Bakit siya nandito? Anong ginagawa niya? Hindi pa ako handing makita siya ngayon. Sobrang laki ng kasalanan ko sa kanya. Dahil sa akin, nasapawan ko siya. Nasapawan ko siya sa lahat ng plano niya. Pati ang babaeng gusto niya. Lalong-lalo na ang team. Siya dapat ang nasa team na iyon at hindi ako. Nagsisisi talaga ako dahil tinanggap ko pa ang alok ni Shaira. Kung 'di ko 'yun tinanggap. Hindi na sana 'to mangyayari pa. "J-Jo?" "Oo ako nga, kumusta Harvey? Ikaw lang ba rito sa taas?" Nakangisi pa siya habang unti-unting lumalapit sa akin. Sa bawat paghakbang niya papalapit, pag-atras naman ang ginagawa ko na kabaliktaran sa kinikilos niya. Nakakatakot siyang tignan. Nanlilisik na ang mga mata niya habang naka-kuyom ang mga kamao niya. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Galit na galit pa rin

