Linggo. Araw nang pagsisimba. Noon sa probinsya, nasanay na akong nagsisimba tuwing araw ng linggo. Hindi kayo naniniwala? Kahit na bulakbol ako noon at pasaway, nagsisimba pa rin ako. Lagi kasi akong sinasama ni nanay sa simbahan na malapit sa amin tuwing linggo at mula noon ay nasanay na ako na palaging nagsisimba at nagpapasalamat sa Diyos. Sa loob ng isang linggo, may pitong araw ako lagi sa buong buhay ko. At ang nag-iisang araw ng pahinga ay inilalalaan ko sa pagsisimba kasama ang pamilya. Mula noong dumating ako rito sa Maynila, hindi na ako nakakapagsimba. Paano ba naman? Ilang buwan na akong naninirahan dito pero hindi ko pa rin alam kung nasaan ang simbahan nila rito. Gusto ko ngang sumama minsan kanina kuya Russel ang kaso maaga silang nagigising. Tanghali na akong nagigising

