Hindi pa rin ako makapaniwalang magagawa iyon ni Justin. Kung ako yun, hindi ko magagawa ang mga ganoong bagay dahil mahal ko ang sarili ko. Ayaw ko pang mamatay dahil mayron pa akong mga pangarap at hindi ako basta-basta sumusuko. Ako yung taong handing gawin ang lahat para makuha ang isang bagay. Hinding-hindi ko susukuan ang bagay na gusto ko dahil iyon ang alam kong tiyak na magpapasaya sa akin.
Tinawagan ko si Bryce matapos kong malaman ang nangyari kay Justin. Sinagot naman niya ang tawag pero sandali lang kaming nagkausap, ni-hindi niya nga nabanggit ang pangyayaring naganap sa amin sa apartment. Dapat nga talaga sigurong kalimutan na kung ano ang nangyaring pagkakamali sa apartment. Isa lang iyong pagkakamali dahil mga lasing kami pareho pero sana naman h'wag iyon ang maging dahilan para iwanan niya ako. Ang sakit kayang maiwan lalo na kapag napamahal ka na sa kaibigan mo. Isa pa idol mo pa siya pagdating sa basketball.
Sinabihan ko rin si Hayce sa nangyari at agad siyang pumunta ng ospital matapos ang morning class niya. Alam kong nag-aalala siya doon kay Justin dahil crush na crush niya ito. Dumaan muna ako sa bahay para hanapin ang notebook na de padlock na binigay ni Hayce sakin. Nakita ko naman ito sa cabinet at agad na akong nagpunta sa ospital.
Maya-maya lang ay nakarating na ako sa ospital. Nakita ko si Hayce na nakaupo lang sa labas ng isang room at tinabihan ko siya. Malungkot siya dahil sa nangyari. Inabot ko sa kanya ang notebook na pinaabot niya sa akin baka sakaling ngumiti siya kahit saglit man lang.
Ngumiti naman siya kahit saglit, "Nakakalungkot ang nangyari sa asawa ko."
"A-Asawa mo?" pagtataka ko.
"Duh, asawa ko si Justin di'ba? Slow mo naman, Harvey. Ang gwapo mo sana kaso minsan ang bagal mong mag-catch-up." Aniya sabay pagtawa niya ng malakas at pinaghahamapas na naman ako. "Char lang, Harvey. Alam mo kahit ganyan ka ka-slow ikaw pa rin ang pipiliin kong ninong para sa magiging anak namin."
"Kumusta naman daw si Justin?" pag-iiba ko ng topic. "Ayos naman ba daw siya."
Napatingin naman siya sa akin habang napansin ko na may tumutulo na palang luha galing sa mga mata niya. Hinawakan niya ang mga balikat ko at umiiyak na nakatingin sa akin.
"Huwag! Huwag kang mabibigla."
"Huh? Baket? Anong nangyari, Hayce? Anong nangyari?" sunod-sunod kong pagtatanong pero si Hayce todo iyak lang kaya naman mas lalo akong kinabahan.
"S-Si J-Justin..." nauutal niya pang sabi.
"ANO?" tanong ko dahil gusto kong malaman kung ayos lang ba talaga si Justin. Baka kasi pinaglalamayan na pala siya.
"Si Justin p-pa-p-pa..." nauutal niya paring tugon.
"Ano? Patay na?" gulat kong tanong pagkatapos ay bigla niya akong sinampal.
"Gaga, powerful pa siya. Buhay na buhay pa. Nagpapahinga lang." natatawa niyang sabi.
"The f**k? Pinakaba mo ako doon, huh? Ang galing mong umarte." Inis kong sabi.
"Syempre, kaya nga ako minahal ni Justin eh. Yung kabaliwan ko talaga ang kaligayahan niya kaya niya ako minahal, chos."
