pwede ba, tigilan niyo na ako." Tinulak ko rin si Leiv. "Pagod na ako, kailangan ko na magpahinga. Sa ibang araw na lang kayo magpapansin sa idol niyo." Natatawa kong sabi habang iniwasan ko lang sila at naglakad ako papalayo. "Ulol! Palitan mo muna 'yang sapatos mo bago ka magyabang!" sigaw ni Leiv pero hindi na ako lumingon pabalik. Tama lang siguro yung ginagawa ko. Hahayaan ko na lang sila. Darating din ang araw na magsasawa din sila sa pang-iinis sakin. Darating din ang araw na hahangaan nila ako at mare-realize nilang nagkamali sila sa panghuhusga sakin. Maaga pa naman kaya napagdesisyunan kong magpasyal sa malapit na mall. Binalikan ko ang store na sinasabi nilang pagmamay-ari pala ng hari ng unibersidad namin na si Bryce. Kung sila ang may-ari ng shop, sino naman kaya ang nagbigay sakin ng sapatos? Kunwari akong napadaan sa shop at nagtingin-tingin. Pumasok din ako sa loob para pagmasdan pa ang ibang magagandang sapatos. Hindi lang pala sapatos ang binibenta nila rito. Ngayon ko lang napansin na marami pang magagandang bagay sa loob ng shop nila. Mayrong mga iba't-ibang jersey pati na rin mga iba't-ibang mga bola para sa iba't-ibang sports. Parang sports shop pala ang mayron dito sa loob. Sa hindi ko inaasahan, nasa loob pala si Bryce at nasa counter nagbabantay. Nagtama ang mga paningin namin pero agad akong umiwas. Napagdesisyunan kong lumabas ng shop pero agad niya pala akong sinundan at hinabol. "Wait!" hinawakan niya ang kamay ko. "I knew it, I knew you would come." "B-Bakit?" nauutal kong sabi. Ewan ko ba kung bakit ako kinakabahan. Wala naman akong kasalanan. Wala naman akong ginawang masama. Dala-dala niya pala ang kahon ng sapatos na kinuha sa akin ni Justin. "Hindi ko ninakaw yan, kahit tignan niyo pa yung CCTV niyo sa shop." "Wala naman akong sinabi ah, ibabalik ko na sa'yo 'to. Palitan mo na yang luma mong sapatos." Aniya. "Bakit? Ayoko, baka sabihin ng mga kaibigan mo ninakaw ko 'yan. Di ko matatanggap 'yan. Kaya ko namang magtiis sa sapatos na 'to. Di ko kailangan niyan." "Please, accept it again. Alam ko na lahat, Harvey. My dad gave it to you dahil galing ka pa raw sa malayo. My dad saw that you have a potential in playing basketball. And sorry, naiinis ako sa kanila. Kanila Justin, Leiv at Lowell, they judged you. At ako na ang humihingi ng tawad. I'm apologizing for insulting you, for judging you without seeing the real story behind." Aniya at pilit niyang binabalik sa akin ang sapatos. "Sige, tatanggapin ko ito." Sabi ko at tinanggap ko na ang sapatos. "Pero, babayaran ko 'to. Magkano ba 'to? Sapat na ba ang tatlong libo?" "No, no, no. That's free. Bigay 'yan sa'yo ni dad at wala kang dapat bayaran." "Hindi pwede. Lahat ng bagay pinaghihirapan. Gusto kong makuha ang bagay na ito kapalit ang isang bagay." Seryoso kong sabi at natawa naman si Bryce. "Seryoso ka talaga diyan?" tawang-tawa pa rin niyang sabi. "Oo, mahirap na kasing mahusgahan ngayon. Lalong-lalo na yung mga kaibigan mo. Akala mo kung sinong mayayaman, pare-parehas lang naman kaming estudyante't nag-aaral." Sabi ko. "You want to get that shoes in exchange of something?" tumaas ang kilay niya. "Oo, three-thousand pesos. Okay na ba 'yon? Sige, mag-iipon ako." "No, ayoko ng pera. I have a lot of moneys." "Eh, ano? Ano bang gusto mo? Gusto mo bang punasan ko lagi yang likod mo tuwing pawis ka? Gusto mo ba maglaro tayo ng basketball 1v1?" suhestiyon ko. "More than that, de joke." Tumawa siya. "Paanong more than that?" pagtataka. "Play with me, in bed." Sabay kindat niya na ikinalaglag ng panga ko. WHAT THE HECK! Seryoso ba ang ulopong na 'to? Pero parehas kaming lalaki? Iww.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD