Kabanata 10
Fan
May mga gusto talaga tayong gawin sa buhay ngunit hindi natin alam kung gusto rin ng ibang tao. Pero minsan, kailangan nating ipaglaban ang mga gusto natin dahil buhay natin ito eh. Ito ang gusto natin. Katulad ko na nasa ganitong sitwasyon, maaga akong gumising dahil nagplano si Bryce na maglalaro daw kami sa rooftop. May half court sa taas pero kahit ganoon lang kaliit, kumportable na kaming maglaro doon. Gusto kong makita ni kuya Russel ang suot kong naka-jersey para malaman niyang seryoso ako sa paglalaro ng basketball.
"Harvey, ba't ang aga mo magising? Ba't ka naka-jersey? Saan ka pupunta?" sunod-sunod niyang pagtatanong.
"Ganoon talaga kuya, maaga ako gumising kase maglalaro kami ni Bryce sa rooftop." Tugon ko.
"Ah, talaga. Ayusin mo lang ah, baka may mga assignment ka gawin mo muna bago kayo maglaro."
"Don't worry tapos na kuya." Ang sabi ko habang inaayos ko ang buhok ko. Confident na confident ako habang suot-suot ko ngayon ang jersey ng team. Hindi iyon napansin ni kuya noong una pero maya-maya ay napansin na rin niya ang suot ko.
"What the f-" nalaglag ang panga niya nang mapansin niya ang suot kong jersey. "Ano 'tong suot mo? Ba't mo suot 'to?" hinawakan niya ang jerseyng suot ko.
Tinignan ko lang siya habang nakangisi. "Bakit?"
"P-Pano nangyari 'to? Pano nangyaring kasali kana sa Senior Kings? Paano ka nakasali sa league?" gulat na tanong ni kuya Russel. Hindi pa rin siya makapaniwalang nakasali ako sa team.
"Because of Shai, my classmate. Sinali niya ako sa team, kuya." Masaya kong sabi pero nakasimangot pa rin siya.
"Shai? Shaira? Ex 'yun ni Bryce, 'di ba?" tanong niya at tumango-tango ako. "Ba't ka niya sinali? Kinakabahan ako, Harvey. Baka may motive si Shaira sa'yo kaya ka niya sinali sa team. Alam mo mas mabuti pang mag-quit kana habang maaga pa. Ayokong mapahamak ka, Harvey. Hindi mo kilala si Shaira, Harvey. Binabalaan na kita. Kapatid siya ni Raiza, yung ka-batch namin na pokpok. Baka mamaya mapabilang ka na rin sa mga exes ni Shaira. H'wag na h'wag kang magpapa-ano doon, sinasabi ko sa'yo."
"Ano kaba kuya, mabait kaya si Shaira. Nakakasiguro naman akong wala siyang hidden agenda sa pagsali ko. Sinali niya ako dahil kailangan nila ako." Tugon ko habang ini-spray ko na sa katawan ko ang pabangong binigay ni Shaira.
"At saan naman galing 'yan?" napakunot ng noo si kuya.
"Kay Shai-"
"Kay Shai? Alam mo inuuto ka lang ng babaeng 'yan. Bahala ka. Matigas talaga ang ulo mo. Hindi ka pa rin talaga nagbabago, nagpapadala ka pa rin sa mga tukso. Baka sa susunod, mapabayaan mo na ang pag-aaral mo, Harvey."
"Wala ka bang tiwala sakin, kuya? Ganyan ka ba talaga? Kapatid ba talaga kita?" padabog kong nilapag ang pabango sa may lamesa.
"Nag-aalala lang ako sa'yo, kase kapatid kita." Sabi ni kuya at niyakap niya ako ng mahigpit. "Ayoko lang naman mapahamak ka, Harvey. Ayoko lang din na masaktan ka, katulad ni Bryce."
Hindi ko pa rin alam kung anong naging dahilan ng paghihiwalay nina Bryce at Shaira. Hindi ko alam kung anong nag-udyok sa akin pero pagkatapos ng isang game namin ni Bryce ay agad ko itong tinanong sa kanya habang umiinom siya ng tubig.
"Pre, ba't kayo ng break ni Shaira?" diretso kong tanong sa kanya dahilan para maubo siya habang umiinom ng tubig. "Sorry." Pagpapasenya ko.
"Bakit? Curious ka?" natatawa niyang sabi. "Punasan mo muna ako, tol." Sabay inabot niya sakin ang tuwalyang dala niya kasabay ng paghubad niya sa kanyang pang-itaas.
Maganda ang hubog ng katawan ni Bryce. Napakagandang lalaki niya at napakagaling pa pagdating sa paglalaro kaya mas lalo ko siyang hinahangaan. Di ko maiwasang mapatingin sa maganda niyang likuran habang pinupunasan ko ito. Halos mapiga na nga ang dala niyang tuwalya dahil sa dami nang nasipsip na pawis sa likod ng katawan ni Bryce. Humarap siya at pinapunasan niya rin sa akin ang pawis niya roon. Nakangisi lang siya habang pinapanood akong nagpupunas ng kanyang pawis.
"B-Bakit, tol?"
Umiling lang siya. "Wala. Cute mo."
Sinuntok ko lang siya dahil sa kanyang pambibiro. "O, ayan na. Dami mong pawis."
"Mabuti naman at sinuot mo 'yang sapatos na binigay sa'yo ni daddy." Aniya. "O, eto. Tubig."
Inabot ko naman ang bote ng tubig na binigay niya sakin. Habang iniinom ko ito hindi ko inaasahan na bigla siyang magsasalita.
"May nangyari samin ni Shaira before." Aniya at naubo din ako sa kanyang sinabi. "May nangyari pero I'm sure na wala namang nabuo." Pinagpatuloy lang niya ang pagsasalita at ako nama'y nanahimik at nakinig na lamang sa kanyang mga sinasabi. "This past years, when we were a juniors. Ace player na ako noon pa, pero sa mga baranggay league lang ako sumasali. 13 years old lang ako that time pero suki na ako sa mini league. Then, the time has come. I've met Shaira, she's pretty, wise and dominant. She's dominant kaya pati ako nakuha niya, nadale niya. Naging kami kahit na alam kong masyado pa kaming mga bata. Mapupusok lang talaga kami that time. Nagkaroon ng party sa bahay nila dahil it's her 15th birthday. Nagkayayan mag-inuman kasama ako pati na yung tatlo kong tropa. Syempre nalasing kaming lahat hanggang sa lima na lang kaming natira. Ang akala ko inuman lang ang magaganap pero may iba pa palang mangyayari noong panahon na 'yun. Syempre ako walang kamalay-malay. Kinabukasan noon, nalaman kong nilagyan pala ni Shaira ng vetsin yung alak na iniinom ko. Inamin niya iyon sakin and she f****d me up while I am unconscious. Syempre ako nagulat, hindi ko kasi akalain na magagawa niya yun sakin. The girl that Ive trusted the most, is the one who destroy my trust too. Kaya mula noon, hindi na ako sumasali sa team dahil alam kong siya ang pilit ng pilit sa akin na sumali kahit na ayaw ko. Dahil kilala ko na siya, kilala ko na ang ugali niya. She using guys para matikman niya lang at mapagsawaan. Wala siyang pinagkaiba sa sister niya. They were same slut. Same b*tch and same fuckers!"
Nalaglag ang panga ko sa mga sinabi ni Bryce. Totoo kaya ang sinasabi niya? Kase kung ganoon, ibig sabihin tama si kuya Russel. Shaira has a hidden agenda kaya niya ba ako pilit na sinali sa team? The focc, dapat ngayon pa lang mag-quit na ako. Tama nga si kuya, baka mapahamak pa ako dito ng wala sa oras.
"Kaya ikaw mag-ingat ka." Tumingin siya sa akin. Tinignan niya rin ang suot-suot kong jersey. Nakakahiya, parang gusto ko na itong hubarin. Hindi ko deserve na masuot itong jersey na 'to. "Beware of Shaira, lalo pa't kasali ka na pala sa team." Napatawa siya. "How self-willed she are? So dominant, lahat talaga ng gusto niya nakukuha niya. Ginagamit niya ang pera niya para makapang-akit ng ibang lalake. Akala ko noong una mabait siya, pero isa palang puta. Sorry for the word, tol. Pero iyon ang totoo, kaya nga nagalit ako noong niyaya mo akong sumali sa team pero hindi naman kita sinisisi, dahil alam kong si Shaira ang may kagagawan nito. Basta, h'wag na h'wag kang magpapa-tukso sa kanya. Payong kaibigan lang, tol." Aniya at tinapik-tapik niya ang balikat ko.
"Salamat sa payo, tol. Kaya idol talaga kita eh." Sabi ko.
"Wala 'yun, tol." Pinatayo niya ako mabilis niya ako hinagkan ng mahigpit. Damang-dama ko ang init ng katawan ni Bryce. Ang sarap sa pakiramdam pero focc, ba't ko ba sinasabi 'to? Easy lang Harvey, walang malisya 'to. Magkaibigan lang kayo. "Mag-ingat ka ah, alis na ako." Aniya at saka siya umalis. Naiwan naman akong mag-isa habang pinupunasan ang sarili kong pawis. Pagkatapos ay hinubad ko na ang pang-itaas ko para mas lalo kong madama ang simoy ng hangin dito sa rooftop. Mahangin kasi dito lalo na kapag dumating ang hapon at gabi.
Mag-isa lang ako ngayon dito sa rooftop kaya malaya akong nakapagnilay-nilay. Iniisip ko kung itutuloy ko pa ba ang pagsali ko sa team o hindi na lang dahil sa mga nalaman ko kay Bryce. Tama rin pala si kuya Russel, bilib na bilib talaga ako sa kuya ko lalong-lalo na kay Bryce. Kaya ko siya iniidolo, dahil magaling siya at matalino. Nauto siya noon ni Shaira pero hinding-hindi na muli siya magpapa-uto ngayon. And that's why I've been a fan of him. Gusto ko maging katulad pa ni Bryce. I want to be like him. I like his attitude, I like his kindness, and also I like the way how he act wiser not only in the game but in his decisions also. Sa kanya ko natutunan na kailangang maging wise sa pagdedesisyon dahil maiiwasan mong mapahamak kapag naging tama ang desisyon na pinili mo. Kailangan mo munang pag-aralan ang magiging resulta bago ka magdesisyon. Pero ako nagkamali ako, basta-basta ako nagdesisyon na sumali sa team kaya tiyak kong matutukso rin ako ni Shaira pagdating ng panahon. I have to think and to act. Tapusin na ang dapat tapusin habang maaga pa. Kailangan ko nang kumilos para hindi ako matulad kay Bryce. Laking pasasalamat ko kay Bryce dahil sa kanya mas lalo ko pang nakilala si Shaira at ngayon ay hindi na ako curious kung ano at sino nga ba si Shaira. Pero si Jonathan? Sino nga ba siya? Isa ba siya sa mga kasabwat ni Shaira? Biktima rin ba si Jonathan o isang mambibiktima? Tapos ako na pala ang tina-target nila? Jusko.