Kabanata 1

1173 Words
Kabanata 1 Seryoso Ang hirap palang i-adopt ang kultura dito sa Maynila. Puro mayayaman ang mga kasama mo at tanging ikaw lang ang nag-iisang mahirap. Hindi ako sanay sa environment dito. Ang iingay nilang lahat kahit mga senior-high na sila, para paring mga bata. Samantalang kami sa probinsya, tahimik lang tas aral lang. Pero hindi naman ako nag-aaral ng maayos doon, ako lang doon ang nag-iisang palakol sa klase. Nandito nga pala ako para mag-aral, para magbago at para magtino. Gusto kong bumawi sa nanay ko at syempre ayoko ring biguin ang pangarap ni kuya Russel sa akin na makapagtapos, kaya kahit anong hirap kakayanin ko. Pero bakit ganon? Ang dami namang magagandang babae dito pero bakit hindi pa rin ako nai-inspired na mag-aral ng maayos? Hays. Hindi na yata talaga ako magbabago. "Uhm... Hi?" Napalingon ako sa magandang babae na nasa tabi ko nakaupo. Kaklase ko siya, malamang nandito siya sa room eh. "P-Po?" magalang kong tugon. "You're the transferee right?" tanong niya at tumango naman ako. "So, where you came from?" Lintek! Mukhang englishero ang babaeng ito at syempre kailangan kong pakitaan din siya ng husay ko sa pag-iingles. Kaming mga promdi marunong din mag-ingles noh! "I'm from Cebu, known for the best tasting lechon around the Philippines." Proud kong tugon. "Wow. Your family does making lechon?" Umiling ako. "Nah, we're poor." Malungkot kong sabi at napayuko. "I don't believe it, why does a poor like you will transfer here in the famous university of Manila?" "You've got to believe... In magic." Natawa siya sa sinabi ko. Wala namang nakakatawa e', ang babaw naman ng kaligayahan nito. Hehehe. "You're funny, by the way I'm Shaira but you can call me Shai." Inabot niya ang kamay niya sa akin. "Ah-eh I'm Harvey John Gabriel." Sabi ko at muli siyang natawa. "Kailangan talaga full name?" Potek! Nag-tatagalog naman pala siya. Babaeng 'to! "By the way, close pala kayo ni Bryce ano? What a small world." Aniya at huminga siya ng malalim. "Oo. Nakilala ko siya nitong nakaraang taon. Bakit Shai?" pagtatanong ko. "Hmmm, nothing. Nevermind about that, could you accompany me?" "S-Saan ba?" napakunot ang noo ko. Kakakilala pa lang namin nagpapasama na siya agad. "Sa labas, tara." Sinundan ko lang siya hanggang sa makarating kami sa may hallway kung saan makikita mo ang mga nangyayari sa quadrangle. May court doon at maraming lalaking naglalaro. Pinanood niya ang mga estudyanteng naglalaro doon at sinamahan ko siya sa kanyang panonood. Pero hindi ko alam kung ano ang nais niyang sabihin. Napu-puzzle ako sa babaeng ito. "Shai?" pagtawag ko. Lumingon naman siya at nginitian ako. "Good. Tara dito Harvey." Sabi niya kaya't lumapit pa ako sa kanya at tumabi pa ng husto. Gusto niya sigurong samahan ko siya sa panonood ng basketball. "Do you play basketball?" tanong niya. "Oo naman. Sa probinsya palagi kaming naglalaro niyan kapag tapos ng eskwela. O Kaya naman kapag walang pasok. Masaya kaya 'yang larong 'yan." Ang sabi ko. "Alam ko." Aniya. Natarayan ako sa naging tugon niya pero hinayaan ko na lang. Binaling ko ang atensyon ko sa mga mukha ng mga naglalaro. Lahat sila may mga itsura at mapuputi. Magaganda rin ang tindig ng katawan at syempre magagaling din sila. Kung bibigyan ako ng pagkakataong makalaro sila, tatalunin ko talaga silang lahat. Ipapakita ko ang halimaw na tulad ko pagdating sa paglalaro ng bola. "Do you saw him?" "S-Sino?" "Si Bryce..." Tinignan ko ang court sa quadrangle pero wala naman siya doon. Sinubukan