Kabanata 25

2855 Words

"Bryce?" "Harvey, ano bang nangyayari sa'yo? Magpapakamatay ka ba?" untag niya. "Hindi ka naman dating ganyan, ah? Ano bang problema, Harvey. Sabihin mo, makikinig ako." Mabilis kong pinunasan ang mga luhang bumahid sa mukha ko. Pinilit kong ngumiti kahit na alam naming pareho na mayroon akong problema. Ayaw kong ipakita sa ibang tao na mahina ako kung kaya't pinilit ko pa ring sumaya sa kabila ng mga problema. "Wala. Nagpapahangin lang ako rito. Bakit naman ako magpapakamatay? Wala naman akong problema, eh. Ikaw anong ginagawa mo rito?" untag ko naman sa kanya. "H'wag ka nang magsinungaling pa, Harvey." Umiling-iling siya. "Kung hindi ako dumating dito, malamang pinaglalamayan ka na ngayon. Ano ba kasing problema mo, huh? May nanakit ba sa'yo? May family problem ka ba? Sagutin mo 'ko!

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD