"Go Harvey!" Nasa gym kami ngayon at todo na ang pagpa-praktis na ginagawa namin. Konting panahon na lang kasi ang natitira para sa darating na laban ng Senior Kings. Medyo nawawala ako sa laro ko nitong mga nagdaang araw. Ewan ko ba kung ano ang bumabagabag sa isipan ko. May problema yata ako kaya hindi ako makapag-pokus sa paglalaro. Pansin rin ito ni Enriquez dahil puro sablay ang bawat tira na ginagawa ko. "Go Harvey! Kaya mo yan!" sigaw ni Hayce na todo ang pag cheer sa akin. Sablay lagi ang mga bolang tinitira ko kaya naman napaupo na lang ako sa bench dahil sa badtrip. "Hey, what's the matter Harv? May problema ka ba? Laging sablay yung ginagawa mo, hindi ka ganyan dati ah." Sabi ni Enriquez matapos niya akong sundan sa bench. "Harvey, kaya mo yan. Nandito lang kami para mag-sup