Nakakatuwa talaga itong babaeng ito kahit na masyadong pang-nerd ang pormahan niya. Ang swerte nga ni Justin dahil kahit na gaano pa kapait ang buhay niya, may nagmamahal pa rin sa kanya. Bagay na bagay sila ni Justin kung sa tutuusin lang. Pero handa kayang magmahal si Justin sa kabila ng pait ng nararamdaman niya sa kanyang buhay? O mananatili na lang siyang suplado at sarado ang puso dahil may mga prinsipyo siya sa buhay?
"Harvey? Ikaw pala." Ani Leiv pagkalabas niya ng pintuan. "Well, kung nandito kayo para kay Justin, thanks. Okay na siya, kailangan na lang niyang magpahinga."
Napatalon-talon naman sa tuwa at saya si Hayce. "Sabi na eh, strong yang asawa ko. Kasing-strong ng relationship namin."
"Sino naman ang isang 'to?" pagtataka ni Leiv.
Natawa ako, "She's Justin's lover."
Natawa rin si Leiv habang pinagmamasdan kung gaano kasaya ngayon si Hayce. Masaya rin kami ni Leiv dahil nakikita namin kung gaano kasaya ang isang taong nagmamahal para kay Justin. Justin should know na may isang tao pa na nagmamahal sa kanya at isang dahilan na rin iyon para hindi siya kaagad sumuko sa kanyang buhay. Kahit naman siguro ako, matutuwa ako kapag nalaman kong maraming nagmamahal sa akin. Dahil sa mga taong iyon, doon ako nakakakuha ng lakas at ma-motivate na gawin pa ang mga bagay na makakabuo para sa aking tagumpay.
Kabanata 17
May Nagmamahal
May nagmamahal din ba sa inyo?
Kung mayron man, sakin din naman may nagmamahal. Siguro isa na doon ang pamilya ko, kasi kung hindi nila ako mahal. Hindi dapat ako pina-aral dito sa Maynila at hinayaan nalang nila ako na mabulok sa probinsya. Di ko rin naman pinangarap na maging magsasaka dahil mataas ang pangarap ko sa buhay. Tama na yung pagiging mahirap namin noon kaya nandito ako ngayon sa Maynila para maka-ahon. Pagtapos ko dito mag-aral, maghahanap talaga ako ng trabaho. Gusto ko maging professional employee balang araw pero at the same time maging professional basketball player din. Yung mga kasali sa PBA, ganoon. Pero mukhang malabo pa iyon sa ngayon, ni hindi ko pa nga napapatunayan ang galing ko sa basketball.
Masasabi kong mahal na mahal ako ng pamilya ko dahil palagi nila akong inaalala tuwing uuwi ako ng gabi. Mawala lang ako ng sandali at tumagal sa labas tiyak hahanapin na ako ng mahal na mahal kong nanay.
Saan ka ba kasi nagpunta? Alam mong gabi na, anak. Madilim na sa paligid. Wala ka sa Maynila. Wala ka sa apartment ni kuya Russel mo.
Opo nay, nagpunta lang naman ako sa inuman. Bertday kasi ni Junjun, yung tropa ko. Napasarap ang kwentuhan kaya yun inabot kami ng alas-onse ng gabi.
Nasanay na rin ako sa mga sermon ni nanay tuwing umuuwi ako ng gabi. Naiintindihan ko naman siya dahil nag-aalala lang siya. Naiintindihan ko kung bakit nagagalit siya tuwing umuuwi ako ng alas-onse o alas-dose dahil takot lang siya na mapahamak ako, dahil nga sa mahal niya ako. Nagagalit pa ako noon dahil sa kakasermon nila pero ngayon ko lang na-realize na mahalaga rin pala ang mga taong nag-aalala sa'yo at syempre ang mga taong nagmamahal sa'yo. Dahil sa kanila, binibigyan ka nila ng halaga para mabuhay at ma-motivate dahil mahal ka nila at ayaw nilang napapahamak ka sa maling bagay.
Pangalawa syempre ang mga kaibigan ko, mga kaklase. Isa na rito sina Jonathan at Shaira. Kung hindi dahil sa kanila, malamang bagsak na ako ngayon at late na sa mga requirements. Tinulungan nila ako sa mga projects at activities na matapos sa itinakdang deadline dahil ayaw nilang masira ang pag-aaral ko dahil lang sa basketball. Sila ang nagpatunay sa akin na kayang-kayang pagsabayin ang basketball at pag-aaral. Sa kanila ako natutong maging masipag sa lahat ng bagay kaya laking pasasalamat ko talaga sa kanilang dalawa. Kung wala sila, paano na ang tulad kong baguhan lang dito sa Maynila?
Hindi ko na isasama si Bryce na nagsilbing una kong hinangaan at naging idolo dito sa Maynila dahil kinalimutan naman niya ako dahil lang sa isang pagkakamali. Mapapatawad ko naman siya basta ba'y pansinin lang niya ako at kausapin. Nami-miss ko na rin kasi ang taong iyon, ilang araw na kaming hindi nagkakausap. Miss ko na ang paglalaro namin sa rooftop. Kung pwede ko lang ibalik ang kahapon, ang nakaraan. Hinding-hindi ko talaga hahayaan ang sarili ko na magpaubaya sa kanya. Kasalanan ko rin naman, masyado rin akong naging mapusok. Dahil rin sa kapusukan ko kaya lumayo si Bryce sa akin.
Tanggap ko rin naman na hindi na kami magiging magkaibigan ni Bryce, mayaman siyang tao. He can buy friends and he can forget me. Dahil sino ba naman ako? Isa lang naman akong mapusok at walang kwentang promdi. Pumasok lang talaga ako sa buhay niya at umepal. He's the actor and I am the audience. Mananatili lang akong lupa sa paningin niya dahil sa probinsya ako nanggaling. Ang buong akala ko mabait si Bryce at hindi nanghuhusga. Dahil lang doon sa nangyari bigla na lang niya akong iiwasan. The hell, kasalanan niya rin naman kung bakit kami umabot sa ganoong bagay pero hindi ko naman sinabing lumayo siya sa akin. I'm not upset because of what happened. O baka naman sinadya niya talagang lumayo na lang sa akin dahil pinaglaruan niya lang ako. Naging sweet siya sa akin at kinaibigan ako at pagkatapos niya akong i-f****d up bigla na lang niya akong kakalimutan na para bang hangin na lang ako sa kanyang buhay. He's f*****g goddamn s**t.
Pero kung ang pag-uusapan natin ay ang paramihan ng mga nagmamahal sa amin ni Bryce, aba'y mas mabuti pang wag na tayo mag-usap-usap dahil alam naman nating mas gwapo si Bryce sa akin. Isa na iyong dahilan para mapamahal sa kanya ang mga babae sa paligid. Maraming nagkakandarapa sa kanya lalo pa't isa siyang basketball player. Plus, mayaman pa siya kaya talo talaga ako. Wala akong laban doon mga pre. Isa lamang akong pwetan sa buong parte ng katawan niya.
Ay? Bakit pwetan? Ah basta, cute kasi ang pwetan ni Bryce. Matambok kasi ito at masarap hawakan, hehehe.
"O-Okay na ba si Justin?"
Speaking of nyetang nakalimot na si Bryce. Kakarating niya lang syempre kasama ang kanyang beautiful lover na si Lauren. Siya ang una kong sinabihan bago si Hayce tapos siya pa pala itong male-late. Walang kwentang tropa, lol.
"Ayos lang siya, Bryce. Mabuti naman at nagpakita ka, akala kasi namin ni Lowell hindi ka na darating dahil uhm... Busy ka kay Lauren." Sabi ni Leiv sa kararating lang na si Bryce. Pansin ko rin, simula noong nakilala ni Bryce si Lauren masyado na ata itong naging busy at hindi na nagpapakita sa campus. Ganoon ba talaga kapag inlove? Nagiging selfish na at nakakalimutan na ang mga kaibigan sa paligid? Di ko sinasabing ako 'to pero parang ganoon na nga.
"Aba syempre pupunta ako, tol. Si Justin 'yan eh. Mga tropa ko kayo." Tugon naman ni Bryce pero umiling lang si Leiv.
