Isang linggo na ang lumipas at hindi pa kami nakakapag-usap ni Bryce tungkol sa nangyari. Pakiramdam ko iniiwasan na niya ako matapos ang nangyari sa amin sa apartment. Naging busy na rin ako sa pag-papraktis dahil nalalapit na ang totoong laban. Ilang araw ko na rin siyang hindi nakikita sa campus, marahil busy na rin siya ngayon dahil malapit na ang midterms at marami ang kailangang ipasa.
Nagpapasalamat ako kay Jo dahil tinutulungan niya ako sa ibang mga sulatin. Kung hindi dahil sa kanya baka bumagsak na ako sa 1st half ng 2nd sem na ito. Mabuti na lang at may kaibigan pa ako sa tabi ko na maasahan. Hindi tulad ni Bryce na dahil lang sa nangyari bigla-bigla na lang na mang-iiwan. Naiintindihan ko naman kung bakit niya nagawa ang bagay na iyon, parehas lang kaming lasing at naging mapusok noong araw na iyon.
Pagkatapos ng klase ngayon, napag-isipan kong magpasyal sa mall. Nagpunta ako sa shop nila Bryce at nagbabaka-sakaling mahanap ko siya doon. At hindi nga ako nagkamali, malayo pa lang ako sa shop nila kitang-kita na siya ng mga mata ko. Nagdadalawang-isip ako ngayon kung itutuloy ko ba ang paglapit o aatras na lang ako at uuwi.
"Hey, hey. Look who's here. Ang ambisyosong promdi."
Napatingin ako sa likuran ko kung saan nangagaling ang boses. Boses pala ito ng mayabang ng kurimaw na si Leiv.
"Anong ginagawa mo rito?" tanong niya. Mabuti't mag-isa lang siya ngayon at hindi niya kasama ang dalawa pang miyembro ng kanilang grupo.
"Ano bang paki mo, tol? Bakit? Ikaw lang ba ang may karapatan na magpunta dito sa mall?" inis kong sabi.
"Hindi naman, ang ipinagtataka ko lang. Bakit ka nandito malapit sa shop nila Bryce? Ini-stalk mo ba si Bryce? May gusto ka ba sa kanya?"
Nanlaki ang mga mata ko sa tinanong ni Leiv. "Hindi ka pa rin nagbago, ano? Judgemental ka pa rin hanggang ngayon." Tumawa na lang ako.
"Leiv. Nandito ka pala?" isang boses ng babae ang narinig namin ni Leiv.
"Ah-eh, oo. Tambay-tambay lang." nakangising tugon ni Leiv sa babae. Maganda ang babaeng ito at matangkad pa.
"Sige, punta lang ako sa shop nila Bryce. Chao." Sabi ng babae at bineso pa si Leiv.
"Shet, ganda talaga niya." Sabi ni Leiv na para bang wala ako sa tabi niya.
"Sus, pumupuso rin pala ang mata nitong judgemental na 'to." Natatawa kong sabi.
"Baket? Hindi mo ba siya kilala? Sabagay baguhan ka pa lang dito. Siya lang naman ang babaeng nililigawan ni Bryce ngayon." Ang sabi ni Leiv habang nakatuon pa rin ang mga mata sa magandang babae.
"Anong pangalan nun? At saka paano naman sila nagkakilala?" sunod-sunod kong tanong.
"Siya si Hayce. Nagkakilala sila sa baranggay malapit sa inyo at... Basta masyadong naging mabilis ang pangyayari." Aniya at naiwan akong nakatulala. Nagkakilala siguro sila nung babaeng iyon matapos ang nangyari sa amin sa bahay.
Hindi ba niya naalala ang nangyari sa amin? Masyadong mabilis din kaya ang naging pagtatalik namin tapos bigla na lang niya akong iniwan. Ang bilis talaga ng isang saglit. Hays.
Kabanata 15
Mabilis
Hindi pa rin kami umalis ni Leiv sa kinatatayuan namin habang pareho naming tinitignan sina Bryce at Hayce na masayang nag-uusap. Tahimik lang kami ni Leiv habang nakatingin sa kanila. Napatingin ako kay Leiv at napatingin din siya sa akin habang nagtaas ng dalawang niyang kilay.
"Ano yun, promdi boy?" tanong niya.
"Wala naman. Kung makatitig ka kasi sa dalawa eh." Ang sabi ko.
Nakaramdam ako ng presensya na may paparating na dalawang kurimaw na mga alagad ni Bryce at tama nga ako. Dumating din sina Lowell at Justin mula sa likuran namin. Napatingin sakin si Justin nang masama kasabay ng panlilisik ng kanyang mga mata.
"Ba't mo kasama 'yan?" tanong ni Justin.
"Coincidence lang yun, pre." Tugon naman ni Leiv.
"Huwag mo sabihing close na kayo niyan ni Mr. Promdi?" ani Lowell at dahil doon mabilis akong tinulak ni Leiv ng malakas.
"Hindi noh!" matigas na sabi ni Leiv.
Dahil sa inis, lumayo na lang ako dahil baka magdilim lang ang paningin ko sa kanilang tatlo. Uuwi na lang din ako dahil nagpunta lang naman ako dito para siguraduhin kung ayos lang ba si Bryce. Ayos naman siya kaya napagdesisyunan ko na ring lumabas dito sa mall.
Pagkababa ko sa escalator nakasalubong ko ang isang pamilyar na lalaking nakangiti sa akin. Naaalala ko pa siya. Siya yung taong nagbigay sakin ng sapatos. Ilang araw ko na rin siyang hindi nakikita. Paano ko ba naman siya hindi makakalimutan? Eh siya yung taong nagbigay sakin ng napakagandang sapatos. At bukod pa doon matibay pa ang sapatos na iyon at malaki ang presyo. Pero nakuha ko lang iyon ng libre dahil sa kanya.
"Hijo? Kumusta kana?" masaya niyang tanong sa akin.
"Ayos naman po. Salamat nga po pala doon sa Jordan na sapatos."
"Naku wala 'yun. Balita ko kasali ka na raw sa team ng inyong campus? Aba tamang-tama talaga ang binigay kong sapatos para sa'yo. Alam mo mas gagaling ka pa hijo. Bilib ako sa'yo." Aniya habang ginugulo ang buhok ko.
"Ah salamat po. Pero paano niyo po nalaman?" pagtataka ko.
"Sabi ni Bryce, yung anak ko." Nakangiti niyang tugon sa akin.
Ah oo nga pala. Naalala ko na.
[FLASHBACK]
"B-Bakit?" nauutal kong sabi. Ewan ko ba kung bakit ako kinakabahan. Wala naman akong kasalanan. Wala naman akong ginawang masama. Dala-dala niya pala ang kahon ng sapatos na kinuha sa akin ni Justin. "Hindi ko ninakaw yan, kahit tignan niyo pa yung CCTV niyo sa shop."
"Wala naman akong sinabi ah, ibabalik ko na sa'yo 'to. Palitan mo na yang luma mong sapatos." Aniya.
"Bakit? Ayoko, baka sabihin ng mga kaibigan mo ninakaw ko 'yan. Di ko matatanggap 'yan. Kaya ko namang magtiis sa sapatos na 'to. Di ko kailangan niyan."
"Please, accept it again. Alam ko na lahat, Harvey. My dad gave it to you dahil galing ka pa raw sa malayo. My dad saw that you have a potential in playing basketball. And sorry, naiinis ako sa kanila. Kanila Justin, Leiv at Lowell, they judged you. At ako na ang humihingi ng tawad. I'm apologizing for insulting you, for judging you without seeing the real story behind." Aniya at pilit niyang binabalik sa akin ang sapatos.
[END OF FLASHBACK]
Daddy pala ni Bryce ang nagbigay sakin ng sapatos. At nasa harap ko ngayon ang daddy niya. Pero bakit ganoon? Parang hindi ko madama na ito ang daddy niya. Ampon ba siya?
