Kabanata 30 My Most Valuable Idol Sa susunod na linggo na ang laban namin sa liga. Hindi ako nakaramdam ng kung ano mang takot o kaba dahil alam kong mananalo kami sa laban. Talagang naging todo bigay na ako sa pag-eensayo dahil gustong-gusto kong manalo ang team namin ni Bryce. Pero nitong mga huling araw, bigla na lang siyang nagtampo nang makita niya kaming magkasama ni Kent. Pinaliwanag ko na sa kanya lahat-lahat na magkaibigan lang kami ni Kent pero hindi niya pa rin ako pinaniniwalaan. Para na siyang bata kung mag-isip pero kahit na gano'n hinding-hindi naman magbabago ang tingin ko sa kanya. Mahal ko pa rin siya kahit na nagtatampo siya. "Tinitingin mo diyan?" masungit na sabi ni Bryce. Nasa kuwarto niya kami ngayon dahil inimbitahan ako ng daddy niya na pumunta rito.

