Simula

2757 Words
Simula "Wtf! Seryoso ka pre?" Kausap ko ngayon sa telepono ang kaibigan kong si Junjun. Tinawagan ko siya dahil bigla ko siyang namiss. Ilang araw pa lang ako nandito sa Maynila pero parang susuko na ako, parang gusto ko na umuwi. Kaso naalala kong ayaw ko pala magtrabaho sa bukid. Mas mabuti na rin siguro 'to, para sa kinabukasan ko rin 'to at sa pamilya ko. Gusto kong makapagtapos ng pag-aaral para sa magiging pamilya ko sa future. Pero kapag naalala ko naman ang mga naiwan kong kaibigan sa probinsya, parang nag-aalangan na akong mag-aral dito. Isa pa, promdi ako, hindi ako sanay sa mga bagay-bagay na nandirito. Bakit ba kasi dito pa ako pinag-aral nila mama? Nakakainis. Nangako naman akong hindi na ako mag-iinom at mag-yoyosi sa tuwing oras ng uwian eh. Naging ganito lang naman ako dahil sa mga babaeng nanloko sakin. Parang pakiramdam ko, hindi na talaga ako kamahal-mahal at wala akong kwenta sa mundo kaya't nilulubos ko na sa pamamagitan ng mga bisyo. "Oo pre. Mami-miss ko kayo diyan nila Obet. Mag-iingat kayo palagi diyan at mag-aral kayo mga unggoy!" napatawa ako sa aking sinabi. "Oo naman. H'wag mo kaming problemahin dito, ang isipin mo kung paano ka makakatagal diyaan sa Maynila. At saka nakapag-enroll ka na ba?" tanong niya. "Oo pre. Mabuti nga't tinanggap pa ako dito sa may university na malapit. Nagmakaawa pa sila kuya Nathan at Carl sa director para lang papasukin ako kahit na 2nd semester na." "Ayos lang yan pre, malay mo maraming mga chics diyan. Maynila eh." Narinig ko ang pagtawa niya sa kabilang linya. "Wala na akong pakialam sa mga chics na yan, basta ang mahalaga ngayon makapagtapos ako ng pag-aaral. Para pagkatapos noon, easy money na lang." "Magta-trabaho ka agad pagkatapos mo mag-graduate? Anong trabaho ba yan? Callboy?" tumawa na naman siya ng malakas. "Gago ka Jun! Magta-trabaho ako sa mga fastfoor or restaurant. Basta bahala na, kung ano man ang ibigay ng kapalaran sa akin tatanggapin ko." "Sige sige pre, mamaya na lang ulit. Inuutusan pa ako ni mama na magpakain sa mga hayop dito. H'wag mo kami kalimutan ah! Saka pagbalik mo rito dapat may fansign na ako mula kay idol Nathan, ah?" "Sige, Jun. Salamat sa oras pre." Binaba ko na ang linya. "Sino 'yang Jun na 'yan?" Napatalon ako sa gulat nang malaman kong nasa tabi ko na pala si kuya Russel. Kanina pa yata siya nandirito sa tabi ko at napakinggan niya lahat ng mga naging pag-uusap namin ng kaibigan kong si Junjun. "W-Wala, kuya. Kaibigan ko lang." sabi ko habang napakamot ako sa ano. Sa buhok. "Kaibigan o jowa?" Umiling ako. "Kaibigan ko nga, kaklase." "Ayusin mo lang huh? Pag-aaral ang pinunta mo rito at hindi pagwa-walwal, pagbubulakbol, at pamba-babae." "Alam ko. Saka kailan ba raw yung pasukan?" pagtatanong ko. "Bukas na!" "Anak ng? Bukas na agad?" gulat kong tanong. Kasi naman, ika-tatlo pa lang ng enero bukas pero pasukan na naming agad. Ano ba namang klaseng unibersidad 'yan? Kakaasar. "Yeah. Bukas na. Agad-agad kaya wala ka nang magagawa pa. Matulog ka na ng maaga dahil whole day ang klase mo." "Anak ka ng? Whole day?" pasigaw ko pa ring tanong. "Syempre charot lang. 7-1pm ang pasok mo kaya kailangan 5:30 pa lang gising ka na. Ihahatid ka sundo mo sa labas." Tugon ni kuya Russel. "Wow, bigtime tayo ah. Kotse ba yun ni kuya Nathan o school bus?" tanong ko. Napa-impit siya sa pagtawa. "Mali, jeepney ang sundo mo. Wag kang mag-assume. Mahirap lang tayo tol." Kabadtrip! Umasa pa naman ako. Pumasok na lang ako sa kwarto para matulog. Nakadama ako ng excitement na may halong kaba. Hays. Ano kayang kapalaran ang naghihintay sa akin doon? Marami bang chics doon? Ako lang yata ang mahirap doon sa kanilang lahat bukas. Sana makasundo ko ang mga kaklase ko kahit na isa akong probinsyano. Pero hindi naman siguro magiging hadlang ang pagiging promdi ko. Pare-parehas lang naman kaming mga tao na mababaho ang amoy ng jerbaks. Ew! Gross! "GISING NA HARVEYYYYY! GISING NA HARVEYYYYY!" Nagising ako dahil sa ingay na nagmumula sa cellphone ko na nasa tabi ko lang pagtulog. Alarm pala iyon at voice record pa ni kuya Russel ang alarm tone nito. Sht! Pano niya nagawa yun? Nabuksan niya ba 'tong phone ko? Eh fingerprint sensor 'to ah. At saka hindi ko naman pina-paalam sa iba ang password ng cellphone ko. Mahirap na at baka may makadiskubre ng mga laman ng gallery ko. Paktay na kung nakita iyon ni kuya Russel. Napalingon ako sa tabi ko at tanging humihilik na kuya Russel lang ang nakita ko. Five thirty-two na pala ng umaga. Napagdesisyunan ko na rin na bumangon upang maligo sa banyo. Gising na gising ako ngayon at hindi ako nakakaramdam ng antok. Siguro nasanay na rin ako sa probinsya na palaging maagang gumigising para sabay-sabay na mag-almusal. Pero ngayon ako na lang yata ang mag-isang gigising at mag-aalmusal. Mamaya pa kasi ang pasok ni kuya Russel. Ayoko naman siyang gisingin o istorbohin. Malaki na ako, kaya ko na ang sarili ko. Hindi na dapat pa ako nahingi ng tulong sa iba. Kailangan ko masanay tulad ni kuya Russel. Bilib talaga ako sa kuya ko kahit na hindi siya straight na lalake. Naligo, check! Nag-almusal, check. Nag-toothbrush, check. Nag-pabango, check. At ngayon kompleto na. Estudyanteng-estudyate na ang datingan ko sa suot kong uniporme na ito. Iniwan ko na si kuya Russel na mag-isang natutulog sa apartment. Pagkababa ko sa mataas na apartment ay agad akong sumakay sa jeep na nakita ko. "Manong, bayad po." Sabay abot ko ng sampung piso. "Saan 'to?" Putakte! Nakalimutan kong tanungin kay kuya Russel kung saan ang unibersidad niyang pinapasukan. "Ah...Eh... Pasensya na po manong, bagong salta lang po ako rito." "Hmmm, I see. I see." Pag-iingles ni manong driver. Mabuti na lang ako at ako palang ang kanyang pasahero. Nasa tabi niya ako dahil dito ko talaga trip na umupo sa harapan ng jeepney katabi ang driver. "I know your school, ibababa na lang kita doon." "Sige. Salamat po manong." "Don't call me manong, just call me boss." "Ah... Salamat po, boss." Ngumisi ako. Ang aga-aga ini-ingles ako ni manong este boss. Hindi ba niya alam na mahina ako sa subject na 'yan. Ilang minuto lang ang naging byahe dahil wala namang gaanong traffic sa ganitong oras. Binaba ako ni boss sa tapat ng school na papasukan ko. Unang tapak ko palang dito parang napapa-atras na ako. Nasa tapat ako ng gate at nagdadalawang-isip pa akong pumasok. Nasa gate pa lang ako nang magsimulang magtulakan ang mga kalalakihan sa likod ko. Ganito ba talaga ang mga ugali ng mga taga-Maynila? Walang disiplina tsk. "Tabi." Nabangga ako ng lalaking nasa likod ko kaya naman mabilis akong gumanti. Hinabol ko ang lalaking iyon sa canteen at binigyan ko siya ng isang malakas na pagtulak dahilan para tumumba siya sa sahig. "Anong problema mo? Siga ka, ah!" sigaw niya. "Ikaw." Tinuro ko siya. "Anong problema mo? Kung makabangga ka ah!" asta ko. Tumayo siya. Ngayon ko lang napansin na marami pala siyang mga kasama. Mga tropa niya siguro. Tatlo ang kasama niya at lahat sila ay nanlilisik ang mata sa akin. Nilisikan ko rin sila ng mata. Baka gusto nilang matikman ang bagsik ng isang probinsyano. "Anong problema nito, pre?" tanong ng lalaking nasa kanan niya. "Ang yabang eh. Mukhang bago lang naman." Tugon ng lalaking bumangga sa akin. "Ano, pre? Mukhang maangas ang isang 'to." Sabi naman ng nasa kaliwa niya. "Bangasan ko na ba?" tanong ng lalaking bumangga sa akin. Tumango naman ang mga kasama niyang lalaki at unti-unti siyang lumapit sa akin. Ito na ang pinakahihintay ko. Makikipag-duelo na siya sa akin at makikipagbunuan hanggang masira ang kanyang mukha. Lilipad palang ang kamao ko nang may pumigil sa akin sa pag-landing nito sa mukha ng bumangga sa akin. Nilingon ko ang taong pumigil sa akin. Kilala ko itong taong ito at labis akong nagulat dahil dito rin pala siya nag-aaral. "Harvey, stop. Mga tropa ko yan." Aniya "S-Sorry." Napayuko na lang ako sa hiya. Pinagtitinginan na kami ng mga estudyanteng kumakain sa loob ng canteen. "Seriously, Bryce. Kilala mo yan? Yang mayabang na yan?" tinuturo ako ng lalaking bumangga sa akin. "Oo. I know him. He's the brother of my brother's friend. He's Harvey, guys." "Well. Hello Harvey." Inabot ng lalaking bumangga sa akin ang kamay niya. Ngumiti pa ito. Ayoko sanang pansinin ang kaso nandito pala ako para mag-aral at hindi makipag-away. Kaya siguro tatanggapin ko na lang ang pakikipagkamay niya kahit na labag ito sa kalooban ko. "I'm Lowell." "Harvey." Wika ko. "Pasensya na kanina ah." "Wala yun. Pasensya na rin sa pagbangga ko kanina dahil sa pagmamadali." Aniya at bigla naman niya akong niyakap. May naramdaman akong matigas na bagay sa harapan niya. Uh, belt lang pala. Ang akala ko dinidikit niya sa akin ang ano niya eh. "Well. Welcome dito sa school namin. Sa school na kung saan kami ang mga heartrob." Proud na proud na sabi ng lalaking nasa kanan ni Lowell. "I'm Dale Ivan Trinidad, by the way bro." nakipagkamay din siya sa akin. "Justian Ian Garcia, you can call me Justin or Ian or Garcia whatever dude." Pagpapakilala naman sa akin ng nasa kaliwa ni Lowell. Wala naman akong masasabi sa kanila. Nasa kanila na yata ang lahat eh. Ang kakisigan, kagwapuhan, kayamanan pero hindi ko pa alam kung pati ang katalinuhan. Walang-wala ako sa mga ito at dapat hindi ko kinakaibigan ang mga taong katulad nila. Isa pa, baka mga matapobre ang mga ito. At baka isang araw bigla na lang nila akong lalayuan at lalaitin kapag nalaman nilang kabaliktaran ako ng lahat ng mayroon sila. I'm just nothing. I'm just an ordinary guy na taga-probinsya at bulakbol sa eskewala na napadpad dito sa Manila. Mukhang hindi ako nababagay rito. "I see, got to go." Ang sabi ko. Kakalingon ko pa lang sa likuran ko nang awatin ako ng mga kaibigan ni Bruce sa kung saan man ako pupunta. "Why? What do you need guys?" "We need you." Sambit ni Lowell. "Ako? Bakit? Saan?" sunod-sunod kong pagtatanong. "We need some new friend. And sa tingin ko... You are the one. Kilala ka ni Bruce and kilala ka na rin namin. Why don't you join us? Gimik-gimik sa bar, alam mo na. Finding some girls na makaka-one night stand gabi-gabi at-" Hindi pa man natatapos ang sinasabi ni Lowell nang magsalita si Bruce. "No, we don't need him. Di'ba Harv?" Bryce stared at me na parang sinasabing sumang-ayon ako sa sinasabi niya. Gusto ko man silang maging barkada o tropa pero hindi maaari 'yun. Langit sila, at ako mas higit pa sa lupa o putik. Impiyerno ako. Impiyerno ang buhay ko. Hindi katulad nila, heaven. Naliligo sila kasama ang kanilang mga pera, natutulog sila katabi ang kanilang mga pera. At the same time nakukuha nila ang mga babaeng gusto nila gabi-gabi. Man, I wish I was lucky as them. I wish I was rich like them. Someday.... "Oo. You don't need a simple guy like me. I'm not a rich like you guys. I'm sorry. Alam ni Bruce kung ano ang buhay ko. Isa akong promdi." Wika ko. Narinig ko naman nagtawanan silang lahat except Bryce. Napayuko na lang ako sa hiya. "Stop it! Hindi nakakatuwa 'yun." Wika ni Bryce sa mga kaibigan niya. "C'mon Bryce. We're not laughing because he called himself a Promdi." Lowell said while he chuckles. "Then ano? Bakit niyo siya pinagtatawanan? Wala namang nakakatawa doon." Inis na sabi ni Bryce. "We're laughing because... Hindi naman problema kung mahirap siya or promdi or something." Ani Dale at tinapik-tapik nito ang balikat ni Bryce. Bryce was seriously staring his friends na parang bang naiinis na ito at gustong-gusto nang sapakin sila isa-isa. "C'mon, dude." Lumapit sa akin si Dale at inakbayan ako. "Hindi naman problema sa amin 'yun. Sawang-sawa na kasi kami sa pagmumukha ng isa't-isa and indeed we're searching for a real friend. Like you, simple lang. Mas masaya pa ring kasama ang katulad mo, yung simple lang at humble." Aniya. "Humble? Eh inangasan ko nga kayo kanina. Hindi niyo pa ako kilala kaya please h'wag niyo nang hintayin pang malaman ang totoo kong kulay." I left all of them sa canteen. Hindi ko na alam kung saan ako pupunta basta yung malayo sa kanila. Hindi naman masama ang makipagkaibigan pero heto na naman ba ako? Makikipag-barkada tapos magbubulakbol, mambababae? Okay na sana eh. Ang kaso nalaman kong gumigimik pala sila gabi-gabi. Hindi ko na gusto 'yun. Tama na. Gusto ko nang tigilan ang naging ugali ko noong mga nakaraang taon. Gusto ko na makapagtapos ng pag-aaral at magpayaman. Ayoko nang sirain ang kinabukasan ko. Mabuti pa sila kahit masira ang pag-aaral nila hinding-hindi mawawala sa kanila ang pera. Samantalanag ako pag-aaral na lang ang meron ako sisirain ko pa? Gusto kong tumulad kay kuya Russel na masipag sa pag-aaral at desidido talaga siyang makapagtapos para makatulong sa pamilya. Men, I don't want to live yesterday. Bagong taon ngayon kaya dapat bagong ako rin. Bagong Harvey na dapat ang makilala nila para pag-uwi ko sa probinsya, hahangaan ako ng mga tao doon at ako ang magsisisilbi nilang iniidolo. Nang makarating ako sa lobby, hinanap ko ang bulletin board doon kung saan mahahanap ko ang bago kong section at kung