Kabanata 26

2434 Words

Parating na ‘ko. Reply ko kay Justin. Makikipagkita ako sa kanya ngayon dahil kailangan niya raw ang tulong ko. Wala akong ideya kung ano ang tulong na kailangan niya sa ‘kin. Pero pupunta pa rin ako dahil kaibigan ko naman si Justin. Sa katunayan, namimiss ko na rin ang tatlong kurimaw na palaging nanghuhusga sa akin. Namimiss ko nang makipag-away sa kanila. Kung pwede nga lang makipaguntukan ako sa kanila ngayon, eh. Kahit tatlo pa sila laban sa akin. Lol. Nasa tapat na ako ngayon ng Pawnshop kung saan magkikita kami ni Justin. Napalinga-linga na ako sa paligid pero wala pa rin akong Justin na nahahagilap. Maya maya lang ay dumating sila Lowell at Leiv. Nakangisi pa sila habang nakatingin sa akin. Hinanap ko si Justin sa likuran nila pero wala naman akong nakita. Napakunot ang noo ko.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD