"Boi, Harvey!" Naglalaro ako ng ML ngayong umaga nang may tumawag sa akin. Hindi nga pala ako pumasok ngayon dahil sa tinatamad akong kumilos. Masakit din ang ulo ko dahil na rin siguro kagabi, naulanan ako kagabi dahil kay Bryce. Punta-punta pa kasi ang lokong iyon, ayun sumakit tuloy ang ulo ko. "Kuya Franz? Kumusta?" tumayo ako para patuluyin si kuya Franz sa apartment. "Eto, ayos lang. Nga pala, may mahalaga kang bisita ngayon. Hulaan mo kung sino?" Napaisip ako kung sino naman ang bibisita sa pagmumukha kong ito. Si Bryce ba? Si Justin? Si Lowell? Si Leiv? Si Shaira? Si Jo? Si Hayce? O si Lauren? Kung isa man sa kanila, masyado namang common. Hindi kaya nandito ate Lynn at si baby Taniel? "Si ate Lynn ba at baby Taniel?" pagtatanong ko. "Hmm... Malapit na. Chicos, entremos." Ang