kong tignan ang mga taong nanonood sa baba at doon ko nga nakita si Bryce na nakatayo't nanonood ng laro. "Oo nakita ko na. B-Bakit?" "Nothing. Nakita mo na ba siyang naglaro?" "O-OO. Doon sa apartment. Nakalaro ko siya doon, magalin din siya." Ang sabi ko pero ngumiti lang si Shai. "Pero dito sa school? Hindi pa di'ba?" "Ah, oo. Hindi pa. Pero magaling naman siya di'ba?" Napailing si Shai. "Ang totoo kasi nyan, never... Never siyang naglaro dito sa school. I was a fan of him back when we are junior highs. Sa mga liga lang siya sa sumasali like sa mga baranggays pero pagdating sa school, nire-reject niya ang mga offer sa kanya ng basketball team. Imagine, team na mismo ang lumalapit sa kanya para kunin siyang player pero he never accepted any offers. Bihira lang siya magkaroon ng mga friends dito sa school kaya nga nagulat ako dahil a newbie like you was his new friend. You must convince him to join the team, or else ikaw na lang ang ipe-present ko sa team. Nga pala, I am a cheerleader at pwedeng-pwede kita ipasok sa team." What! Ang lakas-lakas maglaro ni Bryce pero bakit never naman siyang sumali sa team? Pangarap ko ring makasali sa team dito pero syempre pipilitin ko pa ring sumali si Bryce. Hindi ko pwedeng hayaan ang malaking opurtunidad na ito para sa kanya. Ayaw ba niya 'yun? Maraming hahanga sa kanya, maraming iidolo sa kanya. f**k! Gustong-gusto ko nga iyon dahil mas lalo akong hahangaan ng mga babae at syempre magkaka-girlfriend din ako. Pero pag-aaral nga pala ang pinunta ko rito at hindi ang sports. "Sige. I'll try to convince him, Shai." Dismissal na nang dali-dali akong nagtungo sa room ni Bryce para hanapin siya ngunit ang sabi ng mga kaklase niya ay nauna na raw bumaba si Bryce at ang mga tropa niya. Hinanap ko siya sa quadrangle at doon ko nakita ang isa niyang kaibigan na si Lowell. "Lowell? Nakita mo ba si Bryce?" "Oo. Bakit pre?" "Nasan siya? Kailangan ko siyang-" "Nandito ako bakit?" Narinig ko ang buo niyang boses na nagmumula sa likuran ko. Napalingon ako at dali-dali ko siyang inakbayan. "Preee! You should go to the varsity team!" ang sabi ko na ikinagulat naman nilang apat. Hindi siya nagsalita at tinanggal ang pagkaka-akbay ko sa kanya. Umalis siya sa kinatatayuan namin at iniwan kaming tatlo na tahimik. Galit ba siya? "Man, ba't mo ginawa 'yun?" ani Lowell at umiling-iling ito sa akin. "You should never do that again, bro." ang sabi naman ni Dale. "B-Bakit naman? Anong mali doon? Anong mali sa ginawa ko? May mali ba?" sunod-sunod kong tanong. "Oo, maling-mali talaga. Tsk tsk." Sabi naman ni Justian/Ian/Garcia. "Anong mali? Anong mali?" pagtatanong ko. "Basta. Hindi mo pa kasi siya kilala. H'wag na h'wag ka munang magpapakita kay boss Bryce, baka masapak ka niya kapag nakita ka pa niya bukas." Ang sabi ni Justin at sabay-sabay silang umalis. Iniwan nila akong mag-isa na nakatayo dito sa quadrangle habang hindi ko pa rin maalis sa isip ko kung ano ba ang ginawa kong mali. Seryoso ba siya? May nagawa ba akong mali? Mali bang pilitin ko siya sa pagsali sa team? Kung mali man, bakit? Anong meron? Hays. Ang hirap din pala ng ganito. Idol mo siya pero may mga bagay ka pang hindi nalalaman sa kanya. Gustong-gusto kong alamin pero mas mabuti pang huwag na lang akong mangialam. Mali pala yung ginawa ko eh. Pasenya na Idol, hindi ko na uulitin. _______________________________________________________________________________ Please do VOTE and COMMENT! ALL RIGHTS RESERVED 2019
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD