Kabanata 29 Goodluck Kiss Pinunasan ko ang mga luha ko pagkabalik ko sa kuwarto. Pinilit kong ngumiti dahil ayokong makita nila kuya Russel ang nangyari sa akin sa taas. Dire-diretso ako sa kama habang tinakpan ko ng unan ang mukha ko at do'n ko binuhos lahat ng mga luhang natira sa mga mata ko. "Psst.. Parang naiyak si Harvey?" boses ni kuya Nathan. "Ayan? Iiyak? Eh, ang tapang-tapang niyan dati sa probinsya. Tapos dito sa Maynila, makikita ko lang siya na umiiyak. Hoy, Harvey John Gabriel!" tinanggal ni kuya Russel ang unan na nasa mukha ko. Mabilis ko naman tinakpan ng mga palad ko ang mga mata ko upang 'di nila makitang umiiyak ako. Ngayon lang ako ulit umiyak nang ganito. "Harvey!" sigaw ni Bryce. "Pota naman, Harvey. Mali ang iniisip mo, pinsan ko 'yun si Yana, malakas lang tal