"Ah... Ikaw po ang daddy niya?" gulat kong tanong.
Natawa naman siya sa tinanong ko. Happy rin itong daddy ni Bryce eh, noh?
"Oo naman. Bakit hindi ba halata, hijo?" pagtatanong niya.
"Hindi po eh, hindi po kasi kayo magkamukha. Pwede po ba akong magtanong? Ampon po ba siya?" muli na namang natawa si tito este daddy ni Bryce sa tinanong ko.
"No, no. Hindi lang talaga nagmana sakin ng mukha si Bryce, kundi sa mommy niya."
"Ah. Maganda po siguro ang mommy niya."
May kinuha siya sandali sa bulsa niya at inilabas ang kanyang cellphone. Ipinakita niya sa akin ang itsura ng mommy ni Bryce s***h asawa niya. Namangha ako sa ganda ng mommy ni Bryce at magkamukhang-magkamukha talaga sila.
"Ang gwapa naman po ng mommy niya." Ang sabi ko.
"Kaya nga. Ikaw hijo? Wala ka bang balak mag girlfriend? Noong mga ganyang edad ko kami nagkakilala ng mommy ni Bryce." Aniya.
"Ah talaga po? Basketball player din kayo dati?"
"Parang ganoon na nga. Teka wala ka talagang nobya? Eh nobyo gusto mo? Si Bryce, ang anak ko pwedeng-pwede." Aniya at nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. "Biro lang, hehe. Anyways, speaking of Bryce."
Napatingin ako sa likuran ko. Saktong kababa lamang nina Bryce, Hayce at ng tatlong kurimaw sa escalator. Nagtama ang pangingin namin ni Bryce pero agad naman siyang umiwas. Masama lang ang tingin sakin ng dalawang kurimaw maliban lang kay Leiv na palihim na tinitignan ang likuran ni Hayce. Hays. Manyak pala ang isang 'to. Kung alam lang ni Bryce.
"Bryce, anak. Sino 'yang kasama mo?" tanong ng daddy niya sa kanya. Tinutukoy niya siguro ang magandang babae na si Hayce.
tugon ni Bryce pero agad itong naputol dahil sa pag-singit ni Leiv sa usapan nilang mag-ama.
"Si Hayce po, tito. Kaibigan namin. Nakilala namin sa baranggay 101 noong huling laban ni Bryce."
"Ah ganoon ba? Well, nice to meet you, Hayce." Sabi ng dad ni Bryce at nakipagbeso kay Hayce.
"Hello po, tito." Ang sabi ni Hayce. Ang akala ko'y hindi ako papansinin nitong Hayce pero nakipag-shakehands siya sa akin at nakipagbeso pa. Ngumiti lang ako ng pilit at napatingin kay Bryce na hanggang ngayon ay hindi pa rin ako ngini-ngitian o pinapansin man lang.
"Dad, alis na po kami. Hahatid pa namin itong si Hayce." Paalam ni Bryce. At tumango lang ang kanyang daddy.
Nilampasan lang ako ni Bryce at hindi man lang lumingon sa akin habang ang tatlong kurimaw pinagbabangga pa ako habang paalis na sila sa aming kinatatayuan.
"Ang bilis naman nilang umalis. Tara, Harvey. Ililibot kita sa shop."
"Sige po."
Ganoon talaga. May mga bagay na sadyang mabilis lang na mangyayari sa buhay mo. May mga taong dadaan lang sa buhay mo sandali at mabilis ka ring iiwan. Kung gaano kayo kabilis na nagkakilala ganoon rin pala kabilis ang iwan ka niya nang hindi mo alam ang dahilan. Panahon rin siguro para huwag ko na ipagpilitan ang sarili ko sa taong ayaw naman sa akin. Ayaw pala niya akong kaibigan edi doon na siya sa tatlong kurimaw na makapang-husga wagas.
Tututukan ko na lang ang pag-aaral at ang pagti-training ko. Dahil mabilis lang ang panahon at hindi ko mamamalayan na araw na pala ng laban. Well, goodluck na lang sa akin.