"Nothing, nanood lang ako ng laban. Masama ba?" nakangiti si Lauren kay Bryce pero sinimangutan lang siya nito. Nag walk out si Bryce sa kinatatayuan namin matapos siyang ma-badtrip kay Lauren. Ano nga pala ang ginagawa ng ex-chic ni Ramirez dito sa court? Nakakapagtaka naman at bigla-bigla siyang sumulpot dito sa lugar na 'to. Nagpakita pa siya kung kelan naman badtrip si Bryce dahil sa pagkatalo ng kanilang grupo. Nagsi-uwian na kaming lahat matapos mag-walk out si Bryce at si Lauren. Todo pa rin akong nanghihinayang sa laban nina Bryce habang naglalakad ako pauwi sa apartment. Pagkauwi ko sa apartment, nakita ko ang dalawang masayang unggoy na nakatambay sa terrace namin. Naglalaro pala ng Mobile Legends ang dalawang 'to at hindi man lang ako hinintay para maglaro. "Kumusta? Saya niy