"Mabuti pa 'tong dalawang 'to." Tinuro kami ni Leiv kaya naman napatingin sa amin sina Bryce at Lauren. "Hindi sila tropa ni Bryce, pero hindi sila na-late."
"Dude naman, h'wag na nga kayo magtampo. Na-late lang kami dahil sa-" naputol ang sasabihin ni Bryce nang umepal si Leiv.
"Dahil nagromansahan pa kayo."
Nagulat kaming dalawa sa isinagot ni Leiv. Hindi namin inaasahan na ganito ang magiging tugon niya kay Bryce. Parang nakakabastos ito kay Bryce pero mabuti na lang at hindi mabilis magalit itong si Bryce.
"C'mon, dude. I'm sorry. Oo nag-s*x pa kami ni Lauren sa bahay."
Parang nakaramdam ako ng kirot sa sinabi ni Bryce. Ewan ko ba kung bakit.
"Then?" napataas ang kilay ni Leiv.
"Then... pumunta kami dito. That's why we're late. Kaya sorry, I'm so so f*****g sorry. Wala akong kwentang tropa, pero alam ko namang kaya yan ni Justin. Hindi siya mamamatay."
"Hindi siya mamamatay dahil naabutan namin siya sa 4th floor restroom. Mabuti na lang at naisipan naming tumambay doon sa pinakataas na restroom dahil mag-mamasturbate sana kami ni Lowell. Dude, please lang. Kung ayaw mo nang sumama sa amin sabihin mo lang, kami na lang ang lalayo. May girlfriend ka na eh, naiintindihan naman namin 'yun." Sabi ni Leiv at muli siyang pumasok sa kwarto kung saan nagpapagaling si Justin.
Maluwag pa ang bench na inuupuan namin ni Hayce kaya naman nakiupo rin silang dalawa ni Lauren sa tabi namin. f*****g! Ba't ko katabi ang kurimaw na ito. Gusto ko sanang makipagpalit kay Hayce ang kaso busy siya sa pagsusulat sa kanyang notebook na ibibigay niya mamaya kay Justin pagkagising. Ayoko makatabi ang lokong ito, dahil naaalala ko lang kung gaano kasakit ang maiwan ng isang kaibigan na minahal mo ng totoo.
C'mon, dude. I'm sorry. Oo nag-s*x pa kami ni Lauren sa bahay.
C'mon, dude. I'm sorry. Oo nag-s*x pa kami ni Lauren sa bahay.
C'mon, dude. I'm sorry. Oo nag-s*x pa kami ni Lauren sa bahay.
C'mon, dude. I'm sorry. Oo nag-s*x pa kami ni Lauren sa bahay.
Paulit-ulit na nagsink-in sa utak ko ang salitang sinabi ni Bryce. s*x tripper ba ang isang 'to? At isa ako sa mga naging biktima niya? What a f*****g sin! Sa likod pala ng mga mala-anghel niyang pag-ngiti, mayron siyang isang nakakatakot na hidden agenda. Ginagamit niya ang gandang lalaki niya para makapang-akit at pota isa ako sa mga naakit. I am a gay? f*****g, no!
Hindi naman ako pinalaki ng tatay ko para lang maging isang hays. Bakit ba ako nagkakaganito kay Bryce? Dapat galit ako sa kanya eh. Pero bakit bumibilis ang t***k ng puso ko ngayong nasa tabi ko siya at magkadikit pa ang aming mga katawan. Hindi ko pa rin malimutan ang bagay na nangyari sa amin sa apartment. Yung mga nangyari sa sahig, hindi ko pa rin malimutan. Nakakatangina lang talaga oh.
"Bryce, I want to buy drinks. Balik nalang ako."
"O sige, Lauren."
"Nga pala, Harvey. Naiihi ako, babalik ako wait lang." tumayo si Hayce at iniwan ang kanyang makapal na notebook.
Ilang segundo ang naging awkward matapos kaming iwanan ng mga kasama namin ni Bryce. At ngayon solo ko na ang kurimaw na ito, it's paytime. Gusto ko siyang bugbugin sa inis.
"So... Kumusta ka naman ba?"
Lalong bumilis ang t***k ng puso ko nang magsalita si Bryce.
"Sorry, alam kong nanlamig ka na matapos yung nangyari sa apartment. Sorry, Harvey. I was drunk that time, I didn't mean to f****d you up."
"TANGINAMO! GAGO!" sigaw ko sabay pinaghahampas ko ang makapal na notebook ni Hayce sa braso ni Bryce. Todo ilag pa ang gago sa ginawa ko. Kulang pa 'yan.
"Aray ko! Ba't ka nagkakaganyan?"
"Hindi ako bakla para anuhin mo! Kainis ka! Ba't ako! Bakit ako pa!" sunod-sunod kong pagsigaw pero mabuti na lang at walang tao sa paligid.
"f**k! E di'ba ginusto mo rin? Edi sana pinigilan mo ako kung ayaw mo naman pala, Harv!"
"Siraulo ka! Nilasing mo lang ako! Nakakainis, ba't ba ako nagpaubaya sa'yo noong mga panahon na iyon?" pagtatanong ko sa sarili ko.
"Syempre, ginusto mo din kaya wag ka na magreklamo. Masarap naman diba? Ayos naman ang performance ko di'ba?"
Tatayo pa sana ako para pagmumurahin siya pero biglang dumating si Lauren.
"Oh yes, babes? Nakabili ka na? Ang bilis ah."
"Nakapag-isip na ako, Bryce. I need space."
Biglang nawala ang masayang mukha ni Bryce kanina. Ramdam na ramdam ko ang biglaang pagkalungkot niya sa sinabi ni Lauren. Masakit iyon dahil lalake lang din ako at alam ko ang pakiramdaman nang masaktan.
"But... Why?" nag-iba ang tono ng boses ni Bryce at parang paiyak na siya sa mga oras na 'to.
"I still loved my ex-boyfriend. Sorry, Bryce. Naging panakip butas lang talaga kita, I still love him, I still love Jharo, I still love him... very much." Lumuluha na ngayon sa harapan namin si Lauren habang umaalis papalayo. Napabalik sa pag-upo si Bryce at saka napayuko dahil siguro sa hindi niya matanggap ang pangayayari. Masakit na nga ang ma-attached sa isang tao, mas masakit pa pala ang maging isang panakip butas.
"Ayos lang yan, tol. Karma lang 'yan. Lol" Sabi ko sa isip ko habang hinahagod ko ang likuran ni Bryce. Rinig na rinig ko ang paghikbi ni Bryce. Umiiyak siya ngayon habang nakayuko, marahil ayaw niyang ipakita sa akin kung gaano siya kapangit kapag umiiyak. Lol.
Pero seryoso, ayos lang yan. Marami pa namang ibang babae diyan. Nandyan pa naman si Hayce, ang babaeng nerd pero maharot naman. Nandyan din si Shaira na naka-one night stand mo. O kung gusto mo ng mas maluwang nandyan naman si Raiza, ang ate niyang mala-Aubrey lol.
Gustong-gusto ko yung ganito. Yung hinahagod ang likuran ni Bryce at pilit siyang pinapatahan sa pag-iyak. f**k! How I miss those times na ako ang nagpupunas ng pawis niya pagkatapos ng laro.
Huwag kang mag-alala, Bryce. May nagmamahal pa naman sa tabi mo eh, ako. Ang kaibigan mong totoo at humahanga sa galing mo at kakayahan mo. Lodi kaya kita.
"Ay ang sweet."
Bigla kong binawi ang kamay ko nang marinig ko ang boses ni Hayce. Takte? Kanina pa ba siya nandito? Nakita niya kaya kung paano ko ihagod ang likuran ni Bryce? Ang O.A ko kasi kaya naman sana wala siyang nakita. Ganoon lang talaga ako, sweet kung magmahal kahit na kaibigan pa yan.
To be continued...