saang room ako mapu-pwesto. Madali ko lang naman nahanap iyon pero bigla kong naisip na hanapin ang room at section ni Bryce. Ilang minuto na akong naghahanap pero walang Bryce pa rin akong nakikita. "Harv?" napalingon ako sa tumawag sa akin. "Anong ginagawa mo rito?" napatingin naman siya sa ginagawa ko. "Uh... I see. Hinahanap mo ang section mo." Ngumisi ito sa akin. "Ahh... Oo...." Napakamot ako sa ulo ko. Mabuti't mag-isa lang siya ngayon at hindi niya kasama ang mga kaibigan niyang mga bad influence. "I see. I see. So... what's your section?" tanong niya. "ICT-1" sabi ko habang nakangiti. Ewan ko ba. Masayang-masaya kasi ako dahil may 1 sa section ko. Matutuwa iyon si mama kapag nalaman niyang may 1 na nakalagay kasama sa section ko. Iisipin niya siguro na kabilang ako sa higher section. "Ohh. That's good. Magkatabi lang tayo ng room." Ngumiti rin siya sa akin. "Oh? Good nga 'yun, hehe." Sabi ko na may halong panghihinayang. Sayang kasi, ang akala ko magkaklase kami. "Tara. Samahan kita sa room mo." Yaya niya at sumama ako. "Marami akong kilala sa room mo kaya sabihin mo lang kung inaangasan ka nila doon." Paanong hindi makikilala? Eh sa gandang lalaki nitong si Bryce. Manang-mana siya sa kuya niyang si Bruce. "Wala ka pang kilala dito di'ba? Kaya pwedeng-pwede ako ang una mong maging kaibigan mo dito sa school. I will accompany you." Nakipag-shakehands siya sa akin bago namin akyatin ang hagdan na nasa harapan. Inakbayan niya ako habang inaakyat namin ang hagdan patungo sa palapag kung saan naka-pwesto ang room namin. Masayang-masaya ako dahil nagkaroon ako ng kaibigan na tulad na Bryce. Kahit mayaman siya, hindi iyon naging hadlang para maging close kami sa isa't-isa. Kahit na gabi-gabi silang gumigimik sa kung saan man. Naniniwala pa rin akong mabuting tao si Bryce katulad ng kanyang nakatatandang kapatid. Hinding-hindi na ako magtataka kung bakit napakabit ni Bryce dahil kung gaano kabait si kuya Bruce kay kuya Russel ganoon din si Bryce sa akin. "Here we are." Aniya. "Ayan lang ang room naming, oh." Sabay tinuro niya ang kwartong nasa tabi ng kwartong nasa tapat namin. "S-Salamat, Idol." Napatawa siya. "Idol?" he chuckles. "Loko-loko!" tinapik niya ang likod ko. Totoo ba ang sinabi ko? Tinawag ko siyang idol? "Ikaw ang idol ko e'." pabalik niyang sabi. Natawa rin ako. "Bakit naman?" "W-Wala. Sige mamaya na lang, Harv. Ingat ka diyan ah." Nagpaalam na siya at saka kumaway. "Sige! Ingat sila sa'yo!" sigaw ko dahil nasa malayo na siya at malapit na niyang baybayin ang hagdan pababa muli sa lobby. Pumasok ako sa apat na sulok ng kwartong ito at naghanap ng mauupuan sa likod. Kaunti pa lang ang mga taong nandito at lahat sila ay nakatingin sa akin. Pinag-uusapan nila siguro ako pero hindi ko na lang sila pinansin. Sumagi ulit sa utak ko ang mga sinabi ko kanina kay Bryce. Ano kamo? Sinabihan ko siya ng IDOL? Hays. Nakakahiya. Ang feeling close na sa mayaman na lalaking iyon. Pero tinawag din niya akong IDOL pero hindi naman niya sinabi kung bakit. Hays. Hindi ko makakalimutan ang unang araw kong ito ng eskwela sa Maynila at ang unang masayang kaganapan ko sa taong ito. At syempre iyong nagtawagan kami ni Bruce ng 'Idol'.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD