Kabanata 9

2069 Words
Kabanata 9 Focus On Me Biyernes ngayon at may event pa rin na nagaganap sa school. Usap-usapan nga na tutugtog ang banda nila kuya Nathan back to back with banda nila kuya Bruce. Tinatamad akong pumasok dahil wala namang gagawin. Buong maghapon lang siguro kaming nasa gym para manood ng mini-concert nila. Gusto ko sanang mag-training ulit kaso gagamitin nila ang gym para sa event. "Okay ka lang ba?" tanong ni Jo. Nasa loob kami ng classroom at naghihintay ng announcement kung kailan aakyat ang section namin sa gym. ICT kasi ang strand ko at syempre hindi namin event ngayon kaya hindi kami priority na mauna sa pag-akyat sa gym. "Okay lang, ikaw?" pabalik kong tanong sa kanya. "Oks lang din, pre. Narinig ko yung balita ah." "Huh?" pagtataka ko. "Tungkol saan ba?" "About doon sa shoes na ibinigay sa'yo. Narinig ko kasi yung usapan nila Leiv, Lowell at Justin sa restroom kanina. Naiinis daw sila kay Bryce at sayo dahil binalik sa'yo yung sapatos na ninakaw mo?" aniya "Ah iyon ba. Hindi ko naman ninakaw yun. Maiinis lang sila pero wala silang magagawa." Sabi ko. "Yan tama 'yan, Harvey. Ipakita mo sa kanila na magaling ka at deserve mong matanggap iyong sapatos dahil binigay sa'yo 'yun ng kusa at walang bayad." Pvtek! Bigla ko namang naalala iyong nangyari noong isang araw. [FLASHBACK] "You want to get that shoes in exchange of something?" tumaas ang kilay niya. "Oo, three-thousand pesos. Okay na ba 'yon? Sige, mag-iipon ako." "No, ayoko ng pera. I have a lot of moneys." "Eh, ano? Ano bang gusto mo? Gusto mo bang punasan ko lagi yang likod mo tuwing pawis ka? Gusto mo ba maglaro tayo ng basketball 1v1?" suhestiyon ko. "More than that, de joke." Tumawa siya. "Paanong more than that?" pagtataka. "Play with me, in bed." Sabay kindat niya na ikinalaglag ng panga ko. [END OF FLASHBACK] "Huy? Ayos ka lang? Ba't ka tumatawa ka diyan?" aniya at bumalik ako sa wisyo. Hindi ko namalayan na natatawa na pala ako dito na parang baliw dahil sa naalala ko ang sinabi ni Bryce. "W-Wala. Nevermind, pre." Ang nasabi ko na lamang at lumabas ako ng classroom para magpahangin. Oo malamig sa room dahil may aircon. Pero mas gusto ko kasi yung fresh na hangin. Naalala ko na naman tuloy ang probinsya. Mas masarap kasi ang simoy ng hangin doon kaysa dito. "Aba-aba, nandito pala ang mayabang na bagong miyembro ng team." Alam kong boses iyon ni Justin. Sino pa bang hindi makaka-alala sa boses na 'yun, araw-araw ba naman yata akong iniinis at binu-buwisit. Nilingon ko siya at pinasadahan ko siya ng tingin mula ulo hanggang paa. Pagkatapos ay bumalik ako sa pagtingin sa quadrangle. "Hoy, ikaw." Nilapitan niya ako at tinignan ng masama. "Anong ginawa mo? Bakit nakuha mo pabalik yung sapatos? Siguro nauto mo si Bryce? Anong ginawa mo sa kaibigan namin? Ba't ikaw na yung pinapaniwalaan niya kaysa saming mga totoo niyang kaibigan?" sunod-sunod niyang pagtatanong pero natawa na lamang ako. Muli ko na namang naalala ang nangyari noong isang araw sa tapat ng shop nila Bryce. [FLASHBACK] "Gago! Anong bed-bed ka diyan! Pareho tayong lalaki at hindi ako pumapatol." Inis kong sabi sa kanya. "Ay, ayaw pa. Choosy pa. Ikaw na nga nilalapitan parang talo ka pa?" aniya habang humahalakhak. "Di bale na lang, sa'yo na 'tong sapatos mo." Ang sabi ko pero umiling lang siya. "Eto naman syempre biro lang. Sige, payag na ako. Pupunasan mo lagi ang mga pawis ko pagkatapos ng laro ko. Deal?" "Deal, sige." Mabilis kong sabi. Pero late ko na nang na-realize na parang nakakahiya palang maging tagapunas ni Bryce. Parang ang OA pero bahala na. Para 'to sa sapatos. [END OF FLASHBACK] "Tinatawanan mo ba ako? Naliliitan ka saken? Maliit lang ba tingin mo saken huh?" aniya't napatingin ako sa kanya. "Wag ka ngang assuming, pre. May naalala lang ako kaya ako natawa. Isa pa wala akong ginawa kay Bryce. Kasalanan niyo yan kung bakit ako ang mas pinapaniwalaan niya kaysa sa inyo. And lastly, kung mayron mang totoong kaibigan dito. Hindi kayo kundi ako." Mahinahon kong sabi at saka ko