"Papa, ayoko na po talaga nito. I quit."
Isang pamilyar na boses ang narinig ko pagpasok ko sa loob ng restroom. Alam kong si Justin iyon at kausap niya siguro sa kabilang linya ang kanyang ama na pilit siyang pinapalaro ng table tennis. Nasa loob lang siya ng cubicle habang nakikinig ako sa kanyang mga sinasabi. Kahit sino namang tao maririnig ang sinasabi niya dahil sa malakas niyang boses at halatang galit pa ang tono nito sa kanyang kausap. Naghugas lang ako ng kamay ko dahil galing lang ako sa pagpi-paint ng maskara namin ni Jonathan para sa aming activity.
"Gumawa kaya kayo ng isang anak. Para iyon ang magpatuloy ng legasiya ninyo sa pagte-table tennis. Hindi yung pinipilit niyo ako sa hindi ko naman gusto papa. Gusto ko na pong magbalik-loob sa Senior Kings. Doon po ako nababagay hindi sa walang kwentang table tennis player na hindi ko naman gusto!" sigaw ni Justin sa phone at narinig ko pa ngang binato niya ito sa kung saan. May narinig pa akong flush ng toilet at biglang sumagi sa isipan ko na baka ni-flush ni Justin ang kanyang phone.
"Hayy. Loko. Sayang ang cellphone." Sabi ko pagkabukas ko ng sa cubicle kung saan naroon siya. Pinulot ko ang cellphone nang walang kaarti-arti dahil malinis naman ang toilet bowl dito hindi katulad sa mga probinsya namin ang tatamad ng mga janitor. "Alam mo kung ifu-flush mo lang rin 'to sa toilet dapat binigay mo na lang sakin, kaso mukhang sira na ang isang 'to."
"Alam mo promdi boy, wala akong pake! Itapon mo na 'yan sa kung saan dahil wala na akong pake!" lumabas siya at malakas na sinara ang pinto ng cubicle.
"Hmp! Yabang naman ng isang 'to, walang pagpapahalaga sa mga bagay-bagay." Sabi ko kahit na wala na siya rito sa loob ng cubicle. Chineck ko ang phone niya at akalain mo 'yun buhay na buhay pa rin.
Lumabas ako at pinatuyo ko ng dala-dala kong towel ang phone ni Justin. Nagloloko kasi ang touchscreen dahil basang-basa ito kaya pinatuyo ko muna at pinunasan. Non-removable ang battery niya kaya naman namangha ako sa ganda ng klase ng kanyang cellphone. Mas high-tech pa siguro ito kaysa sakin.
Tinignan ko ang menu nito ngunit limitado lang ang mga nabuksan kong applications dahil may mga password na nakalagay rito katulad ng messenger, gallery at messages. Tinignan ko na lang ang rank niya sa ML at mas lalo akong namangha kay Justin. Mythical Glory na pala ang mamaw na iyon. Susubukan ko sana maglaro ng isang beses ang kaso wala pala siyang load. Poorkid amp.
Kinalikot ko pa lahat ng mga apps niya hanggang sa mabasa ko ang memo niya para sa araw na ito. Nanlaki ang mga mata ko at labis kong ikanagulat ang laman ng mensahe sa kanyang memo.
"I QUIT" pagbigkas ko.
Ano ba ang ibig sabihin niya sa memo na ito? Double meaning kasi eh. Pwedeng mag-quit siya sa tennis table o di kaya'y mag-quit siya sa masalimuot niyang buhay.
Kabanata 16
I Quit
Mabilis ka bang sumuko? Ako kasi hindi.
Bata pa lang ako, kapag may gusto akong isang bagay, ginagawa ko lahat ng paraan para makuha ko ito. Mabuti pa akong bata noong elementary ako, nag-iipon pa ako noon para lang makabili ng bagong damit at sapatos at kapag kulang pa yung perang naipon ko, pinapadagdagan ko na lang kanina mama at papa pati na rin kay tita na ngayo'y nasa abroad na.
Masayang-masaya na ako sa bagong damit at sapatos na nakukuha ko tuwing darating ang kaarawan ko. Nagbago lang talaga ang lahat noong nag-highschool ako, napabarkada at dahil doon nalihis ako ng kaunti sa mga pangarap ko. Pero ngayon unti-unti naman akong nakakabawi. Nalilihis ko ulit ang daan padiretso at patungo sa gusto ko.
At hanggang ngayon hindi ako mabilis sumuko. Dahil hindi ko sinukuan ang team sports na gusto ko. Pinanindigan ko pa ito at pinaglaban kay kuya Russel. Naniniwala kasi ako na kapag may pangarap ka, huwag ka basta-basta na lang na sumuko at kailangan gawin mo ang lahat at magsikap ka para matamo ang matamis na tagumpay.
Pati na rin sa pagiging magkaibigan namin ni Bryce, hindi ako susuko na muli kaming magkapag-usap at muling magkaayos. Alam kong lalambot din ang puso ng mga tatlong kurimaw sakin. Konting tiis na lang at makukuha ko rin ang loob nila. Alam kong mga bata pa sila at masyadong pasaway. Darating din ang araw na magma-matured na ang kanilang mga isip. At darating din ang araw na sabay-sabay naming makakamtan ang aming pangarap at tagumpay.
"Pssstt.... Pssttt...." Pagsitsit ng isang babae sa aking likuran. Nakatambay kasi ako ngayon sa napakagandang Sunny Garden ng campus na ito. Napakalawak dito at tanging green lang ang makikita mo sa paligid. Ngayon ko lang din naisipan mag-tambay dito dahil dito ako madalas dalhin ni Jonathan kapag gusto naming mapag-isa.
"Kumusta na? Ano na? Nabigay mo na ba?" sunod-sunod niyang pagtatanong. Napakunot ang noo ko dahil parang pamilyar sa akin ang babaeng ito ngunit hindi ko lang talaga maalala kung saan kami nagkakilala.
"Ah... Eh... Pardon pero maari ko bang malaman ulit ang pangalan mo?" tanong ko.
"Ako lang naman ang nag-iisang princess charming ni prince Justin. Hayce Villegas!" aniya at rumampa-rampa pa sa harapan ko. Naaalala ko na nga siya. Napakamot ako bigla ng ulo dahil nakalimutan ko nga pala ang pinapabigay niya kay Justin.
"Ah. Ano kasi, may klase na ako aalis na ako ah." Paalam ko pero bigla niya akong hinawakan sa balikat.
"Wait lang, itatanong ko lang naman kung nabigay mo na yung cute kong notebook na galing din sa cute na may-ari e."
"Ah. E' ang totoo kasi niyan, hindi ko pa nabibigay." Napakamot ako sa ulo.
"Ano? Kainis ka!" aniya sabay pinaghahampas niya ako. "Akala ko pa naman nabigay mo na. Ang tagal na noon ah?"
"Oo nga eh. Hindi ko mabigay-bigay sa kanya dahil suplado ang crush mo. Hindi pa nga kami magkasundo eh. Tapos kanina, nakita ko pa siyang galit na galit at hinagis 'tong bagay na 'to." Sabi ko at nilabas ko ang cellphone ni Justin.
"Wow." Napatingin si Hayce sa hawak-hawak ko. Aabutin niya sana ito pero bigla kong binalik sa bulsa ko.
"Oops... Di pwede." Umiling-iling ako.
"Ano? Ba't hindi pwede? Eh cellphone naman 'yan ni crush kaya pakiusap ibigay mo na, ibigay mo na." pilit niyang kinukuha sa bulsa ko ang cellphone kaya tumayo ako at lumayo sa kanya.
"Di pwede. Sira na 'to." Pagsisinungaling ko. "At saka, ibebenta ko na lang 'to sa mga naghahanap ng sirang cellphone, kikita pa ako. Haha." Sabay humalakhak ako.
"Oh, Harvey nandito ka pala." Boses iyon ni Shaira at napatingin kaming dalawa ni Hayce sa kanya. Kasama niya ngayon si Jonathan at tiyak kong tatambay rin sila dito. "Um... Sino siya?"
"Si ano-" ang sasabihin ko ngunit naputol.
"Ako si Hayce. Bye na Harvey, kailangan ko ng umalis." Pagputol niya at saka siya nagpaalam.
"Kilala ko siya sa mukha, siya yung weird at nerd na babae sa kabilang section di'ba Jo?" tanong ni Hayce.
"Oo siya nga." Sagot naman ni Jonathan.
"Bakit ka pala nandito? Gusto mo bang mapag-isa?" tanong ni Hayce sa akin. Ikinagulat ko naman ang ginawa niyang pagdikit at pagpulupot sa akin. "Ba't malungkot ka? May problema ba? Gusto mo... Maglaro tayo?"
Nanlaki ang mata ko sa sinabi niyang "Maglaro tayo", kasi kapag naalala ko ang salitang iyon, naalala ko ang walang hiyang si Bryce.
[FLASHBACK]
Mabilis na hinablot ni Bryce ang phone ko at ibinato sa loob ng kwarto. Narinig ko pa nga ang tunog kung paano ito maghiwa-hiwalay kaya naman nagalit ako kay Bryce.
"Ano bang problema mo? Gusto ko maglaro eh." Sigaw ko.
"Ako rin, gusto ko ring maglaro." Aniya habang nakatingin ng diretso sa akin.
Masakit na ang ulo ko kaya bumalik ako sa pagkakaupo sa sofa. Dahan-dahang hinubad ni Bryce ang long-sleeve niya at lumapit sa kinauupuan ko. Nawala na ako sa wisyo at nahumaling ako sa ganda ng katawan ni Bryce. Dahan-dahan siyang lumapit sa mukha ko at unti-unti ko nang nararamdaman ang paglapat ng aming mga labi.
[END OF FLASHBACK]
Nasampal ko ang sarili ko dahil sa ala-alang iyon. Ang tanga-tanga ko, bakit ba ako nakipaglaro ng apoy sa kurimaw na iyon? Bakit ba hinayaan ko ang sarili ko na maakit sa gagong iyon? Ano ba nangyayari sa akin? Mas lalo ba akong lumala ngayon? Sa tingin ko hindi. Okay naman na ang lahat ngayon kaso nga lang may isang Bryce pala sa tabi ko ang nagpapagulo sa utak ko. May isa akong Bryce na nagging idolo at naging kaibigan pero naisahan lang ako at iniwan.
"Ano bang problema, Harv?" tanong naman ni Jo.
"Wala, pare. Wag niyo akong alalahanin, ayos lang ako." Tugon ko.
"Eh ba't malungkot ka? May problema ka eh, please don't hesitate to tell us something? We're your friends, Harvey. Nandito kami para makinig sa lahat ng sasabihin mo." Ang sabi naman ni Shaira pero umiling ako.
Hindi naman ako malungkot dahil sa problema. Nalulungkot ako dahil sa dalawang bagay, ang pag-quit ni Justin sa tennis table at ang pag-iwan sa akin ni Bryce bilang isang kaibigan. Kung pwede ko lang ibalik ang oras, hindi ako makikipag-inuman kay Bryce dahil masyado siyang mapusok. Siguro laro-laro lang iyon sa kanya. Pero sana manatili na lang itong sikreto kung ano man ang nangyari sa aming dalawa. Kasi kapag sinabi niya iyon sa ibang tao, aba'y kakalimutan ko talaga ang naging samahan namin at masasapak ko siya ng wala sa oras.
Nalulungkot din ako para kay Justin. Nalulungkot ako dahil hindi man lang niya maipaglaban sa kanyang ama ang gusto niyang sports. Kung ako talaga ang nasa lugar niya, hinding-hindi ako makakapayag na magsanay sa isport na hindi ko naman gusto at hindi ako masaya. Naniniwala pa rin ako na balang araw matatanggap din ng ama ni Justin ang gusto ng kanyang anak. Kung ako ang ama ni Justin, aba edi sige go lang. Dahil alam ko naman na kung saan masaya ang magiging anak ko, doon din siya magsu-success at ang tanging gagawin ko na lang ay ang suportahan siya sa mga gusto niya.
Kilala ang ama niya dahil sa tennis table pero hindi naman ibig sabihin noon ay magiging tennis table na rin ang anak niyang si Justin. Hindi naman lahat nasusunod lang ng dahil sa legasiya. May karapatan din si Justin at malaya siyang pumili ng pampalakasan na nais niya at ikasasaya niya.
"What's the matter, Harvey?" muling pagtatanong ni Jonathan sa akin.
"Wala nga, just nothing." Napasinghap na lang ako.
"O sige, I have to go na, may meeting pa kami ng mga officers. Jo, alam mo na ah." Sumensyas ng kindat si Shaira kay Jo bago umalis. Kumindat din si Jo at saka tuluyan ng umalis si Shaira sa kinatatayuan namin.
"Ano 'yun? Ba't nagkikindatan kayo?" pagtataka ko.
"Well, I have this good news and a bad news. So whicb one should I tell you first?" aniya at sumakit ang ulo ko dahil sa kanyang pag e-english. Naintindihan ko rin naman kahit papano, kahit papano kinakaya pa naman ng utak ko ang pag-iintindi sa English. Senior High na ako kaya dapat maalam na ako sa English kahit na mali-mali ang grammar na ginagamit ko. Nandiyan naman ang magaling kong translator eh, si Jo.
"Sige, yung good news na lang para good vibes agad." Sabi ko.
"Sure, malapit na ang intramurals. Ipaparada kayong lahat na mga players diyan sa ground. Be ready dahil maraming girls ang makakapansin sa inyo. At saka mabuting balita iyon para makasundo mo na ang Bryce and company." Aniya ni Bryce at tumango-tango ako sa kanyang magandang balita.
"Ahh good, maganda nga iyan." Nakangiti kong sabi. Mabilis na napalitan ng kaba ang narinig kong paghinga ng malalim ni Jonathan. Tiyak na sasabihin na niya ang masamang balita sakin.
"Sasabihin ko pa ba sa'yo 'to o hindi na? Hays...." Huminga ulit siya ng malalim at hindi ako nagsalita. Tahimik lang akong nakatingin sa mga mata niya habang nakikinig. "One of Bryce's friends was taken to the hospital."
Nabitawan ko ang hawak-hawak kong cellphone ni Justin dahil sa gulat matapos kong malaman ang bad news na inihatid sa akin ni Jonathan.
"He try to slashed his pulse at nagtangka pa siyang magbigti pero mabilis naman itong naabutan nila Lowell at Leiv sa 4th floor restroom ng SHS Building."
Napahawak ako sa puso ko dahil sa mabilis na kaba.
"Nasa hospital ngayon sina Lowell at Leiv, can you call Bryce? Si Bryce na lang kasi ang wala doon, I think kayong dalawa, kailangan niyong pumunta doon para i-check kung ayos lang ba ang kalagayan ni Justin."
Naku hindi. Paano niya iyon nagawa? Parang kanina lang nakita ko pa si Justin sa restroom ng 2nd floor. Kailangan itong malaman ni Bryce lalong-lalo na si Hayce.
Nakakainis si Justin... Ba't ang bilis niya kasing sumuko.
"And lastly, alam mo bang may nakasulat na "I QUIT" sa salamin ng 4th floor restroom? Alam mo ba ang ibig sabihin noon? Naalala mo yung naabutan natin silang dalawa ng papa niya? Iyon yata ang dahilan kung bakit ganoon ang nakasulat doon."
Pero hindi dapat siya sumuko. Hindi pa ang huli lahat para sumuko. Hays Justin... Please don't quit. Don't quit in your life. There are many reasons to live in this world. There are many reasons to be happy. Pag nagpakamatay ka ng maaga mawawalan ng fafa ang pempem ni Hayce... Jk!
Basta h'wag kang sumuko. Nandito lang kami. Nandito ako para patunayan sayong hindi ka dapat na sumusuko sa gusto mo. Live your life to the fullest. Seize the day. Sulitin na ang mga araw na mayroon ka dito sa mundo dahil baka balang araw magsisi ka pagtanda mo.
"Me? I quit too. I quit from the past. At ngayon masayang-masaya na ako dahil nasa mabuting daan na ako ng buhay. Unti-unti ko nang nakakamtam ang mga pangarap at tagumpay ko. Mag quit ka lang dapat sa mga nakaraan mo na dapat nang kalimutan at ibaon sa hukay. Hindi ka dapat nag ki-quit sa future, h'wag dapat pangunahan ang mga bagay." Sabi ko sa sarili ko habang tinitignan ang mga masasayang larawan ni Justin sa cellphone na 'to. Ito na lang ang tanging alaala niya na kung saan makikita mo ang masiyahing Justin noon pero mukhang hindi na ngayon.
To Be Continued...