siya nginisian. "Well, well, well. I can't believe it. Paano nangyari 'yun? Why would the King of basketball believe in to you? What the heck is happening here?" hindi ko na maipinta ang mukha niya. Napapaimpit na lang ako sa pagtawa dahil ang taga-Maynilang ito ay naguguluhan na sa pag-iisip kung paano nangyaring nakuha ko ang tiwala ni Bryce. "Just believe it. Open your heart, bro. And also, open your mind. Stop thinking negative thoughts on me. Tao lang din ako, pare-parehas lang tayo. Ang pinagkaiba lang naman natin ay mas mapera ka kaysa sakin. Pero I'm just an ordinary guy like you, pareho lang tayong nag-aaral dito. At please stop judging me for who I am nang hindi mo alam ang buong pagkatao ko. Remember the Swedish proverb, love me when I least deserve it because that's when I really need it." Ang sabi ko at nalaglag lang ang panga niya. Sana naman ma-realize na ng kurimaw na ito na mali ang iniisip nila sakin. Oo nagkamali ako noong una, naging siga-sigaan ako sa kanila kahit na hindi ko pa man sila kilala noong una. Pero sa pagkakamaling iyon, natuto na ako magpahalaga sa mga bagay-bagay. Natuto na akong mahalin ang sarili ko at ang ibang tao. Ang mahirap kasi, nagkamali ka lang ng isang beses. Puro mali na lang ang iisipin nila sayo dahil lang sa isang pagkakamaling nagawa mo. Yes I am a probinsyano, and I'm proud of it. Simula ngayon hindi na ako gagawa ng kalokohan. I'll start changing myself, I will start redeeming myself to become a better person. To transform into a new person na ipagmamalaki ng pamilya ko. And I'll start fixing those damages na nagawa ko. "Sorry, Justin pero iyon ang totoo. Kung nakitaan ko kayo ng attitude ko noon, sorry. I'm apologizing. Sana maging magkakaibigan tayong apat nila Bryce." Nakangiti kong sabi. "In your dreams. Never!" matigas niyang sabi at saka siya umalis. Hinayaan ko na lang siya na umalis. Kung ayaw nila saken, it's fine. I had a lot of friends. At grateful pa din ako dahil nakilala ko sila. Dahil sa kanila mas nakilala ko pa ang sarili ko. "K-Kuya?" napalingon ako sa boses ng isang babae. Nasa likuran ko siya at nakangiti siya sakin. "B-Bakit po?" "Wala. I saw you and Justin were talking pero hindi ko naman narinig ang usapan niyo. Magkakilala ba kayo or something?" tanong niya. Pinagmasdan ko ang uniporme niya at mukhang may pagka-nerd ang babaeng ito. Nakasalamin siya pero mas nagpa-attract sa akin ang kanyang short hair. "Nah, he's just a fool. Magkakilala pero hindi magkasundo." Tumawa ako. "Ay ganoon ba? I am Hayce, and you? Mukhang bago ka rito ah?" inabot niya ang kamay niya at nakipag-shakehands ako. "Harvey Gabriel." "Ay weh! Ikaw pala yung kapatid noong boyfriend ni Nathan Alvarez. Waaaahhh! Mamaya na 'yung tugtog nila. By the way crush ko 'yun si kuya Nathan pero mas crush ko yung kausap mo kanina." Maharot niyang pagkasabi habang hinahampas-hampas pa niya ako. Ang weird naman ng ganitong babae. Kakakilala pa lang namin pero ang feeling close na niya. "Talaga ba? Crush mo yung kurimaw na 'yun?" natatawa kong sabi. "Oo naman bakit? Ang galing-galing niya kayang player." Tinignan ko ang mga pumupuso niyang mga mata habang nagsasalita. Nilarawan niya pa sakin kung gaano daw kasarap at ka-hot itong si Justin. Aba'y manyak pala itong babaeng 'to. "Player siya? Talaga? Never heard of him na player pala siya." Napailing lang ako. Ngayon ko lang kasi nalaman na player din pala ang kurimaw na iyon. "Yeah. He's an ace player of basketball before, pero ngayon tennis table na ang focus niya. Sporty talaga 'yun si baby Justin." Aniya. May kinuha siyang something sa bag niya na parang maliit na notebook, pero ganoon na nga. Maliit na pink na notebook ang inabot niya sa akin. Nagtaka naman ako kung ano ang laman nito at hindi ko ito mabuksan dahil may password pang kaartehan ang notebook na ito. "Pakibigay naman ito sa kanya, tutal magkakilala naman kayo. Balitaan moko kinabukasan, dito lang ako sa tabing room ninyo. HUMSS student ako. At pakisabi sa kanya na 143 ang password ng notebook na 'yan. Bye na ah." Sabi niya at mabilis siyang tumakbo papalayo sakin. "Hoy! Teka lang!" pahabol ko ngunit nakalayo na siya. Naiwan akong mag-isa dito sa hallway habang ninanamnam pa rin ang malamig na simoy ng hangin. Maya-maya ay naramdaman kong may kumalabit sa akin at si Shaira pala ito. May dala siyang shopping bag galing sa iba't-ibang produkto. "Wow, ano 'yang notebook na 'yan? Looks like, may chics ka na agad dito ah." Panloloko niya sakin. "Oh here, I brought you these things. Bonus kong regalo 'yang mga yan dahil sa pagsali mo sa team. Wag ka nang mahiya, tanggapin mo na lang 'tong mga 'to. Mga shirts lang yan tapos perfumes and other men stuff." "Naku, ang dami naman nito. Hindi ka na dapat nag-abala pa, Shai." Nahihiya kong sabi. "No, deserve mo matanggap 'yang mga 'yan. You're the new king here, and every king deserves a crown. Pero yung crown mo wala pa, we'll look for it pagtapos ng league. Goodluck, lindo." Aniya at nakipag-beso. "Lindo?" pagtatanong ko. "Ano yun?" "Meaning, cute. Sige bye na, see you later sa gym." Umalis na siya at bumalik naman ako sa classroom. Pagkabalik ko ay nakita ko si Jonathan na naglalaro ng sa kanyang cellphone. "You have slain an enemy." Rinig kong sabi sa cellphone niya. "What's up? Kay Shai galing 'yang mga 'yan ano?" tanong niya sakin habang tinitignan ang laman ng bawat shopping bag. "Yup. Gusto mo sa'yo na lang. Masyadong marami eh. Baka magtaka si kuya Russel, baka sabihin niya ginagastos ko ang pera ko." "Hindi yan. Edi sabihin mo regalo lang 'to dahil sa pagsali mo ng team." Sabi niya at napatahimik ako. Hindi pala alam ni kuya Russel na sumali ako ng team. Hindi rin niya alam na nagsisimula na akong mag-training. Ano nang gagawin ko? Ano nang sasabihin ko sa kanya? Bigla kong nabitawan ang mga dala-dala kong shopping bag at natulala. "Oy, pre. Anong nangyari sa'yo?" napatayo si Jo sa kanyang kinauupuan. "W-Wala, pre. Nahilo lang." napaupo na lang ako at nag-isip ng malalim. Naalala kong napilitan pala akong tanggapin ang alok ni Shai dahil binigyan niya agad ako ng jersey at wala na akong nagawa kundi ang tanggapin iyon. Ngayon naman, tinanggap ko itong mga bagay na ito na mula sa kanya. Tanggap lang ako ng tanggap pero hindi ko alam kung tanggap din kaya ng ibang tao ang pagtanggap ko sa isang bagay. Matatanggap din kaya ng ibang tao ang bagong ako? "Hey, dude. Listen. Look at me, okay?" Paano kung ibalik ako sa probinsya dahil mas inuna ko pa ang pagsali ng team kaysa pag-aaral? Ayoko naman mangyari iyon dahil nandito na ako. Nandito na ako at dapat ituloy ko ang laban. Dapat ituloy ko na ang pagsali ko sa team at wala nang makakapigil pa sakin. "Par? Uyy, what's happening? Are you alright?" Nandito ako hindi lang para makapagtapos ng pag-aaral. Nandito rin ako para maabot ko ang pangarap ko. Ang maging isang magaling na manlalaro. Isang magaling na manlalarong kikilalanin ng buong campus na ito at isang manlalarong ipagmamalaki ng pamilya ko. Alam kong sa una mahirap ito pero kapag nalaman nila ang husay ko, maniniwala din sila sa sakin. Maniniwala din sila sa kakayahan ko pagdating ng araw. "Pre, ano ba!" sigaw ni Jo at bigla akong nakaramdam ng isang malakas na suntok. Dumapo ang kamao niya sa pisnge ko at talaga namang napabalik ako sa wisyo. "Focus on me, okay? Sorry pare pero mukhang may problema ka, eh. Sabihin mo naman sakin, mapagkakatiwalaan mo ako. Nandito lang ako kapag may problema ka. Wag mong solohin 'yan pare. Alam kong may problema ka." Napatingin ako kay Jonathan. Kung siya kaya ang nasa sitwasyon ko, maiintidihan niya kaya ako? Kung siya ang kuya ko, maiintindihan niya kaya ang dahilan ko kung bakit ako sumali ng team? Kung siya ang pamilya ko, matatanggap niya kaya ako? Hindi ba siya tututol sa mga sarili kong desisyon? Sa mga sarili kong desisyon na padalos-dalos at hindi ko man lang nahingi ang approvement ng iba. Tama ba itong desisyon ko? O ito ang magiging dahilan sa ikapapahamak ko? Hays.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD